Sabado, Hunyo 28, 2008

Paralegal at Maralita

PARALEGAL AT MARALITA
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Libu-libong mga maralita ang pinalalayas na lamang na parang hayop sa mga pampubliko at mga pribadong lupa, sa mga lupang tatayuan ng proyekto ng gobyerno, tulad ng imprastruktura, tulad ng kalsada, tulay, at iba pa. Winawasak ang kanilang mga tahanan dahil nakatirik sa mga delikadong lugar, tulad ng estero, tabing-ilog, riles, at bangketa. Sila umano’y masakit sa mata ng gobyerno’t mga kapitalista, lalo na’t may bumibisitang “importanteng” dayuhan sa bansa. Kailangan silang idemolis at itapon sa malalayong lugar. Parang pusang gala ang tingin sa kanila ng mga matapobreng nasa poder ng kapangyarihan. Winawasak ng mga nasa kapangyarihan ang mismong dignidad ng maralita. Dinedemolis ang tahanan ng maralita ng walang “due process of law”, walang “equal protection of the laws”, at walang makatarungang kumpensasyon. Ang matindi pa rito, mabilisan ang pagpapatupad ng desisyon kapag ito ay hindi pabor sa mga tao.
Sa ganitong kadahilanan, tama lamang na malaman ng maralita ang ilang mga batas na may kaugnayan sa kanila at sa lipunang ginagalawan upang kanilang maipagtanggol ang kanilang karapatang mabuhay ng maayos at marangal, karapatang magsalita at magpahayag, karapatang magkaroon ng disenteng paninirahan, karapatang magkaroon ng sapat na trabaho, karapatang ituring na tao at hindi basura, at iba pang karapatang nasusulat sa Universal Declaration of Human Rights (1948), International Covenant on Civil and Political Rights (1966), International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights (1966), Konstitusyon ng Pilipinas (1987), at iba pa. Ang batas ay dapat kumiling sa maralita, pagkat sa katayuan pa lang ay agrabyado na sila. Sila ay mahirap, habang ang nagpapademolis sa kanila ay mayaman, o kaya’y makapangyarihan, o nasa poder. Kaya nararapat lamang idepensa ng maralita ang kanilang sarili, laluna ang kanilang komunidad, kung sila’y idedemolis at sapilitang palalayasin sa lugar ng hindi dumaan sa makataong proseso.
Kadalasan, nabibigla na lamang ang maralita na may demolition order mula sa korte. At ang asal ng mga nagdedemolis sa mga maralita ay katulad ng mataderong kumakatay ng baboy. Wala silang pakialam sa maralita, kahit na lalong mapariwara ang dati nang aping buhay nito.
Pero dapat may gawin ang maralita. Dapat niyang ipagtanggol ang kanyang dignidad na matagal nang ninakaw ng sistemang panlipunang umiiral. Sistemang ang tingin sa mga maralita ay hayop na walang karapatang mabuhay.
Narito ang ilang ibinahaging kaalaman sa mga maralita hinggil sa usaping paralegal. Ang paralegal ay ang pag-alam at paggamit ng sinumang hindi abogado ng mga batas na umiiral sa layuning ipagtanggol o idepensa ang sinuman sa ngalan ng hustisyang panlipunan.
Ilan sa mga batas na may kaugnayan sa maralita ay ang mga sumusunod:
a. Artikulo XIII, Seksyon 9 at 10 ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987
b. Artikulo III, Bill of Rights ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987
c. Republic Act 7279, mas kilala sa tawag na UDHA (Urban Development and Housing Act), o Lina Law
d. Executive Order 152
Mga maaaring isampang kaso pagkatapos ng sapilitang pagdemolis.
a. Kasong kriminal – maaaring sampahan ng kasong kriminal ang mga nagdemolis kung lumabag ang mga ito sa batas-kriminal, tulad ng damage to property, theft, robbery, grave threats, grave coercion, atbp, kung saan maaaring mabilanggo ang mga nagdemolis at magbayad ng multa
b. Kasong sibil – maaari ding pagbayarin ng damages, tulad ng disturbance fee at moral damages, ang mga nagdemolis dahil sa perwisyong kanilang naidulot.
c. Kasong administratibo – maaari ding kasuhan ang mga nagdemolis ng kasong administratibo, tulad ng reprimand o warning, suspension, at dismissal.
Dapat na tandaan na lahat ng ito ay may legal forms, o mga kasulatang tumatalakay o nagsasabi hinggil sa bawat transaksyon, kasunduan, ligal na liham, apidabit, subpoena, resibo, at iba pa. At hindi dapat katakutan ang anumang legal forms, kundi unawaing mabuti ang nilalaman.
Dapat din nating maunawaan ang iba’t ibang doktrina ng pag-aari ng lupa, tulad ng Regalian na noong panahon ng Kastila, lahat ng pampublikong lupa sa Pilipinas ay pag-aari ng Espanya (ngayon ay wala na ang batas na ito, dahil wala na tayo sa panahon ng mga Kastila). Nariyan din ang Torrens system, kung saan ang mga titulo ng lupa ang siyang mapagpasya o matibay na patunay ng pag-aari ng lupa. Dapat ding alamin kung ano ang OCT (original certificate of title) at TCT (transfer certificate of title) para matiyak na hindi mapupunta sa kamay ng sindikato ang lupa.
Halimbawa namang idinemolis na ang bahay ng maralita, dapat niyang idemanda ang nagpademolis kung hindi ito sumunod sa tamang proseso. Dapat ding humingi ng disturbance fee ang mga maralita.
Kapag nasira ang mga kagamitan ng maralita, sampahan nila ng kasong damage to property ang mga nagdemolis. Kapag nangawala ang mga kagamitan ng maralita dahil sa mga demolition teams, dapat silang magsampa ng theft o robbery. O kung sapilitang kinumpiska o inagaw ng sinuman sa demolition teams ang kanilang mga ari-arian, kailangan nilang magsampa ng qualified theft.
At ang mahalaga ay ang paggamit natin ng mga metalegal na pamamaraan, tulad ng rali, barikada, atbp., upang depensahan ang ating karapatang mabuhay sa lipunang ito.

Linggo, Hunyo 15, 2008

Mula Danger Zone Hanggang Death Zone


MULA DANGER ZONE HANGGANG DEATH ZONE

(Ito ang nilalaman ng polyetong inilabas noong Abril 2003, sa kalahating bond paper, back to back)

Mula sa delikadong lugar, tungo sa lugar ng kamatayan! Iyan ang buod ng programa ng gubyerno para sa ating mga maralitang lungsod. Nakakasa na ang plano ng gubyerno upang alisin ang tinatawag nila ng iskwater ang Metro Manila at mga karatig-pook.

Totoong delikado ang lugar na tirahan naming maralita. Riles, ilalim ng tulay, gilid ng ilog at dagat, tambakan, kariton sa mga plasa at bangketa. Delikadong masagasaan, tangayon ng agos, matabunan ng bundok ng basura, makasinghot ng masamang amoy at maruming hangin. Delikadong lahat sa buhay ng tao.

Alam natin iyan. Noon pang bago tayo magpasyang tumira rito. Hindi na kailangang sabihan tayo ng kung sinong Pilato.

Totoong hindi atin ang lupang ating tinirikan. Lupa ng gobyerno. O kaya, lupa ng mayaman. Dahil hindi atin, pwede tayong palayasin. Pwede tayong kasuhan.

Alam natin iyan. Noon pang bago tayo magpasyang tumira rito. Hindi na kailangang sabihan tayo ng kung sinong Pilato.

Totoong hindi disente ang ating tirahan. Nakakahiya sa mata ng iba. Laluna sa mata ng mayayaman at gubyerno ng mayayaman.

Alam natin iyan. Noon pang bago tayo magpasyang tumira rito. Hindi na kailangang sabihan tayo ng kung sinong Pilato.

Ang totoo nga e parang impyerno ang buhay natin kung ikukumpara sa buhay ng mayayaman at matataas na opisyal ng gubyerno.

Alam natin iyan. At alam din iyan ng gubyerno. Alam iyan ng gubyernong dapat maglingkod sa mga kagaya natin.

Ngunit sa halip na hanguin tayo sa mala-impyerong kalagayan, mas gusto pa ng gubyernong ito na itaboy tayo kung saan-saan o kung suswertehin ka'y unti-unti kang patayin sa mga relocation sites na walang tubig, walang kuryente at, pinakamatindi, walang hanapbuhay!

