Sabado, Setyembre 25, 2010

ps - laban ng maralita sa North Triangle

Press Statement
Setyembre 25, 2010

BARIKADA ANG TUGON NG MARALITA
LABAN SA DEMOLISYON SA NORTH TRIANGLE

"Tutol kami sa pa-relokasyon ng NHA sa North Triangle sa Southville 8, Montalban City! Ipagtatanggol namin ang Karapatan sa Paninirahan sa North Triangle! Isulong ang Demand na Moratoryum sa Demolisyon!" Ito ang mariing pahayag ng mga maralitang lunsod na dinemolis kahapon sa Sitio San Roque, North Triangle, Quezon City.

Ang kanilang isyu: ipatigil ang bantang demolisyon sa kanilang lugar bunsod ng proyektong CBD o Central Business District, kung saan tatamaan nito ang 10,000 hanggang 12,000 pamilyang nakatira sa North Triangle at East Triangle, at mula Veterans Hospital hanggang East Avenue Medical Center.

Ayon sa San Roque Community Council (SRCC) - North Triangle Alliance (NTA) na kasapi ng Koalisyon sa North Triangle: "Ang sagot ng NHA - demolisyon, sa Montalban ang relokasyon. Ngunit ang tugon ng North Triangle - BARIKADA. Ang aming kahilingan: 3 TAONG MORATORYUM SA DEMOLISYON upang isaayos ang programa at plano sa palupa at pabahay ng libong pamilya ng North Triangle. Ipinaglalaban namin ang ON-SITE HOUSING sa mixed use na CBD! QC in-city relocation, huwag sa Montalban itapon!"

Sinabi naman ng dating Mayor Sonny Belmonte na proyekto talaga ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang Central Business District (CBD). Ngunit ang di natin malaman kung bakit pinalulutang ni Mayor Herbert "Bistek" Bautista ang kanyang kamangmangan sa isyu sa pagsasabing "itong nagrereklamong ito na mga sindikato na nagpapaupa, pinagsasamantalahan nila yung mga mahihirap na tao, yung tunay na mga mahihirap na tao para kumita so it's not good, so ito ang mga bagay, na mga taong na dapat nating hulihin at dapat nating parusahan" (GMA7 news), imbes na ang gawin nya ay ayusin ang mismong problema ng demolisyon at kalagayan ng maralitang madedemolis ay binabaligtad niya ang isyu. Na para bang nais niyang matuwa sa kanya ang mga taga-Ayala Land na marahil ay nagbayad na ng malaki sa kanya. Ang isyu, Mayor Bistek, narito ang kabuhayan ng mga maralita, narito na sila isinilang, lumaki at nagbuo ng kanilang pangarap, tapos aalisin lamang at wawasakin ang kanilang kinagisnan.

Gayunman, ang pagkatigil ng demolisyon at pag-order ni Pangulong Aquino na itigil muna ang demolisyon at irebyu ang kaso. Ngunit ito'y inorder ni PNoy dahil sa ginawang pagtatanggol ng maralita sa kanilang karapatan sa paninirahan at pagdepensa sa kanilang tahanan, dahil naniniwala silang kaakibat ng tahanan ang dignidad ng tao. Ito’y tagumpay ng maralita dahil sa paglaban at pagkakaisa.

Ang sigaw ng mga maralita ng San Roque: "Tutol kami sa pa-relokasyon ng NHA sa North Triangle sa Southville 8, Montalban City! Ipagtatanggol namin ang Karapatan sa Paninirahan sa North Triangle! Isulong ang Demand na Moratoryum sa Demolisyon!"

Lubusin ang tagumpay ng North Triangle! Tuloy ang laban ng maralita! Labanan ang anti-maralita, maka-kapitalistang patakaran sa pabahay ni P-Noy!

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kina Tita Flor Santos ng SANLAKAS sa 09154895510 at Ate Teody Gacer ng SRCC sa 09283513627.

Huwebes, Setyembre 23, 2010

Pahayag ng SRCC-NTA, San Roque, North Triangle

BARIKADANG MASA NA LAMANG ANG PIPIGIL SA DEMOLISYONG PAKANA NG NHA SA CBD PROJECT SA NORTH TRIANGLE!

Tutol kami sa pa-relokasyon ng NHA sa North Triangle sa Southville 8, Montalban City!

Ipagtatanggol namin ang Karapatan sa Paninirahan sa North Triangle!

Isulong ang Demand na Moratoryum sa Demolisyon!

Hindi pa man naisusulat ang katitikan ng pulong sa pagitan ng mga kinatawan ng Koalisyon ng mga Naninirahan sa North Triangle sa Demolisyon at Katiwalian at ng Urban Triangle Development Commission sa opisina ng NHA, nag-isyu agad si Victor Balba, NHA OIC / Group Manager ng NCR-AMO, ng HULING PITONG (7) ARAW NA ABISO ng PAGPAPALAYAS sa mga residente ng North Triangle noong Setyembre 16, 2010. Kaya't ngayong ika-23 ng Setyembre ang ikapitong araw.

Hindi pa man naidedeliber ni NHA General Manager Chito Cruz ang pangakong ipararating kay Bise Presidente at HUDCC Chairman Jejomar C. Binay ang kahilingan ng koalisyon na kausapin si Binay para makipag-diyalogo ay walang pakundangang dinesisyunan na ang pagpapalayas at relokasyon. Ang laking kaBALBAlan ni Victor!

Ang kapal pa ng mukha ng NHA sa pagsasabing lahat ng ito ay alinsunod sa Batas ng UDHA at ang Implementing Rules and regulations (IRR) nito. Palibhasa'y nagmamadali na ang Ayala Land, na siyang pinanalo ng NHA sa P22 Bilyong Pisong kontrata sa debelopment ng Central Business District, nagkukumahog din ang NHA sa pagpapalayas sa amin, sukdulang babuyin pa ang nalalabing pakinabang sa UDHA!

Nagsinungaling pa ang corporate analyst ng NHA sa pagsasabing hindi uubra (not viable) ang ON-STE PROPOSAL HOUSING PLAN ng Koalisyon. Gayong hindi naman nila sinagot ng pormal ang isinumiteng alternatibong plano, dalawang taon na ang nakararaan.

Ang sagot ng NHA - demolisyon. Sa Montalban ang relokasyon!

Ang tugon ng North Triangle - BARIKADA. Ang kahilingan: 3 TAONG MORATORYUM SA DEMOLISYON upang isaayos ang programa at plano sa palupa at pabahay ng libong pamilya ng North Triangle!

Ipaglaban ang ON-SITE HOUSING sa mixed use na CBD!

QC in-city relocation, huwag sa Montalban itapon!

Kung KASAMA KAMI SA PAGBABAGO, ipaubaya sa amin ang pangangasiwa ng planong pabahay sa paraang kooperatiba!

Kabuhayan at kaunlaran, hindi pangwawasak ng pamayanan!

Kung alisin ang isa, alisin sabay-sabay kaming lahat!

San Roque Community Council (SRCC) - North Triangle
Alliance (NTA) - (kasapi ng KOALISYON)

Linggo, Setyembre 19, 2010

2 Residente sa Dinemolis sa New Manila, Binaril ng Gwardya

Setyembre 19, 2010

2 Residente sa Dinemolis sa New Manila, Binaril ng Gwardya

Muling nagulo ang mayapang pagtulog ng mga residente ng dinemolis na kabahayan sa Brgy. Mariana, New Manila, QC, kaninang bandang ala-una y medya ng madaling araw nang namaril ang mga gwardya ng nang-aangking may-ari ng lupa.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Salvador Bernales, 35 anyos, na tinamaan ng mga pellet sa likod at hita, at Jess Radores, 28, na tinamaan naman sa likod. Si Bernales ay isinugod sa East Avenue Medical Center, habang si Radores naman ay nasa ibang pagamutan. Si Bernales ay nakarinig ng putok kaya lumabas ng tahanan, ngunit pagbaba niya, napansin niyang may tama na siya ng bala, trapal lamang ang dingding ng kanilang tahanan. Si Radores naman ay natutulog na, at ng makarinig ng putok ay kinoberan ang anak kaya tinamaan siya sa likod, kumot lamang ang dingding ng kanilang bahay. Ang mga balang tumagos sa kanilang katawan ay pawang mga bolitas.

Ayon sa mga saksi, tatlong pagsabog umano ang kanilang narinig, kasunod nito ay anim na putok, at ang huli ay putok ng shotgun. Ang mga gwardya'y galing umano sa R-911 Security Agency.

Nakuha rin ng mga residente ang dalawang molotov na umano'y ibinato ng mga gwardya upang sunugin ang pansamantala nilang tahanan.

Isa pang residenteng nagngangalang Jay-Ar, 24, ang binugbog at putok ang nguso. Umano'y hinatak siya ng gwardya sa loob ng binakurang lupang inaagaw ng isang Felino Neri, kinaladkad at saka binugbog.

Ito na ang pangalawang insidente ng pamamaril ng mga gwardya sa lugar. Nauna rito, noong Agosto 27, 2010, binaril ng gwardyang si Reymarc Arsenal ang babaeng si Dorina Dagohoy Bahin na tinamaan sa kanang balikat. Dinala naman sa Baras Police Station ang namaril na gwardya habang ang biktima naman ay isinugod sa malapit na pagamutan.

