Linggo, Agosto 30, 2009

Sari-Saring Balita, 2009

SARI-SARING BALITA NG KPML

(Nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, Tomo XIV, Blg. 2, p.7, Taon 2009)

SUMMER YOUTH CAMP, MATAGUMPAY NA IDINAOS

Matagumpay na inilunsad ng KPML ang Summer Youth Camp noong ika-4-6 ng Mayo 2009 sa Golden Shower Resort sa Barangay Tabe, Guiguinto, Bulacan. Layunin ng nasabing aktibidad na paunlarin ang kaalaman ng mga kabataan sa iba't ibang larangan tulad ng pagpipinta, pagbubuo ng mga awitin, pagsusulat ng tula, at marami pang iba.

Sa ilalim ng programa laban sa HIV/AIDS, inihahanda ng KPML ang mga kabataan na makaiwas sa virus na ito sa pamamagitan ng edukasyon.


MGA BATANG MANGGAGAWA, LUMAHOK SA SPORTS ACTIVITY NG CRP

Sa ilalim ng programang CRP (child's rights program), inilunsad ng KPML ang isang sports activity noong ika-12 ng Mayo 2009 sa Malabon Ampitheater. Nagpaligsahan sa iba't ibang larangan ang mga batang manggagawa mula sa limang erya (Maynila, Malabon, Caloocan, Navotas, at Cavite). Naglaro sila ng tug-of-war, volleyball, basketball, tennis, atbp., at pinairal ang sportsmanship sa bawat isa.

Kitang-kita sa mga kalahok ang kasiyahan na madama nila ang kanilang karapatang malayang makapaglaro. Naniniwala ang KPML sa kasabihan na ang pamayanan ay balon ng katalinuhan dahil dito natin makikita ang likas na kaalaman, kakayahan, katatagan, at katalinuhan ng mga kabataan.


KPML, NAHALAL SA KONSEHO NG PATTAK

Nahalal ang KPML bilang isa sa sampung kasaping organisasyon ng konseho ng PATTAK (Progresibong Alyansa ng mga Tagatangkilik ng Tubig sa Kamaynilaan) sa pangkalahatang asembliya nito na ginanap sa Session Hall ng Quezon City Hall noong Hunyo 26, 2009.


KPML, NAGBIGAY-PUGAY KAY KA LITO MANALILI

Dumalo ang KPML sa parangal na ibinigay sa ika-63 kaarawan ni Ka Lito Manalili, isang magiting na guro at lider mula sa Kapatiran-Kaunlaran Foundation, Inc. (KKFI) at Unibersidad ng Pilipinas noong Hulyo 1, 2009 sa KKFI, P. Paredes St, Sampaloc, Maynila. Dumalo rin dito ang ZOTO, SAMANA-FA, mga taga-KKFI, at iba pang samahang maralita.

Nagbasa ng isang madamdaming tula si Ka Danny Afante, PRO ng KPML, para sa may kaarawan, na ikinasiya naman nito. Nagbigay din ng pahayag sina Ka Pedring Fadrigon para sa KPML at Ka Allan Dela Cruz para sa ZOTO.

Balita - 25 Anib ng SAMANA-FA, Ipinagdiwang

ANIBERSARYONG PILAK NG SAMANA-FA, IPINAGDIWANG

(Nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, Tomo XIV, Blg. 2, p.7, Taon 2009)

Ipinagdiwang ng Samahan ng Makabayang Nagtitinda sa Fabella (SAMANA-FA) ang kanilang ika-25 anibersaryo (silver anniversary) ng pagkakatatag noong Agosto 24, 2009. Dito’y binalikan nila at sinariwa ang mga pinagdaanan ng samahan tulad ng mga taong nagtanim o nagtatag nito, paano nila ito inalagaan hanggang sa ang binhing kanilang itinanim ay maging isang matatag na punong ang bunga’y pinakikinabangan ng higit na nakararami.

Ang nasabing pagtitipon ay kinatampukan ng pagbibigay ng pagkilala sa mga taong nagsumikap na mabuo at umunlad ang samahan. Nagkaroon din ng mga papremyo at give-aways sa mga kasapi.

Mula sa bila-bilao at latag-latag na paninda sa bukana ng WelfareVille Compound nabuo ang SAMANA-FA. Limang katao ang nangahas pagbuklurin ang mga maliliit na manininda laban sa hindi makatarungang paniningil ng P2.50 kada araw sa ilalim ng proyektong KKK ni Imelda Marcos. Ang kapangahasaang iyon nina Boy Valencia, Manuel Cauday, Domingo Agustin, Cesar Banico at Ka Pedring Fadrigon, kasalukuyang tagapangulo ng SAMANA-FA, ang naging simula ng pagbabago sa buhay ng mga manininda at naninirahan sa Fabella Road sa Mandaluyong. Sa ngayon, isa nang ganap na palengke ang SAMANA-FA na may matibay at matatag na pamunuan.

Balita - 5,000 Pamilya, Idedemolis

SA EO 803 NI GMA, 5,000 PAMILYA, NAKATAKDANG IDEMOLIS

(Nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, Tomo XIV, Blg. 2, p.6, Taon 2009)

Nilagdaan ni Pangulong Arroyo noong Mayo 21 ang Executive Order 803 na naglikha sa Metro Manila Interagency Committee (MMIAC) para sa mga informal settlers upang magplano, makipag-ugnayan at isagawa ang isang Comprehensive Shelter Program (CSP) para sa mga maralitang apektado ng mga prayoridad na proyektong imprastruktura ng pamahalaan, at yaong naninirahan o malapit sa mapanganib ng lugar tulad ng riles, estero, bangketa, tulay. basurahan at dalampasigan. Inatasan nito ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na manguna rito, at katulong naman ang National Housing Authority. Ang mga kasapi ng MMIAC ay ang Housing and Urban Development Coordinating Council, Presidential Commission for the Urban Poor, National Antipoverty Commission, Department of Public Works and Highways, Department of the Interior and Local Government, Office of the President-External Affairs, Department of Budget and Management, at isang kinatawan mula sa mga maralita.

Kasabay nito, ipinahayag ng MMDA na idedemolis nila ang 5,000 pamilyang nakatira sa mga danger zones, at tinukoy niya ang mga sumusunod na lugar: Damayan Lagi, 11th Street at Sta. Cruz sa gilid ng ilog San Juan sa Quezon City; ang mga barangay 177, 135, 178, 179, 180, 181 at 182 na malapit sa Estero de Tripa de Galina sa Pasay City; Old Balara (west and east) sa Commonwealth Avenue; at Masambong at Manresa sa Araneta Avenue, lahat ay sa Lunsod Quezon.

Isinumite naman ng NHA ang 11 lugar na prayoridad bigyan ng relokasyon, at ito'y ang Buting, Pasig; Santolan, Mindanao Avenue, Balintawak, Quiapo, Nissan Tatalon, Pasay, Estero de Paco, R-10 Navotas, Market 3 Fishport sa Navotas at Sta. Cruz.

Dahil dito, matindi ang pangamba ng mga lider-maralita sa nakaambang demolisyon, at naghahanda na silang ipagtanggol ang kanilang mga tirahan at tulungan ang kapwa maralita kung walang maayos na negosasyon at nakahandang relokasyong may hanapbuhay, pabahay at serbisyo.

Balita - Demolisyon sa Green Valley

MGA MARALITA SA GREEN VALLEY, DUMANAS NG ILEGAL NA DEMOLISYON

(Nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, Tomo XIV, Blg. 1, p.7, Taon 2009)

Nitong nakaraang Abril 2009, apat na bahay sa Green Valley Subdivision sa Bacoor, Cavite ang giniba ng mga demolition team sa pamumuno ng isang sheriff (di na nakuha ang pangalan). Kasama rin dito ang mga pulis-Bacoor upang sindakin at takutin ang mga naninirahan sa nasabing subdibisyon.

Ayon sa pangulo ng Green Valley Homeowners Association, ang tunay na isyu sa kanila ay ang awayan sa pagitan ng Hermogenes Rodriguez at Green Valley Homeowners Association. Bagamat pinaboran ng korte ang Green Valley Homeowners Association at binigyan pa ni Hermogenes Rodriguez ng Certificate of Occupancy, sila pa rin ay giniba ng demolition team sa utos ng sheriff. Ayon sa balita, biglang nabaligtad ang sitwasyon dahil tatanggap ng P35,000 bawat lote na mapapaalis ng tinamaan ng magaling na sheriff.

Ang tanong natin dito: tama ba o legal ba ang nasabing kautusan ng sheriff? Malinaw na sa kautusan ng korte na kanyang inilabas, walang ispesipikong nakalagay kung anong pangalan o kaninong bahay ang gigibain, kundi tanging numero lamang ng lote. Malinaw sa desisyon ng hukuman na si Hermogenes Rodriguez ang natalo kaya bakit bahay ng mga naninirahan sa Green Valley ang gigibain? Kung sakali man na hindi sa mga naninirahan ang lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay, hindi ito sapat na katwiran upang gibain ang mga nakatayo nang bahay dahil tahanan at pamumuhay ang nakataya rito. Hindi ba dapat ay mag-apela sa nakatataas na hukuman si Hermogenes Rodriguez laban sa Green Valley Homeowners Association. Ang mga taong naninirahan doon ay walang pag-aangkin sa lupa ng Green Valley Subdivision, kundi sila ay biktima ng taong nang-aangkin ng lupang hindi naman sa kanila.

- ang ulat na ito'y mula sa dyaryong Tinig ng Samana-Fa, Hunyo 2009

Biyernes, Hulyo 24, 2009

Con Ass Manila Five, Niralihan ng Maralita

PRESS STATEMENT
Hulyo 24, 2009

SA PAGPAPATULOY NG SHAME CAMPAIGN
CON-ASS MANILA FIVE, NIRALIHAN NG MARALITA
SINUNOG DIN ANG PANUKALANG BATAS NI DATO ARROYO

Nagpapatuloy pa ang shame campaign laban sa mga kongresistang pro-Con Ass. Inilunsad ng mga maralita mula sa Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML), Zone One Tondo Organization (ZOTO), at Piglas-Kabataan (PK) ang mga kilos-protesta sa harapan ng bahay at tanggapan ng limang kinatawan ng Maynila, na tinawag nilang Con Ass Manila Five. Pinagbabato nila ito ng mga bulok na kamatis bilang simbolo ng kamatayan ng demokrasya at kalayaan. Sinabi pa nilang dinala nila ang kanilang laban sa lansangan at sa mismong bakuran ng mga ulupong upang kondenahin ang kanilang pagpirma sa HR 1109, at tangkang pagsuporta sa HR 737 ni Speaker Nograles.