Mas malala pa ito sa danger zone o delikadong lugar. At least sa danger zone ay malaki ang tsansang mabuhay. At tayo nga dito'y nabubuhay.

Sa gusto nilang pagdalhan sa atin matapos gibain ang ating mga bahay ay walang tsansang mabuhay. Unti-unti kang pinapatay. Walang tubig. Walang kuryente. Walang hanapbuhay. Paano ka mabubuhay dyan?

Hindi natin ginusto ang ganitong buhay. Ang pagtira sa delikadong lugar, ang pagtirik ng bahay sa hindi natin lupa, ang di disenteng pamumuhay ay hindi natin ginusto. Hindi nga natin ito pinangarap. Hindi natin inambisyon.

Ang inambisyon natin noon ay katulad din ng iba na nag-ambisyon ng disente at masaganang buhay. Pero tayo'y nasadlak sa ganitong buhay. Sapagkat hindi natin kontrolado ang mga bagay na nagpapagalaw sa lipunan na siyang pinag-uugatan ng ganitong kalagayan. Pinakamalaking papel dito ang gubyerno na dapat ay nangangalaga sa kapakanan ng taumbayan. Pero naging dahilan pa ng paghihikahos ng maraming mamamayan.

Dahil ang gubyerno noon at ngayon ay hindi ginagawa ang tungkulin nito sa kanyang mamamayan. Kung seryoso ang kasalukuyang gubyerno, dapat nitong gawin ang mga sumusunod:

1. Ihanap ng relokasyon ang lahat ng idedemolis. Bigyan ng hanapbuhay sa malilipatan. At gumawa ng imprastruktura para sa tubig at kuryente, kasama rito ang social cost dahil sa dislokasyon ng mga inilipat.

2. Patigilin ng gubyerno ang paniningil ng PPA. Dahil hikahos na tayong mga maralita ay sinisingil at magbayad sa kuryenteng hindi naman ginamit. At huwag nang payagang magtaas ng presyo ng kuryente at tubig upang di lalong maging impyerno ang ating buhay.

Ito ang ating pananaw sa gubyerno sa okasyon ng Araw ng Paggawa sa Mayo Uno. Kasama ng mga kauri natin sa pabrika, ating ihahayag sa Malakanyang ang mga kahilingang ito.

Kung di ito magawa, walang kwenta ang gubyernong ito. Tulad din ito ng mga nagdaang gubyerno. Paghandaan na natin ang pagtatayo ng isang bagong-bagong gubyerno. Yung gubyerno ng manggagawa at maralita.

Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML)
Zone One Tondo Organization (ZOTO)
Koalisyon Kontra Demolisyon (KKD)
Abril 2003

Ang KKD ay itinayo noong Oktubre 14, 2002 sa KKFI, P. Paredes St., Sampaloc, Manila.

Miyerkules, Hunyo 4, 2008

Sa Panaginip Lang Pala - ni Anthony Barredo

Sa Panaginip Lang Pala

Ni Anthony P. Barnedo

March-June, 2008.

Tuwang tuwa ako. Busog na busog ang mga mata ko. Ramdam ko ang lamig ng hangin. Ang ganda ng karagatan. Ang sikat ng araw. Ang maputing buhangin. Ang kulay na asul na tubig.

Tatakbo ako. Lalangoy ako. Maglalaro ako. Magpapakasaya ako. Magsasaya ako…

…hangang mamaya maya, biglang dumilim ang kapaligiran ko.

Nakabaluktot ako sa isang maiksing kumot. Ramdam ko nga ang lamig ng hangin na nagmumula sa karagatang malapit sa aming barung-barong. Hanggang mamaya maya pa’t naramdaman kong bumangon ang aking ina. Nilamon ng liwanag ng gasera ang kadiliman ng aming tahanan. Mamaya maya pa’t namatay ang liwanag dahil sa lakas ng hangin. Mamaya maya ulit ay lumiwanag na naman sa isang kiskis lang ng posporo. Didilim muli. Liliwanag. Nagpatay sindi. Hanggang sa wakas ay makahanap ang aking inang si Alona ng panangga sa malakas na hangin.

Nanatili akong nakahiga sa isang sulok ng aming barung-barong. Hindi ako kumikilos ngunit buhay na buhay ang aking diwa. Tantiya ko’y malayo pa ang umaga. Hindi ko pa kailangan ang bumangon. Hindi pa kailangan ang kumilos ng aking katawan upang maghanap ng mapag-kakaperahan.

Maya maya pa’y naramdaman ko ang isang malakas na hangin. Muling namatay ang apoy sa nag-iisa naming gasera. Naramdaman kong may bumangon. At muling lumiwanag ang loob ng aming barung-barong.

Gising na pala ang aking kuya Jernald. “Nay, anong oras na kaya?” habang naghihikab pa itong nagtatanong sa aming ina.

“Alas dos na siguro.” sagot ni nanay.

“Nay, ang lakas ng hangin ‘no?” sumilip pa si kuya sa awang ng pinto ng aming barung-barong. “Nay, mukhang uulan pa ‘ata.” Sabi pa ni kuya.

“Mukha ngang may bagyo. At kapag lumakas ang hangin at ulan, lilipat tayo sa kapilya para magpalipas ng magdamag.”

“Bakit po ‘nay?”

“Delikado dito, kung may bagyo talaga.”

Nanatili pa rin akong nakahiga. Ito kaya ang pinaka-gusto ko sa buong araw. Pagkatapos ng maghapong pagkabilad sa araw, wala ng iba pang gugustuhin ko kundi ilapat ang aking likod sa sahig na kawayan at ipikit ang aking mga mata.

Ngunit kahit anong pilit na pagpikit ang aking gawin ay ginugulo ito ng ingay ng unti-unting papalakas na ulan.

May bagyo nga siguro. Ngunit ayokong isipin. Ayoko, kasi mas gusto kong isipin ang pagdating ng trak ng basura na malapit sa pabahay ng Habitat. Gusto ko roong mamalagi kesa mamulot ng kakarampot na sibak sa tabi ng dagat.

Lumalakas nga ang ulan. Ngunit ayoko pa ring isipin na may bagyo. Ayoko, kasi mas gusto ko pang isipin kung ilang kilo ng bakal ang aking masisisid doon sa ilog na papalabas ng Manila bay sa tabi ng pier.

Ayokong isipin ang bagyo kasi mas gusto ko pang isipin ang aking panaginip. Walang nagugutom, walang pangit, walang marumi, lahat naaayon sa gusto ko.

Maya maya pa’t tila humina ang ulan ngunit ang hangin ay patuloy na lumalakas. May bagyo nga. “E, ano naman ngayon?” naibulalas ng pag-iisip ko.

Matibay kaya ang aming barung-barong. Gawa kaya ito ng aking yumaong ama. Ang aming ama na namatay sa karagatan. Ang aming ama ay pinatay dahil daw sa agawan ng pasahero sa bangka. Mga babaeng menor de edad daw ayon kay ka Jojo, na kaibigang matalik ng aming amang si Angelo. Silang mga pasaherong nagbibigay aliw sa mga tripulante ng nakadaong na barko, malapit sa aming pampang.

Hindi mabubuwal ang aming barung-barong dahil itinayo ito ng aming ama ng buong puso. Pagmamahal na ipinamana niya sa amin sa kanyang pagyao. Kaya ayokong isipin ang bagyo dahil mas gusto kong isipin ang alaala ng aming ama. Ang masayang alaala na sa panaginip ko na lang kayang balikbalikan.

Nakaramdam ako ng galit. Biglang tumulo ang aking luha. Nanikip ang dibdib ko. Hayop ang pumaslang sa aming ama! Ni hindi man lang naparusahan ang hayop na iyon. Sana buwagin ng bagyo ang kanyang tirahan. Sana iganti kami ng bagyo sa aming pangungulila.

Biglang bumuhos ang isang napakalakas na ulan. Napakalas. Napaka-ingay ng lagaslas ng ulan sa aming bubungan. Biglang humiyaw ang kulog kasabay ng pagliwanag ng kidlat. Kinabahan ako. Kakaibang kaba. Tumawag ang aking ina. “Diyos ko po, ‘wag po sana ang aming bahay.” Hindi ko maintindihan ang mensaheng iyon, tila may hindi magandang mangyayari. “Esy! Bumangon ka na diyan.” tawag sa akin ni ina.

Hindi pa sana ako tatayo ngunit napansin kong nag-aalsa balutan na ang aking ina. Si kuya Jernald ay natarantang kunin ang kanyang bag noong nag-aaral pa siya. Pinuno niya ito ng gamit. Napabalikwas ako ng tayo at nagmamadali akong kunin ang aking ilang mga damit sa tukador. Wala kaming kibuan. Kung anong kaya naming buhatin palabas ng aming barung-barong ay aming daladala.

