Lunes, Disyembre 29, 2008

Cory must apologize on massacres in Mendiola and Hacienda Luisita

KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MGA MARALITA NG LUNSOD (KPML)
kpml_national@yahoo.com.ph
(02)2859957

LETTER TO THE EDITOR
December 28, 2008

CORY MUST ALSO APOLOGIZE ON THE MASSACRES
IN MENDIOLA AND HACIENDA LUISITA


Will the Edsa Two forces also apologize to former President Joseph Estrada for staging the Edsa Two? We don’t think so. It is historical judgment by the people, and was confirmed years later by the guilty verdict of plunder of Estrada.

Is former President Corazon Aquino really sincere in apologizing to former President Joseph Estrada in her role in Edsa Two? She is issuing the statement to show President Macapagal Arroyo of her wrongdoings during the present administration. During Edsa Two, she only called for Erap’s ouster, but if she only joined the “Resign All” call of Sanlakas, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML), and our allied organizations, she might not issue an apology to Estrada because of Arroyo.

Furthermore, if Aquino is really sincere, we suggest that she also apologize to the whole nation for many peasants killed during the Mendiola massacre in 1987, and the massacre of trade union workers in Hacienda Luisita in 2004.

In the same way, former President Joseph Estrada must also apologize to the Filipino people for he was guilty of plundering the nation, but days later were pardoned by President Gloria Macapagal-Arroyo. Estrada should also apologize to the workers, including Philippine Airlines Employees Association (PALEA), where he sided with Lucio Tan to suspend by ten years the collective bargaining agreement between the PAL management and PALEA.

Cory and Erap are hypocrites, because what they did are understandable for they are of the same league of elite and landlord class, who are enemies of the masses and the working class.


KA PEDRING FADRIGON
National President
Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML)

Biyernes, Disyembre 19, 2008

Alituntunin ng KPML

ALITUNTUNIN NG KPML
(KPML BY-LAWS)


PAGKAKASAPI

Seksyon 1. Ang regular na kasaping organisasyon ay ang mga lokal na samahang maralita, mga indibidwal at mga pandangal.

Seksyon 2. Ang Pambansang Lupong Tagapagpaganap at mga lupong tagapagpaganap ng mga balangay sa iba't ibang syudad, probinsya, o rehiyon ay hihirang ng komite sa pagsapi na hindi bababa sa tatlong katao na siyang magsusuri at magpapasya sa mga bagong kasapi.
a. Ang mga lokal na samahang sasapi ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsapi.
b. Ang mga bagong kasaping LOs, indibidwal o pandangal ay kailangang umabot sa opisyal na kaalaman at pambansang pagsang-ayon ng pambansang pamunuan.

Seksyon 3. Ang mga pandangal na kasapi ng organisasyon ay mga indibidwal na may ispesyal na kasanayan, tulad ng doktor, inhinyero, abogado, guro, mga kinatawan ng simbahan, at iba pang propesyunal na handang mag-ambag ng kanilang talento at panahon, at handang maglingkod sa mga maralita ng lunsod.

Seksyon 4. Mga indibidwal na nakikiisa sa mga layunin, simulain, prinsipyo, mga gawain at mga programa ng pagkilos ng KPML.

Seksyon 5. Ang mga indibidwal at pandangal na mga kasapi ay tatanggapin kung ang mga ito'y may sulat rekomendasyon ng tatlong kasapi ng KPML na lubos na nakakakilala sa sasapi at magsumite ng liham-mungkahi sa komite ng pagsapi na naglilinaw ng dahilan ng rekomendasyon.

Seksyon 6. Ang mga indibidwal at pandangal na kasapi ay maaaring lumahok sa mga deliberasyon ng mga usapin, magbigay ng opinyon o mungkahi, subalit hindi maaaring bumoto o mahalal sa anumang posisyon sa pamunuan, maliban kung ang mga ito ay magsasama-sama o magtitipon bilang grupo ng mga indibidwal na di bababa sa 20 katao o higit pa at magtatalaga ng kanilang mga kinatawan.

Seksyon 7. Ang mga balangay ay binubuo ng mga lokal na organisasyon na may kasaping 20 katao pataas at mga indibidwal na kasapi.

Seksyon 8. Ang mga balangay na may kasaping tatlong organisasyon pataas ay maaaring itayo sa erya o pamayanan na may malaking konsentrasyon ng mga maralita sa mga syudad, munisipalidad ng mga probinsya sa iba't ibang rehiyon.

Seksyon 9. Ang mga balangay ay itatayo sa pamamagitan ng pagbubuo ng organizing committee na binubuo ng mga indibidwal mula sa iba't ibang samahan sa erya, pamayanan, mga purok, at sityo na siyang paggaganapan at magtitiyak ng mahusay na koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na organisasyon, hanggang sa ganap na maitayo ang balangay.

Seksyon 10. Pangangasiwaan at pamumunuan ng mga balangay ang mga partikular na isyu't pakikibakang pangkomunidad sa partikular na saklaw ng balangay, at mamahala sa mga usaping may kinalaman at natatangi sa lugar na saklaw.

Seksyon 11. Ang mga maitatayong balangay ay kailangang agarang maipaabot sa kaalaman ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap, kalakip ang kabuuang impormasyon para sa opisyal na akreditasyon ng balangay.

Seksyon 12. Ang mga balangay ay malayang magpatikularisa ng mga gawain na nakabatay sa pangkalahatang plano't programa ng pagkilos mula sa sentrong pambansang organisasyon upang mapalakas at mapaunlad ang inisyatiba at dinamismo ng mga balangay, pederasyon, lokal na samahan at mga kasaping indibidwal para makaangkop sa pamamaraan sa pagtupad ng mga balak at mga gawain ng KPML.

Seksyon 13. Tinitiyak ng mga balangay sa lahat ng kasapi nitong samahan, pederasyon o mga alyansa na napapatupad ang mga plano ng gawain, pagkilos, mga panawagan, at kapasyahan ng buong organisasyon at tumalima sa mga atas ng mga namumunong kapulungan ng KPML, at tinitiyak din na napapanatiling aktibo ang mga kasaping organisasyon.

Seksyon 14. Tatlong taong singkad ang termino ng pamumuno ng mga pinuno ng mga balangay simula sa araw ng kanilang pagkahalal hangga't wala silang kahalili, na hangga't maaari'y di lalagpas ng tatlong buwan.

Seksyon 15. Ang mga sasaping organisasyon ay magbabayad ng organizational membership fee na halagang isandaang piso (P100.00) minsan lamang at tatlong piso (P3.00) isang buwan bawat indibidwal na kasapi bilang butaw na lilikumin ng regular ng responsableng lupon.

BUTAW

Seksyon 16. Ang organization membership fee ay isesentro sa Pambansang Tanggapan ng KPML.

Seksyon 17. Ang buwanang butaw na tatlong piso (P3.00) ay babahagiin sa tatlong bahagdan - piso (P1.00) sa balangay, piso (P1.00) sa rehiyon, at piso (P1.00) sa nasyunal.

Seksyon 18. Mahigpit na ipinatutupad ang bayarin ng organizational membership fee at buwanang butaw na itinakda. Ang di pagtupad nito ay itinuturing na isang paglabag sa mga alituntunin at patakaran. Alinmang kasaping organisasyon o mga indibidwal na di tumutupad ay lalapatan ng karampatang disiplina.

Seksyon 19. Ang mga ispesyal na halaga ay maaaring isagawa anumang oras ng 2/3 na boto ng mga dumalo sa pulong ng Pambansang Konseho ng mga Lider o ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 20. Ang mga kapanalig at pandangal na kasapi ay di kasama sa pagbabayad ng buwanang butaw, ngunit tatamasahin lahat ng pribilehiyo bilang kasapi maliban sa pagboto at paghawak ng posisyon sa organisasyon hanggang kasapi lamang.

ELEKSYON

Seksyon 21. Ang eleksyon ay gaganapin tuwing ikatlong (ika-3) taon, na mag-uumpisa mula nang maitatag ang mga kapulungan ng KPML (nasyunal, rehiyonal, syudad, munisipalidad at erya).

Seksyon 22. Maaaring lamang ipagpaliban ang eleksyon sa iba't ibang antas ng organisasyon kung may sasapat at balidong kadahilanan at may resolusyon ng kapasyahan ng nakatayong Konseho ng mga Lider sa pambansa, rehiyon at lokal na konseho.

Seksyon 23. Ang sistema ng halalan ng KPML sa aktwal na kongreso ay sa pamamagitan ng sekretong balota kung saan sabay na ihahalal ang lahat ng mga kagawad ng pamunuan mula Pambansang Tagapangulo, Ikalawang Pambansang Tagapangulo Panloob, Ikalawang Pambansang Tagapangulo Panlabas, Pangkalahatang Kalihim, Ikalawang Pangkalahatang Kalihim, Pambansang Ingat-Yaman, Pambansang Tagasuri, Pambansang Pinunong Tagapag-ugnay at Pambansang Pinunong Tagapamayapa.

Seksyon 24. Ang magiging batayan ng isang kandidadto para manalo sa alinmang posisyon sa aktwal na halalan ay ang pinakamaraming botong nakamit.

Seksyon 25. Ang mga kandidato ay magmumula sa iba't ibang erya, rehiyon, syudad, munisipalidad, na kinikilusan ng KPML na dumaan sa nominasyon sa mga idinaos na Pre-Congress.

Seksyon 26. Hihirangin ng Lupong Tagapagpaganap sa iba't ibang antas ng kapulungan ng KPML ang mga kasapi sa Komite sa Eleksyon na magmumula sa labas ng KPML na kanyang mga kapanalig na organisasyon.

Seksyon 27. Ipinahihintulot lamang ang mga 'proxy' o kahalili sa pagboto sa isang kondisyon na ang voting delegate ay may nakasulat na kapahintulutan sa 'proxy' para bumoto.

Seksyon 28. Hindi pinahihintulutan na mahalal sa aktwal na eleksyon ang mga kandidatong nakaliban sa aktwal na Kongreso, maliban kung may sapat at balidong kadahilanan.

Seksyon 29. Sa aktwal na eleksyon na idinaos ng Kongreso ng KPML, ang desisyon ng Komite sa Eleksyon ang siyang masusunod.

Seksyon 30. Ang sinumang mga kandidato ay may karapatang maghain ng nakasulat na reklamo sa Komite sa Eleksyon sa loob ng pitong araw pagkalipas ng aktwal na eleksyon. Hindi na tatanggapin ng Komite sa Eleksyon ang mga reklamong isinampa na lampas sa itinakdang araw ng pagpoprotesta.

PAMBANSANG KONSEHO NG MGA LIDER

Seksyon 31. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider na mula sa iba't ibang antas ng pormasyon ng pagkakaorganisa (pambansa, rehiyonal, syudad, munisipalidad, at mga erya) ang ikalawang pinakamataas na mapagpasyang kapulungan ng KPML.

Seksyon 32. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider ay itatalaga ng mga balangay mula sa iba't ibang rehiyon, syudad, munisipalidad at mga erya.

Seksyon 33. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider ay binubuo ng mga sumusunod: Siyam na kagawad ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap; apat mula sa Pambansang Punong Rehiyon (NCR), tatlo mula sa ZOTO, dalawa mula sa Perokaril, tigalawa mula sa Rizal, Iloilo, Negros, at tig-isa mula sa Bulacan at Cavite, apat mula sa pambansang komite (komite sa pag-oorganisa, edukasyon, kampanya at pinansya), at mula sa kabataan. Ang bilang ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay maaaring madagdagan sa panahong ang mga balangay ng KPML ay maitayo sa iba pang rehiyon, probinsya, syudad at munisipalidad. Ang mga kinatawan mula sa apat na pambansang komite ay itatalaga ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap at pinagkaisahan ng mayoryang bilang nito.

Seksyon 34. Lahat ng kagawad ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay inihalal o opisyal na naitalaga mula sa mga rehiyon, probinsya, syudad at munisipalidad na kinikilusan ng KPML.

Seksyon 35. Ang mga kagawad ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay manunungkulan sa loob ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang mga hahalili sa kanila.

Seksyon 36. Sa iba't ibang antas ng organisasyon, ang Konseho ng mga Lider ang siyang pangalawang pinakamataas na kapulungang mapagpasya.

MGA OPISYALES NG PAMBANSANG LUPONG TAGAPAGPAGANAP

Seksyon 37. Ang mga opisyales ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap ng KPML ay binubuo ng mga sumusunod: Pambansang Tagapangulo, Ikalawang Pambansang Tagapangulo Panloob, Ikalawang Pambansang Tagapangulo Panlabas, Pangkalahatang Kalihim, Ikalawang Pangkalahatang Kalihim, Pambansang Ingat-Yaman, Pambansang Tagasuri, Pambansang Pinunong Tagapag-ugnay at Pambansang Pinunong Tagapamayapa.