Pinuntahan nila ang bahay at tanggapan nina Rep. Amado Bagatsing (Manila-D5, KAMPI) sa Jorge Bocobo St. cor. J. Nakpil St, Bienvenido Abante (Manila-D6, LAKAS-CMD) sa Revilla St., in Sta. Ana, Trisha Bonoan-David (Manila-D4, KAMPI) sa Dapitan St. Sampaloc, Zenaida Angping (Manila-D3, NPC) sa Binondo, at Jaime C. Lopez (Manila-D2, LAKAS-CMD). Sa anim na distrito sa Maynila, tanging isang kongreista lamang ang di pumirma sa HR 1109, at ito’y si Benjamin Asilo (Manila-D1, PDP-LABAN).

Isang araw matapos ang rali ng KPML at ZOTO sa tanggapan nina Rep. Mitch “Miss Con Ass” Cajayon (Caloocan City - D2, LP) at Rep. Alvin “Mr. Con Ass” Sandoval (Malabon-Navotas, Lone Dist., LP), agad na nagpasa ng Panukalang Batas 6358 si Rep. Diosdado "Dato" Arroyo (Camarines Sur - D1, KAMPI), na nagsasaad na bawal nang magprotesta sa mga bahay ng mga opisyal ng gobyerno, kahit na ang mga ito’y sangkot sa mga katiwalian o mga masigalot na usapin. Nais ng nasabing panukalang amyendahan ang Artikulo 131 ng Revised Penal Code, na sa talata una at ikatlo ay nagsasaad: “Pagbabawal, pagsaway at paglalansag ng mapayapang asambleya. – Ang parusang prision correccional sa pinakamaikling panahon nito ay dapat igawad sa sinumang opisyal ng bayan o empleyado na, dahil walang batayang legal, ay nagbawal o sumaway sa pagdaraos ng isang mapayapang pulong, o paglalansag nito. Ang kaparehong parusa ay igagawad sa sinumang opisyal ng bayan o empleyado na magbabawal o hahadlangan ang sinumang tao sa pagsasalita, mag-isa man o may kasama, ng anumang petisyon sa mga awtoridad para sa koreksyon sa pag-aabuso o pagtutuwid sa mga hinaing.”

Ayon kay Allan Dela Cruz, pangkalahatang kalihim ng KPML, “Ipinagpapatuloy namin ang kilos-protesta sa mga bahay at tanggapan ng iba’t ibang pro-Con Ass na kongresista bilang bahagi ng aming shame campaign dahil sa pagpirma nila sa notoryosong HR 1109. Itinatakwil din namin ang pakana nilang HR 737 ni Speaker Nograles upang mag-ari ng 100% ang mga dayuhan ng ating mga lupain, media, eskwelahan, ospital at iba pang serbisyo. Ibinabasura din namin ang HB 6358 ni Dato Arroyo, dahil ang aming karapatang matugunan ang aming mga hinaing, na nasasaad sa Katipunan ng mga Karapatan, ay dapat igalang ng estado. Alam namin ang aming mga karapatang nakasaad sa Artikulo III, Seksyon 4 ng Konstitusyong 1987, na nagsasabing: Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan."

Rally against Con Ass Manila Five

PRESS STATEMENT
July 24, 2009

AS SHAME CAMPAIGN CONTINUES
URBAN POOR RALLY AGAINST CON-ASS MANILA FIVE
PLUS, DATO ARROYO’S NEW BILL BURNED

The shame campaign against pro-Con Ass congressman continues. The urban poor belonging to Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML), Zone One Tondo Organization (ZOTO), and Piglas-Kabataan (PK) will visit the houses of five Manila representatives whom they called as Con Ass Manila Five. They throw rotten tomatoes to the doors of these congressmen as a symbol of the death of democracy and sovereignty. They said they are bringing their fight at the parliament of the street also to protest the continued reign of the trapos in the political life of the nation. The political trapos serves only their own selfish interest, and the interests of their capitalists friends.

They began at the residence of Rep. Amado Bagatsing (Manila-D5, KAMPI) at Jorge Bocobo St. cor. J. Nakpil St. It will be followed with rally at the house of Bienvenido Abante (Manila-D6, LAKAS-CMD) at Revilla St., in Sta. Ana, then Trisha Bonoan-David (Manila-D4, KAMPI) in Dapitan St., then Zenaida Angping (Manila-D3, NPC) in Binondo, and Jaime C. Lopez (Manila-D2, LAKAS-CMD). In the six districts of Manila, only one did not sign HR 1109, and he was Benjamin Asilo (Manila-D1, PDP-LABAN).

A day after KPML and ZOTO rallied at the district offices of Rep. Mitch “Miss Con Ass” Cajayon (Caloocan City - D2, LP) and Rep. Alvin “Mr. Con Ass” Sandoval (Malabon-Navotas, Lone Dist., LP), presidential son Rep. Diosdado "Dato" Arroyo (Camarines Sur - D1, KAMPI), authored and filed House Bill 6358, which stated that pickets are banned at the houses of public officials, even if these public officials are involved in scams or controversial issues affecting the public good. The said bill seeks to amend Article 131 of the Revised Penal Code, which states in paragraph one and three: “Art. 131. Prohibition, interruption and dissolution of peaceful meetings. — The penalty of prision correccional in its minimum period shall be imposed upon any public officer or employee who, without legal ground, shall prohibit or interrupt the holding of a peaceful meeting, or shall dissolve the same. The same penalty shall be imposed upon any public officer or employee who shall prohibit or hinder any person from addressing, either alone or together with others, any petition to the authorities for the correction of abuses or redress of grievances.”

Allan Dela Cruz, KPML Secretary General said, “We will continue protesting at the houses and district offices of several pro-Con Ass congressmen as part of our shame campaign for signing the notorious HR 1109. We also reject their desire, through accompanying HR 737 of Rep. Nograles for foreigners to own 100% of our land, media, schools, hospitals and other basic services. We also reject HB 6358 of Dato Arroyo, because our right for redress of grievances, as written in the Bill of Rights, should be respected by the state. We know our right as stated in Article III, Section 4 of the 1987 Constitution, which states: “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.”

Miyerkules, Hulyo 22, 2009

Opisina ni Mr. Con Ass, Binato ng Kamatis

PRESS RELEASE
Hulyo 22, 2009

OPISINA NI MR. CON ASS, BINATO NG MARALITA NG KAMATIS

Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng rali sa opisina ni Miss Con Ass Rep. Mitch Cajayon ng Dist. 2 Caloocan City noong Hulyo 21, nirahilan naman ng mga maralita ang tanggapan ni Mr. Con Ass Malabon-Navotas Rep. Alvin Sandoval na nasa 20 A Bonifacio St., Tugatog, Malabon City. Ito'y pinangunahan ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML) at Zone One Tondo Organization (ZOTO). May maralitang nakasuot ng boxing belt at sash na nakasulat ang Mr. Con Ass, at sa paligid ng sash ay may mga nakabiting maraming paper money. Binato ito ng mga maralita ng bulok na kamatis bilang simbolo ng kanilang pagkadismaya sa pagpirma ng mga kongresista, lalo na ng kanilang kongresistang si Rep. Sandoval, sa HR 1109.

Ang aktibidad na ito'y bahagi ng shame campaign ng iba't ibang organisasyon upang kondenahin ang pagpirma ng maraming kongresista sa HR 1109 na naglalayong baguhin ang Saligang Batas sa pamamagitan ng Constituent Assembly.

Ayon kay Gng. Celia Taripe, pangulo ng Zone One Tondo Organization (ZOTO) - Navotas Chapter, "Hindi kami titigil hangga't hindi binabawi ng mga kongresista ang kanilang pagpirma sa Con Ass pagkat nakasalalay dito ang pagkawasak ng ating bansa. Balak nilang tanggalin na ang mga proteksyong pang-ekonomyang nakasaad sa Konstitusyon, lalo na't nais ng mga kongresistang ariin ng mga dayuhan ng 100% ang ating mga lupa, kasama na ang media, ospital, eskwelahan, at iba pang serbisyo para sa mamamayan."

Miss Con Ass, Niralihan ng Maralita

PRESS RELEASE
Hulyo 21, 2009

MISS CON ASS, NIRALIHAN NG MARALITA

Bilang bahagi ng isinasagawang shame campaign ng iba’t ibang organisasyon upang iprotesta ang notoryosong House Resolution 1109 na nagbibigay-daan upang gawing Constituent Assembly (Con Ass) ang Mababang Kapulungan lamang, di kasama ang Senado, nagrali ang may 40 katao mula sa Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML) at Zone One Tondo Organization (ZOTO) sa district office ni Caloocan District 2 Reps. Mitch Cajayon, na tinawag nilang “Miss Con Ass”. Mayroon silang dalang sash na ang nakasulat ay “Miss Con Ass” na tumutukoy sa magandang kongresista.

Nauna na silang nagrali sa mga bahay nina Speaker Nograles, Reps. Vincent Crisologo (QC-D1), Nanette Castelo-Daza (QC-D4), at sa iba pa. Susunod nilang pupuntahan si Rep. Alvin Sandoval ng Malabon-Navotas. Nananawagan sila sa mga kinatawang ito upang iurong na nila ang pagkakapirma at pagsuporta sa Con Ass upang baguhin ang Saligang Batas.