Walang kaabug-abog na lumabas ang aming ina sa aming barung-barong. Kahit malakas ang ulan at hangin ay susuungin namin. Sumunod ang kuya Jernald na may pinakamaraming daladala sa aming tatlo.

Bago ako lumabas ay inabot ko muna ang aking pangkawit ng basura sa bandang itaas ng pinto ng aming barung-barong. Hindi ko pwedeng iwanan ang bagay na iyon, iyon ang aking buhay, iyon ang nagsasalba para makatawid kami sa kahit sa sandaling kaginhawaan.

Nagulantang ako sa aking nasaksihan. Napakadilim ng kalangitan. At kahit napakalakas ng ulan ay tanaw ko ang naglalakihang alon sa karagatan. Sadyang galit na galit ang panahon.

Biglang umalingawngaw ang kulog, kasabay niyon ay ang nagliliwanag na kidlat. Sunod-sunod. At ang liwanag na iyon ang naging gabay ko para masundan ko ang aking kuya jernald.

Nakakailang hakbang pa lang kami ay basang basa na kami sa ulan. Sobrang lamig ng pakiramdam ko. Ngunit di ko pansin iyon, mas kailangan kong makasunod sa aking kuya at nanay Alona. Hanggang biglang pumalo sa aking ang isang malakas na hangin. Muntik na akong mabuwal pero napaglabanan ko ang hangin na iyon.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang daan patungo ng kapilya. Bago pa man ako nagpatuloy sa paglalakad ay nilingon ko muna ang direksyon ng aming barung-barong. Nakita kong may nililipad na yero, animo’y nakikipag-sayaw ito sa ulan habang hinahangin.

Nang makarating na kami sa maliit na kapilya ay bumungad sa amin ang nagsisiksikang mga tao. Mga kapitbahay namin. Mga matatandang nanginginig sa ginaw. Mga batang katulad ko. Para kaming mga basang sisiw noong araw na iyon.

Nagpatuloy ang malakas na ulan. Ang malakas na hangin ay dumadampi sa aking balat. Doble ang nararamdaman kong ginaw. Ginaw na sumusuot sa aking kaibuturan. Nakabaluktot ako sa pagkakasalampak ko sa sahig ng kapilya. Nakaupo sa tabi ko ang aking Ina, gayun din ang aking kuya Jernald.

Sadyang napakaingay ng magdamag. Sa lagaslas ng tubig. Sa hampas ng hangin. Sa nagbabanggaang alon. Sa kalampag ng yero. Sa alingawngaw ng kulog. Sa nagkakahulang aso. Sa atungal ng kapitbahay naming sanggol.

Nakaramdam ako ng pagkapagod. Nabalisa ako sa bigla kong pag-iisip ng aming kalagayan. Ganito ba talaga kami? Bakit ganito kami?

Naisip ko. Kelan ba ang huling tungtung ko sa eskwelahan? Noong ako’y grade one… ah… grade two… Sadyang napakabata ko pa para makalimutan ko iyon. Basta ang alam ko, natuto akong magbasa ng abakada at, isulat ang buong pangalan ko at buong pangalan ng mga kapamilya ko.

Biglang naalala ko ang telebisyon ng magarang Baranggay ng aming lugar, at ng minsang makapasok ako doon ng walang nakakapansin. Nakakaaliw kasi naglalakihang gusali at magagandang bahay ang aking napapanood. Kahit hindi ko naiintindihan ang lenggwaheng Inglis at kumukulo na ang aking kalamnan sa gutom ay nabusog naman ang aking diwa at mga mata sa aking napanood.

Sana doon kami nakatira? Sana wala kami dito?

Habang ang aming bahay ay dinidimolis ng kalikasan.

At maya-maya pa, pipikit na ang aking mata. Hanggang tuluyan ng agawin ng aking diwa ng pagod at antok.

Hanggang biglang lumiwanag.

Naghahalakhakan ang mga batang katulad ko.

Napakalinis ng paligid.Napakapayapa.

Tanaw ko ang dulo ng karagatan. Ang ganda ng bahaghari. Ang balangkas ng ulap. Ramdam ko ang simhayo ng hangin. Ang asul na tubig. Ang puting buhangin. Napakalamig sa mata, ang ganda ng kalikasan.

Hanggang ang init ay tumama sa aking balat. Naalimpungatan ako. Iilan na lang kaming nasa loob ng kapilya. Bumangon ako at binaybay ko ang patungo sa baybay ng dagat.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Napakarami ng kalakal na makukuha ko. “Tiba-tiba!” naibulalas ko. Ngunit kung ito’y aking ikatutuwa, paano na ang mga bahay na giniba ng malakas na hangin.

Paano na nga ba ang aming bahay?

Habang papalapit ako sa direksyon ng aming bahay ay nadaanan ko ang pinsalang dulot ng nagdaang bagyo. Di ko mabilang kung ilang bahay ang nasira. Ang hirap bilangin kung ilang pamilya ang nawalan ng tirahan.

Maya-maya pa’y umpukan doon, malapit sa kinatitirikan ng aming bahay.Kaya pala’y may kamera. Aliw na aliw sila sa gwapong reporter ng T.V. Patrol.

May media. Kaya pala’y may anak ng mayor. Nakikidalamhati sa biktima ng sakuna. May dalang ilang supot ng grocery, pagkaing para sa aming nasalanta.

“Thank you po.” banat ng isang aling tuwang-tuwa sa biyayang natanggap.

“Sana araw-araw ganito!” sambit ng binatang nakipagsingitan sa pila.

Lumapit ako kay nanay Alona. Nasa tapat na ako ng nawasak na bahay namin. Ang tubig sa dagat ay ilang dipa na lang ang layo sa aming bahay.

”Dapat na talaga tayong lumipat ng bahay.” si nanay.

“Bakit po inay?” tanong ko.

“kasi…” sumulpot si kuya Jernald sa bandang likuran ko. “…kapag nag-high tide, sigurado aabutin ang bahay natin.”

“Tama.” si ka Jojo na kaibigang matalik ni tatay. “Tulungan mo ang kuya mong maghakot ng mga gamit ninyo, doon nyo dalhin sa bandang likuran ng kabahayan. Doon tayo gagawa ng bahay ninyo para malayo sa dagat.”

“Salamat Jojo.” garalgal ang boses ng aking ina. “Isa ka talagang tunay na kaibigan.”

“Wala namang ibang tutulung sa inyo dito. Malayo pa ang eleksyon, hindi pa tayo kilala ng mga pulitiko.”

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan ni ka Jojo at ng aking nanay Alona. Basta ang alam ko hindi lang unang beses nangyaring lumipat kami ng aming tirahan. Tanaw ko pa nga ang poste ng huli naming bahay, ngayon ay lilipat na naman kami.

Hindi ko nga alam ang pinag-uusapan nila dahil ang alam ko ay ginagamit lang daw kaming mga taga dito sa tuwing darating ang eleksyon. Kapalit ng grocery, pangakong aayusin ang aming kalagayan at limang daang pisong nakasobre, na minsan ay sikwenta pesos lang ang laman.

Nagmamadali akong maghakot ng mga gamit. mga kahoy at yerong mapapakinabangan pa. Nagmamadali ako dahil sigurado maraming basurang mapapakinabangan pa sa tabi ng dagat.

At hindi nga ako nagkamali.

Pagkatapos kong tumulong kay kuya Jernald ay dumiretso na ako sa tabing dagat. Sandaling oras lang ay napuno agad ng plastik, sibak ang isang sakong dala ko.

Hanggang matanaw ko ang gwapong reporter. Ang kamera ay pilit akong hinahabol. Ang reporter ay nagmamadaling lumapit sa akin, bitbit ang mikropono para kausapin ako.

Napangiti ako ng maalala ko nitong nakaraanng bago magpasko. Sa tabi ng dagat, malapit sa pier habang kinakausap kami ng taga-emergency. Katatapos ko lang sumisid noon. napakaswerte ko ng araw na iyon. Bukod sa dami ng bakal na nasisid ko ay nagkaroon pa ako ng ‘sang supot ng grocery at ‘sang libong piso mula sa reporter ng na kumausap sa akin.

