PAHAYAG NG KPML HINGGIL SA LOWERING OF MINIMUM AGE OF CRIMINAL RESPONSIBILITY (MACR)
Mahigpit na tinututulan ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ang pagbaba ng edad ng mga bata sa siyam o labindalawa upang sila'y maikulong. Signatory ang Pilipinas sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UN CRC) na pangunahin ang paggalang sa mga karapatan ng bawat bata.
Sinasabing ginagamit kasi ng sindikato ang mga bata sa paggawa ng krimen, tulad ng maging courier ng droga, subalit mahina na ba ang ating mga batas at mga kinauukulan sa pagtugis sa mga utak ng krimen at droga kaya napagdiskitahan na lang nila'y ang mga bata? Dagdag pa, bakit ang mga tulad ni Imelda Marcos ay hindi maipakulong dahil sa pitong kaso ng graft, ngunit takot ang mga pulis na siya'y damputin at ikulong? At napapagdiskitahan ng mga mambabatas ay ang mga batang siyam na taong gulang pataas?
Totoo na maraming batang hamog sa lansangan, na kadalasang gumagawa ng krimen, nanghoholdap, ngunit barbaro na ba ang ating mga mambabatas sa pagsusuri sa lipunan? Mahirap ang mga magulang ng batang hamog, kayod ng kayod, at napapabayaan ang mga anak. Bakit hindi sisihin ang kapitalistang sistemang nagtulak sa kanila sa sitwasyong ito? Sistemang imbes na kooperasyon ay kompetisyon ang pinaiiral. Sistemang ang tingin sa mga dukha'y mga dagang dapat itaboy at idemolis.
Meron ding child soldiers na ginagamit umano ng mga rebeldeng grupo, subalit ang mga batang ito'y ginagamit sa murang edad. Kasalanan na ba ng mga batang ito na ganoon ang sitwasyon nilang kinagisnan, kaya dapat silang parusahan pag nadakip sila?
Sa UN CRC, nakasaad doon ang apat na batayang prinsipyo hinggil sa mga bata. Ito'y ang dapat walang diskriminasyon; debosyon para sa pinakamabuting interes ng bata; karapatan sa buhay, kaligtasan at pag-unlad; at paggalang sa pananaw ng bata. Ang bawat karapatang nakasulat sa CRC ay likas sa dignidad ng tao at maayos na pag-unlad ng bawat bata.
Kung ginagamit ang mga bata ng anumang grupo, hindi ang mga bata ang dapat puntiryahin kundi ang mga grupong gumagamit sa mga bata. Ang gawing kriminal ang mga bata sa murang edad pa lamang ay nagpapakitang wala nang kakayahan ang pamahalaan na pigilan ang mga sindikato sa krimen nito kaya napapagdiskitahan ay ang mga bata.
Dapat tutulan ang pagsasakriminalisa ng mga batang siyam na taong gulang. Ang dapat isakriminalisa ay ang kontraktwalisasyong salot sa manggagawa. Ang dapat isakriminalisa ay ang mga napatunayang mandarambong, tulad ni Imelda Marcos, na dapat makulong. Ang dapat ikulong ay ang pangulong nagpapatay ng maraming mga dukha, na hindi dumaan sa tamang proseso at walang wastong paglilitis.