Ayon kay Allan Dela Cruz, KPML secretary general, "Nangangamba ang mga maralita kung magpapatuloy pa ang HR 1109, hindi lamang dahil sa paglawig ng termino ng kasalukuyang nag-ookupa sa MalacaƱang, kundi higit sa lahat, dahil balak na ng mga kongresistang tanggalin ang mga proteksyong nasasaad sa mga probisyong pang-ekonomya sa Saligang Batas, na tiyak na magpapahamak sa bansa, at pati na rin sa mga maralitang komunidad. Nais ng mga pro-Con Ass na kongresista na irebisa, di lang amyendahan, ang Saligang Batas, lalo na yaong 60%-40% pag-aari na gagawing 100% pag-aari ng mga dayuhan ang mga lupa, media, eskwelahan, ospital, at iba pang serbisyo sa mamamayan. Kung magkakaganito, wala nang matitirahan ang mga Pilipino, laluna ang mga maralita pag inari na ng mga dayuhan ang ating lupain."

Idinagdag pa ni Dela Cruz na ipagpapatuloy nila ang shame campaign sa lahat ng mga lumagda sa HR 1109, lalo na yaong sumusuporta sa HR 737 ni Speaker Prospero Nograles, na ang nakasaad dito’y tatanggalin na ang mga proteksyong pang-ekonomya sa Saligang Batas upang ibuyangyang na ito sa mga dayuhan.

Martes, Hulyo 21, 2009

Presscon Statement - tagalog version

PRESS STATEMENT
KA PEDRING FADRIGON, KPML President
JULY 20, 2009

STATE OF THE URBAN POOR ADDRESS, ILULUNSAD NG MARALITA

Ilulunsad naming mga maralita ang tunay na kalagayan ng bayan kasabay ng SONA ni GMA sa darating na Hulyo 27, 2009. Pinasisinungalingan namin ang ipinagyayabang ng pangulo na ramdam na raw ang kaunlaran. Oo, ramdam ng pangulo ang kaunlaran, ngunit siya lamang. Pagkat ramdam ng maralita ay patuloy na kahirapan.

Nang ipinangako ng pangulo sa kanyang unang SONA noong Hulyo 2001 na magkakaroon ng bahay ang bawat maralita sa pamamagitan ng 150,000 pabahay kada taon, hindi niya ito natupad, hindi pa dahil sa kakulangan ng badyet, kundi dahil hindi talaga siya seryosong tugunan ang problema sa pabahay. Sa katunayan, nasa 3.8 milyong pabahay ba ang backlog sa kasalukuyan. Nangako rin siyang tutugunan ang trabaho sa pamamagitan ng 1 milyong trabaho kada taon, ngunit ito’y hindi priming trabaho na makakakain ng tatlong beses ang pamilya sa bawat araw, kundi karamihan ay kontraktwal na matapos ang limang buwan na may mababang sahod ay wala na namang trabaho.

Nang ipinahayag ng pangulo sa kanyang SONA noong Hulyo 26, 2004 ang patakarang decongestion ng Metro Manila, maraming maralita ang naapektuhan at maraming bahay ang dinemolis. Nais ni GMA na paluwagin ang Metro Manila at tanggalin ang mga iskwater. Ngunit ang mga iskwater ay tao ring kagaya nating may karapatang mabuhay. Hindi sila mga hayop na basta na lamang itataboy.

Hindi ganap na tinutugunan ng gobyerno ang problema ng maralita, at kadalasan ay pabahay lamang ang solusyon nila sa iskwater. Ngunit kung mauunawaan lang nila kung bakit may iskwater, tutugunan nila ito ng tatlong sangkap: pabahay, hanapbuhay at serbisyo. Hangga’t ang isa sa tatlong ito ay wala, hindi pa rin natugunan ang problema ng maralita.

Sa ngayon, laganap pa rin ang kahirapan. Ayon sa datos ng IBON Foundation, 34% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas, o 30 milyon ang maralita, habang 65 milyong Pilipino o 80% ng populasyon ang nabubuhay lamang ng P100 bawat araw, o US$2 a day. Ayon naman sa National Statistics Coordination Board (NCSB), 1 sa 3 Pilipino ang maralita, o 32.9 sa populasyong 88.6 milyon ang naghihirap.

Dagdag pang pahirap sa maralita kung babaguhin ang Saligang Batas sa pamamagitan ng Con Ass, dahil tatangkain ng mga kongresistang gawing 100% na pag-aari ng mga dayuhan ang lupa, media, eskwelahan, atbp. Kaya kung mangyayari ito, baka wala nang matirikan ng bahay ang ating mga kababayan dahil maraming lupa na ang pag-aari na ng mga dayuhan.

Matinding kahirapan ang dinanas ng maralita sa kamay ng administrasyong Arroyo: tumaas ang presyo ng bigas, nagtaasan ang tuition fee kaya di na nakapag-aral ang maraming dukha, mahal ang mga gamot kaya namamatay na lang ang maralita na di nagagamot. Kaya sa huling SONA ni Gloria, sabay naming tinutuligsa si Gng. Arroyo at ang kanyang mga alipores na trapo sa kongreso sa kanilang kawalang silbi sa bayan, kundi nagsisilbi lamang sila sa kanilang sariling interes at sa interes ng mga kapitalista. Galit na ang maralita sa kanila, kaya dapat lang silang ibitin ng patiwarik.

Presscon Statement - english version

PRESS STATEMENT
KA PEDRING FADRIGON, KPML President
JULY 20, 2009

STATE OF THE URBAN POOR ADDRESS
TO BE LAUNCHED

Instead of listening to the report card, instead of the state of the nation, of the President, we, the urban poor from different parts of the country, chose to hold our State of the Urban Poor Address on July 27, 2009. We will prove the President wrong when she stated that “Ramdam ang Kaunlaran”, because she is probably the only one who felt the progress of this country. What we felt is continued misery and poverty.

The President, during her first SONA in 2001, promised 150,000 houses yearly to be built, her target was not met, not because there’s no budget, but because she is not serious in addressing this problem. As of now, there’s still 3.8 million houses backlog.

She even promised 1 million jobs every year, but what does the urban poor got? The urban poor cannot apply at call centers because they are not qualified. Contractualization is rampant.

When the President declared in her July 26, 2004 SONA that she is pushing for the decongestion of Metro Manila, many urban poor have been affected and many houses were demolished.

The GMA administration is not serious enough to address the problems of the urban poor, and most of the times, their solution is always housing, instead of the three components which are housing, job and social service. If one of the three is gone, the problem of the poor will not be diminished.

As of now, poverty is still rampant, according to IBON Foundation, 34% of the population or 30 million are poor, and 65 million Filipinos or 80% of the population survives at about P100 per day or US$2 per day. According to the National Statistics Coordinating Board (NCSB), 1 out of 3 Filipinos are poor, or 32.9 of the 88.6 million lived in poverty.

Added misery for the urban poor is if the present Constitution will be changed through Con Ass because the present crop of representathives wants to make 100% foreign ownership of the land, media, school, hospitals, and others. If this happens, the urban poor cannot have its own land to build their houses because the foreign corporations owned it already.

The urban poor suffered much from the hands of Arroyo government: political killings, high prices of rice, transport hike, high prices of medicines that’s why many urban poor died because they cannot pay for the high prices of medicines they need. So at the last SONA of GMA, we collectively assailed Mrs. Arroyo and her trapo cohorts for their uselessness to the country. They are only living for their selfish interest and for the interest of their capitalists’ friends. The urban poor is really angry. This government should be held upside down.

Sabado, Mayo 30, 2009

Pictures - Ka Eddie Guazon







Touched by his life ... the Ka Eddie Guazon story



TOUCHED BY HIS LIFE
Retyped by Greg Bituin Jr. for the benefit of KPML leaders and members

On May 19, 1989, the urban poor lost a courageous and committed leader, Eduardo Guazon, Jr., who was then the national chairman of the Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), the largest urban poor aggrupation, died during a Senate Committee hearing on a spate of violent demolition operations. The urban poor leader suffered a cardiac arrest while vehemently objecting to the distorted testimony of a policeman and was proclaimed dead on arrival at the Philippine General Hospital. Even until death, Tatay (father) Eddie, as he was fondly called by his fellow urban poor, fought for the interest and the rights of the poor and would not let anyone trifle with truth and justice.

An orphan from the countrysides of Mindanao who ended up a squatter in Manila, Tatay Eddie typified those who sought refuge in the nation's urban centers - away from the underdeveloped rural areas but not from the pangs of poverty and deprivation.

Tatay Eddie was born on August 13, 1925 in Placer, Suriago del Norte. He never had the chance to grow up with his family. Tatay Eddie was the youngest of four children who were orphaned two and a half months after he was born. he and his brother and two sisters were separated from each other and lived with their relatives.

As he grew up in a difficult life with his relatives, Tatay Eddie, like most of the young in the rural areas, was attracted by the city's promise of a chance for a better life. After finishing elementary, he left Placer for Cebu where he was able to find and live with his elder brother. With his dream to finish schooling, he set himself through high school by doing menial jobs like shining shoes and peddling cigarettes.

Armed only with sheer guts, Tatay Eddie decided to find his luck in Manila in 1947. He found himself in Quiapo again peddling cigarettes and newspapers in order to subsist. Later, he was given a job as a laborer at the Department of Public Works and Highways (DPWH). This enabled him to enroll in college night classes at the University of Manila. Like many self-supporting students, financial difficulties forced him to stop in his fourth year in the university.

Tatay Eddie was already a clerk at the DPWH when he met Felecitas Griar, a provincemate who also migrated to Manila. His quiet and humble ways won the admiration of Nanay (mother) Feling whom he married in 1953. Nanay Feling remembers Tatay Eddie as a good and loving husband and father.

To augment their meager income, he would sell lottery tickets (sweepstakes) during his free time. He would even pass by the market on his way home and help in doing household chores. Through hardwork and determination, he was able to have his children finish college.

In 1963, his family moved to Magsaysay Village, one of the squatter colonies in Tondo. It was in this community that he began his involvement in people's organizations.

He started as a leader of the Kapisanang Maginoo, one of the local organizations in the community. In the late sixties, he became the chairman of the Samahang Kristyanong Komunidad, the federation of people's organizations in Magsaysay Village. Since then, Tatay Eddie has consistently fought for the rights and interest of the urban poor.