Ibinaba ko ang pasan pasan kong ‘sang sakong kalakal. Sanay na ‘ata ako sa pagharap sa kamera. Sanay na rin akong bulahin ng mga taong gustong alamin kung paano ako nabubuhay. Sanay sa pangako nilang tutulungan kami para maalis sa ganitong kalagayan. Para rin silang mga pulitiko. Basta ba may grocery at kaunting pera para sa aking nanay Alona at kuya Jernald.

Naging mahaba ang usapan namin ng gwapong reporter. Alam na alam ko ang isasagot ko, gayon din kaya ang naging takbo ng usapan namin nila Jessica Suho at Karen Davila.

At natapos na ang pagharap ko sa kamera. Katulad ng inaasahan ko ay binigyan ako ng isang plastic ng grocery at limang daang piso.

Palubog na ang araw. Naibigay ko na kay nanay Alona ang perang ibinigay sa akin ng repoter at napagbentahan ko ng aking kalakal.

Tuwang-tuwa si nanay Alona. Tamang-tama daw iyon sa pagtatayo ng aming bagong tirahan. Tuwang-tuwa rin ako dahil sa perang iyon ay natuwa ang aking nanay.

At sa paglubog nga ng araw ay nakita ko kung gaano kagandang pagmasdan ang itsura nito. Bigla akong nalungkot at nadurog ang aking puso. Naalala ko ang itinanong ng reporter.

“Sa tingin mo ba ay mararanasan mo pa ang masaganang buhay? Ang magkaroon ng malinis na karagatan… Mabangong hangin…”

Napahiga ako sa buhangin.

Bahagyang tumulo ang aking luha sa aking mata.

Ipinikit ko ang mga mata ko.

Alam ko sa aking panaginip, mararanasan ko ang lahat ng iyon.

Sa paglulunsad ng CRP-KPML ng Participatory Action Research (PAR) noong Setyembre,2007. Nabuo ang kwentong ito base sa karanasan ng mga batang manggagawa na nakatira sa Baseco, Port Area, Manila.

Inaalay ko ang maikling kwentong ito sa mga batang manggagawa ng Baseco at sa mga kasama ko sa panahon ng aming pagbaba sa area ng Baseco. Maraming salamat dahil sa sandaling panahong iyon kami ay namulat sa gayong kalagayan.

Miyerkules, Mayo 21, 2008

LTTE: KPML on Ka Bel's death

LETTER-TO-THE-EDITOR

May 21, 2008


KA BEL, WORKING CLASS THROUGH AND THROUGH

We may be in the other side of the workers and mass movement, but we are one in fighting the capitalists’ oppression of the working class.


We may differ in our call against the illegitimacy of the Arroyo administration, but we are one in calling for the ouster of the illegitimate President.


We may have different political biases, but we are one in dreaming and fighting for a new society where there is no exploitation.


We may be rivals at the battlefront of opinions and in the parliament of the streets, but we are one in working for the rights and welfare of the poor and the marginalized.


We in Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML), together with Sanlakas, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) and our allied and member organizations and individuals, are paying our last respect to the working class congressman. Crispin “Ka Bel” Beltran’s demise is a loss to the working class.


We’re no longer surprised to hear many members of the parliament who after years from office has produced many houses, cars, lands, and other properties, because in Congress, they were surrounded by crooks who treat public service as a milking cow and public funds as their personal purse. But Ka Bel is different. Even if he became a congressman, he lived and died a poor man. Despite being immersed in a company of vultures, he never became one. Thus, he earned our respect.


Ka Bel, in his almost eight years in Congress, lived simply in an equally working class abode. In fact, he was acknowledged as the poorest congressman in today’s House of Representatives. Unlike other congressmen, who proclaim themselves “progressive representatives”, Ka Bel remained faithful to the tenets of the working class struggle and brought the voices of workers in the halls of Congress. He fought the capitalist class in favor of the workers. He is not corrupt. He did not bribe anyone nor profit for himself.


He is an example of a true leader of the working class.


KA PEDRING FADRIGON

National President

Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML)

Sabado, Mayo 17, 2008

‘Resign All’ sounded anew

‘Resign All’ sounded anew


Inquirer Letter-to-the-Editor section
First Posted 10:21pm (Mla time) 11/20/2007

We were not shocked. We knew from the very beginning that President Gloria Macapagal-Arroyo would pardon former President Joseph “Erap” Estrada after his conviction for plunder. That pardon clearly showed the people that the two belong to the same ilk.


We ask: Can President Arroyo pardon political prisoners like Juanito Itaas and Orlando Bundalian who have been in prison much longer than Estrada was? Itaas and Bundalian have been languishing in jail, unlike Estrada who was happily “imprisoned” in a mansion.


Yes, Estrada and Ms Arroyo are “birds of the same feather.” Estrada sided with tycoon Lucio Tan against the workers of Philippine Airlines. He even reprimanded the workers, by asking them the question: “Nakakain ba ang CBA?” [“Can you eat a CBA?”] Estrada is pro-rich and his slogan “Erap para sa mahirap” [“Estrada for the poor”] is just a slogan.


Ms Arroyo, on the other hand, masterminded in putting our country under the clutches of globalization, the scheme of the capitalist class to prolong a dying system. Today, many workers are out of work. Regular workers are forced to resign and are replaced by contractual workers. A growing number of the urban poor are losing their homes in the name of progress whose measure is primarily infrastructure development, instead of human development.


In the run-up to EDSA People Power II, we didn’t join the Estrada Resign Movement. The Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML -- Urban Poor Congress of Unity), together with bigger groups such as Sanlakas and Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP -- Union of Filipino Workers), built our own alliance calling for “Resign All” because we believed that Estrada and Ms Arroyo were the same. One of our posters said, “Patalsikin ang buwaya, papalit ang buwitre” [“Oust the crocodile, the vulture will take its place”].


We did not campaign for Estrada’s ouster just to put Ms Arroyo in Malacañang. That’s why immediately after EDSA II, we declared that “Estrada’s ouster is the people’s will but Gloria is not the people’s choice!”


There were also groups in the Estrada Resign Movement which had as their battle cry “Paglingkuran ang Masa.” But when the “masa,” the urban poor, stormed Malacañang during EDSA III, these groups stood against the “masa” [masses] in defense of Ms Arroyo.


Our call for “Resign All” has been proven right. Birds of the same feather. Ms Arroyo and Estrada are both bourgeois. They are not proletarians. Will we oust Ms Arroyo just to replace her with Noli de Castro? Will we oust a bourgeois to be replaced by another bourgeois? No way! Again we are issuing the call for “Resign All.” The workers and the urban poor demand: “Change the system!”


KA PEDRING FADRIGON, national president, Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod, Block 31, Lot 82-83, Maya-Maya St., Phase 2, Area 2, Barangay NBBS, Dagat-Dagatan, Navotas, Metro Manila

Miyerkules, Mayo 7, 2008

Dalawang Tula sa Iskwater

Dalawang Tula sa Iskwater


BAKIT MAY ISKWATER?

ni Gregorio V. Bituin Jr.


Bakit ka iskwater sa sariling bayan

Gayong ikaw nama’y dito isinilang?

Bakit ba wala kang sariling tahanan

At sa barung-barong nakatira lamang?


Bakit ba iskwater ay dinedemolis

Ng mga demonyong nagngingising-aso?

Bakit sila’y pilit na pinapaalis

Kahit na ng mga nasasa gobyerno?


Bakit dayo itong may sariling lupa

Dahil ba sila’y may pambiling salapi?

Bakit sila’ng hari sa bayang kawawa

Dahil may pribado silang pag-aari?


Sadya bang mahirap ang maging iskwater?

Pagkat di tantanan ng mga Lucifer?


Sampaloc, Maynila

Mayo 7, 2008



SONETO SA ISKWATER

ni Gregorio V. Bituin Jr.


Bakit daw may iskwater sa sariling lupain?

Itong tanong sa akin ng kaibigang turing.

Akin itong sinagot ng may mga pasaring:

Bakit mga banyaga’y naghahari sa atin?


May iskwater sa bayan dahil sa kahirapan

Umalis sila doon sa lupang sinilangan

Upang dito sa lunsod makipagsapalaran

Nagbabakasakaling gutom nila’y maibsan.


Sa lunsod na makinang, marami ang napadpad

Dahil ito’y lupa raw ng tunay na pag-unlad

Sila’y nabigo pagkat bawat kilos, may bayad

Kaya dahil sa hirap, di pa rin makausad.


Dapat nating baguhin ang kalagayang ito

Pagbabago’y pamana sa bayan nati’t apo.


Sampaloc, Maynila

Mayo 7, 2008

PAANO BABAGUHIN ANG KALAGAYAN NG ISKWATER?