PAMBANSANG TAGAPANGULO

Seksyon 38. Ang Pambansang Tagapangulo ang siyang mamumuno sa pulong ng Pambansang Konseho ng mga Lider, Pambansang Lupong Tagapagpaganap, at Pambansang Kongreso.

Seksyon 39. Ang Pambansang Tagapangulo ang pangunahing kakatawan sa KPML sa mga opisyal na pakikipag-ugnayan sa ibang organisasyon sa loob at labas ng bansa, at tatayong opisyal na tagapagsalita ng mga posisyon at desisyon ng KPML.

Seksyon 40. Ang Pambansang Tagapangulo ang lalagda sa lahat ng opisyal na liham, transaksyon at gastusin ng KPML.

Seksyon 41. Ang Pambansang Tagapangulo ay pana-panahong nagpapatawag ng mga pulong ng mga lider ng lokal na organisasyon para sa paglilinaw ng mga desisyon hinggil sa mga mayor na usapin na may kaugnayan sa KPML, mga pagkilos, mga panawagan, at mga kapasyahan.

Seksyon 42. Ang Pambansang Tagapangulo ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PANGALAWANG PAMBANSANG TAGAPANGULO - PANLOOB

Seksyon 43. Ang Pangalawang Pambansang Tagapangulo - Panloob ang katuwang ng Pambansang Tagapangulo sa mga gawain ng panguluhan at sa pagpapatupad at paggampan sa mga gawain at tungkulin hinggil sa pang-organisasyonal na responsibilidad, at hahalili sa Pambansang Tagapangulo sa panahon na ito'y nasa labas ng bansa, may pagliban o pagkakasakit, pagbibitiw, o iba pang pangyayaring hindi maiiwasan.

Seksyon 44. Ang Pangalawang Pambansang Tagapangulo - Panloob ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PANGALAWANG PAMBANSANG TAGAPANGULO - PANLABAS

Seksyon 45.Ang Pangalawang Pambansang Tagapangulo - Panlabas ang magiging katuwang ng Pambansang Tagapangulo sa pagpapatupad at paggampan sa mga gawain at tungkulin hinggil sa gawaing adbokasya, pakikipag-alyansa, networking, at siyang hahalili sa Pangalawang Pambansang Tagapangulo sa panahong ito'y lumiban at iba pang pangyayaring di maiiwasan.

Seksyon 46. Ang Pangalawang Pambansang Tagapangulo - Panlabas ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG PANGKALAHATANG KALIHIM

Seksyon 47. Ang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang mangangasiwa sa kalihiman ng sentrong organisasyon at mga komite.

Seksyon 48. Ang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang magtitiyak sa koordinasyon at komunikasyon sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 49. Ang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang mangangasiwa at magsusumite ng regular na ulat sa pulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 50. Ang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PANGALAWANG PAMBANSANG PANGKALAHATANG KALIHIM

Seksyon 51. Ang Pangalawang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang siyang katuwang at kaagapay ng Pambansang Pangkalahahatang Kalihim.

Seksyon 52. Ang Pangalawang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang mangangalaga ng mga ispesyal na ulat at katitikan ng pulon ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 53. Ang Pangalawang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG INGAT-YAMAN

Seksyon 54. Ang Pambansang Ingat-Yaman ang siyang magtitiyak ng mahusay na pangangasiwa sa pondo't kabang-yaman at pangkalahatang badyet ng organisasyon.

Seksyon 55. Ang Pambansang Ingat-Yaman ang mangunguna sa pag-aaral at pagpaplanao ng mga proyekto sa pangangalap ng pondo sa mga programa ng organisasyon.

Seksyon 56. Tungkulin ng Pambansang Ingat-Yaman na magsagawa at magsumite ng regular na ulat ng pinansya sa pulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 57. Ang Pambansang Ingat-Yaman ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG TAGASURI

Seksyon 58. Ang Pambansang Tagasuri ang mangunguna sa pagsusuri't pag-aaral sa mga ulat-pampinansya at tutulong sa Pambansang Ingat-Yaman sa pangangasiwa ng mga gawaing pampinansya sa mga programa ng KPML.

Seksyon 59. Ang Pambansang Tagasuri ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG PINUNONG TAGAPAG-UGNAY

Seksyon 60. Ang Pambansang Pinunong Tagapag-ugnay ang mangunguna sa pagsasaayos ng isang masinop na plano sa pakikipag-ugnayan sa iba't ibang organisasyon, kasama na ang media, at mga indibidwal.

Seksyon 61. Ang Pambansang Pinunong Tagapag-ugnay ang mangunguna sa pangangasiwa at tutulong sa mga lider sa gawaing pakikipag-alyansa.

Seksyon 62. Ang Pambansang Pinunong Tagapag-ugnay ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG PINUNONG TAGAPAMAYAPA

Seksyon 63. Ang Pambansang Pinunong Tagapamayapa ang mangunguna sa pagtitiyak ng kaayusan at sistematikong kapayapaan sa panahon ng pagpupulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap at Pambansang Konseho ng mga Lider.

Seksyon 64. Ang Pambansang Pinunong Tagapamayapa ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG KALIHIMAN

Seksyon 65. Ang Pambansang Kalihiman ang magiging katuwang ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap sa implementasyon ng mga pinagkaisahang plano at mga gawain ng KPML, mga pagkilos at mga panawagan ng organisasyon, pagpapatagos ng mga desisyon sa iba't ibang komite sa ilalim ng kalihiman, subaybayan ang implementasyon ng mga plano at gawain, regular na mag-ulat, maghain ng rekomendasyon sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap at magtitiyak na naipatutupad ang mga desisyon at patakaran, at mangangasiwa sa araw-araw na gawain ng organisasyon.

Seksyon 66. Ang Pambansang Kalihiman ay binubuo ng iba't ibang komite pangunahin ang pag-oorganisa, edukasyon, kampanya, propaganda, pinansya at mga ispesyal na komite para sa partikular na plano at gawain. Ito'y direktang pamumunuan ng Pambansang Pangkalahatang Kalihim.

Seksyon 67. Regular na napupulong ng Pambansang Kalihiman ang mga pinuno ng komite sa sinasaad sa alituntuning ito at regular na mag-uulat sa pulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 68. Ang Pambansang Kalihiman ang magtataktisa ng iba't ibang usapin na may kaugnayan sa pagsasakatuparan ng pangkalahatang plano ng pagkilos ng organisasyon.

ADMINISTRATIBO, PINANSYA AT TAUHAN

Seksyon 69. Ang Administratibo, Pinansya at Tauhan ay binubuo ng Administrador ng Programa, Pambansang Ingat-Yaman at isang kagawad ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap. Tinitiyak nito ang pangangasiwa ng sentrong tanggapan, pondo ng organisasyon, mga ari-arian at tauhang fulltime o part-time at mga boluntaryong istap ng KPML.

Seksyon 70. Tungkulin ng Administratibo, Pinansya at Tauhan ang mga sumusunod:

a. Tatayong tagapamahala ng tanggapan, ari-arian, at mga tauhan ng organisasyon:
b. Magbalangkas ng mga patakaran at sistema sa pangangasiwa ng pananalapi, ari-arian at mga tauhan ng organisasyon;
c. Mangangasiwa at magtitiyak sa maayos na komunikasyon at koordinasyon sa iba pang NGOs, POs, GOs at mga institusyon sa loob at labas ng bansa;
d. Mamumuno sa pagpoproseso at magrerekomenda ng pagtanggap at pagtanggal ng mga istap;
e. Magsagawa ng ebalwasyon sa mga tauhan ng programa;
f. Regular na magsumite ng ulat sa pulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

MGA KOMITE

Seksyon 71. Ang KPML ay magpapatupad ng mga layunin at balak nito sa pamamagitan ng mga komite at programa. Ang mga komite, sa tulong ng mga istap ng programa, ay may kapangyarihang magbalangkas ng mga plano na aayon sa Prinsipyo, Layunin at Pangkalahatang Programa ng Pagkilos, at ibabatay sa mga kagyat at aktwal na pangangailangan ng mga balangay at ng buong organisasyon.

Seksyon 72. Ang mga komite ay maaaring regular o ispesyal. Ang mga regular na komite ay iiral batay sa isinasaad ng Saligang Batas at Alituntunin. Ang mga ispesyal na komite ay bubuuin ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap batay sa aktwal na pangangailangan ng organisasyon.

Seksyon 73. Ang bawat komite ay magkakaroon ng pinunong hihirangin ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap. Ang bawat komite ay may istap at kinatawan mula sa bawat balangay. Ito ay magpupulong ayon sa kanilang mapapagkasunduan o batay sa pangangailangan.

Seksyon 74. Ang bawat komite ay may tungkuling magsumite ng regular na ulat sa Pangkalahatang Kalihim o sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 75. Ang mga komite ng organisasyon at ang kanilang mga tungkulin ay ang mga sumusunod:

KOMITE SA EDUKASYON AT PAGSASANAY

Seksyon 76. Magbalangkas ng pangkalahatang kurikulum para sa organisasyon at kasapian na siyang magiging gabay at batayan sa mga pag-aaral at pagsasanay na idinaos.

Seksyon 77. Magsagawa ng mga modyul, visual aids, powerpoint presentation, ng mga pag-aaral at kursong napapaloob sa pangkalahatang kurikulum.

Seksyon 78. Magbigay ng mga pag-aaral at oryentasyon sa mga komiteng binuo ng mga balangay, pederasyon, at mga lokal na organisasyon, kasama na ang pampulitikang pag-aaral upang maitaas ang pampulitikang kamulatan ng mga kasapi.

Seksyon 79. Magbalangkas ng gabay ng pagtalalakay sa mga isyu na nakaaapekto sa mga maralita ng lunsod.

Seksyon 80. Maglunsad, mangasiwa, at magtiyak na napapatupad ang mga programa at iskedyul ng mga pag-aaral at pagsasanay.

Seksyon 81. Mapaunlad ng mga trainors / edukador mula sa hanay ng kasapian at pamunuan sa mga kasaping organisasyon.

Seksyon 82. Tiyakin na may plano sa edukasyon ang mga balangay at tumatagos ito sa mga kasaping organisasyon.

KOMITE SA PAG-OORGANISA

Seksyon 83. Tiyakin ang pagpapalawak ng kasapian ng organisasyon at magrekomenda ng pagtatatag ng mga pederasyon, balangay at lokal na organisasyong masa at pag-oorganisa ng iba pang sektor na nakabase sa mga komunidad.

Seksyon 84. Tiyakin ang aktibong paglahok ng mga kasapian sa lahat ng gawain ng organisasyon, pagbibigay ng mga pag-aaral at kasanayan hinggil sa gawaing pag-oorganisa at pagpapakilos.

KOMITE SA PANANALIKSIK, DOKUMENTASYON, PROPAGANDA AT PAMPUBLIKONG IMPORMASYON

Seksyon 85. Magsagawa ng masinop na pananaliksik, dokumentasyon at pag-databank ng mga isyu, batas, patakaran, pangyayari, balita, at mga usaping may kaugnayan o nakakaapekto sa mga maralita ng lunsod, kasama na ang mga isinagawang pagkilos ng mga maralita at ng organisasyon.

Seksyon 86. Tiyaking napapalaganap ang mga posisyon ng organisasyon hinggil sa iba't ibang isyu sa publiko at sa mga kasapian sa pamamagitan ng media, paglalabas ng mga pahayag (media advisory, press statement, press releases), pahayagan (Taliba ng Maralita) at napapanahong polyeto, praymer, atbp.

Seksyon 87. Pangasiwaan ang opisyal na pahayagan ng organisasyon at mga buwanang buletin, at tiyakin ang pamamahagi nito sa mga komunidad na kinikilusan.

Seksyon 88. Magsagawa ng feedback mechanism upang malaman ang mga reaksyon ng mga kasapian at publiko hinggil sa inilabas na mga pahayag ng organisasyon.

Seksyon 89. Pagsasaayos ng blog ng KPML (http://maralitanglunsod.blogspot.com), at pagtiyak na ito'y laging updated.

Seksyon 90. Paggawa ng modyul hinggil sa propaganda at pagbibigay ng pag-aaral hinggil sa gawaing pagsusulat at propaganda sa mga kasapian ng mga balangay ng organisasyon.