"Hindi na iginalang ng mga gwardya ang ating karapatang pantao, winasak na nila ang ating mga tahanan ay gusto pa yata tayong patayin. Gumagawa sila ng aksyon para i-provoke kaming labanan sila. Ginagalit nila ang mga tao." sabi ni Sandy Bengala, pangulo ng Bukluran ng Sais at Siete Neighborhood Association (BSSNA) sa Brgy. Mariana, New Manila, na samahan ng mga residente sa lugar.

"Hinihingi namin ay hustisya na huwag sanang maipagkait sa amin," dagdag pa ni Bengala.


Huwebes, Setyembre 16, 2010

KKFI at KPML, namahagi ng donasyon sa mga nasunugan sa Navotas

Mula sa website ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation, Inc.
http://www.kkfi.org.ph/latest-news/3-latest/18-kkfi-namahagi-ng-donasyon-sa-mga-nasunugan-sa-navotas

KKFI at KPML, namahagi ng donasyon sa mga nasunugan sa Navotas
Ni Michael O. Orcullo

NOONG ika-9 ng Setyembre 2010, ipinamahagi ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) at iba pang kaalyadong organisasyon nito ang mga nakalap na donasyon at tulong sa mga biktima ng isang malakihang sunog na naganap sa Lungsod Navotas.

Mahigit 7,000 residente ang naapektuhan ng trahedyang naganap sa Brgy Cipac-Almacen at Brgy. Navotas West noong gabi ng ika-25 ng Agosto.

Ang nasabing mga barangay ay ilan sa mga inoorganisa ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), na ilang dekada nang ka-partner ng KKFI.

Ang KPML ay nakipag-ugnayan sa KKFI upang mangalap ng tulong-materyal at -pinansyal para sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Sa pakikipagtulungan ng Asuncion A. Perez Memorial Inc., Methodist Commission on Resource Development, at United Methodist Committee on Relief, nakakakalap ang KKFI ng mga damit, gamit sa bahay, school supplies at iba pa sa loob ng isang linggo.

Ipinamahagi ng KKFI, kasama ang pangulo ng KPML na si Ka Pedring Fadrigon, ang donasyon sa mga nasunugan sa Navotas Sports Complex, kung saan pansamantalang nanirahan ang marami sa mga nasunugan.

Makalipas ang isang linggo, nakapagbigay naman ng karne ng manok ang CNC-Poultry, sa pakikipag-ugnayan ng Gilead Center for Children and Youth sa Bulacan, bilang tulong sa mga biktima.

Linggo, Setyembre 12, 2010

Artikulo ni former VP Guingona hinggil sa demolisyon sa New Manila

Kahapon, Setyembre 10, pinapunta ako ni Ka Sandy Bengala, pangulo ng Bukluran ng Sais at Siete Neighborhood Association, sa kanilang lugar na dinemolis sa New Manila upang ibigay ang kopya ng sinulat na ito ni dating VP Tito Guingona hinggil sa naganap na demolisyon sa kanilang lugar. Si Guingona ang isa sa mga nagtanggol sa mga residente laban sa demolisyon, at isa rin sa humarang sa demolisyon noong Agosto 11. – greg

Ang sumusunod ang artikulo ni dating VP Teofisto Guingona:


POWER VS. POVERTY
by Tito Guingona

On August 11 a horrible specter of merciless destruction began anew against more than l80 helpless families – mostly women and children, living in humble shanties between sixth and seventh street in Broadway, Quezon City. The demolition teams were led by sheriffs, scores of armed police officers and men, and private gangs bearing hammers and steel bar, and security guards carrying shotguns, armalites and sidearms.

The affected families pleaded – because the weather was bad, and the law mandates that demolitions should only proceed in clear weather. Furthermore, the order of demolition was expressly directed only against six named individuals and persons claiming rights under them – not against other persons with separate homes living there.

They intended to raise this vital issue, among others, in a hearing already scheduled for Friday, only two days hence.

But the sheriffs who led the demolition were adamant. The rains then were intermittent. They would come and go, and when a lull came during noon – they ordered the destruction to proceed. The settlers stood their ground but were no match for the rush of armed forces seeking to destroy. Lourdes Pantanosas strove to shield her family but was pistol-whipped on the head. More than a dozen others who tended to preserve simple belongings were mangled or trampled upon. They used Improvised explosive devices or Pillbox bombs, shotguns and armalites to cow the helpless victims further.

By nightfall, in the wake of ruins, many of the settlers were driven to the streets, stripped of roofs over their heads, shorn of tattered belongings left in the rubble – and then the evening rains came to drench their sufferings even more. Yet no matter how strong the rains and the roar of thunder, they could not stifle the wail of children crying in the night…nor the painful sobs of impoverished mothers weeping and praying in the dark.

The ugly demolition kept on for several days until all l80 families were driven to the streets. But the armed police and private security forces kept on and maintained vigil. Towards the second weekend. In the early morning of Friday August 27, a security guard using an armalite brazenly aimed and shot Dorina Dagohoy Bahin, who fell bleeding. Her friends and relatives quickly came to the rescue, rushing her to the St. Luke’s Hospital. The security guard, Reymarc Arsenal from Antipolo was taken by the police under custody to Baras Police Station, for the power to demolish a home does not include authority to shoot or kill.

This tragedy did not begin on August 11 20l0 but way back in l950 almost 60 years ago. The property, comprising 3, l43 square meters, covered by TCT No 9460, was originally owned by a Japanese national, Arata Tsuitsui. Thru the intercession of then Mayor Manuel de la Fuente of Manila, with the consent of the Alien Property Authority which had jurisdiction over Alien Custodies, the Mayor of Quezon City then Mayor Ignacio Santos Diaz, relocated the parents and elders of the present defendants, headed by Pablo L. Mirando to the site in question.

The agreement was for them to purchase the property from the Board of Liquidators, and initial payments were made, followed by monthly rentals to be considered as part payments of the sale, evidenced by receipts of said payments. Therefore the present defendants who succeeded their parents and elders are not squatters but settlers: designated by government to stay in the site, to possess the premises in good faith, to eventually own the property upon full payment.

As a matter of fact, before construction of their homes the settlers secured building permits signed by then City Engineer Anastacio V. Agan. It seems ironic therefore that in 2008 an order for demolition was issued, not by a Court, but by the City Engineers’ Office to destroy houses which had permits to build, permits given by the same office valid no mater how long ago.

From the early fifties to the present, a time span covering two generations, the original settlers and their successors endured varied challenges. They coped with the rigors of poverty. Jesse Seranilla as a young boy struggled as a pupil in nearby schools, studied assiduously and later got gainfully employment in a global firm, Philippine Airlines. Others like Jesse also spent their young years there and rose to manhood to reap success. Feliciano Angue was such a man, today he gallantly serves the nation as a Rear Admiral in the Navy. So did Alex Espinosa, now a Lt. Col in the nation’s Air Force. And Henry Espinosa, a Captain in the Philippine Marines.

But back to the property from whence they grew. In the early fifties, Carmen Planas owned the adjoining property comprising 4,304 square meters. She had other lands in the provinces and in 1953 she entered into a swap arrangement with the Board of Liquidators for ownership of the land occupied by the settlers. But she agreed to sell the adjoining property to the settlers, recognizing their rights of possession and eventual ownership of the area.

After the passing of Carmen Planas, the special administrator, Ilumindo B. Planas, sold the property to Wellington Ty Bros in November l964. Subsequently the Ty Bros. filed cases in court to eject the settlers but the son of Carmen Planas, intervened. Maximo I. Planas representing the other heirs, sided with the settlers, and asserted their right to stay in the land as eventual owners of the same. From then on court battles continued. Their rights were recognized by the court but the legal battles went on.

In l982, Wellington Ty Bros sold the property to Urban Planters Development Inc. Somehow the property was transferred anew, this time to Manila Banking Corporation, and lastly to China Bank.

Perhaps it is time we all help to resolve the plight of the settlers now. For the challenge they face is not only legal or political – it is also a social problem involving power versus poverty whose challenges similarly replicated across the land – can virtually affect the strife for social justice in the Philippines.

It took the American negro centuries and countless battles to fight for justice and equality; it was only in the seventies of last year when the last stumbling block against real social integration was finally swept away – when the distorted banner of “Equal but Separate facilities for Black and White” in schools, in restaurants, in buses, in all public places was ultimately discarded. Today the United States has a black President.

Here in our own country, we have good laws and a workable constitution – but the wielders of power are often blinded to go against the poor, not because they are per se against the poor but because they perceive them as barriers to their desired goals. A man in high power who files mining claims is disturbed when he is confronted by tillers in the land inside his claims; he is disturbed when met by labor leaders making demands in his firm; he is disturbed when the aquatic rights to his fishing company are disputed by ordinary fishermen. Disturbance distorts his vision. Who are they to dare defy me! He begins to wield power – to win at any price, regardless of any cost.

The nation’s real need however is change, wholesome and meaningful change. For history tells us that power abused can crumble into dust. Power to build, yes. Not power to destroy.

Power to respect, not power to distort the laws and policies of the land. Otherwise we may no longer hear the cry of babies in the night nor the sobs of mothers weeping and praying in the dark…but we must listen to them because the majority of our brothers and sisters are poor – and we must help them to truly build the nation.