(Di pa natatapos ang tulang ito.)

Ambag ng Pagbabago - ni Malu Pontejos

AMBAG NG PAGBABAGO

Malu Pontejos

1

Kalayaan, ilandaang taon nang nais makamit

Pangarap ng lipunan o sinuman

Kalayaan ang tunay na ekspresyon ng pagkatao

Mailap at kailangan magtaya ng buhay

2

Kalayaan, lubos na hindei maramdaman

Batas at patakaran ginawa para sa kalayaan

Hindi direkta o direktang nagtatanggol

Masabi lamang may kalayaan!

3

Suriin maige kung may kalayaan

Sinuman magtatangka ng pagbabago

Lagot ka! isang araw

Bigla na lang mawawala o nakahandusay na!

4

Ambagan ng sakripisyo, nakaukit sa buhay

Isang karanasan hindi makakalimutan

Nagmarka sa tanikala ng pakikibaka

Buong sirkulo ng mundi ng pagbabago.

mula sa opisina ng KPML, Abril 21, 2008

Buhay ni Lenlen - ni Anthony Barnedo

buhay ni len len
ni anthony barnedo
March 25, 2008
sa opisina ng KPML

ang hirap maging mahirap
kung sa katulad ni len len nakaatang ang lahat sa buhay
kumakayod, umaasa sa kakarampot na kita
kakarampot na tumataguyod sa kanyang pamilya

pamilya, mula sa pamangkin hanggang sa kanyang lola
sa pamilya ng kasama, sa iba, sa masa
sa kuryente, tubig, upa sa bahay, saan hahanapin ang pera,
kung titilad tilarin sa malalaking bayarin ang kakarampot na kita

ang hirap maging mahirap
kung sa katulad ni len len ang mundo ay problema
naglalakad sa kalsada ng walang pera, sumisigaw
nakikipagbuno sa hampas ng kapalaran

kapalaran ba ang maging dukha
ang maging isang manggagawa, para sa iba
para ba sa bayan at kapitalista
wala nang natira,puro na lang sa kanila

ang hirap maging mahirap
kung sa katulad ni len len ay hirap ang pag-asa
sige lang ang taas ng ekonomiya, maunlad
ang lamesa`y walang laman,gutom

gutom na nilikha ng sistema
sistemang inabuso ng naghaharing uri, buwaya
buwayang iniluklok ng lagim na makinarya
makinarya na siyang nagiging sistema

mahirap maging mahirap
kung sa katulad ni len len na umiibig sa bayan
nakikibaka, nagsusulong, naghahangad
nang pagbabago ng sistema….

nang pagbabago ng sistema…

Linggo, Abril 27, 2008

On GMA being a Hands-Off President

Press Release
25 April 2008
On GMA being a Hands-Off President:

“We’ve had enough of her!”
– BMP, Sanlakas, KPML

BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO (BMP), together with allied organizations— Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) and SANLAKAS held a picket at Welcome Rotonda in Quezon City today to protest the recent power rates increase, the continuing surge in the prices of basic commodities such as rice, pandesal and meat products, and to demand for a just family living wage (FLW) to enable the ordinary Filipino to afford the increasing prices of commodities and now even public utilities such as electricity. The protest action is still part of a series of activities in commemoration of this year’s Labor Day highlighted via a Lakbayan on April 29 kicking off from CALABARZON and marching onward to hold a protest rally in Mendiola on May 1 dubbed as “Martsa Laban sa Kagutuman, Kahirapan, at Katiwalian.”

BMP President Leody de Guzman blames Malacanang for not being able to immediately resolve the rice and food crisis and/or stop the power rates increase. De Guzman states, “The GMA administration has abandoned its primary responsibility of taking care of the welfare of its people. Instead of putting forward and implementing solutions that would provide both immediate relief and a strategic framework to the rice and food crisis, GMA offers “band-aid” solutions such as the DSWD and DA’s rice coupons and food stamps and passing on the urgent task of increasing the poor Filipino’s capacity to pay via the Regional Wage Boards instead of a legislated wage increase.”

Meanwhile, Pedring Fadrigon of KPML points out that the new power rates increase which would add 67.17 centavos per kwh to this month’s billing of average Meralco consumers is like adding insult to injury. Fadrigon explains, “There is no way that the average masa can still afford to pay this increase. The 27 million Filipinos or 1/3 of the population living below poverty line do not have enough cash to put food on their table much less spend a few more pesos to pay for increased electricity rates. ”

Sanlakas spokesperson Rasti Delizo adds, “Arroyo’s effort to address the rice and food crisis and even its policy of rendering our economy akin to neo-liberal strategies and market volatilities instead of prioritizing food security and ensuring that there is food on the table especially for the country’s poor, only proves that GMA is not only a “lame duck president”, but worst, is a “hands-off president”. This only means that she couldn’t care less if majority of Filipinos remain hopeless, defenseless and unable to survive even their family’s basic food and non-food needs.”

De Guzman submits, “The Filipino have had enough of GMA! If we can no longer expect significant and decisive resolutions from the Arroyo government, then there remains no reason for her to stay in power. Her presidency diminishes every day not only because of her syndicate-style politics and corrupt activities, but mainly because of her government’s incapacity to resolve the main issues of the country today such as poverty and hunger. Thus, we call on poor and working men and women of this country to join us in our campaign to put and end to our problems and finally take a stand: Kagutuman, Kahirapan, Katiwalian: Sobra Na! Patalsikin si Gloria! Reject Noli! Itayo Democratic Transitional Council, Pagbabago Ngayon Na!

BMP, KPML and Sanlakas conducted a brief program at Welcome Rotonda and held their banners with the following slogans which intend to put forward concrete demands and/or solutions to the country’s current issues: “Ibasura ang Meralco rate increase!”; “Ipatupad ang price control sa lahat ng basic commodities tulad ng bigas, pandesal, atbp.!”; and “Ipatupad ang Family Living Wage (FLW)!”. More actions are scheduled in the following days leading to May 1.

- 30 -

Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)
SANLAKAS

Miyerkules, Abril 9, 2008

Ang pagbubuo ng KASAMA

ANG PAGBUBUO NG KASAMA

Nabubuhay tayo sa "demokrasyang lipunan". Ngunit hungkag ang buhay ng mga maralita sa "demokrasyang lipunan" na ito. Ang mga maralita ang buhay na larawan ng ipinagmamalaking demokrasya ng minorya. Ang mga maralita, kasama ang uring manggagawa, na siyang mayoryang bumubuo ng lipunan, ang siyang mayoryang naghihirap at hindi pinakikinggan ng mismong sumisigaw ng 'demokrasya', at siyang mayoryang nalulubog sa matinding kahirapan at halos hindi makakain ng sapat sa isang araw.

Mali na ang mayoryang bumubuo ng lipunan at siya mismong bumubuhay sa lipunan dahil sa kanilang lakas-paggawa ang siya pang api sa 'demokrasyang lipunan' na ito. Pagkat mali, dapat itama. At maitatama lamang ito kung kikilos ang mismong mayorya - ang mga maralita, lalo na ang uring manggagawa - para palayain ang sarili nila laban sa paninibasib ng minorya. Dahil dito, kaagapay ng mga manggagawa, nararapat lamang na mabuo ang isang malawak at malakas na kilusan ng mga maralita.

Ang malawak na kilusang ito ay nakapundar sa pagkakaisa hindi lamang sa batayan ng isyu sa pabahay, kundi higit sa lahat sa pagbabago ng sistema ng lipunang siyang naging dahilan ng paglaki ng agwat ng nakararaming mahihirap at kakarampot na mayayaman.

Ngunit magaganap lang ang pagbabago ng sistema kung ang mismong masang maralita ay magkakamit ng mataas na pampulitikang kamulatan at makauring paninindigan. Hindi dapat na makuntento lamang tayong mga maralita sa isyu ng pabahay, demolisyon at pagkakaroon ng malilipatan at matitirhan. Bagkus dapat umabot ang ating kamalayan sa pagtatanong kung bakit patuloy na nagaganap ang kahirapan at bakit umiiral ang kawalan ng katarungang panlipunan.