KOMITE SA KAMPANYA AT GAWAING ADBOKASYA

Seksyon 91. Pangunahan ang mga pag-aaral kung paano patatampukin ang mga isyu ng mga maralita ng lunsod sa pormang kampanya. Magsasagawa ng malinaw na plano't pag-aanalisa hinggil sa mga problema't isyu ng komunidad.

Seksyon 92. Magsagawa ng mga patakaran at programa para sa pagpapakilos ng organisasyon.

Seksyon 93. Alamin ang mga pambansa at sektoral na pagkilos o kampanya na maaaring lahukan o suportahan ng organisasyon. Magtitiyak na ang mga isyung dinadala sa mga pagkilos at kampanyang ilulunsad at dadaluhan ng organisasyon, ay alinsunod at makapagpapanday sa mga prinsipyo at alituntunin ng organisasyon, kasama na ang pagbubuo ng mga network ng mga kaibigan, alyansa at suporta ng mga maralita ng lunsod.

Seksyon 94. Tiyakin ang pagtatasa ng lahat ng mga kampanya sa bawat antas ng organisasyon.

Seksyon 95. Pagtitiyak na nakapagpapadalo ng mga maralita sa rali hinggil sa iba't ibang isyung nakakaapekto sa maralita at sa mamamayan sa kabuuan.

KOMITE SA PINANSYA

Seksyon 96. Magbalangkas ng pangkalahatang plano at programa kaugnay sa usaping pampinansya ng organisasyon.

Seksyon 97. Gumabay, magtiyak at gumawa ng pagtatasa sa mga proyekto at programa ng komite sa pinansya ng organisasyon.

Seksyon 98. Mangulekta ng butaw at kontribusyon, at manguna sa paggawa ng mga patakaran, sistema sa pinansya, at paraan ng mas mahusay na pangangasiwa ng pondo ng organisasyon.

KOMITE SA KAGALINGAN AT SERBISYO

Seksyon 99. Tumulong sa paglulunsad at pangangasiwa sa mga proyektong pang-serbisyo sa mga balangay, pederasyon at sa mga kasaping lokal na organisasyon, katulad ng pangkalusugan, pangkabuhayan, ligal, teknikal, relief, at iba pa.

Seksyon 100. Gumawa ng gabay sa pagdaraos ng mga pagsasanay sa pangangasiwa ng mga proyektong pangkabuhayan o serbisyo sa komunidad na nakabatay sa pangangailangan ng balangay, pederasyon at lokal na organisasyon.

Seksyon 101. Makipag-ugnayan sa iba't ibang institusyon na nakapagbibigay ng tulong o serbisyo sa KPML at mga kasapi nito.

Seksyon 102. Pangunahan ang pag-aaral hinggil sa mga proyektong ilulunsad na angkop sa mga balangay, pederasyon, lokal na organisasyon at mga komunidad na kinikilusan.

KOMITE SA INTERNASYUNAL NA PAKIKIPAG-UGNAYAN

Seksyon 103. PangAunahan ang pag-aaral kung paano patatampukin ang mga isyu ng mga maralita ng lunsod sa labas ng bansa.

Seksyon 104. Pangasiwaan ang pagbubuo ng programa at mga patakaran sa exposure para sa dayuhang bisita ng KPML.

Seksyon 105. Tiyaking regular na nauugnayan ang mga nabuong kontak mula sa loob at labas ng bansa.

KOMITE SA KABABAIHAN AT GAWAING PANGKABUHAYAN

Seksyon 106. Pangunahan at tiyakin na integral sa lahat ng aspeto ng gawain at pagkilos ng organisasyon ang usapin ng kababaihan at aktibo nilang paglahok.

Seksyon 107. Makipag-ugnayan sa iba't ibang NGOs, POs, at GOs na ang tutok ng kanilang gawain ay sa usapin ng kababaihan at pangkabuhayan.

Seksyon 108. Tumulong sa pag-oorganisa at pagmumulat sa mga kababaihan sa mga komunidad.

PONDO AT BAYARIN

Seksyon 109. Ang batayang pondo ng pananalapi ng KPML ay magmumula sa bayad sa pagsapi at buwanang butaw ng mga indibidwal na kasapi, mga proyektong pampinansya at mga kontribusyon.

Seksyon 110. Ang mga sasaping organisasyon, matapos tanggapin bilang kasapi ay magbabayad sa pagsapi ng halagang isandaang piso (P100.00) minsanan lamang. At magbabayad ang mga indibidwal na kasapi ng buwanang butaw na halagang tatlong piso (P3.00) lamang.

Seksyon 111. Ang pamunuan ng KPML ay maaaring magpataw ng mga natatanging buwis sa mga indibidwal na kasapi, ayon sa mapapagkasunduan.

Seksyon 112. Ang KPML ay mangangalap din ng pondo, lohistika at suporta mula sa mga kaalyado sa loob at labas ng bansa at ang pondong makakalap ay ipantutustos sa mga pangangailangan ng buong organisasyon.

Seksyon 113. Ang talaan ng pampinansya ay bukas sa pagsusuri ng lahat ng mga kasapi ng KPML sa oras lamang ng opisina.

Seksyon 114. Ang lahat ng pondo na malilikom ng KPML ay dapat ideposito ng Pambansang Ingat-Yaman sa isang marangal na bangko sa pangalan ng organisasyon at walang bayarin ang maaaring gawin maliban na lamang kung ang pagkakautang ay sinang-ayunan ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap at nilagdaan ng Pambansang Tagapangulo.

PAGBIBITIW

Seksyon 115. Ang sinumang indibidwal na kasapi ng KPML ay maaaring magbitiw anumang oras ngunit kailangang may nakasulat na paliwanag ng pagbibitiw at makipag-usap sa pamunuan ng organisasyon o sa kinauukulang organo ng KPML sa iba't ibang antas ng pagkakaorganisa.

PAGTITIWALAG

Seksyon 116. Alinman sa mga probisyon nitong alituntunin at patakarang nasasaad dito ay maaaring maging dahilan ng paglalapat ng aksyong pandisiplina sa sinumang kasapi o pinuno ng KPML na napatunayang lumabag, gaya ng mga sumusunod:

a. Paglabag sa Saligang Batas, Alituntunin at Permanenteng Patakaran.
b. Hindi pagtupad sa mga tungkulin at gawaing iniatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.
c. Pagsabotahe sa mga plano ng pagkilos at panawagan, layunin, at prinsipyo ng organisasyon.
d. Tatlong sunud-sunod na di pagdalo sa pulong ng walang paliwanag at walang nakasulat na dahilan.
e. Pag-abuso sa katungkulan at paggamit sa kanyang posisyon upang mapagtakpan ang kapabayaan sa tungkulin at gawain.
f. Paggamit at paglustay ng pinansya at / o rekurso ng organisasyon nang walang kapahintulutan ang Pambansang Lupong Tagapagpaganap.
g. Pang-aabusong sekswal sa kababaihan, tulad ng mga sumusunod:
(1) Rape
(2) Panghihipo sa maseselang bahagi ng katawan ng babae o ng lalaki
(3) Malalaswang salita
(4) Mga imoral na relasyon, pakikiapid, pambababae, panlalalaki
h. Paninira / pang-aalipusta sa organisasyon, pamunuan, at mga kasapian.
i. Pagmumura, panlalait, paninira, at pang-iintriga sa organisasyon
j. Pisikal na pananakit

Seksyon 117. Ang anumang reklamo laban sa sinumang pinuno o kasapi ng KPML sa iba't ibang antas ng organisasyon ay kinakailangang magsumite ng paabiso sa pamamagitan ng liham na ipaaabot sa kinauukulang responsableng pinuno, kaninuman sa opisyales ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 118. Sa kaso na ang pangulo ang nasasangkot o nirereklamo o alinman sa mga Pambansang Lider, matapos mapatunayang balido ang reklamo ay kagyatang magsasagawa ang Konseho ng mga Lider sa kaukulang antas ng organisasyon ng kagyatang paglalapat ng preventive suspension sa nirereklamo, at kagyatang magsagawa ng pagsisiyasat sa reklamo.

Seksyon 119. Karapatan ng sinumang nahahabla, pinuno man o kasapi na mabigyan ng kopya ng reklamo at sagutin sa loob ng itinakdang panahon.

Seksyon 120. Ang Lupong Tagapagpaganap, ayon sa antas ng organisasyon, ay hihiran ng Komite sa Pribilehiyo na siyang magsusuri sa mga paglabag at irerekomenda ang resulta ng kanilang pagsusuri sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 121. Ang anumang aksyong pandisiplina na igagawad sa sinumang pinuno at kasaping organisasyon ay pagpapasyahan ng Konseho ng mga Lider sa kaukulang antas ng organisasyon.

Seksyon 122. Ang sinumang pinuno o kasapi na sinampahan ng kaso o reklamo ay kailangang magpaabot ng nakasulat na paliwanag ng kanyang panig at ipaabot sa Lupong Tagapagpaganap sa loob ng isang linggo pagkatapos matanggap ang pabatid na reklamo.

Seksyon 123. Ang sinumang kasapi ng KPML ay maaaring itiwalag dahil sa rekomendasyon ng mayorya ng Komite sa Pribilehiyo at aprubado ang rekomendasyon ng simpleng mayorya ng mga kagawad ng Konseho ng mga Lider na dumalo sa pulong para sa ganitong layunin.

KORUM

Seksyon 124. Ang gagamiting pamantayan para maging balido ang mga pulong at desisyon ng organisasyon ay mahigit kalahati ng kailangang dumalo sa pulong at mahigit kalahati ng bumoto sa desisyon o simpleng mayorya (50% + 1).

PATAKARANG PARLAMENTARYO

Seksyon 125. Patakarang parlamentaryo ang gagamiting paraan ng talakayan sa lahat ng pulong na gagamitin ng KPML para maiwasan ang salimbayan ng usapin at upang mapairal sa loob ng organisasyon ang propesyonalismo sa pangangasiwa ng mga pulong. Sa ganitong layunin ay magtatalaga ng kaukulang Komite sa Pribilehiyo, Etika, at Patakaran.

Seksyon 126. Ang sinumang kagawad ng pamunuan sa iba't ibang antas ng kapulungan na magpabaya sa tungkuling iniatas sa isang partikular na pulong ay pupunahin.

Seksyon 127. Ang sinumang kagawad ng pamunuan na lumiban sa pulong ng walang liham o balidong kadahilanan ay papaabutan ng puna, matinding puna sa susunod na paglabag at suspensyon sa ikatlong huling paglabag.

Seksyon 128. Walang kasapi na maaaring bigyan ng permiso na magsalita ng higit sa tatlong beses na hindi lalagpas sa tatlong minuto at isang beses lamang magsasalita sa iisang katanungan.

Seksyon 129. Walang sinuman, maliban sa kasapi, ang maaaring magsalita para sa organisasyon maliban kung ang isang tao na hindi kasapi ay binigyan lamang ng karapatan kung may kapahintulutan ng organisasyon upang magsalita, maglahad sa layunin na makakatulong sa paglilinaw at paglutas ng mga usapin.

Seksyon 130. Lahat ng mungkahing resolusyon ay nararapat na pormal na nakasulat at ipiprisinta na may lagda ang kinauukulang nagmumungkahi ng resolusyon, maging ito ay mula sa lokal na organisasyon, tsapter, pederasyon, at rehiyon sa pambansang pamunuan ng KPML upang pag-aralan, suriin at pagpasyahan.

SUSOG

Seksyon 131. Ang Alituntuning ito ay maaaring susugan sa alinmang regular na pulong ng simpleng mayorya ng Pambansang Konseho ng mga Lider sa paabiso ng mungkahing susog ay naibigay sa bawat isa sa nakaraang pulong at ito'y sinang-ayunan.

PAGPAPATIBAY

Seksyon 132. Ang Alituntuning ito ay magkakabisa matapos susugan at pagtibayin ng Ikatlong Pambansang Kongreso ng KPML na isinagawa sa Brgy. Hall ng Barangay Damayang Lagi, Lunsod ng Quezon, Hulyo 29, 2007.