Lunes, Setyembre 6, 2010

polyeto - Navotas, Nasunog o Sinunog?

ANO ANG PLANO SA ATIN NG GOBYERNO?

Mistula nang impyerno ang kalagayan nating mga maralitang naging biktima ng sunog na tumupok sa ating mga kabahayan noong Agosto 26, 2010. Marami na ang dinapuan ng mga karamdaman gaya ng ubo, sipon, pagtatae, sore eyes at iba pa resultang mga pagsisiksikan ng mga tao sa mga evacuation centers sa Navotas Sports Complex, Linchangco Covered Court sa Barangay NBBN, Phase I sa Barangay NBBS, at kung saan-saan pang pinaglagakan sa mga biktima ng sunog.

Sa tindi ng problema sa kawalan ng bentilasyon, malinis na tubig, palikuran at iba pang mga pangangailangan ay maihahambing na natin ang mga evacuation centers sa mga kulungang pinaglalagyan ng mga kriminal. May mga nagsasabing ang pagkakaiba natin sa kulungan ay walang rehas ang mga evacuation centers at malaya tayong lumabas anumang oras kung gugustuhin natin.

Ganunpaman, maugong na ang balita na hanggang Setyembre 13 na lamang tayo maaaring manatili sa Sports Complex habang ang mga kasama natin na nasa NBBS ay tinaningan na rin. Gagamitin daw sa isang liga ang Sports Complex habang ang sa NBBS ay sa dahilang nalalapit na raw ang pyesta doon. May mga taning na rin sa iba pang mga lugar kung saan naroon ang mga kasama natin.

Kung paaalisin tayo ng pamahalaan mula sa mga evacuation centers, saan naman tayo pupunta? May ilan na sa atin ang inalok na magbalik-probinsya at ang iba naman ay sinabihang mangupahan na lamang. Ano nga ba ang plano ng gobyerno?

May mga pahayag ang Punong Lungsod na lumabas sa midya na may pondo naman at deklarado na ang state of calamity sa lugar. Para saan ang pondo? Pambili lamang ba ito ng relief goods? Ang gusto ba ng gobyerno ay mamalimos na lamang tayo habang tayo ay nasa evacuation centers at pag naubos ay ipagtabuyan na tayo palabas?

Kamakailan ay pinatawag ang diumano'y mga may-ari ng lupang kinatirikan dati ng ating mga tirahan. Doon ay tinanong sila kung ibebenta ba nila ang "kanilang" mga lote sa Pamahalaang Lungsod para sa pagtatayo ng dike. Pinatawag ang mga "may-ari" ng lote upang tanungin kung ano ang gusto nila pero walang nagtanong sa atin kung ano ang gusto natin?

Klarong may plano ang gobyerno para sa interes ng "may-ari" ng lupa. Mahalaga sa gobyerno ang kapakanan ng mga taong ito na umaangkin hindi lamang ng lupa kundi pati dagat ay pinatituluhan ngunit mukhang walang halaga at hindi na dapat pag-usapan pa ang kahihinatnan ng mga maliliit na mamamayan.

Gusto natin ipaintindi sa gobyerno na hindi natin pinangarap na habampanahong mamalimos ng mga relief goods at magmukhang pulubi sa kapipila kada may mga pilantropong nagmamagandang loob sa atin. Kung tutulungan tayo ng gobyerno, ito ay ang maibalik tayo sa ating normal na pamumuhay.

Gusto nating bumangon mula sa malaking trahedyang sumalanta sa ating mga maralita. Mula sa naabo nating kabuhayan ay hinihiling natin na payagan tayong magtayong muli ng ating mga tirahan sa lugar na mismong kinatirikan nito. Dapat na laanan ng prayoridad sa pagpopondo ang tungkol sa pagkakaroon ng katiyakan sa paninirahan ng mga pamilyang biktima ng sunog.

Mga kasama, klaro na wala sa listahan ng ating gobyerno na mabigyan tayo ng tulong. Hindi ang kagalingan ng mga maralitang tinupok ng apoy ang kanilang tinitingnan kundi ang oportunidad na nilikha ng sunog upang ipatupad ang isang enggrandeng proyekto.

Hindi kaila sa atin ang planong pagtatambak ng lupa sa kung ilang daang ektarya ng dagat upang itayo ang isang higanteng proyektong aakit ng maraming dayuhang mamumuhunan. Mga imprastrakturang diumano'y maglalagay sa Navotas sa hanay ng mga mauunlad na lungsod sa buong bansa.

Sinuman ang nakaisip ng proyektong ito, sana'y huwag nilang gawing hayop ang mga maralita na ipapatak ang dugo bilang alay sa altar ng pag-unlad. Wala tayong tutol sa pangarap na isang maunlad na Lungsod ng Navotas pero ang gusto nating kaunlaran ay kaunlarang nakabatay sa hustisya, sa pagkilala sa karapatan ng mamamayan bilang tao, higit sa anupaman, ito ang dapat na maintindihan ng ating pamahalaan, lokal man o nasyunal. Ito ang ating ipinaglalaban!

MGA BIKTIMA NG SUNOG SA BARANGAY CIPAC-ALMASEN
AT NAVOTAS WEST, MAGKAISA!

KATIYAKAN SA PANINIRAHAN, IPAGLABAN!

Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)
Setyembre 6, 2010

Biyernes, Agosto 27, 2010

KPML area sa Navotas, nasunugan


KPML area sa Navotas, nasunog bandang 6:30 kagabi (Agosto 26, 2010), naapula ng bandang 3am ng madaling araw. 2 barangay, 3 sitio ang nasunugan – Brgy. Navotas West at ilang bahagi ng Brgy. Sipac-Almasen; nasunog yaong mga kabahayan sa Sitio Estrella, Sitio Davila, at Sitio Pitong Gatang.

Dito nakatira ang nasa 40 batang manggagawa na nasa child rights program (CRP) ng KPML, nasa 30 volunteers ng HIV program ng KPML, gender committee, 60 kabataang nasa YOU (na kabilang sa Piglas Kabataan) at mga samahan ng maralitang nasa ilalim ng KPML. Nasa 4,000 pamilya ang apektado. Sa ngayon, ang mga nasunugan ay nasa Navotas Complex, High School at Elementary School, at ang iba ay nasa chapel. Mayor na kailangan nila ang tubig, pagkain, damit, atbp.

Sa ngayon, nagtayo na kami ng grupong magsasagawa ng surveys at interview sa erya para sa gagawing relief operations, kabilang na rito ang mga KPML staff at volunteers, pati ilang mga kasapi ng Piglas Kabataan (PK).

Mga balita hinggil sa sunog ay makikita sa mga sumusunod na video. Paki-click lang po ang:

Video - 24oras: Navotas conflagration displaces thousands; child killed
http://www.gmanews.tv/video/65450/24oras-navotas-conflagration-displaces-thousands-child-killed

video - 300 families lose homes in Navotas fire
http://www.gmanews.tv/story/199544/300-families-lose-homes-in-navotas-fire

video - UB: Over 4,000 families affetced by Navotas fire
http://beta.gmanews.tv/largevideo/latest/65419/ub-over-4000-families-affetced-by-navotas-fire

video - Flash: 7-year-old girl drowns after escaping Navotas fire
http://www.gmanews.tv/video/65422/flash-7-year-old-girl-drowns-after-escaping-navotas-fire

Anumang tulong para sa nasunugan ay itawag sa KPML sa telepono 2859957. Maraming salamat po.

Miyerkules, Agosto 18, 2010

Position Paper - Laban ng Mariana

POSITION PAPER
Bukluran ng Sais at Siete Neighborhood Association

Brgy. Mariana, New Manila, Lunsod ng Quezon


Ang Bukluran ng Sais at Siete Neighborhood Association ang samahan ng mga residente ng 6th St. at 7th St., sa Brgy. Mariana, New Manila, Lunsod ng Quezon, na may kasapiang nasa 130 pamilya.

Anim na dekada nang naninirahan dito ang aming mga ninuno, lolo, lola, nanay, tatay. Dito na kami isinilang, lumaki, natuto, nakapagpamilya, nagkaanak, nagkaapo. Dito na namin binuo ang aming mga pangarap para sa isang magandang bukas. Dito na kami mapayapang nanirahan at nagtayo ng aming mga tahanan. Ngunit ang kapayapaang ito ay biglang nagulo dahil sa pagdating ng marahas na demolisyon.

Noong Agosto 11, 2010 nag-umpisa ang demolisyon. Nakikipag-negosasyon pa ang maralita sa pamamagitan nina dating bise-presidente Teofisto Guingona at Sandy Benggala, pangulo ng Bukluran ng Sais at Siete Neighborhood Association (BSSNA) dito sa Brgy. Mariana na may kasapiang humigit-kumulang 150 pamilya, at nakabarikada naman ang mga maralita sa 7th St., corner Broadway St., sa Brgy. Mariana, Quezon City nang biglang pumasok ang mga naka-truncheon na pulis sa hanay ng maralita. Dinepensahan ng mga maralita ang kanilang barikada, habang umabante naman ang mga pulis. Nasa likod ang mga demolition team na pawang naka-t-shirt ng green na may tatak na RTC. Bagamat matindi ang pagdepensa at pagkakapit-bisig ng mga maralita, biglang pumasok sa gitna ang 2 SWAT members na nakatutok ang kanilang mga armalite sa mga tao.