Ang pag-oorganisa ng masang maralita bilang mga mulat na anakpawis ay pulitikal ang nilalaman sapagkat imposibleng matanggap ng isang ordinaryong maralita ang kanyang katayuan sa lipunan nang hindi niya nauunawaan ang kanyang kalagayan sa sistema ng produksyon sa lipunang umiiral ngayon - ang lipunang kapitalismo. Kung mauunawaan niya ang kanyang kalagayan, imposibleng hindi mahagip ng kanyang pananaw ang mapagsamantalang relasyon ng kapitalistang lipunan - ang sistema ng sahurang pang-aalipin, ang maralita bilang proletaryado, at hindi lamang simpleng reserbang hukbo ng paggawa dahil wala rin silang pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon kundi ang kanilang lakas-paggawa, ang pambabarat sa tamang presyo ng lakas-paggawa, ang batas ng paglitaw ng kapitalismo bilang sistema ng pribadong pag-aaring siyang ugat ng kahirapan, ang gobyernong kumakatawan dito, ang pagpapabagsak nito, at pagtatayo ng sariling gobyerno ng manggagawa at ng anakpawis.

Sa ganitong layunin, bilang pampulitikang sentro ng maralitang lungsod, binubuo ng KPML ang Kapatiran ng mga Sosyalistang Aktibistang Maralita (KASAMA) upang maipalaganap ang makauring pagkakaisa ng mga maralita bilang proletaryado at ng uring manggagawa sa kabuuan. Katatampukan ang KASAMA ng pag-oorganisa at pampulitikang pagmumulat.

Ang KASAMA ay isang pampulitikang grupo o sirkulo (mga 5-10 katao) ng mga mulat na maralita sa loob ng isang lokal na organisasyon at komunidad na kinikilusan ng KPML, o kaya'y mga indibidwal na maralitang wala pang organisasyon sa isang komunidad. Sila ang mga aktibong kasapi ng organisasyon o sinuman sa komunidad na nakahandang makibahagi sa anumang paraan at kumilos para sa ating hinahangad na pagbabago sa lipunan.

Gayunman, ang pagtatayo ng KASAMA ay hindi nangangahulugang pagtatayo ng hiwalay na organisasyon sa loob ng isang lokal na organisasyon o pagtatatag ng mga bagong tsapter ng KPML, maliban doon sa mga indibidwal sa komunidad na wala pang organisasyon. Iginagalang ng KPML ang dinamismo ng bawat lokal na organisasyon. Binuo ang KASAMA bilang katuwang ng KPML sa pagkokonsolida sa ating mga kinikilusang komunidad. Pagkat sila ang mga mulat (may mataas na pampulitikang kamalayan) na maralita sa loob ng kanilang mga lokal na organisasyon, pangungunahan nila ang kanilang samahan sa mga pagkilos sa loob at labas ng kanilang mga komunidad, at magsasagawa ng pagmumulat sa hanay ng kasapian at maging sa iba pang organisasyon at mga kalapit pang komunidad. Ang mga KASAMA ang siyang magiging gulugod sa pag-oorganisa at pagkokonsolida ng ating organisasyon at mga komunidad na kinikilusan.

Ang mga sumusunod ang mga partikular na tungkulin ng bawat KASAMA:

1. Dumalo at magbuo ng mga sirkulo ng pag-aaral at mga talakayan.

2. Magpalaganap ng mga pampulitikang diskusyon at propaganda kaugnay ng makauring pagkakaisa sa hanay ng masang maralita.

3. Maging aktibong kalahok sa mga pagkilos ng masa sa mga komunidad, sa mga mobilisasyon, at sa iba pang mga pampulitikang pagkilos.

4. Mamahagi ng mga lathalain (memo, pahayagan, polyeto, atbp.) ng organisasyon.

5. Magsagawa ng pagrerekluta ng mga:

(a) indibidwal na kasapi sa hanay ng pangmasang organisasyon sa komunidad;

(b) bagong indibidwal na bubuo ng mga bagong sirkulo ng KASAMA.

6. Maagap na pagtulong sa mga komunidad na may banta ng ebiksyon demolisyon at handang ipaglaban ang komunidad sa panahon ng ebiksyon at demolisyon.

7. Pagbahagi ng mga nakalap na impormasyong may kaugnayan sa laban ng maralita sa demolisyon, padlocking, foreclosure, kagutuman, at iba pang isyung nakakaapekto sa maralita.

8. At iba pang pampulitikang gawaing maaaring iatas mula sa ating sentrong organisasyon ng KPML.

Tungkulin ng mga group o team leader ng bawat KASAMA na regular na tipunin ang kanyang mga kagrupo upang tuparin ang kanilang mga plano at tiyaking nagagampanan ng bawat isa ang kanilang mga pampulitikang tungkulin at gawain.

Ang bawat KASAMA ay laging nakikipag-ugnayan sa sentro ng KPML para sa gabay at sa isang koordinado at organisadong pagkilos.

Dapat nating tandaan na hindi natin lipunan ang lipunang kapitalismong umiiral ngayon. Ito'y lipunan para lamang sa iilang mayayamang pribadong nagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon, at minorya pa sa lipunan.

May lipunan tayong dapat ipagwagi - isang lipunang ang mga kagamitan sa produksyon ay pag-aari ng buong lipunan upang magkaroon ng planadong kaayusan, isang lipunang papawi sa kasakiman sa tubo ng mga kapitalista, isang lipunang papawi sa mga kapitalista bilang naghaharing uri, isang lipunang walang pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon, isang lipunang ang magtatamasa ay ang lahat.

Biyernes, Abril 4, 2008

Oryentasyon ng KPML

ORYENTASYON NG KPML

A. ANO ANG KPML?

Ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lunsod (KPML) ay isang Kumpederasyon ng iba’t ibang samahan ng mamamayan sa Komunidad na naglalayong buklurin ang mga Maralitang Lunsod sa isang pananaw, paninindigan at layunin upang maging epektibong pampulitikang pwersa sa pagbabago ng kalagayan ng maralita sa lipunan.

Ito ay isang kumpederasyon na may pambansang katangian, kung saan ang mga samahan mula sa iba’t ibang rehiyon, lalawigan, lunsod at bayan, ay maaring maging kasapi. Ito ay nagpapairal ng demokratikong sistema sa loob ng organisasyon kung saan ang mga opisyales ay halal at ang Saligang Batas, Alituntunin (By-Laws), mga resolusyon, mga programa at patakaran ay pinagtibay ng buong kasapian.

Mula sa pambansang punong rehiyon kung saan unang itinayo ng maralita ang KPML, sa kasalukuyan ay may mga balangay at kasaping mga pederasyon at mga lokal na samahan sa Panay-Guimaras, Bacolod, Cebu, Cavite, Rizal, Laguna, sa kahabaan ng riles, at masigla ang mga ugnayan sa mga samahang maralita sa iba’t ibang probinsya sa Luzon, Mindanao, at Visayas.

B. BILANG PAMPULITIKANG KUMPEDERASYON

Noong panahon ng diktadurang Marcos, ang pakikibaka ng mga maralita ay kalat-kalat at kanya-kanya. Walang sentralisadong pagkilos kung kaya’t mula sa ganitong kalagayan, itinayo ang KPML bilang isang sentrong organisasyong pampulitika ng maralita, upang pagkaisahin at organisahin ang pakikibaka ng maralita sa isang sentralisadong pagkilos, di lamang sa usapin ng pabahay, kabuhayan, serbisyo at mga karapatan, bagkus hanggang sa pakikibaka laban sa kahirapan.

Tumungo ang pakikibakang ito sa pagkakaroon ng pampulitikang kapangyarihan sa hangaring makamit ang isang ganap na pagbabago tungo sa lipunang may pagkakapantay-pantay.

C. KAILAN AT PAANO NABUO ANG KPML

Sa gitna ng magiting na pakikibaka ng maralita sa karapatan sa paninirahan, serbisyo at kabuhayan, itinatag ang KPML noong Disyembre 18, 1986 bunga ng pagkakabigkis ng iba’t ibang samahang maralita na pinangunahan ng Zone One Tondo Organization (ZOTO), Coalition of Urban Poor Againts Poverty (CUPAP) at ng Pagkakaisa ng Mamamayan ng Navotas (PAMANA) at ng iba pang samahang maralita. Ang KPML ay isang katugunan sa pangangailangan para sa isang sentrong pampulitikang organisasyon ng maralita.

Isinusulong ng KPML ang pakikibaka ng maralita para sa isang lipunang malaya at may pagkakapantay-pantay kasama ng iba pang samahang pangkomunidad. Binibigyang-diin nito ang pakikipaglaban ng maralita sa pabahay, hanapbuhay at serbisyong panlipunan.