Huwebes, Disyembre 18, 2008

Saligang Batas ng KPML

SALIGANG BATAS NG KPML

PREAMBULO

Kami, ang mga maralita ng lunsod, may antas ng kamalayang pampulitika at kamulatan sa uri, batid ang aping kalagayan ng kawalan ng disente, maayos at tiyak na paninirahan, dumaranas ng matinding kahirapan ng pamumuhay at karahasan dulot ng maling sistemang umiiral na itinataguyod ng naghaharing uri pangunahin na ang globalisasyon; dulot nito’y malaganap na kaapihan, kawalan ng katarungang panlipunan, at panlipunan at pang-ekonomyang kapangyarihan; mababang pagtingin sa mga kababaihan; mithiin ang pagbabago ng lipunan; nagnanais ng isang sosyalistang kaayusan ng lipunan na may katarungan, pagkakapantay-pantay at may kaunlaran, na may dignidad na pamumuhay para sa lahat; may pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran; nananalig at may tiwala sa masa at sa kapangyarihan ng mayoryang bilang ng mamamayan, ay nagbibigkis sa ganitong mga adhikain at mga simulain, na nagtatadhana at nagpapahayag ng Saligang Batas at mga Alituntunin.

ARTIKULO I
PANGALAN, TANGGAPAN AT PAGKAKAKILANLAN

Seksyon 1. Ang organisasyong ito ay tinatawag na KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MARALITANG LUNSOD o KPML.

Seksyon 2. Ang sentrong tanggapan ng KPML ay itatayo sa loob ng Kalakhang Maynila, o sa lugar na pinagpasyahan ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 3. Ang KPML ay makikilala sa mga sumusunod:
a. Bandilang kulay pula na dalawang yarda ang haba at isang yarda ang lapad.
b. Nakasulat sa gitna ng bandila ang mga titik na KPML sa kulay dilaw na may sukat na apat na talampakan ang haba at dalawang talampakan ang taas.

Seksyon 4. Ang opisyal na selyo ng KPML ay bilog na bakal na may diyametrong apat na sentimetro (4 cm.) kung saan nakaukit paikot ang mga katagang KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MGA MARALITA NG LUNSOD, at sa gitna ay nakasulat ang KPML at Disyembre 18, 1986.

ARTIKULO II
PAHAYAG NG MGA PRINSIPYO

Seksyon 1. Ang KPML ay naniniwala na ang lahat ng kapangyarihang pang-organisasyon ay nagmumula sa kasapian.

Seksyon 2. Naniniwala ang KPML sa lakas at kapangyarihan sa iba’t ibang kakayahan at kaalaman ng sambayanan na paunlarin at baguhin ang lipunan.

Seksyon 3. Ang pakikipaglaban sa mga problema’t kahilingan at mga demokratikong karapatan ay pangunahing tungkulin ng mga organisasyon at mga kasapian ng KPML. Ang kasapian ay maaaring atasan ng organisasyon sa pamamagitan ng kanyang Saligang Batas at mga alituntunin na magkaloob ng personal na serbisyo at suporta sa mga nakatakdang gawain at mga pangangailangan.

Seksyon 4. Bilang sosyalistang organisasyon, itinatakwil ng KPML ang pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon, dahil ito ang pinag-uugatan ng malaganap na kaapihan, kahirapan at pagsasamantala ng tao sa kapwa tao.

Seksyon 5. Kinikilala ng KPML ang malaki at napakahalagang tungkulin ng kabataan at ng mga kababaihan sa pagbubuo ng mga organisasyon sa mga komunidad na magtataguyod ng kanilang kabutihang kaisipan, tungo sa pagbabago ng kasalukuyang bulok na sistema ng lipunan.

Seksyon 6. Naniniwala ang KPML na ang mga kababaihan ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagbabago at pag-unlad ng buong lipunan at dapat na magtamasa ng pantay na mga karapatan at dapat kilalanin ng lipunan.

Seksyon 7. Kinikilala rin ng KPML ang kahalagahan at pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran dahil walang saysay anuman ang mga pagsisikap sa kaunlaran kung patuloy na winawasak ng tao at ng sistema ang likas na yaman at kalikasan.

Seksyon 8. Naniniwala ang KPML na maaaring baguhin at lumaya ang mamamayan sa kahirapan at kawalang katarungan kung ganap na maitatayo ang isang sosyalistang lipunan at paglikha ng yaman na aariin ng lahat sa halip na iilan lamang at magkaroon ng tunay na kasaganaan para sa lahat ng mamamayan.

Seksyon 9. Naniniwala ang KPML na ang isang sosyalistang kaayusan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng mahigpit na pagkakaisa, sama-sama at tuloy-tuloy na pagkilos ng mga maralita ng lunsod, ng mga manggagawa, at ng buong sambayanan.

Seksyon 10. Naniniwala ang KPML na ang globalisasyon ang bagong anyo ng pananakop at pang-aalipin ng mga mayayaman at maunlad na bansa sa mga bansang mahihirap at magdudulot ng patuloy at higit pang kahirapan ng mga maralita ng lunsod, ng manggagawa, at ng buong sambayanan.

ARTIKULO III
KATANGIAN NG ORGANISASYON

Seksyon 1. Ang KPML ay isang kumpederasyon na binubuo ng iba’t ibang mga samahan sa komunidad na nagbibigkis sa pormasyon ng mga lokal na samahan, balangay, pederasyon, asosasyon at alyansa na matatagpuan sa iba’t ibang pamayanan at erya ng Pambansang Punong Rehiyon-Rizal, Cavite, Bulacan, Panay-Guimaras, Negros, Cebu, at ng mga indibidwal sa mga sentrong pamayanan at kalunsuran ng iba pang rehiyon na maitatayo ang KPML.

Seksyon 2. Ang KPML ang tumatayong sentrong pampulitika at sosyalistang organisasyon ng mga maralita na may pangunahing tungkuling isulong at ipaglaban ang mga lehitimong karapatan at mga kahilingan ng mga maralita ng lunsod.

Seksyon 3. Sa panahon ng halalan, ang KPML ay tatayong makinarya sa eleksyon bilang pagkilala sa gawaing parlyamentaryo, malayang magpasya sa susuportahang partido, mga kandidato sa lokal at nasyunal sa pamamagitan ng mga patakarang gagabay at kaukulang makinaryang itatayo.

ARTIKULO IV
KASAPIAN

Seksyon 1. Ang regular na kasapi ng KPML ay ang mga maralita ng lunsod na natitipon sa iisang organisasyon sa mga komunidad ng Pambansang Punong Rehiyon-Rizal, Cavite, Bulacan, Panay-Guimaras, Negros, Cebu, at sa mga sentrong pamayanan at kalunsuran ng iba pang rehiyon ng bansa.

Seksyon 2. Ang mga rekisitos sa pagsapi ay ang mga sumusunod:
a. Organisasyonal at direktang pagsapi sa KPML na ang indibidwal na kasapian ay hindi bababa sa dalawampung katao at higit pa.
b. Aktibong kumikilos para isulong ang mga usapin ng komunidad at mga karapatan ng mga mamamayan.
c. May resolusyon sa pagsapi, kasama ang organizational at community profiles.
d. Mga indibidwal na nakikiisa sa mga layunin, simulain, gawain, prinsipyo, at mga programa ng pagkilos ng KPML.
e. Handang sumunod sa Saligang Batas, Alituntunin, Pangkalahatang Programa, Pagkilos, mga Pinagtibay na Patakaran, Resolusyon, mga Atas (memorandum), at mga Panawagan ng KPML.
f. Ang mga indibidwal at mga pandangal ay maaaring sumapi sa KPML kung inirekomenda ng tatlong tao na kasapi ng KPML na lubos na nakakakilala sa indibidwal o pandangal na sasapi. Handa itong magbigay ng panahon sa KPML, suportang material, pinansya, handang umako ng gawain at tungkulin, at magbahagi ng kaalaman at talino sa organisasyon.
g. Sa panahon ng halalan ng KPML, ang mga indibidwal ay maaaring lumahok at kumatawan sa 20 indibidwal na kasapi, na dumaan sa proseso bilang grupo at inihalal.

Seksyon 3. Ang lahat ng sasaping organisasyon at mga kasapian nito, mga pandangal na kasapi, at mga indibidwal na kasapi, ay dapat na tapos at naunawaan ang Oryentasyon ng KPML, Saligang Batas, Alituntunin, Bisyon, Misyon, at Hangarin ng KPML.

ARTIKULO V
KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA KASAPI

Seksyon 1. Ang mga karapatan ng mga kasapi ng KPML ay ang mga sumusunod:
a. Organisasyonal na kasapi: Maghalal at mahalal sa alinmang posisyon alindunod sa mga patakaran hinggil sa pagboto at kwalipikasyon ng mga kandidato; pumaloob sa anumang komite sa sentro, balangay, pederasyon at lokal na organisasyon.
b. Organisasyonal, indibidwal, at mga pandangal na kasapi; malayang makipagtalakayan sa mga kapulungan ukol sa anumang usapin.
c. Magpaabot ng anumang mungkahi, puna, reklamo, o rekomendasyon sa mga kinauukulang komite.
d. Mapaabutan ng anumang kopya ng mga ulat, kalatas, pahayagang Taliba ng Maralita, pahayag at iba pang mga lathalain ng organisasyon.
e. Makatarungang paglilitis kung nahahabla sa anumang kaso ng paglabag sa disiplina, Saligang Batas, Alituntunin at Patakaran ng organisasyon.
f. Magbitiw bilang kasapi ng KPML sa pamamagitan ng pormal na pagsusumite ng liham at pakikipag-usap sa kinauukulang opisyal, komite o tauhan ng KPML.
g. Magtamasa ng iba pang mga pribilehiyo na maaaring ipagkaloob ng KPML.

Seksyon 2. Ang mga tungkulin ng mga kasapi ng KPML ay ang mga sumusunod:
a. Tumalima sa Saligang Batas, Alituntunin, Pinagtibay na mga Patakaran, at mga panawagan ng sentrong organisasyon.
b. Buong sigasig na tumupad sa mga atas na gawain at desisyon ng organisasyon na humihingi ng kagyat at mahigpit na pagkakaisa.
c. Aktibong dumalo sa lahat ng pulong at masiglang lumahok sa mga talakayan, pag-aaral at mga pagsasanay, o sa anumang panawagan at pagkilos ng organisasyon.
d. Tumulong sa pagpapalawak at pagpapatatag ng organisasyon at masigasig na nagpapalaganap ng layunin, simulain, bisyon, misyon at hangarin ng KPML.
e. Magbayad ng buwanang butaw, bayad sa pagsapi, at kontribusyon na hinihingi ng organisasyon na pana-panahon na gagamitin sa mga aktibidad ng KPML.
f. Maagap na mag-ulat sa organisasyon hinggil sa kalagayan ng lokal na organisasyon, kalagayan ng komunidad, at mga gawain na iniatas.
g. Pangalagaan ang integridad at moralidad ng organisasyon, mga lider at mga kasapian.
h. Mag-ambag ng mga kaalaman hinggil sa iba’t ibang larangan ng gawain para sa ikalalakas ng pamumuno ng KPML, sa pagsusulong ng kagalingan ng maralita.

ARTIKULO VI
PAMBANSANG KONGRESO

Seksyon 1. Ang Pambansang Kongreso ang pinakamataas na kapulungan ng KPML. Binubuo ito ng mga delegado mula sa rehiyon (balangay, pederasyon), Pambansang Konseho ng mga Lider, at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 2. Idaraos ang Pambansang Kongreso isang beses tuwing ikatlong taon, at ang ispesyal na Kongreso ay maaaring ipatawag sa kahilingan ng simpleng mayorya (50%+1) ng Pambansang Konseho ng mga Lider.

Seksyon 3. Ang kapangyarihan ng Pambansang Kongreso ay ang mga sumusunod:
a. Magpatibay ng Saligang Batas, Alituntunin, mga Resolusyon at Programa ng Pagkilos.
b. Maghalal ng Pambansang Pamunuan.
c. Magpawalang-bisa ng mga programa ng pagkilos, o anumang kapasyahan ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

ARTIKULO VII
PAMBANSANG KONSEHO NG MGA LIDER

Seksyon 1. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider ang ikalawang pinakamataas na kapulungan habang hindi nagaganap ang Pambansang Kongreso.

Seksyon 2. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider ay binubuo ng mga kagawad ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap, mga kinatawan mula sa iba’t ibang rehiyon, probinsya, lunsod o munisipalidad at pinuno ng pambansang komite sa pag-oorganisa, kampanya, propaganda, edukasyon at pinansya, at kinatawan mula sa kabataan. Ang bilang ng konseho ay maaaring madagdagan sa panahon na maitayo ang mga balangay sa iba’t ibang rehiyon at komite sa antas-pambansa.

Seksyon 3. Ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang rehiyon, probinsya, lunsod o munisipalidad ay itinakda o inihalal ng kanilang mga tsapter sa eryang pinanggalingan.