Ganito rin ang naganap noong Agosto 12. Nanguna ang dapat sana'y peacekeeping lamang na mga pulis sa pagdurog sa barikada. Nakatutok ang mga baril sa mga residente habang nagpapaputok ng mga armalite sa ere. Kailangan pa nilang tutukan kami ng mga mahahabang baril para itaboy kaming parang hayop sa lansangan. Kasalanan ba nating maging mahirap? Krimen na ba ang maging biktima ng kahirapan? Kami'y karaniwang mamamayan, hindi mga kriminal! Ganito ang ginagawa sa amin ng mga mangangamkam ng lupang kinatitirikan ng aming tahanan. Mga nag-aangkin ng lupang bigla na lamang sumulpot sa mahabang panahon naming paninirahan dito. Kami'y mga maralitang hindi dapat iskwater sa sariling bayan. Kami'y mga Pilipinong may dangal ngunit pilit niyuyurakan ng mga mangangamkam ng lupa.

Agosto 13 ang iskedyul ng hearing sa RTC ngunit di natuloy dahil di dumalo ang abogado ni Felino Neri, ang umano'y nais mangamkam ng lupa ng mga residente. Sinabi pa ng sheriff sa telebisyon nitong Biyernes na patuloy silang magdedemolis kinabukasan gayong nasasaad sa batas, sa Seksyon 28 ng Republic Act 7279 (Urban Development and Housing Act, Lina Law) na bawal magdemolis ng Sabado, Linggo, pista opisyal at kung masama ang panahon. Ang mga sumunod na araw pa'y lalong nagdulot sa amin ng ibayong pangamba, bagamat matibay ang aming loob at nagkakaisang ipagtanggol ang aming mga karapatang ibig nilang agawin sa amin.

Agosto 17 ng gabi, tahimik na kumakain ang ilang pamilya sa amin nang biglang bulabugin ng mga gwardya sa kalapit na lote. Ayon sa mga saksi, tinatakot nila ang mga residenteng nais nilang palayasin sa lugar ng mayayaman. Mga residenteng nais itaboy na parang hayop sa lansangan dahil pawang mahihirap, pawang karaniwang tao, simpleng manggagawa na may simpleng pamilya, simpleng pamilyang may simpleng pangarap.

Sa ngayon, hindi kami naniniwalang isang nagngangalang Felino Neri ang siyang tunay na may-ari ng lupa.

Ang aming mga kahilingan:
1. Itigil ang Demolisyon! Itigil ang pagwasak nila sa ating kinabukasan! Magkaroon ng status quo upang magsagawa ng negosasyon sa mga kinauukulang ahensya, kinatawan ng lokal na pamahalaan, at maging sa pangulo
2. On site / land sharing
3. Magsagawa ng imbestigasyon / inquiry ang Committee on Housing ng Quezon City Council at ang Commission on Human Rights (CHR)

Dignidad at Pagkatao. Ito ang katumbas ng ating tahanan, ng ating paninirahan ng matagal na panahon sa lugar na ating kinamulatan at kinalakhan. Nang isinilang na ang bawat isa sa atin ay may karapatan na tayong magkaroon ng tahanan upang mabuhay tayo't kilalanin bilang taong may dignidad. Kaya pag tinanggalan tayo ng tahanan, tayo’y agad nagagalit dahil tinatanggalan tayo ng dignidad at ng ating pagkatao. Subukan kaya nating tanggalan din ng tahanan ang mga sheriff, mga pulitiko, mga demolition teams, at iba pa, para maunawaan nila kung gaano kasakit ang mawalan ng tahanan.

May batayan para sa maayos at sapat na pabahay na binabanggit sa dokumento mismo ng United Nations (UN) Committee on Economic, Social and Cultural Rights (ESCR). Ito'y nakasaad mismo sa General Comment No. 4 (1991) at General Comment No. 7 (1997) ng nasabing komite. Tinalakay din ito sa Fact Sheet 21 na may pamagat na "The Human Right to Adequate Housing" bilang bahagi ng World Campaign for Human Rights. Unahin muna natin ang GC4, na tumatalakay sa pitong sangkap upang tiyakin ang karapatan sa sapat na pabahay.

1. Ligal na Seguridad sa Paninirahan (legal security of tenure) - isa itong legal na anyo ng proteksyon na magtitiyak sa paninirahan ng mamamayan sa kanilang tahanan at komunidad;
2. Matatamong serbisyo, materyales at imprastraktura (availability of services, materials and infrastructure) - madaling maabot ang likas-yaman, ligtas na inuming tubig, gas sa pagluluto, kuryente, sanitasyon at labahan, tinggalan ng pagkain, tapunan ng dumi at mga serbisyong agarang kailangan (emergency services);
3. Kayang-kayang matamong paninirahan (affordable housing) - hindi dapat magamit sa gastusin sa pagpapagawa at pagpapayos ng bahay ang salaping nakalaan na para sa pagkain, edukasyon at pananamit;
4. Bahay na matitirahan (habitable housing) - ang bahay ay may sapat na espasyo. maluwag para sa titira, may bentilasyon, at yari sa matitibay na materyales na magtitiyak na ang mga titira sa bahay na iyon ay madedepensahan laban sa lamig, init, hamog, ulan, hangin, o anumang banta sa kalusugan, mapanganib na istruktura at sakit;
5. Kayang puntahang pabahay (accessible housing) - madaling puntahan ang lugar at unahin sa mga proyektong pabahay ang mga biktima ng kalamidad, mga may kapansanan, at iba pa;
6. Lokasyon (location) - ang pabahay ay dapat malapit sa lugar ng trabaho at mga serbisyong panlipunan tulad ng eskwelahan, palengke, ospital, libangan, libingan, at iba pa;
7. Sapat na pangkulturang pabahay (culturally adequate housing) - ang disenyo ng pabahay ay dapat na may paggalang sa identidad o kultura ng mga naninirahan, halimbawa'y tribung lumad, muslim o kristyano.

Ayon naman sa Seksyon 10 ng General Comment No. 7, hingil sa forced eviction: "Ang mga kababaihan, kabataan, matatanda, lumad, at iba pang indibidwal o grupo ay nagdurusa sa mga gawaing pwersahang ebiksyon. Pangunahing tinatamaan ang kababaihan sa lahat ng grupo at nakakaranas sila ng iba't ibang uri ng diskriminasyon, at sila'y bulnerable sa karahasan at abusong sekswal kung sila'y nawawalan ng tahanan."

Inaasahan naming ang aming karaingan ay dinggin at ang mga kahilingang ito ng maralita para sa aming karapatan sa paninirahan ay aming makamit at agad maisakatuparan upang magkaroon kami at ang aming mga pamilya ng katiwasayan sa aming puso't isipan. Huwag nating hayaang may magbuwis pa ng buhay kaya dapat tumulong ang mga ahensya sa problemang ito. Marami pong salamat.

Bukluran ng Sais at Siete Neighborhood Association
Agosto 18, 2010

Sabado, Agosto 14, 2010

polyeto hinggil sa isyu ng New Manila

Itigil ang pagwasak nila sa ating kinabukasan!
Labanan ang demolisyon!

Dignidad at Pagkatao. Ito ang katumbas ng ating tahanan, ng ating paninirahan ng matagal na panahon sa lugar na ating kinamulatan at kinalakhan. Nang isinilang tayo'y may karapatan na ang bawat isa sa ating magkaroon ng tahanan upang mabuhay tayo't kilalanin bilang taong may dignidad. Kaya pag tinanggalan tayo ng tahanan ay nagagalit tayo dahil tinatanggalan tayo ng dignidad at ng ating pagkatao.

Ganito ang ginagawa sa atin ng mga mangangamkam ng lupang kinatitirikan ng ating tahanan. Tayong mga maralitang hindi dapat iskwater sa sariling bayan. Tayong mga Pilipinong may dangal ngunit pilit niyuyurakan ng mga mangangamkam ng lupa.

Anim na dekada nang naninirahan dito ang ating mga ninuno, lolo, lola, nanay, tatay. Dito na tayo sa Barangay Mariana sa New Manila, Quezon City isinilang, lumaki, natuto, nakapagpamilya, nagkaanak, nagkaapo.

Noong Agosto 11, 2010 nag-umpisa ang demolisyon. Nakikipag-negosasyon pa ang maralita sa pamamagitan nina dating bise-presidente Teofisto Guingona at Sandy Bengala, pangulo ng Bukluran ng Sais at Siete Neighborhood Association (BSSNA) dito sa Brgy. Mariana na may kasapiang humigit-kumulang 150 pamilya, at nakabarikada naman ang mga maralita sa 7th St., corner Broadway St., sa Brgy. Mariana, Quezon City nang biglang pumasok ang mga naka-truncheon na pulis sa hanay ng maralita. Dinepensahan ng mga maralita ang kanilang barikada, habang umabante naman ang mga pulis. Nasa likod ang mga demolition team na pawang naka-t-shirt ng green na may tatak na RTC. Bagamat matindi ang pagdepensa at pagkakapit-bisig ng mga maralita, biglang pumasok sa gitna ang 2 SWAT members na nakatutok ang kanilang mga armalite sa mga tao.