In the turbulent early 70s, he led the Magsaysay Village residents in seeking from the Marcos government a piece of land for each family. Their bid for land was granted, but frustration soon set in when the social services the government was supposed to provide fell short of expectations.

Tatay Eddie had an untainted record as an urban poor leader. Despite harassments, he continued his advocacy of the rights of the poor. During the dark days of the Marcos regime, he was put behind bars twice, without warrants of arrest of formal charges filed in the court. He was detained for nine months in Fort Bonifacio in 1974. He was picked up again together with his daughter Gloria in 1978 and incarcerated for three months in Bicutan.

Forced to retire from government service following his second detention, he devoted his full time in organizing the urban poor. What followed were sacrifices without end.

Angel Carlos, a close friend and colleague in the KPML, recalled how they literally starved for the poor. "Kung minsa'y nanananghalian kami ng isang platitong mani at maghahati sa isang tasang kape nang wala sa oras, ngunit hindi ko nakitaan ng masamang mukha si Ka Eddie."

During the time of the anti-Marcos dictatorship campaign, Tatay Eddie headed the Coalition of Urban Poor Organizations Against Poverty (CUPAP) which fought against anti-urban poor laws and government policies and programs. He was a prominent figure of the parliament of the streets that eventually brought down the dictator. He is remembered as a fiery speaker at demonstrations in Liwasang Bonifacio and Mendiola, as barricade leader and marshall, and as survivor of teargas and truncheon attacks at Mendiola and Welcome Rotonda.

His zeal and indefatigable energy was attested to by another leader in the urban poor organization. "Wala siyang kapaguran sa paggampan niya ng kanyang tungkulin. Kahit na siya'y maysakit, makainom lang ng konting gamit, susulong muli. Ang talagang commitment niya ay tungkuling pangmasa. Ang buhay niya ay matagal na niyang ibinigay sa mga Pilipino," said Ka Josie Cabrera.

Tatay Eddie's sincerity and commitment in representing the cause of the urban masses had also gained the respect and recognition of other urban poor coalitions and federations. At the time of his death, he was the acting chairman of the Urban Poor Forum, the broadest alliance of urban poor organizations.

During the first year of the Aquino administration, Tatay Eddie was among those who felt optimistic about the country's fate. He trusted the sincerity of the President and was willing to heed her call for the people to be patient with the government.

In mid-1986, the Aquino administration sponsored a national consultation-workshop among the urban poor, during which the National Congress of the Urban Poor Organizations (NACUPO) was formed. Together with the other delegates, Tatay Eddie, who was already the KPML chairman then, called for the creation of an agency for the urban poor. The agency would represent the urban poor in the planning and implementation of government programs and policies.

Shortly after the workshop, the Presidential Commission of the Urban Poor (PCUP) was created. The essential items as proposed by NACUPO, however, were not included in the commission's list of functions. Moreover, not one of the five commissioners appointed by the President belonged to the generally acknowledged urban poor organizations. And shortly after it started functioning, the PCUP even recommended demolition operations in areas like Talayan in Quezon City and Sta. Mesa in Manila in collaboration with the National Housing Authority. Tatay Eddie started denouncing the PCUP and the Aquino administration in rallies, demonstrations and TV talk shows. Nanay Feling recalls that at some point in time she expected their lives to quiet down with Marcos gone, only to be dismayed in realizing that Tatay Eddie would still have to fight it out with the oppressive forces and structures that perpetuate the urban poor's deplorable condition.

His consistent advocacy to the struggle for the rights and interest of the urban poor led him to that fateful day when he died fighting against the continuing violent demolition and eviction operations in the city's blighted communities. Until the last moment of his life, he was fighting for the cause he always proclaimed in his famous lines: "Ang karapatan sa paninirahan ay karapatan ng bawat mamamayan maging siya man ay maralita." Indeed, Tatay Eddie's life was the struggle for social justice. And he died fighting for it.

For all of us, Tatay Eddie is now a symbol in the urban poor movement. It has been a year since his mortal remains have joined the earth, but his memory remains above ground, leaving an indelible mark to the sector's continuing struggle for social justice.

Miyerkules, Mayo 20, 2009

PR - 20th Death Anniversary of Ka Eddie Guazon

PRESS STATEMENT
MAY 19, 2009

On the 20th Death Anniversary of KPML’s First President
KA EDDIE GUAZON
(August 13, 1925 - May 19,1989)

"Ang kasiguruhan sa paninirahan ay karapatan ng bawat mamamayan maging siya man ay maralita. (Security to have home to dwell on is a right of every citizen even if he or she is poor)"

This is the firm belief of Ka Eddie Guazon, the first president of the urban poor group Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lunsod (KPML). He died twenty years ago fighting for this belief. He died after he suffered a heart attack during the Senate Committee hearing on housing and demolition, when he denied a police testimony on cruel demolitions inflicted to the poor. He was rushed to the nearby Philippine General Hospital (PGH) but declared dead on arrival. Even in the last minutes of his life, Tatay Eddie, as everyone in the urban poor circle called him, fights for the rights and welfare of the urban poor.

Tatay Eddie Guazon was born in Placer, Surigao del Norte. He became an orphan in the very young age. In 1947, he went to Manila, and worked by selling newspapers and cigarettes in Quiapo. Until he worked as laborer in DPWH, while studying at University of Manila at night, but did not finish schooling because of poverty. He was a clerk when he married Felicitas “Nanay Feling” Griar, his provincemate. In 1963, they lived at Barrio Magsaysay in Tondo, where he started his work as a community leader.

He became the leader of Kapisanang Maginoo in his area, then president of Samahang Kristiyanong Komunidad. From then on, he fight for the urban poors’ rights and welfare. During the early years of the Marcos regime, he lead Barrio Magsaysay folks in demanding to President Marcos lands for the urban poor families. During the martial law, he twice arrested without warrant. He was jailed in Fort Bonifacio in 1974 and in Bicutan in 1978. Because of this, he was forced to retire from work, and then concentrate in organizing the urban poor. In the campaign against Marcos, Tatay Eddie lead the Coalition of Urban Poor Against Poverty (CUPAP) in the struggle against anti-poor laws, policies and programs of the government.

In 1986, the Aquino government held the national consultation- workshop, where it organized the National Congress of Urban Poor Organizations (NACUPO). And one of Tatay Eddie’s demand here is to have an agency for the urban poor that will represent the poor in planning and implementation of programs and policies of the government. After the said workshop, the Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) was born.

When the PCUP was conceived, it recommended demolitions in many areas such as Talayan in Quezon City and in Sta. Mesa, Manila. Because of these, Tatay Eddie gave harsh criticism of the PCUP and the Aquino government in the rallies and talk shows.

On December 18, 1986, three urban poor groups – the Coalition of Urban Poor Against Poverty (CUPAP), the Pagkakaisa ng Mamamayan ng Navotas (PAMANA) and Zone One Tondo Organization (ZOTO) – joined together to form the Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), and Tatay Eddie was elected as its first president.

He died May 19, 1989. Today, Ka Eddie’ legacy remains in the heart and mind of the leaders and members of KPML, ZOTO, and other allied organizations. They still continue to fight for the people’s right to housing.

Biyernes, Mayo 1, 2009

PR - Mayo Uno 2009

PRESS RELEASE
May 1, 2009



Panawagan ng mga Batang Manggagawa at Maralita sa Mayo Uno:

STOP CHILD LABOR, NOW!

TRABAHO PARA SA AMING MGA MAGULANG!


Bilang paggunita sa dakilang Araw ng Paggawa ngayong Mayo Uno, nanawagan ang mga batang manggagawa sa pamahalaan na dapat nang matigil ang pagsasamantala sa mga batang manggagawa, sa pamamagitan ng panawagang “Stop Child Labor, Now!” Hiniling din nila sa pamahalaan na dapat bigyan ng trabaho ang kanilang mga magulang, magkaroon ng libreng edukasyon, trabaho sa mga magulang, libreng pangkalusugan, at proteksyon sa kanilang mga bata. Sa ngayon, umaabot sa 4M ang mga child workers sa Pilipinas.

Ang nasabing mga batang manggagawa ay nakapaloob sa Child Rights Program (CRP) ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML). Karamihan sa mga batang ito na nasa edad 17 pababa ay magbabasura, nagpapedicab, magbabakaw, mangingisda, industrial workers (cyber sex), domestic helper, at manininda sa lansangan.

Ayon kay Frances Ann Yap, presidente ng Pagkakaisa ng mga Kabataang Manggagawa para sa Karapatan (PKMK), “Nais namin sa paaralan. Ayaw namin sa basurahan. Dapat nang itigil ang child labor sa ating bansa upang kaming mga bata ay makapag-aral, makapaglaro at mabuhay bilang malayang bata. Dapat din pong bigyan ng sapat na trabahong makabubuhay ng pamilya ang aming mga magulang. Dapat nang itigil ang pananakit sa mga bata, child trafficking, at ang patuloy na pagdami ng mga batang manggagawa.”

Kasabay nito, nagpasan ng malaking bato ang mga maralitang lider ng KPML na sumisimbolo sa mga pahirap, pasakit na dumadagan sa maralita sa araw-araw, tulad ng demolisyon, kakulangan sa serbisyo para sa maralita, kahirapan, pagtaas ng presyo ng batayang mga pangangailangan, salot na globalisasyon, at krisis panlipunan. Sinisimbolo ng bato ang kawalang kakayahan ng gobyernong Arroyo na tugunan ang mga problemang ito.

Sinabi ni Ka Pedring Fadrigon, pambansang tagapangulo ng KPML, “Patuloy na naghihirap ang mamamayan sa ilalim ng sistemang kapitalismo. Ang mga serbisyong para sa tao ay ginagawa nang negosyo, kaya imbes na mapakinabangan ng mamamayan, ito’y pinagtutubuan ng iilan. Ang kamahalan ng presyo ng edukasyon na taun-taon ay tumataas, at ang presyo ng medical ay talagang hindi kayang maabot ng mga maralita. Kailangan nang palitan ang sistemang itong yumuyurak sa karapatan natin bilang tao. Dapat nang wakasan ang sistemang kapitalismo!”