Seksyon 4. Ang mga kapangyarihan at tungkulin ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay ang mga sumusunod:
a. Magbuo o kaya’y magpawalang-bisa ng mga pangkalahatang patakaran, resolusyon, programa ng pagkilos, ayon sa isinasaad ng Saligang Batas.
b. Magbalangkas ng mga gabay na makakatulong sa pagpapatupad ng mga plano at gawain, magpasya sa mga samutsaring usapin na may kinalaman sa organisasyon at kapakanan ng buong kasapian.
c. Punuan ang bakanteng posisyon ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap at Pambansang Konseho ng mga Lider.
d. Magtakda ng bilang ng mga delegado, petsa at aktwal na Pambansang Kongreso.
e. Ang mga kagawad ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay manunungkulan ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang hahalili sa kanila.

ARTIKULO VIII
PAMBANSANG LUPONG TAGAPAGPAGANAP

Seksyon 1. Ang Pambansang Lupong Tagapagpaganap ay binubuo ng Pambansang Tagapangulo, Ikalawang Tagapangulo Panloob, Ikalawang Tagapangulo Panlabas, Pangkalahatang Kalihim, Ikalawang Pangkalahatang Kalihim, Ingat-Yaman, Tagasuri, Pinunong Tagapag-ugnay at Pinunong Tagapamayapa.

Seksyon 2. Ang kapangyarihan at tungkulin ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap ay ang mga sumusunod:
a. Tiyakin na naipatutupad ang kabuuang programa ng pagkilos at iba pang patakaran ng Pambansang Konseho ng mga Lider.
b. Pangasiwaan at subaybayan ang lahat ng mga pagkilos, plano’t mga gawain at mga proyekto ng organisasyon.
c. Mag-atas at magbuo ng mga kinakailangang komite at istraktura na makakatulong sa pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng gawain.
d. Gabayan at mahigpit na subaybayan ang mga pagkilos ng mga rehiyon.
e. Magbalangkas ng mga patakaran sa editoryal na pahayagan ng organisasyon at pagtitiyak ng regular na paglalabas nito.
f. Regular na mag-ulat sa pulong ng Pambansang Konseho ng mga Lider.
g. Gumampan ng iba pang gawain na iniatas ng Pambansang Kongreso at ng Pambansang Konseho ng mga Lider
h. Ang mga kagawad ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap ay manunungkulan ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang hahalili sa kanila.

ARTIKULO IX
PANGREHIYONG KONSEHO NG MGA LIDER

Seksyon 1. Ang Pangrehiyong Konseho ng mga Lider ay binubuo ng Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap at mga kinatawan mula sa iba't ibang lalawigan, lunsod at munisipalidad at mga pinuno ng mga pangrehiyong komite sa pag-oorganisa, kampanya, edukasyon at pinansya.

Seksyon 2. Ang mga kinatawan ng iba't ibang rehiyon, lalawigan, lunsod at munisipalidad ay itinakda o inihalal ng mga balangay sa kanilang mga eryang pinanggalingan.

Seksyon 3. Ang mga kapangyarihan at tungkulin ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider ay ang mga sumusunod:
a. Maghain ng mga pangrehiyong resolusyon, programa ng pagkilos sa Pambansang Konseho ng mga Lider, batay sa isinasaad sa Artikulo VII, Seksyon 4-a ng Saligang Batas na ito.
b. Magbalangkas ng mga gabay na makakatulong sa pagpapatupad ng mga plano at gawain, magpasya sa mga samu't saring usapin na may kinalaman sa pangrehiyongorganisasyon at kapakanan ng buong kasapian.
c. Punuan ang bakanteng posisyon ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider at Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap
d. Magtakda ng bilang ng mga delegado, petsa at aktwal na Pangrehiyong Kongreso.
e. Ang mga kagawad ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider ay manunungkulan ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang hahalili sa kanila.

ARTIKULO X
PANGREHIYONG LUPONG TAGAPAGPAGANAP

Seksyon 1. Ang Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap ay binubuo ng Pambansang Tagapangulo, Ikalawang Tagapangulo Panloob, Ikalawang Tagapangulo Panlabas, Pangkalahatang Kalihim, Ikalawang Pangkalahatang Kalihim, Ingat-Yaman, Tagasuri, Pinunong Tagapag-ugnay at Pinunong Tagapamayapa.

Seksyon 2. Ang kapangyarihan at tungkulin ng Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap ay ang mga sumusunod:
a. Tiyakin na naipatutupad ang kabuuang programa ng pagkilos at iba pang patakaran ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider.
b. Pangasiwaan at subaybayan ang lahat ng mga pagkilos, plano't mga gawain at mga proyekto ng organisasyon.
c. Mag-atas at magbuo ng mga kinakailangang komite at istraktura na makakatulong sa pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng mga gawain.
d. Gabayan at mahigpit na subaybayan ang mga pagkilos ng mga rehiyon.
e. Magbalangkas ng mga patakaran sa editoryal na pahayagan ng organisasyon at pagtitiyak ng regular na paglalabas nito.
f. Regular na mag-ulat sa pulong ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider.
g. Gumampan ng iba pang gawain na iniatas ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider.
h. Ang mga kagawad ng Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap ay manunungkulan ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang mga hahalili sa kanila.

ARTIKULO XI
PULONG

Seksyon 1. Pambansang Konseho ng mga Lider
a. Magpupulong ang Pambansang Konseho ng mga Lider tuwing ikalawang Sabado ng ikatlong buwan. Maaaring ipatawag ang ispesyal na pulong ayon sa pangangailangan.

Seksyon 2. Pambansang Lupong Tagapagpaganap
a. Magpupulong ang Pambansang Lupong Tagapagpaganap tuwing huling Lunes ng bawat buwan. Maaaring ipatawag ang ispesyal na pulong ayon sa pangangailangan.

Seksyon 3. Mga Pangrehiyong Konseho ng mga Lider
a. Magpupulong ang mga Pangrehiyong Konseho ng mga Lider tuwing ikalawang Sabado ng ikatlong buwan. Maaaring ipatawag ang ispesyal na pulong ayon sa pangangailangan.

Seksyon 4. Mga Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap
a. Magpupulong ang mga Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap tuwing huling Lunes ng bawat buwan. Maaaring ipatawag ang ispesyal na pulong ayon sa pangangailangan.

ARTIKULO XII
SUSOG

Seksyon 1. Ang Saligang Batas at Alituntunin ay maaaring susugan sa kapasyahan ng simpleng mayorya (50% + 1) ng Pambansang Konseho ng mga Lider.

Seksyon 2. Ang mga panukalang susog ay dapat ipaabot sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap o sa Preparatory Committee nito tatlumpung (30) araw bago dumating ang aktwal na Kongreso.

Seksyon 3. Ang sinumang kagawad ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganao na binubuo ng tatlong (3) tao, kasama ang program administrator ng KPML, ay maaaring humirang ng mga indibidwal na magiging kagawad ng NCL at NEC ayon sa kalagayan, gaya ng mga sumusunod:
a. Umaabot na sa 1/3 ng mga kagawad ng isang kapulungan ang lumiban, nagbitiw sa katungkulan o hindi na makatupad ng gawain;
b. Umiiral ang gipit na kalagayan at hindi na makapagdaos ng pulong, halalan o hindi makairal ang mga regular na gawain ayon sa isinasaad ng Saligang Batas at Alituntunin.

ARTIKULO XIII
PAGPAPATIBAY

Seksyon 1. Magkakabisa ang Saligang Batas at Alituntuning kaakibat nito matapos susugan at pagtibayin ng lahat ng mga delegado ng Ikatlong Pambansang Kongreso ng KPML, na isinagawa sa Brgy. Hall ng Brgy. Damayang Lagi, Lungsod ng Quezon, ngayong ika-29 ng Hulyo, 2007.

Linggo, Hulyo 20, 2008

Mensahe ng Pakikiisa ng KPML sa PMT

MENSAHE NG PAGKAKAISA

Binasa ni Ka Pedring Fadrigon, tagapangulo ng KPML noong ika-19 ng Hulyo, 2008, sa Kongreso ng Pagkakatatag ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT), sa PUP Gymnasium, Sta. Mesa, Maynila

Mga kasamang manggagawa at maralita sa sektor ng transportasyon, isang maalab ng pagbati ang ipinaaabot ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML) sa dakilang araw ng Kongreso ng Pagtatatag ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT).

Nais naming simulan ang mensaheng ito sa isang katanungan na mula sa pagyayabang ng gobyerno: “Ramdam nyo ba ang kaunlaran?” Laganap na ang kahirapan, lalo na sa ating mga drayber. Biglang nagtaasan ang presyo ng bigas, lalo na ang presyo ng langis. Kaya ang naiuuwi na lang nating kita sa ating pamilya ay lalong nagkulang. Kaya ramdam natin ay hindi kaunlaran, kundi kasinungalingan ng pamahalaang Arroyo.

Ramdam natin ang kahirapan. Maraming mga drayber ng pampasaherong dyip, bus, taksi, tricycle, pedicab, ang kabilang sa mga naghihirap sa lipunan. Tayo ang nagpapaikot ng gulong ng kalakalan ngunit tayo pa ang naghihirap. Bakit ganito? Dahil tayo’y nabubuhay sa ilalim ng lipunang kapitalismo. Lipunang para lamang sa mayayaman. Alam nyo ba na noong 2006, ang pinagsamang kita ng 10 pinakamayamang Pilipino ay $15.6B na katumbas na taunang kita ng 52M mahihirap na Pilipino? Alam nyo ba na sa bawat sampung porsyentong pagtaas ng presyo ng pagkain, nadadagdagan ng 2.3M Pilipino ang naghihirap? Alam nyo ba na sa bawat sampung porsyentong pagtaas ng presyo ng langis, may 160,000 Pilipino ang naghihirap? Ramdam nyo ba ang kaunlaran? Kung noon tayong maralita ay nakakakain pa ng apritada, ngayon, ang binibili na lang ng maralita ay noodles na apritada flavor. Paano pa tayo nito mabubuhay ng maayos upang mapakain ng tatlong beses kada araw ang ating pamilya? Paano pa natin mapapag-aral ang ating mga anak?

Tayo ay nabubuhay sa lipunang kapitalismo. Ang kapitalismo ang lipunang pinaghaharian ng mayayaman habang inaalipin ang mga mahihirap tulad natin. Ang kapitalismo ang sistema ng lipunang nagkakamal ng malalaking tubo para sa mga pribadong kumpanya at nagkokontrol ng presyo ng langis. Ang kapitalismo ay lipunang lalong nagbabaon sa atin sa lalo’t lalong kahirapan. Ang lipunang kapitalismo ay hindi natin lipunan. Ang lipunang kapitalismo ay ibinabagsak ng lahat ng nagkakaisang manggagawa sa lipunan.

Ngayon ang lipunang kapitalismo ay nasa krisis. Krisis na hindi matugunan ng globalisasyon o imperyalismo kung hindi manggigera para sa langis, kung hindi babansagang terorista ng US ang mga kalabang bansa. Krisis na lalong nagpapalaki ng agwat ng mahirap at mayaman.

Mga kasama sa Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon, dapat tayong magkaisa. Manggagawa’t maralita ay magkaisa. Drayber at lahat ng mahihirap ay magkaisa. Lahat ng manggagawa saanmang panig ng bansa ay magkaisa! Manggagawa sa lahat ng bansa, magkaisa! Itayo natin ang sariling lipunan para sa ating mga naghihirap. Tanggalin natin sa pribadong kamay ng iilang mayayaman ang kanilang kontrol sa mga negosyo, bansa at lipunan.

Maghanda tayong manggagawa sa pagkontrol at pamamahala sa lahat ng pabrika. Maghanda tayong mga manggagawa sa transportasyon na maging kaakibat ng buong uring manggagawa upang ibagsak ang mnapang-aping rehimeng Arroyo na laging nagpapahirap sa atin. Maghanda tayong mga manggagawa upang labanan ang ating mga kaaway sa uri – ang burgesya, mga elitista, mga mayayaman at mga kapitalista. Maghanda tayong mga manggagawa na isulong ang pagtatayo ng sarili nating lipunan. Maghanda tayong itatag ang isang lipunang sosyalismo.

Mabuhay ang PMT! Mabuhay ang mga maralita! Mabuhay ang mga manggagawa sa transportasyon. Mabuhay ang uring manggagawa!