Nagtuloy-tuloy ang pakikibaka ng maralita sa pangunguna ng KPML. Noong kalagitnaan ng taong 1987, isa ang KPML na nagbuo ng National Congress of Urban Poor Organizations (NACUPO) na siyang naghain ng People’s Proposal sa Malacañang. Naglalaman ito ng mga pagsusuri sa mga suliranin ng mga maralitang lungsod, ng kahinaan ng umiiral na proyektong Low Cost Housing at naghain ng alternatibo sa gobyernong Aquino. Nagbunga ang mga konsultasyon at ang sagot ng gobyerno ay ang pagtatayo ng Urban Poor Task Force na sa kalaunan ay itinayo ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) bilang ahenya ng pamahalaan na gagabay sa pagpapatupad ng mga patakaran at implementasyon ng mga programa para sa maralitang lungsod.

Bagamat nakapagpatayo ng ganitong ahensya para sa maralita, wala ni isa man sa nilalaman ng People’s Proposal ang nakamit, tulad ng ang dapat mamuno rito ay mismong galing sa hanay ng maralita. Walang habas na ipinapatupad ng pamahalaan ang marahas na demolisyon at ebiksyon ng mga maralita. Pagkaraan ng isang taon, nabuwag ang NACUPO at muling pinamunuan ng KPML ang pakikibaka ng maralita.


PILOSOPIYA NG ORGANISASYON

1. Ang gawain para sa panlipunang pagbabago ay nagsisimula sa sarili

2. Ang paghahanap sa karunungan, indibidwal at panlipunang pagbabago ay isang tuloy-tuloy na proseso

3. Ang maglingkod para sa pagsasakapangyarihan ng mamamayan at ang pakikibaka para sa karapatan ng mga maralita at mga serbisyong kailangan ipagkaloob. Mas gugustuhing makipaglaban para sa pagkakamit ng karapatan kaysa ang tumanggap ng limos.

4. Ang isang responsableng lider ay naglilingkod ng tapat sa organisasyon.

5. Ang pagbibigay-halaga sa gawain ng organisasyon at tungkulin sa pamilya ay hindi magkahiwalay.

6. Ang katotohanan at katarungan ang siyang kakatawan sa organisasyon

7. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga maralita ang siyang magtutulak sa organisasyon upang magpatuloy at magtagumpay.

8. Ang banta at panganib ay bahagi ng buhay ng mga Maralitang Lunsod


BISYON SA LIPUNAN

Pangarap ng KPML ang isang lipunang may kaunlaran, na ang mamamayan ay may pampulitika at pang-ekonomiyang kapangyarihan, may katarungan at tunay na demokrasya, pagkapantay-pantay sa karapatan at kasarian, malusog na kalikasan, at maayos na kapaligiran


BISYON SA ORGANISASYON

Isang pambansang organisasyon ng mga maralita na kinikilalang nangunguna at tumitindig sa kapakanan ng mamamayan na may malakas na impluwensyang pampulitika at may programang pangkabuhayan na nagtataguyod ng maayos na serbisyong panlipunan.


MISYON

Maging isang pampulitika at pang-ekonomiyang sentro na namumuno para sa karapatan at kaunlaran ng mga maralita sa pamamagitan ng mga programang magbibigay at magtitiyak ng mga serbisyong panlipunan sa kanyang sektor.


MGA HANGARIN

HANGARING PAMPULITIKA

Pagbubuo ng isang malakas na kilusang maralita para sa pag-establisa ng kapangyarihang pampulitika

HANGARING PANGSOSYO-EKONOMIKO

Kamtin ang pagtindig sa sariling lakas at pagsusulong ng pag-angat ng kabuhayan, pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan, at pagkkaroon ng pang-ekonomiyang kaunlaran na may pagsasaalang-alang, at pagkapantay-pantay ng kasarian.

HANGARING PANG-ORGANISASYON

Mapagana, mapalakas at mapakilos ang sariling dinamismo ng sentrong nasyonal, mga rehiyon, pederasyon, tsapter at lokal na samahan bilang pampulitika at pang-ekonomiyang organisasyon ng mga maralita.

MGA PROGRAMA NG KPML

Ang KPML ay may mga programang nagsisilbi sa layunin at makinarya sa pagpapatakbo ng organisasyon at pagpapatupad ng mga plano’t gawain ng mga sumusunod:

1. Programa sa Pag-oorganisa

Ang programang ito ang nagtitiyak ng kooperasyon, tulungan at koordinasyon sa pagitan ng KPML at mga samahan sa iba’t ibang komunidad, kalunsuran, bayan, lalawigan, at ng rehiyon. Ito rin ang makinarya sa pagpapalawak at pagbubuo ng mga samahan at balangay ng KPML, at pag-oorganisa ng iba pang sektor na nakabase sa komunidad, tulad ng kababaihan, kabataan, vendors, TODA, PODA, mga walang tahanan, mga walang trabaho, atbp.

2. Programa sa Edukasyon at Pagsasanay

Ang programang ito ang mag-aasikaso at magtitiyak ng mga angkop na pag-aaral at pagsasanay ng mga kasapian ng organisasyon. Pangunahing layunin nito ay madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga lider at kasapian, pagtataas ng kanilang kamulatang pampulitika at malaman ang mga usapin at problemang nakaaapekto sa maralita.

3. Programa sa Kampanyang Masa at Adbokasiya

Ang programang ito ang magsisilbing daluyan ng mga pagkilos ng sektor hinggil sa iba’t ibang isyu at problemang tuwiran at di-tuwirang nakaaapekto sa mga maralita at mamamayan.

4. Programa sa Pinansiya’t Lohistika

Ang programang ito ang magtitiyak ng panustos at mga rekurso sa pagsusustena ng mga plano’t gawain ng KPML sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan.

5. Programa sa Pananaliksik, Dokumentasyon, Pangkabatiran at Propaganda

Ang programang ito ang responsable sa gawaing pananaliksik sa iba’t ibang mga isyu, programa’t mga proyekto, mga batas at mga patakarang nakaaapekto sa maralita. Pagtatala ng mga pangyayari sa mga pagkilos ng mga maralita, pagbibigay-kabatiran sa mga kasapi at publiko sa pamamagitan ng paglalathala ng pahayagan, polyeto, media advisory, letters-to-the-editors, press statements at press releases.

6. Programa sa Solidarity, Lokal at Internasyunal

Ang programang ito ang siyang responsable sa pakikipag-ugnayan ng KPML sa labas ng bansa at pakikipag-kooperasyon sa iba’t ibang perspektiba.

7. Programa sa Pangkagalingan at Serbisyo

Ang programang ito ang magbibigay ng iba’t ibang serbisyo na kinakailangan ng mga kasapi ng KPML, tulad ng serbisyong legal, paralegal, counselling, medikal, teknikal, at mga referral. Isa itong “action line” o network ng iba’t ibang serbisyo.

8. Programa sa Parlamentaryo

Ang programang ito ang siyang magtitiyak na ang KPML ay magsisilbing makinarya sa kampanyang elektoral, kung sakaling may pinagkaisahang susuportahang kandidato ang buong organisasyon. Ito rin ang magtitiyak ng pagla-lobby sa Kongreso at Senado ng mga agenda ng maralita.

9. Programa sa Pangkababaihan

Ang programang ito ang magtitiyak na ang mga usapin ng kababaihan, tulad ng gender equality, reproductive health, family right, economic right, at right to suffrage ay napapalaganap.

10. Programa sa Community Development at Selfhelp Resettlement Project

Ang programang ito ang inisyal na magpapasimula ng pagsangkot sa mga sariling inisyatiba ng maralita para sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad tulad ng land acquisition, housing amenities, atbp.

11. Programa sa HIV at AIDS

Ang programang ito ang nagbibigay ng pag-aaral hinggil sa HIV at AIDS, at nagbibigay ng makakayanang tulong sa mga may HIV at AIDS.

12. Programa sa Microfinance

Ang programang microfinance ang siyang nagpapautang ng kaunting puhunan sa mga magulang ng mga bata at kabataang manggagawa upang makatulong sa pamilya, at matiyak na ang mga bata at kabataang manggagawa ay makabalik sa paaralan.

13. Programa laban sa Child Labor

Ang programang ito ang siyang nakatutok sa mga bata at kabataang manggagawa upang ang mga ito’y makabalik sa paaralan, at sa pamamagitan ng paralegal ay matigil na ang mga pang-aabuso at karahasan laban sa mga bata at kabataang manggagawa.