Ganito rin ang naganap noong Agosto 12. Nanguna ang dapat sana'y peacekeeping lamang na mga pulis sa pagdurog sa barikada. Nakatutok ang mga baril sa mga residente habang nagpapaputok ng mga armalite sa ere.

Kailangan pa nilang tutukan tayo ng mga mahahabang baril para itaboy tayong parang hayop sa lansangan. Kasalanan ba nating maging mahirap? Krimen na ba ang maging biktima ng kahirapan? Tayo'y karaniwang mamamayan, hindi mga kriminal!

Agosto 13 ang iskedyul ng hearing sa RTC ngunit di natuloy dahil di dumalo ang abogado ni Felino Neri, ang umano'y nais mangamkam ng lupa ng mga residente. Sinabi pa ng sheriff sa telebisyon nitong Biyernes na patuloy silang magdedemolis kinabukasan gayong nasasaad sa batas, sa Seksyon 28 ng Republic Act 7279 (Urban Development and Housing Act, Lina Law) na bawal magdemolis ng Sabado, Linggo, pista opisyal at kung masama ang panahon.

Mga kapwa maralita, magpatuloy tayong magkaisa at manindigan! Nasa pagkakaisa ang ating lakas! Ipagtanggol natin ang ating mga tahanan, ang ating dignidad at pagkatao! Huwag nating hayaang itaboy nila tayong parang mga hayop na walang tahanan!

Huwag nating payagang patuloy nilang yurakan ang ating dignidad at pagkatao! Ipagtanggol ang ating karapatan!

Itigil ang pagwasak nila sa ating kinabukasan!
Labanan ang demolisyon!

Bukluran ng Sais at Siete Neighborhood Association
SANLAKAS – Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML) – Partido Lakas ng Masa - QC (PLM-QC) – Alyansa ng Maralita sa Quezon City (ALMA-QC)


Agosto 14, 2010


Batuhan sa Demolisyon (Brgy. Mariana, New Manila)

BATUHAN SA DEMOLISYON
(Demolisyon sa Brgy. Mariana, New Manila, Agosto, 2010)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod

sa telebisyon ay pinanood ng madla
ang pagngangalit ng bagang ng mga dukha
ang karapatan nila'y sadyang kinawawa
ang mga nagdemolis nga'y kasumpa-sumpa

nang winawasak na ang kanilang tahanan
ramdam nilang dangal nila'y niyuyurakan
tinatanggalan na sila ng karapatan
kaya sila na'y nagpasyang makipaglaban

sa dibdib nila'y sadyang sumiklab ang poot
mga noo nila'y talagang nakakunot
kahit ramdam nilang tuhod ay nanlalambot
ay nilabanan ang demolisyong bangungot

kaya demolition team ay pinagbabato
ng mga residenteng nakatira dito
tama lang naman ang pagtatanggol na ito
pagkat nayurak ang kanilang pagkatao

ang bahay ang tanging yaman ng maralita
giniba lang ng mga bayarang alila
kaya tama lamang ang kanilang ginawa
batuhin, paurungin ang kumakawawa

kaya nagkabatuhan at nagkagantihan
ang magkabilang panig ay nagdepensahan
isa'y nagtanggol sa kanilang karapatan
isa'y dahil sa atas ng mga gahaman

pansamantalang natigil ang demolisyon
pagkat kayrami nilang nasugatan doon
ngunit ang sheriff ay talagang nanghahamon
talagang nais nitong dukha'y maibaon

misyon nito'y wasakin ang bahay ng dukha
ngunit di papayag dito ang maralita
pagkat dangal na nila ang kinakawawa
ng demolition team na dapat lang isumpa

Huwebes, Agosto 12, 2010

Ilegal na Demolisyon sa Brgy. Mariana, New Manila, Kinondena

SANLAKAS – KPML
Press Statement
August 11, 2010

Ilegal na Demolisyon sa Brgy. Mariana, New Manila, Kinondena
SWAT, NANUTOK NG BARIL PARA MADUROG
ANG DEPENSA NG MARALITA

Kinokondena ng Sanlakas at Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lunsod (KPML) ang naganap na marahas at ilegal na demolisyon ng mga bahay ng mga kasapi ng Bukluran ng Sais at Siete Neighborhood Association (BSSNA) sa Brgy. Mariana, New Manila sa Lunsod Quezon kaninang umaga.

Nakikipag-negosasyon pa ang maralita sa pamamagitan nina dating bise-presidente Teofisto Guingona at Sandy Bengala, pangulo ng BSSNA sa Brgy. Mariana na may kasapiang na 123 pamilya, at nakabarikada naman ang mga maralita sa 7th St., corner Broadway St., sa Brgy. Mariana, Quezon City nang biglang pumasok ang mga naka-truncheon na pulis sa hanay ng maralita. Pilit dinepensahan ng mga maralita ang kanilang barikada, habang umabante naman ang mga pulis. Nasa likod ang mga demolition team na pawang naka-t-shirt ng green na may tatak na RTC.

Bagamat matindi ang pagdepensa at pagkakapit-bisig ng mga maralita, biglang pumasok sa gitna ang 2 SWAT members na nakatutok ang kanilang mga armalite sa mga tao. Dito na nagpulasan ang mga tao papasok sa loob ng 7th St., para depensahan ang kanilang mga tahanan.

Ayon kay Bengala, ilegal ang demolisyon dahil nakapag-comply pa sila noong Biyernes sa 5 limang araw na isinasaad sa demolition order kaya naghain sila ng Motion for Reconsideration noong Biyernes, Agosto 6. Ilegal din ang demolisyon dahil walang inaalok na maayos na relokasyon para sa kanila. Ayon sa pananaliksik, ang lupa ay hindi tunay na pag-aari ng isang Mr. Felino Neri na nag-aangkin ng lupa.

Dinig na dinig ang putukan ng mga armalite mula sa ere, habang di pa mabilang ang mga nasaktan sa mga maralitang inagawan ng kanilang tahanan at sa hanay rin ng media. Sa ngayon, maraming bahay na ang nawasak, at nagpaplano na ang mga maralita na magsampa ng kaso laban sa mga pulis at demolition team.


Para sa mga karagdagang detalye, mangyaring kontakin si Ginoong Sandy Bengala sa 0918-4590761 o sa 0905-5914217 o sa Sanlakas ofc sa 4159400.

Lunes, Agosto 2, 2010

LTTE - SANLAKAS Negros and KPML Challenge on P-Noy SONA

SANLAKAS Negros and KPML Challenge on P-Noy SONA
(from letter-to-the-editor section of Negros Daily Bulletin, July 28, 2010, p.4; can be accessed at http://www.ndb-online.com/jul2810/FEEDBACKS)

We have to dream dreams, but when a dream will remain to be a dream then it will be a nightmare. As political organizations that consistently fought for the rights of the masses, we challenge the Aquino administration to transform dreams into reality.

While we (the Sanlakas Negros and the Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod-KPML) give the Aquino administration a space and time to prove himself in realizing his promised reforms towards the right direction, we continue to be vigilant in keeping an eye on his administration in order that the Filipino people will be kept from hypnotic promises and profound dream which could be "a pie in the sky." We continue to push for a reversal of all the anti-poor, anti-labor but pro-capitalist, pro-imperialist economic policies which were approved and implemented by the previous administrations. We challenge the Aquino administration to establish a strong, sovereign and developing state that mobilizes government’s regulatory and procurement powers to discipline the market and direct resources towards development and welfare.

Moreover, we continue to advocate a concrete program for the poor and marginalized sector of society, specifically, the plight of the farmers and the serious implementation of the extension of agrarian reform program, and the housing program with sustainable development plans for the urban poor.

(Sgd) Helen Lamayo
Sanlakas-Negros Chairperson

(Sgd) Rustico Año
KPML-National Executive Council-Bacolod City

Martes, Hulyo 27, 2010

3-Taong Moratoryum sa Demolisyon, Hiling ng Maralita ng San Roque

PRESS STATEMENT
Hulyo 26, 2010

3-Taong Moratoryum sa Demolisyon, Hiling ng Maralita
MGA MARALITA NG SAN ROQUE,
NAGMARTSA PATUNGONG TIMES ST.


Nagsagawa ng piket-martsa ang nasa dalawangdaang (200) maralita, isangdaan dito ay mga bata mula edad 7 pataas, mula sa Agham Road sa Sitio San Roque, Brgy. Pag-asa, Quezon City. Nagmartsa sila mula sa Agham Road patungo sa bahay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Times St.

Ang kanilang isyu: ipatigil ang bantang demolisyon sa kanilang lugar bunsod ng proyektong CBD o Central Business District, kung saan tatamaan nito ang 10,000 hanggang 12,000 pamilyang nakatira sa North Triangle at East Triangle, at mula Veterans Hospital hanggang East Avenue Medical Center.

Ang nasabing pagkilos ay pinangunahan ng FRONT (Friends of North Triangle) na binubuo ng San Roque Community Council (SRCC), N3T, at United Muslim Association (UMA). Dalawang linggo ang nakararaan ng magbigay sila ng liham kay Pangulong Aquino na humihiling na itigil ang demolisyon at petisyon para sa tatlong taong moratoryum laban sa demolisyon sa buong Sitio San Roque.