Lunes, Hunyo 30, 2008

Katipunan ng Maralita sa Timog Katagalugan (KTMK), Ikinakasa

Katipunan ng Maralita sa Timog Katagalugan (KTMK), Ikinakasa

Ikinakasa na ang pagtatayo ng Katipunan ng Maralita sa Timog Katagalugan. Ayon kay Ka Pedring Fadrigon, pambansang tagapangulo ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod, napapanahon na ang pagbubuo ng Katipunan ng Maralita sa Timog Katagalugan (KTMK) bilang isang kilusan para sa katiyakan sa paninirahan, trabaho, kabuhayan, karapatan at kapayapaan tungo sa maunlad na mga komunidad sa Timog Katagalugan, na binubuo ng limang probinsya sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon). Isinagawa ang pulong ng BMP-TK, KPML, ZOTO at mga lokal na organisasyon sa Laguna noong Hulyo23, 2008, sa Laguna Training Center sa Brgy. Parian, Calamba, Laguna.

Ayon naman kay Ka Ronnie Luna ng BMP-Timog Katagalugan, “Sa kasalukuyan ay narito ngayon sa Cavite, Laguna at Batangas ang pinakamalaking bilang ng industriya at manggagawa sa buong Luzon. Halos kalahati ng export o ekonomya ng bansa ay nagmumula sa eryang ito, at 80% ng mga industriya dito ay pagmamay-ari ng mga multinasyunal at transnasyunal na korporasyon. May 23 industrial park sa Laguna, 23 sa cavite, 18 sa Batangas, 2 sa Quezon at 3 industrial clusters sa Rizal at binubuo ito ng higit 7M voting population.”

Idinagdag pa ni Ka Ronnie, “Sa pagpasok ng globalisasyon, rapid industrialization ang naganap sa eryang ito, tulad ng kumbersyon ng malalawak na lupain mula lupang taniman tungong lupang industriyal, kumersyal, subdibisyon at recreation. Maraming magsasaka ang nawalan ng lupang sakahan at taniman at lumaganap ang kontraktwal na empleyo. Marami namang manggagawa ang natanggal sa trabaho o di tumagal sa empleyong 5-months policy ng mga kumpanya. Dahil dito, maraming maralita ang naobligang manirahan sa mga mapanganib na lugar, tulad ng gilid ng pabrika, tabing ilog, ilalim ng tulay at sa tabi ng kahabaan ng riles.”

Ayon naman kay Ka Lydia Ela, tagapangulo ng Zone One Tondo Organization (ZOTO), “Dahil sa kawalan ng katiyakan sa pagtatrabaho at pagsasapribado ng gobyerno sa proyektong pabahay, libu-libo o daang libong pamilya ngayon ang posibleng mapalayas sa kanilang bahay dahil sa hindi makahulog sa kanilang buwanang amortisasyon sa mga private housing financing agencies at institutions. Kaya nararapat lamang magkaisa ang mga maralita dito sa Laguna para sa katiyakan sa paninirahan, at ipaglaban nila ang kanilang karapatan.”

Ayon pa kay Ka Ronnie, nariyan na ang Executive Order 708 ni Gloria Arroyo na naglilipat ng pagiging clearinghouse mula sa PCUP tungo sa LGUs, na siyang lalong magtitiyak ng demolisyon sa kabahayan ng mga maralita.

Ka Eddie Guazon, Unang Tagapangulo ng KPML

KA EDDIE GUAZON
Unang Tagapangulo ng KPML
ni Greg Bituin Jr.


Ika-19 ng Mayo, 1989, nawalan ang maralitang lunsod ng isang magiting at magaling na lider-maralita.

Si Ka Eddie Guazon, ang unang tagapangulo ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML), ay inatake sa puso sa gitna ng pakikipagdebate sa loob ng Senado habang pinabubulaanan ang testimonya ng isang pulis sa hearing ng Senate Committee hinggil sa mararahas na demolisyon. Isinugod siya sa Philippine General Hospital (PGH) ngunit wala na siyang buhay nang idating doon. Kahit sa huling hibla ng kanyang hininga, ipinaglaban ni Tatay Eddie (tawag ng maralita kay Ka Eddie) ang interes at karapatan ng maralita.

Si Tatay Eddie ay ipinanganak noong Agosto 13, 1925 sa Placer, Surigao del Norte. Bunso siya sa apat na magkakapatid. Sa gulang na dalawa’t kalahating buwan ay maagang naulila si Tatay Eddie. Maagang nagkahiwalay silang magkakapatid at inalagaan ng kanilang mga kamag-anak. Noong 1947, naisipan ni Tatay Eddie na pumunta sa Maynila. Nagbenta siya ng dyaryo’t sigarilyo sa Quiapo. Hanggang sa mamasukan siya sa Department of Public Works and Highways (DPWH), kaya’t nakapag-enrol siya sa University of Manila (UM) at nakakapag-aral sa gabi. Ngunit dahil sa kahirapan, natigil siya sa kanyang ikaapat na taon sa kolehiyo. Isa nang clerk si Tatay Eddie sa DPWH nang kanyang mapangasawa si Felicitas “Nanay Feling” Griar, na mula din sa kanilang probinsya. Noong 1963, tumira sila sa Barrio Magsaysay sa Tondo. Dito sa komunidad na ito nagsimula ang kanyang pagsama sa mga samahang maralita.

Naging lider siya ng Kapisanang Maginoo sa kanilang lugar. Naging tagapangulo rin siya ng Samahang Kristyanong Komunidad. Mula noon, ipinaglaban na ni Tatay Eddie ang karapatan at kapakanan ng maralita. Noong mga unang taon ng 1970s, pinangunahan niya ang mga taga-Barrio Magsaysay sa paghiling kay Marcos na magkaroon ng lupa ang bawat pamilya. Naibigay ito, ngunit hindi naging maayos ang mga serbisyo ng gobyerno.

Noong panahon ng martial law, nakulong ng dalawang beses si Tatay Eddie ng walang warrant of arrest o kaso sa korte. Napiit siya ng siyam na buwan sa Fort Bonifacio noong 1974. Noong 1978, siya ay ikinulong uli, kasama ng kanyang anak na si Gloria, ng tatlong buwan sa Bicutan. Dahil sa kanyang ikalawang pagkakapiit, napilitan siyang magretiro sa gobyerno, at tinutukan ang pag-oorganisa ng mga maralita ng lunsod.

Sa panahon ng kampanya laban sa diktadurang Marcos, pinamunuan ni Tatay Eddie ang Coalition of Urban Poor Against Poverty (CUPAP) sa pakikibaka laban sa mga anti-maralitang batas at mga polisiya at programa ng pamahalaan.

Noong 1986, inilunsad ng gobyernong Aquino ang isang pambansang konsultasyon-palihan (national consultation-workshop) na dinaluhan ng mga maralitang lunsod, kung saan dito naitatag ang National Congress of Urban Poor Organizations (NACUPO). At isa sa ipinanawagan ni Tatay Eddie rito ay ang pagkakaroon ng ahensya para sa maralita, na kakatawan sa mga maralita sa pagpaplano at implementasyon ng mga programa at polisiya ng gobyerno. Pagkatapos ng palihan, agad na nalikha ang Presidential Commission of the Urban Poor (PCUP). Ngunit ang mga mahahalagang panukala ng NACUPO ay hindi isinama sa tungkulin ng PCUP. At wala rin isa man sa limang komisyoner ng PCUP na galing mismo sa mga samahang maralita.

Nang matatag ang PCUP, ang PCUP mismo ang nagrerekomenda ng demolisyon sa iba’t ibang lugar, tulad ng Talayan sa Lunsod Quezon at sa Sta. Mesa, Maynila, sa pakikipagtulungan sa National Housing Authority (NHA). Dahil dito, tinuligsa na ni Tatay Eddie ang PCUP at ang rehimeng Aquino sa mga rali at TV talk shows.

Noong Disyembre 18, 1986, nagbigkis-bigkis ang mga grupo ng maralita na pinangunahan ng CUPAP, Zone One Tondo Organization (ZOTO) at Pagkakaisa ng Mamamayan ng Navotas (PAMANA), at itinatag ang KPML. Nahalal na unang tagapangulo nito si Tatay Eddie. Bilang tagapangulo nito, sinabi niyang “Ang kasiguruhan sa paninirahan ay karapatan ng bawat mamamayan maging siya man ay maralita” Dahil sa matatag na paniniwalang ito, nakilala ang KPML at nirespeto ng marami, karaniwang tao man o pamahalaan. Ang tinuran niyang yaon ay naging paninindigang tangan pa rin ng KPML hanggang ngayon.

Ang huli niyang hinawakang tungkulin ay ang pagiging pansamantalang tagapangulo ng Urban Poor Forum.

Hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, doon sa Senado, ipinakita ni Tatay Eddie ang kanyang dedikasyon at komitment para sa kagalingan ng maralita.

Saan ka man naroroon, Tatay Eddie, maraming maraming salamat. Isa kang inspirasyon sa lahat ng maralitang nakikibaka para sa pabahay, kabuhayan at katarungang panlipunan. Hindi ka namin malilimutan.


(Nalathala sa Taliba ng Maralita, Tomo IX, Blg. 2, Taon 2004, pahina 5)

Sabado, Hunyo 28, 2008

Hinggil sa Paglikha ng Urban Poor Agenda

HINGGIL SA PAGLIKHA NG URBAN POOR AGENDA
ni Gregorio V. Bituin Jr.

(Nalathala ang artikulong ito sa KOMYUN: Katipunan ng Panitikang Maralita, Unang Labas, 2007)

Layunin ng artikulong ito na maipaalam sa iba pa ang tinakbo ng pagsasagawa ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML) ng isang Urban Poor Agenda, na ito’y dumaan sa iba’t ibang pagsusuri at pagpapatining ng mga konsepto, kumbaga sa panday idinadaan muna sa apoy upang matiyak ang maayos na pagkahubog nito.

Gayunpaman, wala pa ring isang komprehensibong Urban Poor Agenda ang maralita. Isang komprehensibong agenda na panlahatan, at hindi nakapokus lamang sa ilang seksyon ng maralitang lunsod. Ang KPML ay nagkaroon na ng initial na pagsusuring malaliman sa usaping ito, ngunit ang inilabas na 14-points agenda ng maralita ay kinakailangan pang kinisin upang maging bill at mailatag sa Kongreso.

May inisyal na napag-usapan ang mga lider maralita hinggil sa gagawing amyenda sa UDHA dahil may nakitang maraming dapat baguhin. Isa na rito ang hinggil sa depinisyon. Marami ang malabo, halimbawa, sa depinisyon ng professional squatters. Ang professional squatters, ayon sa UDHA, ay yaong mga maralitang nagpunta sa relokasyon, ibinenta ang lupa, at bumalik sa pagiging squatter. Ang ilang mayor na isyu: Walang maralita na nagnanais na bumalik sa squatter area kung mas maayos ang kanyang pinaglipatan. Ang problema, mamamatay siya sa gutom sa relokasyon, pagkat napakalayo na ng kanyang trabaho o pinagkukunan ng ikinabubuhay. Ikalawa, kasalanan ba ng maralita na bumalik siya sa pagiging squatter kung hindi naman siya mabubuhay sa relocation site pagkat wala roong pagkakitaan? Ikatlo, hindi naman mga maralita ang gumawa ng UDHA kundi pawang mayayamang pulitikong hindi nakaranas maging squatter, kaya hindi lapat sa maralita ang mga batas na isinagawa.

Ayon sa UDHA, dapat na may livelihood program para sa maralitang lilipat sa relokasyon. Pero hindi sinasagot ang usaping napapalayo sa trabaho nila ang mga maralitang itinapon sa relokasyon. Ang mangingisdang taga-Navotas o iyong mga maralitang nagtatrabaho sa batilyo ay inilipat sa bundok ng Towerville sa Bulacan, gayong walang pangisdaan sa bundok. Dapat na kasamang ilipat ang trabaho ng maralita sa relocation site, o kaya nama’y may tiyak siyang hanapbuhay na kikita siya kaparis, kundi man lagpas, ng kinikita niya nang nakatira pa siya sa dinemolis nilang tahanan.

Wala ring probisyon sa UDHA na dapat maningil ng disturbance fee ang mga maralita dahil sa tindi ng physical, economic at psychological effect ng demolisyon at paglipat sa relokasyon, lalo na sa usaping mapapalayo sa pinagkukunan ng ikabubuhay ang mga maralita. Kung ang mga mayayaman ay nakakapagsampa ng libel case at humihingi ng danyos perwisyos, o kaya’y moral damages dahil hindi mapagkatulog sa ginawang pagyurak sa kanilang dangal, mas dapat magsampa ang maralita ng moral damages sa mga nagdemolis sa kanilang tahanan, dahil mas matinding pagyurak sa maralita ang isinasagawang sapilitang demolisyon.