14. Programa sa Child and Youth Rights

Ang programang ito ang siyang nakatutok sa pagtalakay sa karapatan ng mga bata at kabataan upang malaman nila at maipatanggol ang kanilang mga karapatan

Ano ang Microfinance

“KAILANGAN MO NG DAGDAG PUHUNAN??? Makipag-ugnayan sa: Kabuhayan ng Mamamayan Para sa Kaunlaran – KPML Inc.” Ang pangungusap na ito ang pamagat ng primer na inilabas ng Kabuhayan ng Mamamayan para sa Kaunlaran-KPML Inc. (KMK-KPML). Ito ang bagong tatag na MicroFinance institution na nakapaloob sa livelihood program ng KPML. Layunin ng proyektong ito na makapagpautang ng pandagdag puhunan para sa mga maliliit na negosyante, at sa mga magulang ng mga bata at kabataang manggagawa upang makabalik sa eskuwelahan ang kanilang mga anak.

Pero saan ba nagmula ang microfinance at paano ito naging matagumpay sa iba pang lugar?

Kadalasang sinasabing ang programang microfinance ay nagsimula noong 1970s, kung saan may dalawa itong katangian: Maipakita na ang mamamayan ay maaasahang magbayad ng kanilang inutang, at maipakita rin na maaari ring magbigay ng serbisyong pinansyal sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pautang.

May mga ebidensyang hindi lang sa 1970s ito nagmula. Ayon kay Timothy Guinnane, isang ekonomikong historyan, nagtagumpay ng kilusang pagbabangko sa nayon (village bank movement) na itinatag ni Friedrich Wilhel Raiffeisen sa Germany noong 1964, kung saan umabot ng dalawang milyong magsasaka noong 1901 ang natulungan ng konseptong ito. Dahil sa nakita niyang kahirapan sa kanilang bansa, ipinakita rito ni Guinnane kung paanong natulungan ang mga mahihirap sa mga liblib na pook na mangutang sa bangko.

Ganito rin ang naganap sa kilusang caisse populaire na itinatag ni Alphonse Desjardins sa Quebec. Pinagtulungan nila ito ng kanyang asawang si Dorimène na magtagumpay. Mula 1900, nang itinatag ni Alphonse ang unang caisse (na pinamahalaan ni Dorimène) hanggang noong 1906, kung saan naipasa ang batas hinggil sa pamamahala nito sa Quebec Assembly, ibinuhos ng mag-asawa ang kanilang mga personal na pag-aari para sa tagumpay ng buong kilusan.

Tulad ni Raiffeisen, kumilos si Desjardins dahil sa kahirapan. Ngunit mas kumilos siya dahil sa galit sa usurya o labis na pagpapatubo. Noong 1897, bilang parliamentary reporter, napag-alaman niya ang isang kaso sa korte sa Montreal sa mga nakaraang araw kung saan nakapangutang ang isang lalaki ng halagang $150, at inihabla, at pinilt na magbayad ng interes na nagkakahalaga ng $5,000.

Noong 1970, isang inisyatiba sa microfinance ang nagpakilala ng mga bagong inobasyon sa sektor. Maraming mga institusyon ang nagsimulang mag-eksperimentong magpautang sa mga mahihirap at sadyang kapos sa buhay. Isa sa mga nanguna rito ay si Akhtar Hameed Khan. Ang Shorebank, na itinatag sa Chicago noong 1973, ang unang microfinance and community development bank. Samantala, pinangunahan naman ni Muhammad Yunus, isang guro sa ekonomya sa Bangladesh, ang unang microloan sa Bangladesh noong 1974. Kasunod nito’y itinatag niya ang Grameen Bank at sa kanyang mga pagsisikap, siya’y ginawaran ng Nobel Prize noong 2006.

Sa ngayon, marami na ring institusyon sa Pilipinas ang may programang microfinance at nagpapautang sa mga mahihirap. Isa na rito ang ZOTO MFI (Zone One Tondo Organization – MicroFinance Institusyon), at ngayon nga ay itong KMK-KPML, Inc. Layunin ng programang ito na tiyakin ang sustenabilidad ng organisasyon sa mga darating na panahon.

Sa ngayon, patuloy pa ring nakikibaka ang KPML hinggil sa usapin ng katiyakan sa paninirahan, pabahay, demolisyon, serbisyong panlipunan, hanapbuhay at pagtataguyod sa mga lehitimong karapatan at kahilingan ng mga maralitang lungsod. Kasabay ng pag-unlad ng ating organisasyon, nangangailangan ang buong organisasyon ng mas malaking rekurso at pinansya upang sabay-sabay na matugunan ang pangangailangan at umangkop sa hamon ng kasalukuyang panahon. Pangunahin dito ang pag-oorganisa at pagpapalakas ng organisasyon. 

Naniniwala ang KPML, na walang sustenabilidad kung walang buhay at matatag na organisasyong handang magtulong-tulong upang isakatuparan ito. Dagdag pa rito ang pagpapahusay at pagpapaunlad ng mga programa at istap para sa epektibong implementasyon at paghahatid ng serbisyo sa ating mga kasapian.

Martes, Abril 1, 2008

7 Point Workers’ Agenda on Children and Young People

7 Point Workers’ Agenda on Children and Young People

1. Palakasin at paganahin ang mga barangay child protection committee (BCPC) bilang tagapangalaga at tagapagsulong ng mga karapatan ng bata at kabataan sa barangay;
2. Magkaroon ng isang kinatawang bata sa barangay child protection committee;
3. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata at kabataang manggagawa na makapag-aral maging ito man ay pormal o di-pormal;
4. Paigtingin ang pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman sa pangangalaga sa mga karapatan ng bata at kabataang manggagawa;
5. Maglaan ng mga programang pangkabuhayan para sa mga magulang ng mga bata at kabataang manggagawa upang ang responsibilidad ng paghahanapbuhay ay hindi na pasanin ng mga bata at kabataan;
6. Magbigay ng mga pag-aaral at pagmumulat ukol sa mga karapatan ng bata at kabataan at ang panganib na dulot ng child labor hindi lamang sa mga bata at kabataang manggagawa kundi pati na rin sa mga magulang at sa komunidad
7. Itigil ang karahasan at diskriminasyon sa mga bata at kabataang manggagawa sa panahon ng kalamidad at demolisyon.

Biyernes, Marso 21, 2008

Ano ang KPML

KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MARALITANG LUNSOD (KPML)

Noong Disyembre 18, 1986, nagbigkis-bigkis ang mga grupo ng maralita na pinangunahan ng Coalition of Urban Poor Against Poverty (CUPAP), Zone One Tondo Organization (ZOTO) at Pagkakaisa ng Mamamayan sa Navotas (PAMANA) at itinayo ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lunsod (KPML). Sa nagdaang mahigit 20 taon, ipinaglaban ng KPML ang karapatan ng maralita sa pabahay, hanapbuhay at hustisyang panlipunan.

BISYON SA LIPUNAN

Pangarap ng KPML ang isang lipunang may kaunlaran, na ang mamamayan ay may pampulitika at pang-ekonomyang kapangyarihan, may katarungan at tunay na demokrasya, pagkakapantay-pantay sa karapatan at kasarian, malusog na kalikasan, at maayos na kapaligiran.

PILOSOPIYA NG KPML

1. Ang gawain para sa panlipunang pagbabago ay nagsisimula sa sarili.
2. Ang paghahanap sa karunungan, indibidwal at panlipunang pagbabago ay isang tuloy-tuloy na proseso.
3. Mas nanaisin ang maglingkod para sa pagsasakapangyarihan ng mamamayan at ang pakikibaka para sa karapatan ng mga maralita at mga serbisyong kailangang ipagkaloob. Mas gugustuhing makipaglaban para sa pagkakamit ng karapatan kaysa ang tumanggap ng limos.
4. Ang isang responsableng lider ay naglilingkod ng tapat sa organisasyon.
5. Ang pagbibigay-halaga sa gawain ng organisasyon at tungkulin sa pamilya ay hindi magkahiwalay.
6. Ang katotohanan at katarungan ang siyang kakatawan sa organisasyon.
7. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga maralita ang siyang magtutulak sa organisasyon upang magpatuloy at magtagumpay.
8. Ang banta at panganib ay bahagi na ng buhay ng mga maralita ng lunsod.

PRINSIPYO NG KPML (Art. 2, Sek. 8)

Naniniwala ang KPML na maaaring baguhin at lumaya ang mamamayan sa kahirapan at kawalang katarungan kung ganap na maitatayo ang isang sosyalistang lipunan na nakabatay sa sama-samang paggawa at paglikha ng yaman na aariin ng lahat sa halip na iilan lamang at magkakaroon ng tunay na kasaganaan para sa lahat ng mamamayan.