Ayon kay Edwin Nacpil, tagapagsalita ng grupo, "Nararapat lamang na pakinggan ni P-Noy ang aming kahilingan dahil sabi nga niya sa kanyang inaugural address, “Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo.” Umaasa ang maralita na ang munting kahilingan nila ay agarang magkaroon ng katuparan.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin si Lydia Lim sa 0918-7393524 o sa 09082030713, o sa Sanlakas office sa 4159400

Linggo, Hulyo 25, 2010

Press Statement sa SONA ni P-Noy

PRESS STATEMENT
Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lunsod (KPML)
Mula kay: Ka Pedring Fadrigon, Pambansang Tagapangulo
Hulyo 26, 2010

KAHIT LIMA SA 15-PUNTOS NG MARALITA,
INAABANGAN NG MARALITA SA SONA NI P-NOY

“May masasabi kaya si Pangulong Noynoy Aquino upang maibsan ang aming kahirapan at matigil ang mga banta ng demolisyon sa aming lugar?” Ito ang katanungan ng mga maralitang kasapi ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML), Zone One Tondo Organization (ZOTO) at Piglas-Kabataan (PK) nang sila’y magkatipon-tipon kaninang ika-10 ng umaga sa harap ng tanggapan ng National Housing Authority (NHA), at nagmartsa patungong Kongreso upang pakinggan ang unang state of the nation address ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ano ang esensya ng kanyang unang SONA sa mga maralitang tulad natin? Pagbabago nga ba o pambobola ang kanyang mga katagang "Kayo ang Boss ko!", "Kayo ang aking lakas", "Lalaktawan natin ang gitna (o mga agencies)”, "Tayo na sa tuwid na landas", “Tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad”, at iba pang matatamis na salita? Sisipatin ng mga maralita kung totoong BOSS nga ba ni P-Noy ang taumbayan, lalo na ang maralita, kung may pangako siya, plano at programang ipatutupad hinggil sa kanilang abang kalagayan:

1. Ipagbawal ang pwersahan at marahas na demolisyon, padlocking at ebiksyon sa mga maralita ng lunsod
2. Moratoryum sa demolisyon at bayarin
3. Re-oryentasyon sa mga programa, proyekto at mga patakaran hinggil sa pabahay ng maralita
4. Ipawalang-bisa ang mga batas at patakaran na kontra-maralita
5. Parusahan ang sinumang tauhan ng gobyerno na napatunayang sangkot sa paglabag sa karapatang pantao ng mga maralita
6. Isabatas ang Magna Carta of the Urban Poor
7. Buwagin ang mga ahensyang walang silbi sa kapakanan ng maralita
8. Irebisa ang mga imprastrakturang proyektong nakakaapekto sa maralita
9. Garantiyahan ang social cost, di lang ang project cost, sa lahat ng proyektong apektado ang maralita
10. Integrado, komprehensibo at tuloy-tuloy na programang pangmasa at sosyalisadong pabahay
11. Legislated at sapat na pondong panustos sa mga programa at proyektong pangmasang pabahay ng maralita at mga batayang serbisyo
12. Maglaan ng "endowment fund" para sa mga programang pangkabuhayan at pagsasanay para sa mga maralita
13. Tiyakin ang distribusyon ng murang bilihin at konsumo sa mga komunidad at relokasyon ng mga pamilyang maralita
14. Kilalanin ang karapatan ng maralita sa paglahok sa lahat ng aspeto ng proyekto, programa at batas na nakakaapekto sa maralita
15. Pagtitiyak ng trabahong regular, at hindi kontraktwal, sa mga maralita

Umaasa ang mga maralita na lima sa mga ito o higit pa ay maisakatuparan ni Pangulong Aquino sa kanyang panunungkulan, at umaasa ang maralitang makakapulong nila si P-Noy hinggil sa “15-Puntos ng Maralita”.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa KPML sa telepono blg. 2859957

Biyernes, Hulyo 23, 2010

Polyeto para sa Unang SONA ni P-Noy

PAGBABAGO O PAMBOBOLA?
Boss nga ba ni P-Noy ang maralita?

Matutunghayan ng taumbayan ang unang state-of-the-nation-address ni Pangulong Benigno Aquino III sa bulwagan ng Kongreso sa Hulyo 26, 2010. Ano ang esensya ng kanyang unang SONA sa mga maralitang tulad natin? Pagbabago nga ba o pambobola ang kanyang mga katagang "Kayo ang Boss ko!", "Kayo ang aking lakas", "Lalaktawan natin ang gitna (o mga agencies)”, "Tayo na sa tuwid na landas", at iba pang matatamis na salita?

Sipatin natin sa kanyang SONA kung totoong BOSS nga ba ni P-Noy ang taumbayan, lalo na ang maralita, kung may pangako siya, plano at programang ipatutupad hinggil sa kalagayan ng maralita:

1. Ipagbawal ang pwersahan at marahas na demolisyon, padlocking at ebiksyon sa mga maralita ng lunsod
2. Moratoryum sa demolisyon at bayarin
3. Re-oryentasyon sa mga programa, proyekto at mga patakaran hinggil sa pabahay ng maralita
4. Ipawalang-bisa ang mga batas at patakaran na kontra-maralita
5. Parusahan ang sinumang tauhan ng gobyerno na napatunayang sangkot sa paglabag sa karapatang pantao ng mga maralita
6. Isabatas ang Magna Carta of the Urban Poor
7. Buwagin ang mga ahensyang walang silbi sa kapakanan ng maralita
8. Irebisa ang mga imprastrakturang proyektong nakakaapekto sa maralita
9. Garantiyahan ang social cost, di lang ang project cost, sa lahat ng proyektong apektado ang maralita
10. Integrado, komprehensibo at tuloy-tuloy na programang pangmasa at sosyalisadong pabahay
11. Lagislated at sapat na pondong panustos sa mga programa at proyektong pangmasang pabahay ng maralita at mga batayang serbisyo
12. Maglaan ng "endowment fund" para sa mga programang pangkabuhayan at pagsasanay para sa mga maralita
13. Tiyakin ang distribusyon ng murang bilihin at konsumo sa mga komunidad at relokasyon ng mga pamilyang maralita
14. Kilalanin ang karapatan ng maralita sa paglahok sa lahat ng aspeto ng proyekto, programa at batas na nakakaapekto sa maralita
15. Pagtitiyak ng trabahong regular, at hindi kontraktwal, sa mga maralita

Kung maisasagawa ang mga ito, tumatahak tayong maralita sa tuwid na landas na sinasabi ni P-Noy. Alam nating hindi simple, kundi daraan ito sa maraming proseso. Ngunit ang pagkilala rito ni P-Noy at pagsasagawa ng plano at programa hanggang pagpapatupad ng mga ito ay malaking bagay na para sa ating mga maralita.

Gayunman, mas tamang kumilos tayo at hamunin si P-Noy na gawin ang mga nararapat para sa ating maralita, pagkat sabi nga niya, “Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo.” Kung hindi, ang pagbabagong sinasabi niya ay pambobola lang pala.


KONGRESO NG PAGKAKAISA NG
MGA MARALITA NG LUNSOD (KPML)
ZONE ONE TONDO ORGANIZATION (ZOTO)
Hulyo 26, 2010

Linggo, Hulyo 18, 2010

Si P-Noy at ang Maralita

ANG ADMINISTRASYONG P-NOY AT ANG MARALITA
Discussion Paper para sa pulong ng
National Council of Leaders (NCL) ng KPML

1. Panibagong yugto ang pinasok ng maralita matapos ang unang automated election noong Mayo 10, 2010. Sa unang automated election, mabilis na nalaman ng mamamayan ang resulta kumpara sa mga nakaraang eleksyon na umaabot ng 2-3 linggo bago malaman kung sino ang nanalo. Bagamat laganap pa rin ang dayaan, bilihan, karahasan at pananakop sa kampanyahan, naging credible pa rin sa malawak na mamamayan ang resulta ng halalan na may rata ng partisipasyon na pitumpu't limang bahagdan (75%), ayon sa Comelec, at dahil na rin sa bilis ng resulta. Naunang ipinroklama ang 12 senador at noong Hunyo 9, 2010 ay nanalo si Noynoy Aquino bilang pangulo at si Jejomar Binay bilang pangalawang pangulo.

2. Ang panalo ni Noynoy (15.2 milyong boto) sa nakaraang halalan ay utang niya sa suporta ng malalaking kapitalista, lokal na negosyante at sa mga dayuhang interes na umalalay at sumuporta sa kanyang diktadura kahit walang maningning na track record bilang mambabatas si Noynoy.

Naging mabisa at umakit sa masa ang panawagang kung walang korap, walang mahirap dahil sa naging karanasan ng mamamayan sa administrasyong Gloria Arroyo na batbat ng korapsyon at mga anomalya. Si Noynoy ang kumabig sa malaking bahagi ng botong anti-Arroyo at kumatawan sa sentimyento ng masa ng sambayanan laban sa siyam na taon ng korap na administrasyon ni Gng. Arroyo.

Sinuportahan ng US, mga dayuhang kapitalista at lokal na negosyante (MBC) ang kandidatura ni Noynoy. Naging palatandaan na si Noynoy ang manok ng US nang magingcover siya ng Time magazine. Napondohan ang kampanya ni Noynoy at pumanig ang INC na naoong 2-3 linggo bago ang eleksyon ay makiling kay Manny Villar. Nahati ang boto ng masa kina Noynoy at Erap.