Sabado, Abril 25, 2009

Pilipino ay Alipin? Tama ba o mali?

PILIPINO AY ALIPIN? TAMA BA O MALI?
ni Ka Pedring Fadrigon, pambansang tagapangulo, KPML

Mahirap aminin o tanggapin ang isang bagay na naipukol kaninuman kung hindi talaga maunawaan kung bakit may mga pagtingin ang iba sa inyong kaanyuan ay alipin. Kung hindi mo nauugat ang mga nakaraan o kasaysayan at ang kasalukuyan, wasto na magalit ka sa kausap mo o sa nagsasalita nito.

Masarap ang pag-aralan ang puna, palalimin, paano sumibol ang mga puna at pag-aralan kung ito ay makatutulong na maunawaan kung bakit naging alipin ang turing sa Pinoy o Pilipino. Ito'y oportunidad na ipaglaban at kundinahin ang naglikha ng mga dahilan kung bakit ganoon ang pagtingin sa mga Pinoy. Dito ay maaaring makita ang mga dahilan kung bakit ganoon ang pagtingin sa mga Pinoy. Dito ay maaaring makita ang mga dahilan. Mula dito ay magkaisa ang lahat para baguhin ang inuulat na kalagayang naglalagay sa pagkutya sa ating mga uri.

Pwede tayong magsimula sa pananakop ng mga prayle o mga Kastila. Ano ang nangyari sa mga Pilipino mula sa primitibo komunal na sistema. Binasag ang pagkakapantay-pantay ng trato ng tao sa kapwa tao nang pasukin ng Kristyanismo at pagsamantalahan ang "kamangmangan" ng mga Pinoy sa pamamagitan ng pagkamkam ng mga Kastila sa lupain ng mga katutubo. Sa takbo ng panahon ng pananakop ng mga dayuhan, ang mga indio, na tawag noon sa Pilipino, ay nagsimulang maging alipin ng mga mayayamang panginoong maylupa at mga kapitalista. Pagkatapos ay sinakop din ang Pilipinas ng dayuhang Amerikano. Ano ang nangyari, inalipin ng mga kapitalista ang mga manggagawa. Hindi binabayaran ng tama ng mga kumpanyang Amerikano ang lakas-paggawa ng mga kababayan nating Pilipino.

Di pa rin nawawala ang pang-aalipin ng mga Kano hanggang sa kasalukuyan dahil ultimo mga namumuno sa bansa ay sunud-sunuran pa rin sa dikta ng Kano. Kayang utusan at diktahan ng Amerika ang pangulo ng Pilipinas, kasabwat ang iba pang mga alipin ng pamahalaan. Huwag tayong umangal sa tawag na alipin, dahil ito ang katotohanan.

Ang pamahalaan mismo ang nagtulak sa milyong Pilipino na alipinin at babuyin ng kanilang mga amo sa ibayong dagat, dahil wala itong magawa upang magkaroon ng trabaho sa sariling bayan. Ano ang ibig sabihin, o ano ang tawag sa ganitong nangyayari sa ating mga mamamayan. Wala itong pinag-iba sa mga squatters na bansag sa mga mahihirap na dumagsa sa kalunsuran noong 1950s, at pinalitan lang ang termino ng urban poor o under privilege para gumanda pakinggan, pero ang katotohanan ay squatter pa rin. Ngayon, ang tawag nila sa mga nangingibang-bayan ay OFW (overseas Filipino workers), pero alipin pa rin sa tunay na kalagayan. Sapagkat mutsatsa at mutsatso rin ang tawag sa kanila.

Masakit tanggapin ang maging alipin. Masakit na tanggapin na iskwater ka sa sarili mong bayan. Masakit na tayo'y kutyain ng iba. Dapat nating maunawaang tayo'y nasa lipunan ng kapital. Kung sino ang may salapi at kayamanan ang siyang mga amo na makapangyarihan. Sila ang mga amo, tayo ang utusan.

Ngayon, mga kasama, mga kababayan, tama ba si Cheap Tsao, ang Instik na nagsulat ng artikulong ang mga Pinoy ay alipin? O mali? Kung inakala nyo na tama si Cheap Tsao, di ba dapat pasalamatan siya at nakita nyo ang katotohanan? At kung tayo'y alipin ng sistemang umiiral, dapat ba tayong manatili dito sa kasalukuyang kalagayan? Di ba sapat mag-isip ng isang alternatibong ipapalit sa kasuka-sukang sistemang matagal nang nagpapahirap sa bayan?

Pag-aralan natin ang lipunan. Pangarapin natin at hanapin ang lipunang may pagkakapantay-pantay ang lahat ng tao, may hustisya para sa lahat, may kalayaan, may dignidad, walang mahirap, walang mayaman, walang inaapi, walang nang-aapi dahil sa lintik na pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon na siyang dahilan ng laksa-laksang kahirapan ng napakaraming tao.

Walang ibang kasagutan sa kahirapan at kaapihan kundi buwagin ang sistemang kapitalismo. Walang ibang kasagutan kundi sosyalismo. Ang sistemang sosyalismo ay pinatunayan na ng kasaysayan ng mga bansang lumaya mula sa pangil at kuko ng kapitalismo. Isa na rito ang bansang Cuba, at ang sumunod pa, tulad ng Venezuela, Bolivia, at iba pa. Malaki ang kaibahan ng sistemang ito kaysa salot na kapitalismo. Sa batas ng kapitalismo ay kasakiman a tubo ang pinaiiral, pagkakamal ng pera at paghuthot sa yaman ng isang bansa. Walang pakialam ang kapitalista sa buhay ng mga tao pagkat ang turing sa tao ay kalakal o mga makina na pinatatakbo nila sa kaunti at kakarampot na sahod. Mga alipin ang turing sa mga manggagawa na kayang sakalin o maitapon na lamang kung wala nang silbi.

Subalit may kaibahan sa lipunang sosyalismo, ang sistema ay walang pagsasamantala. Sapagkat ang yaman ng bansa ay nasa kamay ng gobyerno at pantay ang pamamahagi sa kanyang mamamayan. Halimbawa na lang ang edukasyon. Sa kasalukuyang sistema ay negosyo imbes na serbisyo ang edukasyon - mataas ang tuition fee, miscellaneous fee, at iba pang bayarin. Subalit sa sistemang sosyalismo, ang edukasyon ay libre dahil ito'y serbisyo. Ang medikal ay libre, ang pabahay ay libre at mga serbisyong panlipunan, sapagkat ang likas na yaman ay pinamamahalaan ng sosyalistang pamahalaan. Walang dahilan para magnakaw at magsamantala dahil ibibigay ng lipunan ang iyong mga batayang pangangailangan. Sa lipunang sosyalismo, wala nang tatawag sa Pinoy na mga alipin, mutsatsa, atsay, sapagkat ang lahat ay ganap na tao na, malaya. Kaya't dapat lamang tayo ay magising, mamulat at magsuri. Ang lahat ay magkaisa na sumigaw ng: "Ibagsak ang lipunang kapitalismo! Isulong ang sosyalismo!"

Ating palawakin at abutin ang lahat ng sulok ng Pilipinas at palaganapin ang oryentasyon ng sosyalismo. Palakasin ang kampanya nito para tuluyan nang itakwil ang makahayop at mapang-aliping sistemang kapitalismo.

Viva sosyalismo! Mabuhay ang mamamayang Pilipino!

Lunes, Disyembre 29, 2008

Cory must apologize on massacres in Mendiola and Hacienda Luisita

KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MGA MARALITA NG LUNSOD (KPML)
kpml_national@yahoo.com.ph
(02)2859957

LETTER TO THE EDITOR
December 28, 2008

CORY MUST ALSO APOLOGIZE ON THE MASSACRES
IN MENDIOLA AND HACIENDA LUISITA


Will the Edsa Two forces also apologize to former President Joseph Estrada for staging the Edsa Two? We don’t think so. It is historical judgment by the people, and was confirmed years later by the guilty verdict of plunder of Estrada.

Is former President Corazon Aquino really sincere in apologizing to former President Joseph Estrada in her role in Edsa Two? She is issuing the statement to show President Macapagal Arroyo of her wrongdoings during the present administration. During Edsa Two, she only called for Erap’s ouster, but if she only joined the “Resign All” call of Sanlakas, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML), and our allied organizations, she might not issue an apology to Estrada because of Arroyo.

Furthermore, if Aquino is really sincere, we suggest that she also apologize to the whole nation for many peasants killed during the Mendiola massacre in 1987, and the massacre of trade union workers in Hacienda Luisita in 2004.

In the same way, former President Joseph Estrada must also apologize to the Filipino people for he was guilty of plundering the nation, but days later were pardoned by President Gloria Macapagal-Arroyo. Estrada should also apologize to the workers, including Philippine Airlines Employees Association (PALEA), where he sided with Lucio Tan to suspend by ten years the collective bargaining agreement between the PAL management and PALEA.

Cory and Erap are hypocrites, because what they did are understandable for they are of the same league of elite and landlord class, who are enemies of the masses and the working class.


KA PEDRING FADRIGON
National President
Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML)

Biyernes, Disyembre 19, 2008

Alituntunin ng KPML

ALITUNTUNIN NG KPML
(KPML BY-LAWS)


PAGKAKASAPI

Seksyon 1. Ang regular na kasaping organisasyon ay ang mga lokal na samahang maralita, mga indibidwal at mga pandangal.

Seksyon 2. Ang Pambansang Lupong Tagapagpaganap at mga lupong tagapagpaganap ng mga balangay sa iba't ibang syudad, probinsya, o rehiyon ay hihirang ng komite sa pagsapi na hindi bababa sa tatlong katao na siyang magsusuri at magpapasya sa mga bagong kasapi.
a. Ang mga lokal na samahang sasapi ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsapi.
b. Ang mga bagong kasaping LOs, indibidwal o pandangal ay kailangang umabot sa opisyal na kaalaman at pambansang pagsang-ayon ng pambansang pamunuan.

