Sabado, Agosto 9, 2025

Ang mga awtor ng nakababahalang RA 12216 o National Housing Authority Act of 2025

ANG MGA AWTOR NG NAKABABAHALANG RA 12216
O NATIONAL HOUSING AUTHORITY ACT OF 2025

Sa dokumentong nilagdaan ni PBBM na Republic Act 12216, may nakasulat sa ibabaw, bandang kaliwa nito, ang pinanggalingang panukalang batas - ang Senate Bill No. 2818 at House Bill No. 10172. Matatagpuan ito sa mga kawing na:

Sa website ng Senado, nakasulat kung sino-sino ang mga nag-sponsor ng SB 2818. Ayon sa website, ang SB 2818 ay "Filed on September 11, 2024 by Tolentino, Francis "Tol" N., Ejercito, Joseph Victor G., Marcos, Imee R., Villar, Mark A., Villar, Cynthia A., Villanueva, Joel."

Sa Kongreso naman, ang mga nag-sponsor ng House Bill No. 10172 ay sina "Representatives Romualdez (F.M), Marcos, Dalipe, Gonzales, Co-Pilar, Olaso, Guintu, Rodriguez (R), Villafuerte (L.R.), Benitez, Tulfo (R.W.), Cagas, Olivarez, Mercado-Revilla, Yap (C.), Luistro, Matibag, Zubiri, Sacdalan, Robes, Chua, Castro (J), Go (M.), Rivera, Suan, Acharon and Albano.

Sa facebook account naman ng Senado noong Pebrero 28, 2025, https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1147542884077733&id=100064660960700&set=a.223712593127438 ay inaprubahan sa Third Reading ang nasabing Senate Bill. Ayon sa ulat, "Voting 19-0-0, the Senate approved on third reading Senate Bill No. 2818 or the proposed National Housing Authority (NHA) Act on February 3, 2025. The bill, sponsored by Sen. Imee Marcos, seeks to strengthen the NHA by extending its corporate life and increase its capitalization."

Makalipas ang tatlong kalahating buwan, nilagdaan na ng pangulo ang pinagsamang SB 2818 at HB 10172 noong Mayo 29, 2025 bilang RA 12216. Nakababahala ang nasabing batas dahil may police power nang magdemolis ang NHA at sampung araw na lang ang notice na ibinibigay (gayong sa RA 7279 o Urban Development and Housing Act ay 30 araw) bago idemolis ang bahay ng maralita.