3. Kapansin-pansing nagtiwala pa rin ang malaking bahagi ng masang Pilipino kay Erap (9.4 milyong boto) na pumangalawa sa bilangan at naungusan ang magastos sa ad na si Manny Villar (4 milyong boto) na sang-ayon sa mga nakaraang survey ay mahigpit na kalaban ni Noynoy dahil sa laki ng pondong ginastos sa eleksyon, sa mga TV at radio advertisement, pagkabig sa mga pulitiko na kapartido ni Gloria Arroyo, paggamit sa mga bata sa kanyang mga political jingle ("Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura") na pangkabig sa masa na siya umano'y nanggaling sa buhay mahirap, na nagpakilala sa kanya sa masang naghihirap at galit sa administrasyon ni Gloria Arroyo.

4. Ngunit nang mailantad si Villar ng mga iskandalo at anomalya, tulad ng "C5 at Taga" at PSE, ay gumuho ang kanyang nilikhang imahe sa masa na siya'y malinis na oposisyon at makalulutas sa kahirapan ng masang naliligo sa dagat ng basura. Malaking epekto rin ang pinalaganap na "Villaroyo" na hindi epektibong ng kampo ni Villar. Ang pagkabulgar ng mga kasinungalingan ni Villar ay bumalik na parang boomerang at naging malaking dagok sa umaangat na kampanya ni Villar-Legarda.

Ang mga kandidatong tukoy na sagadsagaring maka-Arroyo ay nilaglag ng mga botante. Pinatunayan nito ang sentimyento ng masa laban sa administrasyong GMA na 9 na taong nagpahirap sa masa. Kiss of death ang dumapo at nangyari kay Gibo (3 milyong boto), na nagiba sa pagiging kandidato ni GMA. Bukod dito ay nagreklamo na gipit sa pondo ang kampanya ni Gibo at may mga lokal na opisyal na kadikit ni GMA na lumipat kay Noynoy tulad ni Joey Salceda ng Albay at mga Garcia ng Cebu naman ay napabalitang sumuporta kay Villar. Sa madaling salita nabiyak ang Lakas Kampi CMD at hindi naging mapagpasya sa kampanya ni Gibo na ang inaasahan na magdadala ay ang mga lokal na opisyal ng gobyerno na myembro ng Partido Lakas-Kampi CMD.

5. Sa pagluklok kay Noynoy Aquino, ano ang posibleng maging patakaran nito? Ipagpapatuloy ba nito ang mga patakaran ng administrasyong GMA? O uugit ng sariling landas batay sa kanyang panawagang laban sa korapsyyon? Sa mas malamang dahil sa kanyang uring kinabibilangan, ang uring hasendero, ang mga patakarang aasahan ay ang pangangayupapa pa rin sa interes ng naghaharing uri at sa mga dayuhang interes, sa interes ng kapitalistang globalisasyon.

6. Lumilitaw na ang mga posibleng papasok sa gabinete ni Noynoy. At ito’y ang mga lumang pulitiko at mga datihang burukrata na papalit sa gabinete ni GMA at magpapatakbo ng pamahalaan. Nagsimula na ang balyahan para makuha ang mga juicy positions. Mga posisyong pinagkakakitaan ng limpak-limpak na salapi mula sa katiwalian.

7. Walang matitibay na ebidensyang pinanghahawakan ang mga nag-aakusa ng electronic cheating, tulad nina "Koala Bear", Koala boy, at mga natalong kandidato tulad nina Mike Defensor, Barbers, Susano, Lazaro, atbp. na may naganap na dayaan sa pamamagitan ng automated election cheating gamit ang pcos machine at compact flash cards. Kakailanganin pa natin ng mas malalim na pag-aaral para patunayan ang naganap na dayaan. Mismong si Mar Roxas na tinalo ni Binay sa pagka-VP ay kinuwestyon pa ang null votes (2M) at walang malinaw na tindig sa suspetsang malaganap na electronic cheating. Ang dayaan na malinaw na naobserbahan ay ang malaganap na bilihan ng boto na umaabot ng libong piso, ang tradisyunal na paraan ng pandaraya.

Bagamat sa pahayag ng PCS (Phil Computer Society), ang electronic cheating ay posible dahil sa hindi na nasunod ang mga technical requirements kasama ang security features tulad ng digital signatures, ultra violet security sensor, etc. Anila, na-mismanaged ng Comelec ang unang automated election sa bansa dahil sa hindi nasunod ang panahong kailangan para magawa ang preparasyon; testing ng pcos, compact flash cards, ATBP.

8. Ang ating paninindigan sa Bagong Administrasyong Aquino

Ang islogang "kung walang korap, walang mahirap", "dadalhin tayo sa tuwid na daan" at "kayo ang aking lakas" ang mga islogan na maaari nating maging lubid na pambigti sa rehimeng Aquino. Ang mga islogang ito ang nagbigay pag-asa sa mamamayan at nagdeliber ng milyon-milyong boto kay Noynoy. Madaling sabihin ang mga islogang ito ngunit mahirap gawin at ipatupad batay na rin sa uring pinagmulan at sa naging karanasan ng mga manggagawa at magbubukid ng Hasyenda Luisita na pag-aari ng pamilyang Cojuangco-Aquino.

Magiging masalimuot ang pagiging pangulo ni Noynoy. Malaking bilang ng mamamayan ang umasa sa kanyang mga pangako ngunit kaalinsabay nito ay ang pagbabayad ng kanyang pampulitikang pagkakautang sa malalaking kapitalista't dayuhang interes tulad ng US na walang dudang may malaking tulong (lohistika at propaganda) sa kanyang kandidatura para masungkit ang panguluhan.

ANG ATING PAGKILOS

Hamunin si Noynoy sa islogang kanyang ibinandila sa masa kung walang korap ay walang mahirap, kung tunay na hindi magiging korap ang kanyang rehimen at dadalhin tayo sa tuwid na daan at kikilalanin niya at aasahan na ang taumbayan ang kanyang lakas.

Ang taktikang "Subukan at Hamunin si Noynoy" ay naglalayon na ilantad ang tunay na kulay ng administrasyong Aquino. Ang mismong magiging tugon ni Noynoy sa mga kahilingan ng masa ang maglalantad ng katangian ng kanyang administrasyon na tiyak nating pabor sa naghaharing uring kanyang kinabibilangan at sa interes ng kapitalistang globalisasyon na binabayo ng krisis.

Sa taktikang ito maghaharap tayo ng mga kongkretong kahilingan, ng mga problema ng masang manggagawa at ng mamamayan, sa rehimeng Aquino, tulad ng sumusunod:

1. Ipagbawal ang pwersahan at marahas na demolisyon, padlocking at ebiksyon sa mga maralita ng lunsod
2. Moratoryum sa demolisyon at bayarin
3. Re-oryentasyon sa mga programa, proyekto at mga patakaran hinggil sa pabahay ng maralita
4. Ipawalang-bisa ang mga batas at patakaran na kontra-maralita
5. Parusahan ang sinumang tauhan ng gobyerno na napatunayang sangkot sa paglabag sa karapatang pantao ng mga maralita
6. Isabatas ang Magna Carta of the Urban Poor
7. Buwagin ang mga ahensyang walang silbi sa kapakanan ng maralita
8. Irebisa ang mga imprastrakturang proyektong nakakaapekto sa maralita
9. Garantiyahan ang social cost, di lang ang project cost, sa lahat ng proyektong apektado ang maralita
10. Integrado, komprehensibo at tuloy-tuloy na programang pangmasa at sosyalisadong pabahay
11. Lagislated at sapat na pondong panustos sa mga programa at proyektong pangmasang pabahay ng maralita at mga batayang serbisyo
12. Maglaan ng "endowment fund" para sa mga programang pangkabuhayan at pagsasanay para sa mga maralita
13. Tiyakin ang distribusyon ng murang bilihin at konsumo sa mga komunidad at relokasyon ng mga pamilyang maralita
14. Kilalanin ang karapatan ng maralita sa paglahok sa lahat ng aspeto ng proyekto, programa at batas na nakakaapekto sa maralita
15. Pagtitiyak ng trabahong regular, at hindi kontraktwal, sa mga maralita

Kung maisasagawa ang mga ito, tumatahak tayong maralita sa tuwid na landas na sinasabi ni P-Noy. Alam nating hindi simple, kundi daraan ito sa maraming proseso. Ngunit ang pagkilala rito ni P-Noy at pagsasagawa ng plano at programa hanggang pagpapatupad ng mga ito ay malaking bagay na para sa ating mga maralita.

Gayunman, mas tamang kumilos tayo at hamunin si P-Noy na gawin ang mga nararapat para sa ating maralita, pagkat sabi nga niya, “Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo.” Kung hindi, ang pagbabagong sinasabi niya ay pambobola lang pala.

Kailangan nating magsuri, magkaisa at patuloy na makibaka upang ilantad ang tunay na katangian ng bagong administrasyong Aquino at pagtataguyod nito sa mga patakaran at sistemang nagpapahirap sa tulad nating maralita at sa sambayanan. Ihanda natin ang kapasidad ng maralita sa darating na malalaking labanan.