Seksyon 3. Ang mga pandangal na kasapi ng organisasyon ay mga indibidwal na may ispesyal na kasanayan, tulad ng doktor, inhinyero, abogado, guro, mga kinatawan ng simbahan, at iba pang propesyunal na handang mag-ambag ng kanilang talento at panahon, at handang maglingkod sa mga maralita ng lunsod.

Seksyon 4. Mga indibidwal na nakikiisa sa mga layunin, simulain, prinsipyo, mga gawain at mga programa ng pagkilos ng KPML.

Seksyon 5. Ang mga indibidwal at pandangal na mga kasapi ay tatanggapin kung ang mga ito'y may sulat rekomendasyon ng tatlong kasapi ng KPML na lubos na nakakakilala sa sasapi at magsumite ng liham-mungkahi sa komite ng pagsapi na naglilinaw ng dahilan ng rekomendasyon.

Seksyon 6. Ang mga indibidwal at pandangal na kasapi ay maaaring lumahok sa mga deliberasyon ng mga usapin, magbigay ng opinyon o mungkahi, subalit hindi maaaring bumoto o mahalal sa anumang posisyon sa pamunuan, maliban kung ang mga ito ay magsasama-sama o magtitipon bilang grupo ng mga indibidwal na di bababa sa 20 katao o higit pa at magtatalaga ng kanilang mga kinatawan.

Seksyon 7. Ang mga balangay ay binubuo ng mga lokal na organisasyon na may kasaping 20 katao pataas at mga indibidwal na kasapi.

Seksyon 8. Ang mga balangay na may kasaping tatlong organisasyon pataas ay maaaring itayo sa erya o pamayanan na may malaking konsentrasyon ng mga maralita sa mga syudad, munisipalidad ng mga probinsya sa iba't ibang rehiyon.

Seksyon 9. Ang mga balangay ay itatayo sa pamamagitan ng pagbubuo ng organizing committee na binubuo ng mga indibidwal mula sa iba't ibang samahan sa erya, pamayanan, mga purok, at sityo na siyang paggaganapan at magtitiyak ng mahusay na koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na organisasyon, hanggang sa ganap na maitayo ang balangay.

Seksyon 10. Pangangasiwaan at pamumunuan ng mga balangay ang mga partikular na isyu't pakikibakang pangkomunidad sa partikular na saklaw ng balangay, at mamahala sa mga usaping may kinalaman at natatangi sa lugar na saklaw.

Seksyon 11. Ang mga maitatayong balangay ay kailangang agarang maipaabot sa kaalaman ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap, kalakip ang kabuuang impormasyon para sa opisyal na akreditasyon ng balangay.

Seksyon 12. Ang mga balangay ay malayang magpatikularisa ng mga gawain na nakabatay sa pangkalahatang plano't programa ng pagkilos mula sa sentrong pambansang organisasyon upang mapalakas at mapaunlad ang inisyatiba at dinamismo ng mga balangay, pederasyon, lokal na samahan at mga kasaping indibidwal para makaangkop sa pamamaraan sa pagtupad ng mga balak at mga gawain ng KPML.

Seksyon 13. Tinitiyak ng mga balangay sa lahat ng kasapi nitong samahan, pederasyon o mga alyansa na napapatupad ang mga plano ng gawain, pagkilos, mga panawagan, at kapasyahan ng buong organisasyon at tumalima sa mga atas ng mga namumunong kapulungan ng KPML, at tinitiyak din na napapanatiling aktibo ang mga kasaping organisasyon.

Seksyon 14. Tatlong taong singkad ang termino ng pamumuno ng mga pinuno ng mga balangay simula sa araw ng kanilang pagkahalal hangga't wala silang kahalili, na hangga't maaari'y di lalagpas ng tatlong buwan.

Seksyon 15. Ang mga sasaping organisasyon ay magbabayad ng organizational membership fee na halagang isandaang piso (P100.00) minsan lamang at tatlong piso (P3.00) isang buwan bawat indibidwal na kasapi bilang butaw na lilikumin ng regular ng responsableng lupon.

BUTAW

Seksyon 16. Ang organization membership fee ay isesentro sa Pambansang Tanggapan ng KPML.

Seksyon 17. Ang buwanang butaw na tatlong piso (P3.00) ay babahagiin sa tatlong bahagdan - piso (P1.00) sa balangay, piso (P1.00) sa rehiyon, at piso (P1.00) sa nasyunal.

Seksyon 18. Mahigpit na ipinatutupad ang bayarin ng organizational membership fee at buwanang butaw na itinakda. Ang di pagtupad nito ay itinuturing na isang paglabag sa mga alituntunin at patakaran. Alinmang kasaping organisasyon o mga indibidwal na di tumutupad ay lalapatan ng karampatang disiplina.

Seksyon 19. Ang mga ispesyal na halaga ay maaaring isagawa anumang oras ng 2/3 na boto ng mga dumalo sa pulong ng Pambansang Konseho ng mga Lider o ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 20. Ang mga kapanalig at pandangal na kasapi ay di kasama sa pagbabayad ng buwanang butaw, ngunit tatamasahin lahat ng pribilehiyo bilang kasapi maliban sa pagboto at paghawak ng posisyon sa organisasyon hanggang kasapi lamang.

ELEKSYON

Seksyon 21. Ang eleksyon ay gaganapin tuwing ikatlong (ika-3) taon, na mag-uumpisa mula nang maitatag ang mga kapulungan ng KPML (nasyunal, rehiyonal, syudad, munisipalidad at erya).

Seksyon 22. Maaaring lamang ipagpaliban ang eleksyon sa iba't ibang antas ng organisasyon kung may sasapat at balidong kadahilanan at may resolusyon ng kapasyahan ng nakatayong Konseho ng mga Lider sa pambansa, rehiyon at lokal na konseho.

Seksyon 23. Ang sistema ng halalan ng KPML sa aktwal na kongreso ay sa pamamagitan ng sekretong balota kung saan sabay na ihahalal ang lahat ng mga kagawad ng pamunuan mula Pambansang Tagapangulo, Ikalawang Pambansang Tagapangulo Panloob, Ikalawang Pambansang Tagapangulo Panlabas, Pangkalahatang Kalihim, Ikalawang Pangkalahatang Kalihim, Pambansang Ingat-Yaman, Pambansang Tagasuri, Pambansang Pinunong Tagapag-ugnay at Pambansang Pinunong Tagapamayapa.

Seksyon 24. Ang magiging batayan ng isang kandidadto para manalo sa alinmang posisyon sa aktwal na halalan ay ang pinakamaraming botong nakamit.

Seksyon 25. Ang mga kandidato ay magmumula sa iba't ibang erya, rehiyon, syudad, munisipalidad, na kinikilusan ng KPML na dumaan sa nominasyon sa mga idinaos na Pre-Congress.

Seksyon 26. Hihirangin ng Lupong Tagapagpaganap sa iba't ibang antas ng kapulungan ng KPML ang mga kasapi sa Komite sa Eleksyon na magmumula sa labas ng KPML na kanyang mga kapanalig na organisasyon.

Seksyon 27. Ipinahihintulot lamang ang mga 'proxy' o kahalili sa pagboto sa isang kondisyon na ang voting delegate ay may nakasulat na kapahintulutan sa 'proxy' para bumoto.

Seksyon 28. Hindi pinahihintulutan na mahalal sa aktwal na eleksyon ang mga kandidatong nakaliban sa aktwal na Kongreso, maliban kung may sapat at balidong kadahilanan.

Seksyon 29. Sa aktwal na eleksyon na idinaos ng Kongreso ng KPML, ang desisyon ng Komite sa Eleksyon ang siyang masusunod.

Seksyon 30. Ang sinumang mga kandidato ay may karapatang maghain ng nakasulat na reklamo sa Komite sa Eleksyon sa loob ng pitong araw pagkalipas ng aktwal na eleksyon. Hindi na tatanggapin ng Komite sa Eleksyon ang mga reklamong isinampa na lampas sa itinakdang araw ng pagpoprotesta.

PAMBANSANG KONSEHO NG MGA LIDER

Seksyon 31. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider na mula sa iba't ibang antas ng pormasyon ng pagkakaorganisa (pambansa, rehiyonal, syudad, munisipalidad, at mga erya) ang ikalawang pinakamataas na mapagpasyang kapulungan ng KPML.

Seksyon 32. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider ay itatalaga ng mga balangay mula sa iba't ibang rehiyon, syudad, munisipalidad at mga erya.

Seksyon 33. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider ay binubuo ng mga sumusunod: Siyam na kagawad ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap; apat mula sa Pambansang Punong Rehiyon (NCR), tatlo mula sa ZOTO, dalawa mula sa Perokaril, tigalawa mula sa Rizal, Iloilo, Negros, at tig-isa mula sa Bulacan at Cavite, apat mula sa pambansang komite (komite sa pag-oorganisa, edukasyon, kampanya at pinansya), at mula sa kabataan. Ang bilang ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay maaaring madagdagan sa panahong ang mga balangay ng KPML ay maitayo sa iba pang rehiyon, probinsya, syudad at munisipalidad. Ang mga kinatawan mula sa apat na pambansang komite ay itatalaga ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap at pinagkaisahan ng mayoryang bilang nito.

Seksyon 34. Lahat ng kagawad ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay inihalal o opisyal na naitalaga mula sa mga rehiyon, probinsya, syudad at munisipalidad na kinikilusan ng KPML.

Seksyon 35. Ang mga kagawad ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay manunungkulan sa loob ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang mga hahalili sa kanila.

Seksyon 36. Sa iba't ibang antas ng organisasyon, ang Konseho ng mga Lider ang siyang pangalawang pinakamataas na kapulungang mapagpasya.

MGA OPISYALES NG PAMBANSANG LUPONG TAGAPAGPAGANAP

Seksyon 37. Ang mga opisyales ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap ng KPML ay binubuo ng mga sumusunod: Pambansang Tagapangulo, Ikalawang Pambansang Tagapangulo Panloob, Ikalawang Pambansang Tagapangulo Panlabas, Pangkalahatang Kalihim, Ikalawang Pangkalahatang Kalihim, Pambansang Ingat-Yaman, Pambansang Tagasuri, Pambansang Pinunong Tagapag-ugnay at Pambansang Pinunong Tagapamayapa.