Wala ring kaparusahan sa sinumang kasapi ng demolition teams na lalabag sa proseso ng demolisyon na nakasaad sa Seksyon 28 ng UDHA. Dapat ring mailagay sa UDHA ang posisyon ng maralita na “dapat isama sa project cost ang social cost”. May mga demolition teams na kahit Sabado, umuulan at hapon na nagdedemolis, na pawang lumalabag sa prosesong nakalatag sa seksyon 28 ng UDHA. Sadyang dapat amyendahan ang UDHA. Kaya noong Agosto 31, Setyembre 1-2, 2006, isinagawa ng KPML, ZOTO, Kasama-Ka at Perokaril sa Laguna ang ginawang pag-amyenda ng UDHA. Natapos ito pero hanggang dito na lang ito at hindi na muli pang umuusad. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa nakalap na dokumentong binalangkas ng maralita para maging batayan ng gagawing mga pagkilos. Ating pag-aralan ang ilang mga dokumento.

I. RIGHTS OF THE URBAN POOR

Nalathala sa kauna-unahang isyu ng Taliba ng Maralita, opisyal na pahayagan ng KPML, Enero 1995, ang ilang mayor na usapin na nakasaad sa Magna Carta for the Urban Poor na inakda ng noon ay Senador Wigberto Tañada. Ang sumusunod ay ang artikulo sa Magna Carta sa ilalim ng “Rights of the Urban Poor”.

1. The Right to Security of Land Tenure – bibigyan ng pagkakataong tumira sa isang lugar na on-site development ng isang local government unit (LGU), kung saan aayusin ang nasabing lugar at bibigyan ng mga facilities tulad ng tubig, ilaw, kanal, o drainage system at mga daan.

2. The Right Against Arbitrary Demolition – ang demolisyon ay maisasagawa lamang kung may nasabing clearance mula sa court, PCUP at mga LGU. Ang demolisyon ay magagawa lamang kapag Sabado at Linggo at may kinatawan ng LGU, at ang mga pamilyang apektado ay may karapatang mag-dismantle ng kanilang sariling bahay. Ang mga pamilya ay bibigyan ng libreng sakay papunat sa kanilang resettlement area.

3. The Right to Permanent Resettlement Site – ang mga resettlement site na ito, na proyekto ng National Housing Authority (NHA), ay pagpapasyahan ng mga pamilya ng naturang komunidad sa pamamagitan ng plebisito para sa pagpapa-apruba ng nasabing resettlement site.

4. The Right to Housing Facilities – ang mga maralitang lunsod ay bibigyan ng karapatang magpatayo ng bahay sa nasabing on-site development project at mangutang ng pondo sa mga ahensya ng gobyerno.

5. The Right to Assistance for the Establishment of Cooperative and Livelihood Programs – ang mga maralitang lunsod ay may karapatang magbuo ng kooperatiba at makakuha ng mga training at management programs ng gobyerno at ng mga non-government organizations (NGOs).

6. The Right to Organization – ang komunidad ng maralitang lunsod ay may karapatang mag-organisa at ang nasabing organisasyon ay may responsibilidad para sa kaayusan ng kanilang myembro sa loob ng komunidad, tulad ng kooperatiba, livelihood programs at iba pang projects

Paunawa: Nitong 2004, proposal ng KPML na sa house bill hinggil sa Magna Carta for the Urban Poor na palitan ang salitang “for” ng “of” upang maging Magna Carta of the Urban Poor. Ibig sabihin, dapat na ito’y Magna Carta ng Maralita, at hindi Magna Carta para sa Maralita. Naniniwala ang KPML na sa pagbubuo ng Magna Carta, dapat na may partisipasyon mismo ang maralita sa paggawa ng bill na ito, pagkat hindi dapat isinusubo na lamang sa maralita ng isang senador o ng isang batas ang isang Magna Carta kundi dapat kasali sa paggawa nito ang mismong mga maralita.

II. MGA KAHILINGAN NG EDSA POOR COALITION KAY GMA

(Ang mga kahilingang ito ang napagkaisahan ng mga delegado ng Urban Poor Summit on Housing and Urban Development, na ginanap noong Oktubre 24, 2001 sa Mendiola, Manila. Kasama rito ang KPML at ZOTO, pati na iba pang samahang maralitang nasa ilalim ng ibang blokeng pampulitika. Nalathala ito sa Taliba ng Maralita, October 2001 issue)

1. Sa bisa ng isang Presidential Proclamation ay ideklara ang lahat ng government lands na may mga naninirahang maralita, na maipamahagi sa mga residente dito. Halimbawa ng mga ito ay ang National Government Center (NGC) areas, North Triangle, Welfareville, Parola, Baseco, Camarin, kasama na ang 10-metrong inner-core ng PNR sa Norte at pababa sa Bicol. Siguruhin ang mga mekanismo nito at itayo ang isang sistema na paunlarin ang batayang serbisyo sa mga pook na ito, kasama ang pagpapaluwag ng 5-taong moratorium ng pagbabayad sa lupa, para makaraos sa krisis-pinansyal;

2. Magpalabas ng isang Executive Order na nagdedeklara ng General Moratorium on Demolitions hangga’t hindi naihahanda ng mga kinauukulang ahensya ang mga relocation areas, katulad ng itinatadhana ng RA 7279 ukol dito. Pangunahing sasaklawin ng EO na ito ang 620,000 pamilya na nasa ilalim ng banta ng danger zones, area for priority development (APD), government lands at malalaking private lands na may mga residente at matagal na naninirahan doon. Magtiyak ng isang mekanismo para sa implementasyon nito;

3. Ipatupad ng gobyerno ang iskemang land acquisition sa mga malalaking pribadong lupain na maraming naninirahan at buksan ang programa para sa financing ng mga ito na ang tutok ng pansin ay yaong mga nasa mababang saray ng mga maralita;

4. Kumpletong batayang serbisyo sa mga relocation areas maging ito ay nasa in-city relocation areas ay yaong mga nasa iskema ng slum upgrading. Gawing community-based managed ang mga batayang serbisyong ito para mabigyan ng puwang ang kasanayan sa lokal na pamamahala ang mga maralita;

5. Itayo ang isang kagawaran ng Maralitang Lunsod (Department of the Urban Poor) na mag-iimplementa ng mga reporma at programang kontra-kahirapan para sa mga marginalized sektor na ito. Palakasin ang mandato ng departamentong ito sa pamamagitan ng paggamit ng tripartite na pagtutulungan ng GO, NGO at PO. Ang mga manggagawa ay may Department of Labor, ang mga magsasaka ay mga Department of Agrarian Reform at Agriculture, at ang mga mangingisda ay may Bureau of Aquatic Resources. Dapat na may isang departamento para sa mga maralitang lunsod na umaabot na sa humigit-kumulang na 14 hanggang 17 milyon ang populasyon;

6. Magpalabas ng isang Magna Carta for the Urban Poor na maggagarantiya sa batas at implementasyon ng mga karapatan at pananagutan ng gobyerno para sa mga maralita na isinasaad ng Saligang Batas, ng International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights at ng International Declaration of Human Rights. Kung talagang naghahangad ang administrasyong Arroyo ng isang makamahirap na batas, gawin niya itong priority administration bill;

7. Tiyakin sa pamamagitan ng isang mekanismo at kautusang pampanguluhan ang partisipasyon ng mga bloke ng maralitang lunsod sa pagpaplano, paggawa ng desisyon, implementasyon at pagsubaybay dito – ukol sa polisiya at programa na apektado sila.

III. ANG ATING IPINAGLALABAN

(Nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita ng KPML, Hulyo-Setyembre 2002 issue, pahina 5 at 6)

1. Isabatas ang Magna Carta of the Urban Poor

Ang Magna Carta of the Urban Poor ang komprehensibong batas para sa batayang karapatan ng maralita para sa paninirahan, kabuhayan at demokratikong partisipasyon sa pagbubuo ng mga patakaran ng gobyerno. Babaligtarin nito ang balangkas ng Republic Act 7279 (UDHA) pagkat mas pabor ito ng UDHA sa mga negosyante at developer ng lupa kaysa maralita.

2. Itayo ang Kagawaran ng Maralitang Lunsod (Department of the Urban Poor)

Tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa sektor ng paggawa, kailangang magkaroon ng ispesyal na saray ng gobyerno para ipatupad ang mga reporma at mga programang kontra-kahirapan para sa matagal nang kinalimutang sektor ng maralitang lunsod

3. Gawing prayoridad ang paggamit sa mga pampublikong lupain at government land para sa pabahay at relokasyon ng mga maralita

Sa pamamagitan ng Presidential Proclamation, ipamahagi at ideklara ang mga pampublikong lupain at government lands na may naninirahang maralita.

Ipatupad ng legalisasyon ng maralita sa mga pampublikong lupain at government lands. Ang may 100,000 pamilya na matagal nang naninirahan sa mga lupa ng gobyerno ay hindi dapat na ituring na kriminal. Kagyat na ayusin ang proseso ng integrasyon ng mga maralita sa komunidad. Itayo ang mekanismo para sa pagbibigay ng serbisyo sa mga benepisyaryo ng lupa. Palawakin ang 5-taong moratorium sa pagbabayad ng lupa upang bigyang pagkakataon ang mga benepisraryo nito na makapagpundar at para tiyaking mas mababayaran nila ang lupa.

4. Absolutong pagbabawal sa pwersahang ebiksyon at marahas na demolisyon

Maglabas ng isang Executive Order at ideklara ang isang General Moratorium on Demolitions hangga’t hindi naihahanda ng mga kinauukulang ahensya ang mga relocation areas. Pangunahing sasaklawin ng kautusang ito ang may 620,817 pamilya na naninirahan sa danger zones, sa areas for priority development o APD, sa mga pampublikong lupain, pribadong lupain at mga lupain para sa imprastruktura kung saan matagal nang naninirahan ang mga maralita.

5. Ipatupad ang iskemang land acquisition

Bilhin ng gobyerno ang mga lupaing pag-aari ng pribado na matagal nang tinitirhan ng maralita. Buksan ang iskema sa financing upang mabayaran ito ng mahihirap habang pangunahing ikinukunsidera ang mga mas mababang saray ng maralita. Halimbawa ay ang komunidad ng 20,000 pamilya sa Tanza, Navotas, na maaaring gawing in-city relocation para sa socialized housing on the stilts (SHOTS).

6. Ibigay ang komprehensibo at batayang serbisyo – gaya ng tubig, ilaw, kalsada, health center, at iskwelahan – sa mga relocation area.

Ilunsad ang iskema ng slum upgrading sa mga relocation area kabilang ang mga nasa in-city relocation upang paunlarin ang mga komunidad na pinaglipatan ng mga maralita. Maging prayoridad ang in-city relocation o ang relokasyon ng mga komunidad ng maralita sa loob ng mga lunsod, dahil mas malapit ito sa kanilang trabaho at pinagkakabuhayan.

7. Gawing prayoridad ng gobyerno ang mga sumusunod na reporma:

a. Trabaho at kabuhayan para sa mahihirap ng lunsod at kanayunan

b. Sahod na makabubuhay sa pamilya

c. Kontrol sa presyo ng mga pangunahing bilihin, kontrol sa presyo ng langis, tubig at kuryente

d. Ilaan ang badyet ng gobyerno para sa serbisyong panlipunan. Ipagpaliban ang pagbabayad ng utang.

IV. AGENDA NG MAMAMAYAN
PARA SA PANINIRAHAN, KABUHAYAN
AT PANLIPUNANG SERBISYO


(Nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita ng KPML, Tomo VIII, Blg. 3, Taon 2003, pahina 5.)

Ang sumusunod na 11 agenda ang nakasulat sa malaking banner [puting tela na may sukat na approximate 20x20 ft.] na inilatag ng grupong Kilusan ng Mamamayan para sa Karapatan sa Paninirahan at Kabuhayan (KAKAMPI KA), Oktubre 14, 2003, sa isang rally sa Welcome Rotonda (dapat ay papunta itong Malacañang, ngunit hinarangan ng mga pulis). Simula nito, ang Agenda ng Mamamayan na ito ang siyang itinuring na Urban Poor Agenda ng maralita.