Kaya sikapin nating mapakilos ang malapad na kilusan ng maralitang lunsod. Maaaring magkaanyo ito sa kongkreto na mga petisyon, delegasyon at mga paghahayag ng mga kahilingan ng masa at hahantong sa malawakang labanan para singilin ang bagong administrasyon.

Biyernes, Hulyo 9, 2010

Eight political prisoners released

Eight political prisoners released
Thursday, 08 July 2010 07:06 PM by Merck Maguddayao

http://www.thepoc.net/breaking-news/breaking-stories/8505-eight-political-prisoners-released.html

The eight political prisoners who were supposed to be released last month are free men today, the Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) reported.

The so-called “Freedom 8,” whose release orders were signed by former president Gloria Macapagal-Arroyo last June 25, are Orlando Bundalian Jr., Rogelio Galero, Rupert Lopez, Pedro Madera, Anacleto Mercader, Pedro Pascual, Mariano Reyes, and Rodolfo Tubera.

According to the TFDP, the eight are former activists in the early 1990s who were convicted of various criminal charges in connection with their alleged participation with various underground revolutionary groups and were detained for at least 15 years. Bundalian, one of the “Freedom 8,” was initially sentenced with the death penalty but was not executed due to the scrapping of the death penalty law in 2006.

According to Bundalian, who spoke for the "Freedom 8", their release was "conditional" and that they are required to report to the Bureau of Pardons and Parole every month as a condition for their release.

"Now that we are free, we will campaign for the release of other political prisoners. We urge the present administration of President Noynoy [Aquino] to release all political prisoners unconditionally," Bundalian said in a press conference held at the TFDP office.

Bundalian added that they are happy for their release but they are also sad at the same time because other political prisoners are still in jail.

The “Freedom 8” are the first batch of political prisoners to be released within the term of President Benigno Aquino III. According to TFDP, there are still 263 political prisoners detained in the Philippines.

Aquino's mother former President Corazon Aquino ordered the release of all political prisoners during her administration, which came after Martial Law. The younger Aquino, however, has not ordered the release of current political prisoners.

Meanwhile, Justice Secretary Leila De Lima said that she will “review” the case of 43 health workers who were detained by the military last March in Morong, Rizal. The 43 are accused of being members of the New People's Army.

Huwebes, Hulyo 8, 2010

Maralita: Boss ba ni P-Noy?

MARALITA: BOSS BA NI P-NOY?

Mistulang paglalantad ng mga kasalanan ng naghaharing uri ang esensya ng inaugural speech ni Pangulong Noynoy (P-Noy). Makabagbag-damdamin, parang nabunutan ng tinik ang masang Pilipino. Touching, nakaka-emote!

“Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?” “Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.”

Lalong hirap kaysa kay P-Noy ang maralitang Pilipino. Matagal nang nagpapasensya ang mga maralita sa pang-aaping dinaranas nila. Wala na ngang makain ay idedemolis pa ang tahanan. Mababa na nga ang sahod, gigipitin pa ng mataas na presyo ng mga bilihin.

Tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad”

Laganap ang banta ng demolisyon sa mga komunidad ng maralita. Kadalasan pang natutuloy ang demolisyon nang walang maayos na konsultasyon at walang relokasyong may maayos na serbisyong panlipunan. At kung magkaroon man ng tirahan, ito’y di naman abot-kaya ng maralita. Ngunit hindi lamang tirahan ang problema ng maralita, kundi mas higit ang problema ng kahirapan.

“Emergency employment” sa mga walang trabaho at trading post para sa mga magsasaka. Isa itong pag-amin sa malalim na krisis ng kabuhayan ng mamamayan, sanhi ng bulok at baluktot na sistema ng ekonomya at paggogobyerno sa ating bayan. Emergency employment na tila kontraktwalisasyon ang panawagan, imbes na regularisasyon ng mga manggagawa.

“Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo.”

Kung BOSS ni P-Noy ang maralita, nararapat siyang makinig sa mga ninanais ng maralita. Kaya kagyat at ipatupad niya ang mga sumusunod:
1. Itigil ang lahat ng kampanyang demolisyon laban sa maralita.
2. Baguhin ang lahat ng di-makamaralitang patakaran, programa at proyektong pabahay at palupa
3. Moratoryum sa lahat ng bayarin sa lahat ng proyektong pabahay ng gobyerno sa maralita
4. Ibasura ang iskemang “inter-agency” sa usapin ng maralita na apektado sa lahat ng proyektong imprastruktura
5. Ipatupad ang maayos, ligtas at abot-kayang pabahay para sa maralita

“Tayo na sa tuwid na landas.”

Wala nang naghihirap na mamamayan ang tuwid na landas na dapat tahakin ng lahat. Ngunit magaganap nga ba ito o mananatiling pangako sa maralita? Tulad ng mga trapong matatamis magsalita at mangako, huwag tayong maduling sa mga binigkas ni P-Noy. Mas tamang kumilos tayo at hamunin si P-Noy na gawin ang kanyang mga sinabi at hindi lamang ito hanggang salita.


KPML-ZOTO
Hulyo 8, 2010

Sabado, Disyembre 19, 2009

KPML-Cebu, Matagumpay na Nagdaos ng Kongreso

KPML-CEBU, MATAGUMPAY NA NAGDAOS NG KONGRESO
ni Ka Pedring Fadrigon
(unang nalathala ang artikulong ito sa pahayagang Tinig ng Samana-Fa, Nobyembre 2009)

Matagumpay na nailunsad ang kongreso ng KPML-Cebu chapter sa Barangay Day-as, Cebu City noong ika-8 ng Nobyembre 2009. Dinaluhan ito ni Ka Pedring Fadrigon, ang pambansang tagapangulo ng KPML. Ang nasabing kongreso ay dinaluhan ng labimpitong (17) organisadong samahan, samantalang ang buong bilang naman ng mga dumalo ay hindi kukulangin sa 130 lider at kasapi mula sa iba't ibang panig ng Cebu City.

Kinatampukan ito ng paghahalal mula pangulo hanggang PRO. Inilantad din sa nasabing kongreso ang kabulukan sa pamumuno ni Vangie Abejo, ang dating pangulo ng KPML-Cebu chapter, at naging hudyat ito ng pagkakaligtas ng mga maralita ng Cebu City mula sa awtokratiko at komandistang pamumuno ng pangkating Vangie.

Sagad sa kabulukan at kawalang konsepto ng demokrasya, nagdeklara ng pakikipaghiwalay ang pangkating ito matapos maagaw sa kanila ang pamumuno sa samahan. Patunay lamang ito na ang mga taong ito ay hindi marunong tumanggap ng pagkakamali, at hindi marunong sumunod sa kapasyahan ng nakararami dahil ang gusto nila ay sila lamang ang masusunod, sila lang ang tama at ang iba ay mali. Mula doon ay nalantad ang kawalan ng kakayahan ng pangkating ito na mamuno sa mga kapatid nating maralita sa Cebu.

Bagamat ang karamihan sa mga nahalal na pinuno ay baguhan lamang, naniniwala po tayo na mas mainam na ang mga baguhan na may kagustuhang matuto, may kahandaang panghawakan at isulong ang prinsipyo't simulain ng KPML kaysa naman sa mga tulad ng pangkating Vangie na hindi marunong makinig sa mga kapwa lider at kasapi; hindi marunong magrespeto sa kapasyahan ng mayorya.

Nagbanta naman ang KPML-National sa pangkating humiwalay na huwag gagamitin ang pangalan ng KPML upang makahikayat ng mga magiging kasapi tungo sa kanilang makasariling interes sa maralitang lungsod ng Cebu. Sa ngayon ay tinatayang naghahanap na ang pangkating ito ng kukupkop sa kanila dahil sa totoo lang ay wala naman silang kakayahang tumayong mag-isa at nagkanlong lamang sa pangalan ng KPML.

Biyernes, Disyembre 18, 2009

Minsan, lumingon sa nakaraan

MINSAN, LUMINGON SA NAKARAAN
ni Silvestre "Tek" Orfilla, KPML Deputy Sec. Gen.

Ang panahon ay nagbabago, at ang pagbabago ay pag-unlad
Pag-unlad sa pangkalahatan, hindi sa pansarili lamang
Sa panahon ng kawalan, ang pag-unlad ay katugunan
Taliwas sa kasalukuyan, ang pag-unlad ay kahirapan

Nuong unang panahon, malaya't masagana ang lahat
Ngayon ay kontrolado, nagpapatakbo'y iilan lamang
Wala ka nang mapuntahan, wala ka pang masilungan
Sana'y kahit minsan, lumingon sa nakaraan

Matataas na gusali, magagarang daanan
Magagandang mga kotse ng mga mayayaman
Ngunit tingnan ang kababayan, namamayat sa kahirapan
Ang iba ay nasa kalye, pagala-gala, walang masilungan

Magagandang bihis na sundalo, matitikas na kapulisan
Sa kanilang panginoon ay sunud-sunuran
Di tulad nuon, tapat maglingkod sa bayan
Ang kanilang sinumpaan, ipagtanggol ang mamamayan

Talaga namang nagbago na, dama na ang kaunlaran
Pagkat ang mga nasa pwesto ay nagsisipagyaman
Di tulad ng nakaraan, sa malalawak na taniman
Busog naman lahat, mga nasa posisyon ay ayos lang naman

Sana'y kahit minsan, lumingon sa nakaraan