PAMBANSANG TAGAPANGULO

Seksyon 38. Ang Pambansang Tagapangulo ang siyang mamumuno sa pulong ng Pambansang Konseho ng mga Lider, Pambansang Lupong Tagapagpaganap, at Pambansang Kongreso.

Seksyon 39. Ang Pambansang Tagapangulo ang pangunahing kakatawan sa KPML sa mga opisyal na pakikipag-ugnayan sa ibang organisasyon sa loob at labas ng bansa, at tatayong opisyal na tagapagsalita ng mga posisyon at desisyon ng KPML.

Seksyon 40. Ang Pambansang Tagapangulo ang lalagda sa lahat ng opisyal na liham, transaksyon at gastusin ng KPML.

Seksyon 41. Ang Pambansang Tagapangulo ay pana-panahong nagpapatawag ng mga pulong ng mga lider ng lokal na organisasyon para sa paglilinaw ng mga desisyon hinggil sa mga mayor na usapin na may kaugnayan sa KPML, mga pagkilos, mga panawagan, at mga kapasyahan.

Seksyon 42. Ang Pambansang Tagapangulo ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PANGALAWANG PAMBANSANG TAGAPANGULO - PANLOOB

Seksyon 43. Ang Pangalawang Pambansang Tagapangulo - Panloob ang katuwang ng Pambansang Tagapangulo sa mga gawain ng panguluhan at sa pagpapatupad at paggampan sa mga gawain at tungkulin hinggil sa pang-organisasyonal na responsibilidad, at hahalili sa Pambansang Tagapangulo sa panahon na ito'y nasa labas ng bansa, may pagliban o pagkakasakit, pagbibitiw, o iba pang pangyayaring hindi maiiwasan.

Seksyon 44. Ang Pangalawang Pambansang Tagapangulo - Panloob ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PANGALAWANG PAMBANSANG TAGAPANGULO - PANLABAS

Seksyon 45.Ang Pangalawang Pambansang Tagapangulo - Panlabas ang magiging katuwang ng Pambansang Tagapangulo sa pagpapatupad at paggampan sa mga gawain at tungkulin hinggil sa gawaing adbokasya, pakikipag-alyansa, networking, at siyang hahalili sa Pangalawang Pambansang Tagapangulo sa panahong ito'y lumiban at iba pang pangyayaring di maiiwasan.

Seksyon 46. Ang Pangalawang Pambansang Tagapangulo - Panlabas ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG PANGKALAHATANG KALIHIM

Seksyon 47. Ang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang mangangasiwa sa kalihiman ng sentrong organisasyon at mga komite.

Seksyon 48. Ang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang magtitiyak sa koordinasyon at komunikasyon sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 49. Ang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang mangangasiwa at magsusumite ng regular na ulat sa pulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 50. Ang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PANGALAWANG PAMBANSANG PANGKALAHATANG KALIHIM

Seksyon 51. Ang Pangalawang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang siyang katuwang at kaagapay ng Pambansang Pangkalahahatang Kalihim.

Seksyon 52. Ang Pangalawang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang mangangalaga ng mga ispesyal na ulat at katitikan ng pulon ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 53. Ang Pangalawang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG INGAT-YAMAN

Seksyon 54. Ang Pambansang Ingat-Yaman ang siyang magtitiyak ng mahusay na pangangasiwa sa pondo't kabang-yaman at pangkalahatang badyet ng organisasyon.

Seksyon 55. Ang Pambansang Ingat-Yaman ang mangunguna sa pag-aaral at pagpaplanao ng mga proyekto sa pangangalap ng pondo sa mga programa ng organisasyon.

Seksyon 56. Tungkulin ng Pambansang Ingat-Yaman na magsagawa at magsumite ng regular na ulat ng pinansya sa pulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 57. Ang Pambansang Ingat-Yaman ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG TAGASURI

Seksyon 58. Ang Pambansang Tagasuri ang mangunguna sa pagsusuri't pag-aaral sa mga ulat-pampinansya at tutulong sa Pambansang Ingat-Yaman sa pangangasiwa ng mga gawaing pampinansya sa mga programa ng KPML.

Seksyon 59. Ang Pambansang Tagasuri ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG PINUNONG TAGAPAG-UGNAY

Seksyon 60. Ang Pambansang Pinunong Tagapag-ugnay ang mangunguna sa pagsasaayos ng isang masinop na plano sa pakikipag-ugnayan sa iba't ibang organisasyon, kasama na ang media, at mga indibidwal.

Seksyon 61. Ang Pambansang Pinunong Tagapag-ugnay ang mangunguna sa pangangasiwa at tutulong sa mga lider sa gawaing pakikipag-alyansa.

Seksyon 62. Ang Pambansang Pinunong Tagapag-ugnay ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG PINUNONG TAGAPAMAYAPA

Seksyon 63. Ang Pambansang Pinunong Tagapamayapa ang mangunguna sa pagtitiyak ng kaayusan at sistematikong kapayapaan sa panahon ng pagpupulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap at Pambansang Konseho ng mga Lider.

Seksyon 64. Ang Pambansang Pinunong Tagapamayapa ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG KALIHIMAN

Seksyon 65. Ang Pambansang Kalihiman ang magiging katuwang ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap sa implementasyon ng mga pinagkaisahang plano at mga gawain ng KPML, mga pagkilos at mga panawagan ng organisasyon, pagpapatagos ng mga desisyon sa iba't ibang komite sa ilalim ng kalihiman, subaybayan ang implementasyon ng mga plano at gawain, regular na mag-ulat, maghain ng rekomendasyon sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap at magtitiyak na naipatutupad ang mga desisyon at patakaran, at mangangasiwa sa araw-araw na gawain ng organisasyon.

Seksyon 66. Ang Pambansang Kalihiman ay binubuo ng iba't ibang komite pangunahin ang pag-oorganisa, edukasyon, kampanya, propaganda, pinansya at mga ispesyal na komite para sa partikular na plano at gawain. Ito'y direktang pamumunuan ng Pambansang Pangkalahatang Kalihim.

Seksyon 67. Regular na napupulong ng Pambansang Kalihiman ang mga pinuno ng komite sa sinasaad sa alituntuning ito at regular na mag-uulat sa pulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 68. Ang Pambansang Kalihiman ang magtataktisa ng iba't ibang usapin na may kaugnayan sa pagsasakatuparan ng pangkalahatang plano ng pagkilos ng organisasyon.

ADMINISTRATIBO, PINANSYA AT TAUHAN

Seksyon 69. Ang Administratibo, Pinansya at Tauhan ay binubuo ng Administrador ng Programa, Pambansang Ingat-Yaman at isang kagawad ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap. Tinitiyak nito ang pangangasiwa ng sentrong tanggapan, pondo ng organisasyon, mga ari-arian at tauhang fulltime o part-time at mga boluntaryong istap ng KPML.

Seksyon 70. Tungkulin ng Administratibo, Pinansya at Tauhan ang mga sumusunod:

a. Tatayong tagapamahala ng tanggapan, ari-arian, at mga tauhan ng organisasyon:
b. Magbalangkas ng mga patakaran at sistema sa pangangasiwa ng pananalapi, ari-arian at mga tauhan ng organisasyon;
c. Mangangasiwa at magtitiyak sa maayos na komunikasyon at koordinasyon sa iba pang NGOs, POs, GOs at mga institusyon sa loob at labas ng bansa;
d. Mamumuno sa pagpoproseso at magrerekomenda ng pagtanggap at pagtanggal ng mga istap;
e. Magsagawa ng ebalwasyon sa mga tauhan ng programa;
f. Regular na magsumite ng ulat sa pulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

MGA KOMITE

Seksyon 71. Ang KPML ay magpapatupad ng mga layunin at balak nito sa pamamagitan ng mga komite at programa. Ang mga komite, sa tulong ng mga istap ng programa, ay may kapangyarihang magbalangkas ng mga plano na aayon sa Prinsipyo, Layunin at Pangkalahatang Programa ng Pagkilos, at ibabatay sa mga kagyat at aktwal na pangangailangan ng mga balangay at ng buong organisasyon.

Seksyon 72. Ang mga komite ay maaaring regular o ispesyal. Ang mga regular na komite ay iiral batay sa isinasaad ng Saligang Batas at Alituntunin. Ang mga ispesyal na komite ay bubuuin ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap batay sa aktwal na pangangailangan ng organisasyon.

Seksyon 73. Ang bawat komite ay magkakaroon ng pinunong hihirangin ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap. Ang bawat komite ay may istap at kinatawan mula sa bawat balangay. Ito ay magpupulong ayon sa kanilang mapapagkasunduan o batay sa pangangailangan.

Seksyon 74. Ang bawat komite ay may tungkuling magsumite ng regular na ulat sa Pangkalahatang Kalihim o sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 75. Ang mga komite ng organisasyon at ang kanilang mga tungkulin ay ang mga sumusunod:

KOMITE SA EDUKASYON AT PAGSASANAY

Seksyon 76. Magbalangkas ng pangkalahatang kurikulum para sa organisasyon at kasapian na siyang magiging gabay at batayan sa mga pag-aaral at pagsasanay na idinaos.

Seksyon 77. Magsagawa ng mga modyul, visual aids, powerpoint presentation, ng mga pag-aaral at kursong napapaloob sa pangkalahatang kurikulum.

Seksyon 78. Magbigay ng mga pag-aaral at oryentasyon sa mga komiteng binuo ng mga balangay, pederasyon, at mga lokal na organisasyon, kasama na ang pampulitikang pag-aaral upang maitaas ang pampulitikang kamulatan ng mga kasapi.

Seksyon 79. Magbalangkas ng gabay ng pagtalalakay sa mga isyu na nakaaapekto sa mga maralita ng lunsod.