1) Tutulan ang pagsasapribado ng serbisyong pabahay

2) Subsidy ng gobyerno sa pabahay at abot-kayang presyo para sa maralita, manggagawa at pamilyang may mababang kita

3) Ibasura ang Department of Housing and Urban Development (DHUD) bill

4) General moratorium sa demolisyon hangga’t walang maayos at komprehensibong programa sa palupa, pabahay, at pangkabuhayan para sa maralita

5) Absolutong pagbabawal sa marahas at pwersahang demolisyon sa tirahan ng maralita bunga ng pagpapatupad sa proyektong pangkaunlaran ng pamahalaan

6) Ibasura ang UDHA at iba pang mapanupil at anti-maralitang batas

7) Moratorium sa foreclosure, padlocking, ejectment at pagbabayad ng di-makatarungang interes at penalties sa mga naninirahan sa socialized at low-cost housing

8) Sapat na pondo para sa maayos na kalsada, drainage, patubig, pailaw, paaralan, ospital, kabuhayan, trabaho, at iba pang serbisyo sa lahat ng relokasyon

9) Moratorium sa paniningil ng di-makatarungang bayarin sa mataas na interes, surcharges, penalties sa mga pook-relokasyon

10) Baguhin ang escalating scheme of payment na ipinatutupad ng NHA sa kasalukuyang pook-relokasyon

11) Buuin ang special task force na binubuo ng pamahalaan, maralitang tagalunsod at mga pamilyang mababa ang kita

V. ANG 14 POINTS AGENDA NG MARALITA

Noong Abril 2004, sa KPML NEC-Staff out-of-town meeting/seminar ng 4 araw, tinanong ako ni Ka Butch Ablir, executive director ng ZOTO, kung dala ko ang kopya ng dyaryong Taliba ng Maralita, kung saan nakalathala ang Urban Poor Agenda (Agenda ng Mamamayan), ngunit sinabi kong hindi ko dala. (In the first place, hindi naman ako sinabihan na dapat ko iyong dalhin.) Dahil out-of-town kami, pinagtulungan na lang buuin mula sa memorya ang mga kahilingan ng maralita. Ito ang ipinroseso sa naganap na pulong. Ang produkto ng pagsisikap na ito ay ang sumusunod na 14 points agenda ng maralita:

1. Absolutong ipagbawal ang sapilitan at marahas na ebiksyon at demolisyon.

2. Ipatupad ang komprehensibong programa para sa pabahay.

3. Ipawalang bisa ang mga kontra-maralitang batas.

4. Ipatupad ang mga batayang serbisyo sa mga maralitang komunidad.

5. Moratorium sa mga bayarin, amortization sa mga Low Cost Housing at Socialized Housing Program.

6. Isabatas ang Magna Carta para sa maralita.

7. Prioritization ng In-City Relocation

8. No to Department of Housing and Urban Development.

9. Sapat na pondo para sa Sosyo-Ekonomikong proyekto at pagpapaunlad ng maralita.

10. Itigil ang mga hindi makatarungang bayarin sa mga relokasyon at komunidad.

11. Isulong ang Urban Poor Legislative Agenda.

12. Hanapbuhay at pagsasanay.

13. Tutulan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

14. Partisipasyon at kinatawan ng maralita sa Pagpaplano, Implementasyon at Ebalwasyon ng mga Proyektong may kinalaman sa komunidad.

VI. ILAN PANG PAHAYAG

Kung makakagawa ang mga maralita ng isang bill na mailalatag sa Kongreso para maging batas, magiging isa itong malaking kampanya ng maralita dahil, kung baga sa manggagawa na may Labor Code, magkakaroon na rin ang maralita ng mga batayang dokumento na kinakailangan nila bilang pandepensa sa kanilang karapatan sa paninirahan.

Nagkaroon ng pag-amyenda sa Urban Development and Housing Act (UDHA) sa pagpupulong ng KPML, ZOTO, KASAMA-KA at PEROKARIL sa UP Los Baños noong Agosto 31, Setyembre 1-2, 2005.

Ang Papel ng Papeles

ANG PAPEL NG PAPELES

ni Gregorio V. Bituin Jr.

Sa isang hearing na aking nadaluhan minsan hinggil sa kaso ng isang lider-maralita, dumating ang mga arresting officers at may dalang warrant of arrest laban sa lider-maralitang napagbintangan. Ipinakita ng mga arresting officers ang warrant sa clerk of court bilang patunay na may arrest warrant ang nasabing lider-maralita. Sinuri ng clerk of court ang warrant, ngunit hindi inaresto ang akusado. Bakit? Nakita ng clerk of court na kumpleto ang detalye ng search warrant – nakalagay ang pangalan ng akusado, ang kaso, ang judge na pumirma, atbp. Ngunit xerox lamang ang arrest warrant, kaya sinabihan niya ang mga arresting officers na dapat ay certified true copy ang arrest warrant bago hulihin ang tao. Dahil dito, ang nasabing lider maralita ay hindi dinakip.

Sa kalakaran ng ating mundo ngayon, malaking bahagi ay papeles. Ang papeles ay anumang uri ng dokumento na nagpapatunay sa isa o maraming transaksyon o usapan. Ang mga halimbawa nito’y resibo, subpoena, sedula, lisensya, sertipiko, atbp.

Pagkapanganak pa lang, nariyan na ang birth certificate, isang papeles na nagpapatunay kung ano ang pangalan ng bata, kung saan at kelan siya ipinanganak, at sino ang tunay niyang mga magulang.

Meron ding certificate para sa binyag, kumpil, pagtatapos ng bata sa kinder, diploma, Nariyan din ang death certificate para sa mga namatay. Sa pangingibang-bansa ay naririyan ang visa at passport. Anupa’t umiinog ang ating mundo sa tambak na papeles. Sa madaling salita, dapat na may katunayan tayo ng anumang pagkakakilanlan o transaksyon upang hindi tayo maagrabyado sa anumang labanan.

Malaking bahagi ng laban ng maralita ay nakasalalay sa papeles. Sa usapin ng paninirahan, nariyan ang titulo ng lupa, resibo ng bilihan, notice for demolition, entry pass sa relocation site, atbp. Marami ang natatakot, napapalayas, o kung minsan ay namamatay, dahil sa kawalan ng papeles, at kung meron man ay pagmamaniobra naman ng malakas sa mahihina pagdating sa papeles. Halimbawa, sa Barrio Kangkong, marami ang natakot nang nakarinig na may dumating na sulat na nag-aatas umano ng demolisyon sa isang takdang panahon, gayong hindi muna ito nabasa at nasuri. Gayong ang nakasulat ay hindi demolisyon, kundi humihingi muna ng negosasyon ang may-ari, o kaya’y imbes na Barrio Kangkong ang idedemolis ay Barrio Kalabasa pala ang nakasulat, nagkamali lang ng pinadalhan. Noong 1997 sa Sitio Mendez, may demolition order na galing umano kay Mayor Mathay, pero nang suriin ang papeles, hindi iyon pirma ni Mathay at wala siyang inorder na demolisyon

Huwag tayong matakot magsuri ng papeles, dahil kadalasan buhay at kamatayan ang dulot nito ay di pa natin alam. Totoo ba ang Transfer Certificate of Title (TCT) na nasa kamay ng nagpapalayas sa inyo? Nasaliksik at nasuri nyo bang ang papeles ng nagpapalayas sa inyo ay mula sa Original Certificate of Title (OCT) hanggang sa nagpalipat-lipat na TCT? Dapat mabasa muna at masuri ng maigi ang buong papeles bago mag-panic. Para sigurado, puntahan at magsaliksik sa mga opisinang sangkot.

Hindi dapat matakot, malito, o magpanic ang sinuman, kapag nakatanggap ng anumang papeles. Ang dapat nating gawin ay suriin ito, pag-usapan ng nasasangkot, at iberipika sa kinauukulang ahensya kung gaano ito katotoo. Dahil kung hindi, baka mga manlolokong sindikato sa palupa ang magpalayas sa inyo, o kaya’y magbenta sa inyo ng lupa. Kaya ingat.

Dyalektika

DYALEKTIKA: GABAY SA PAGSUSURI

ni Juan Maralita

Mahalagang pag-aralan ng maralita kung ano ang diyalektika. Mahalaga pagkat ang diyalektika ang teorya at praktika ng wastong pamamaraan ng pag-aaral at pagtuklas sa kaalaman. Ang praktika ay bukal ng teorya habang ang teorya ay pinagyayaman ng praktika. Ito ang walang tigil na pag-unlad ng kaalaman ng tao batay sa tuloy-tuloy na praktikal na karanasan ng tao sa kanyang ugnayan sa kalikasan at kanyang pakikipag-ugnayan sa lipunan.

Halimbawa, sa usapin ng kahirapan. Naniniwala ba ang maralita na ang dahilan ng kahirapan ay katamaran, kasalanan, kamangmangan, kapalaran at populasyon? Ang mga dahilang ito ito ang pilit na isinusubo ng gobyerno sa kanilang utak. Kung susuriin ng maralita ang kanyang kalagayan, hindi ito totoo!

Hindi katamaran ang ugat ng kahirapan, pagkat maraming manggagawa sa pabrika ang napakasisipag sa kanilang trabaho at daig pa ang kalabaw sa pagkakayod pero napakababa ang natatanggap na sahod at nananatiling mahirap. Ang mga magsasaka’y napakaaagang gumising upang asikasuhin ang bukirin, pero naghihirap ang gumagawa ng pagkain. Ang mga vendors ay marangal na naglalako ng kanilang paninda kahit alam nilang maaari silang hulihin, basta’t mapakain nila ang kanilang pamilya.

Kung ang kahirapan ay parusa ng Diyos dahil makasalanan ang tao, ibig sabihin, pinagpala pala ng Maykapal ang mga mayayaman. Ngunit may mga nagkakamal ng salapi sa masamang paraan. At may mga mayayamang nakagagawa ng kasalanan sa kanilang kapwa, pero sagana sa biyaya.

Hindi kamangmangan ang dahilan ng kahirapan pagkat maraming tao ang may kaalaman at napakamalikhain sa kanilang mga trabaho kung saan nagkakamal ng limpak-limpak na salapi’t tubô ang kanilang mga pinaglilingkuran pero sila’y nananatiling mahirap.

Kung kapalaran ng tao ang maging mahirap, hindi na pala siya uunlad kahit ano pang sipag ang kanyang gawin.

Hindi populasyon ang dahilan ng kahirapan pagkat may mga bansang maliit ang populasyon pero naghihirap, samantalang may mga malalaking bansa naman na ang nananahan ay pawang nakaririwasa sa buhay. Salamat na lang sa diyalektika at natututo tayong magsuri.

Sa kalagayan din ng maralita sa kasalukuyan, ang edukasyon ay binibiling parang karne sa palengke. Kapag wala kang pera, hindi ka makakabili ng edukasyong nais mo sa magagaling na eskwelahan. Kapag may sakit ka, bibilhin mo ang iyong kalusugan. Kailangan mo munang magbigay ng paunang bayad sa ospital bago ka magamot. Kapag wala kang pera, kahit mamamatay ka na, hindi ka magagamot. ng edukasyon at kalusugan ay karapatan ng bawat tao, ngunit ito’y naging pribilehiyo ng iilan. Kung talagang magsusuri tayo sa kongkretong sitwasyon gamit ang diyalektika, alam natin na sa kasalukuyang sistema ng lipunan, kailangang bilhin ang edukasyon, kalusugan, at iba pang karapatan. At hindi dapat ganito kaya dapat itong baguhin. Palitan natin ang bulok na sistemang ito ng sistemang makatao.

Ilan sa pundamental na batas ng diyalektika ay ang mga sumusunod:

Una, ang pagsasanib at tunggalian ng magkatunggali. Sa batas ng paggalaw ng mga bagay, dapat na maunawaan natin na ang lahat ng pagkakaisa ng magkakatunggali ay pansamantala lamang at ang tunggalian ay permanente.

Ikalawa, ang kantitatibo at kalitatibong pagbabago. Ang motibong pwersa sa pagbabago sa loob ng isang kontradiksyon ay ang pagdaragdag ng mga kantidad na dahilan ng mga pagbabago.

Ikatlo, ang pagpawi sa nagpawi. Ang pag-unlad ng mga bagay ay hindi laging mabagal, ito ay kinatatangian din ng biglang pag-igpaw. Hindi rin ito laging tuwid, bagkus ito ay isang spiral na pag-unlad. Ibig sabihin nito, anumang pagbabago sa kalidad ng isang bagay ay dinadala pa din nito ang aspeto ng luma o nakaraan, pero ito ay isa ng ganap na pagbabago sa kabuuan at nagmula sa pagsilang sa pamamagitan pag-igpaw, isang pundamental na pagbabago na dumaan sa proseso.

Sa ngayon, dapat magpakabihasa ang maralita sa diyalektika. Dapat makapagsuri ang maralita batay sa kongkretong analisis sa kongkretong sitwasyon. Panahon na upang kumawala ang maralita sa mga kaisipang pamahiin, pantasya at mahika. Panahon na upang pag-aralang mabuti, isaisip at isapuso ang diyalektika.