Seksyon 80. Maglunsad, mangasiwa, at magtiyak na napapatupad ang mga programa at iskedyul ng mga pag-aaral at pagsasanay.

Seksyon 81. Mapaunlad ng mga trainors / edukador mula sa hanay ng kasapian at pamunuan sa mga kasaping organisasyon.

Seksyon 82. Tiyakin na may plano sa edukasyon ang mga balangay at tumatagos ito sa mga kasaping organisasyon.

KOMITE SA PAG-OORGANISA

Seksyon 83. Tiyakin ang pagpapalawak ng kasapian ng organisasyon at magrekomenda ng pagtatatag ng mga pederasyon, balangay at lokal na organisasyong masa at pag-oorganisa ng iba pang sektor na nakabase sa mga komunidad.

Seksyon 84. Tiyakin ang aktibong paglahok ng mga kasapian sa lahat ng gawain ng organisasyon, pagbibigay ng mga pag-aaral at kasanayan hinggil sa gawaing pag-oorganisa at pagpapakilos.

KOMITE SA PANANALIKSIK, DOKUMENTASYON, PROPAGANDA AT PAMPUBLIKONG IMPORMASYON

Seksyon 85. Magsagawa ng masinop na pananaliksik, dokumentasyon at pag-databank ng mga isyu, batas, patakaran, pangyayari, balita, at mga usaping may kaugnayan o nakakaapekto sa mga maralita ng lunsod, kasama na ang mga isinagawang pagkilos ng mga maralita at ng organisasyon.

Seksyon 86. Tiyaking napapalaganap ang mga posisyon ng organisasyon hinggil sa iba't ibang isyu sa publiko at sa mga kasapian sa pamamagitan ng media, paglalabas ng mga pahayag (media advisory, press statement, press releases), pahayagan (Taliba ng Maralita) at napapanahong polyeto, praymer, atbp.

Seksyon 87. Pangasiwaan ang opisyal na pahayagan ng organisasyon at mga buwanang buletin, at tiyakin ang pamamahagi nito sa mga komunidad na kinikilusan.

Seksyon 88. Magsagawa ng feedback mechanism upang malaman ang mga reaksyon ng mga kasapian at publiko hinggil sa inilabas na mga pahayag ng organisasyon.

Seksyon 89. Pagsasaayos ng blog ng KPML (http://maralitanglunsod.blogspot.com), at pagtiyak na ito'y laging updated.

Seksyon 90. Paggawa ng modyul hinggil sa propaganda at pagbibigay ng pag-aaral hinggil sa gawaing pagsusulat at propaganda sa mga kasapian ng mga balangay ng organisasyon.

KOMITE SA KAMPANYA AT GAWAING ADBOKASYA

Seksyon 91. Pangunahan ang mga pag-aaral kung paano patatampukin ang mga isyu ng mga maralita ng lunsod sa pormang kampanya. Magsasagawa ng malinaw na plano't pag-aanalisa hinggil sa mga problema't isyu ng komunidad.

Seksyon 92. Magsagawa ng mga patakaran at programa para sa pagpapakilos ng organisasyon.

Seksyon 93. Alamin ang mga pambansa at sektoral na pagkilos o kampanya na maaaring lahukan o suportahan ng organisasyon. Magtitiyak na ang mga isyung dinadala sa mga pagkilos at kampanyang ilulunsad at dadaluhan ng organisasyon, ay alinsunod at makapagpapanday sa mga prinsipyo at alituntunin ng organisasyon, kasama na ang pagbubuo ng mga network ng mga kaibigan, alyansa at suporta ng mga maralita ng lunsod.

Seksyon 94. Tiyakin ang pagtatasa ng lahat ng mga kampanya sa bawat antas ng organisasyon.

Seksyon 95. Pagtitiyak na nakapagpapadalo ng mga maralita sa rali hinggil sa iba't ibang isyung nakakaapekto sa maralita at sa mamamayan sa kabuuan.

KOMITE SA PINANSYA

Seksyon 96. Magbalangkas ng pangkalahatang plano at programa kaugnay sa usaping pampinansya ng organisasyon.

Seksyon 97. Gumabay, magtiyak at gumawa ng pagtatasa sa mga proyekto at programa ng komite sa pinansya ng organisasyon.

Seksyon 98. Mangulekta ng butaw at kontribusyon, at manguna sa paggawa ng mga patakaran, sistema sa pinansya, at paraan ng mas mahusay na pangangasiwa ng pondo ng organisasyon.

KOMITE SA KAGALINGAN AT SERBISYO

Seksyon 99. Tumulong sa paglulunsad at pangangasiwa sa mga proyektong pang-serbisyo sa mga balangay, pederasyon at sa mga kasaping lokal na organisasyon, katulad ng pangkalusugan, pangkabuhayan, ligal, teknikal, relief, at iba pa.

Seksyon 100. Gumawa ng gabay sa pagdaraos ng mga pagsasanay sa pangangasiwa ng mga proyektong pangkabuhayan o serbisyo sa komunidad na nakabatay sa pangangailangan ng balangay, pederasyon at lokal na organisasyon.

Seksyon 101. Makipag-ugnayan sa iba't ibang institusyon na nakapagbibigay ng tulong o serbisyo sa KPML at mga kasapi nito.

Seksyon 102. Pangunahan ang pag-aaral hinggil sa mga proyektong ilulunsad na angkop sa mga balangay, pederasyon, lokal na organisasyon at mga komunidad na kinikilusan.

KOMITE SA INTERNASYUNAL NA PAKIKIPAG-UGNAYAN

Seksyon 103. PangAunahan ang pag-aaral kung paano patatampukin ang mga isyu ng mga maralita ng lunsod sa labas ng bansa.

Seksyon 104. Pangasiwaan ang pagbubuo ng programa at mga patakaran sa exposure para sa dayuhang bisita ng KPML.

Seksyon 105. Tiyaking regular na nauugnayan ang mga nabuong kontak mula sa loob at labas ng bansa.

KOMITE SA KABABAIHAN AT GAWAING PANGKABUHAYAN

Seksyon 106. Pangunahan at tiyakin na integral sa lahat ng aspeto ng gawain at pagkilos ng organisasyon ang usapin ng kababaihan at aktibo nilang paglahok.

Seksyon 107. Makipag-ugnayan sa iba't ibang NGOs, POs, at GOs na ang tutok ng kanilang gawain ay sa usapin ng kababaihan at pangkabuhayan.

Seksyon 108. Tumulong sa pag-oorganisa at pagmumulat sa mga kababaihan sa mga komunidad.

PONDO AT BAYARIN

Seksyon 109. Ang batayang pondo ng pananalapi ng KPML ay magmumula sa bayad sa pagsapi at buwanang butaw ng mga indibidwal na kasapi, mga proyektong pampinansya at mga kontribusyon.

Seksyon 110. Ang mga sasaping organisasyon, matapos tanggapin bilang kasapi ay magbabayad sa pagsapi ng halagang isandaang piso (P100.00) minsanan lamang. At magbabayad ang mga indibidwal na kasapi ng buwanang butaw na halagang tatlong piso (P3.00) lamang.

Seksyon 111. Ang pamunuan ng KPML ay maaaring magpataw ng mga natatanging buwis sa mga indibidwal na kasapi, ayon sa mapapagkasunduan.

Seksyon 112. Ang KPML ay mangangalap din ng pondo, lohistika at suporta mula sa mga kaalyado sa loob at labas ng bansa at ang pondong makakalap ay ipantutustos sa mga pangangailangan ng buong organisasyon.

Seksyon 113. Ang talaan ng pampinansya ay bukas sa pagsusuri ng lahat ng mga kasapi ng KPML sa oras lamang ng opisina.

Seksyon 114. Ang lahat ng pondo na malilikom ng KPML ay dapat ideposito ng Pambansang Ingat-Yaman sa isang marangal na bangko sa pangalan ng organisasyon at walang bayarin ang maaaring gawin maliban na lamang kung ang pagkakautang ay sinang-ayunan ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap at nilagdaan ng Pambansang Tagapangulo.

PAGBIBITIW

Seksyon 115. Ang sinumang indibidwal na kasapi ng KPML ay maaaring magbitiw anumang oras ngunit kailangang may nakasulat na paliwanag ng pagbibitiw at makipag-usap sa pamunuan ng organisasyon o sa kinauukulang organo ng KPML sa iba't ibang antas ng pagkakaorganisa.

PAGTITIWALAG

Seksyon 116. Alinman sa mga probisyon nitong alituntunin at patakarang nasasaad dito ay maaaring maging dahilan ng paglalapat ng aksyong pandisiplina sa sinumang kasapi o pinuno ng KPML na napatunayang lumabag, gaya ng mga sumusunod:

a. Paglabag sa Saligang Batas, Alituntunin at Permanenteng Patakaran.
b. Hindi pagtupad sa mga tungkulin at gawaing iniatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.
c. Pagsabotahe sa mga plano ng pagkilos at panawagan, layunin, at prinsipyo ng organisasyon.
d. Tatlong sunud-sunod na di pagdalo sa pulong ng walang paliwanag at walang nakasulat na dahilan.
e. Pag-abuso sa katungkulan at paggamit sa kanyang posisyon upang mapagtakpan ang kapabayaan sa tungkulin at gawain.
f. Paggamit at paglustay ng pinansya at / o rekurso ng organisasyon nang walang kapahintulutan ang Pambansang Lupong Tagapagpaganap.
g. Pang-aabusong sekswal sa kababaihan, tulad ng mga sumusunod:
(1) Rape
(2) Panghihipo sa maseselang bahagi ng katawan ng babae o ng lalaki
(3) Malalaswang salita
(4) Mga imoral na relasyon, pakikiapid, pambababae, panlalalaki
h. Paninira / pang-aalipusta sa organisasyon, pamunuan, at mga kasapian.
i. Pagmumura, panlalait, paninira, at pang-iintriga sa organisasyon
j. Pisikal na pananakit

Seksyon 117. Ang anumang reklamo laban sa sinumang pinuno o kasapi ng KPML sa iba't ibang antas ng organisasyon ay kinakailangang magsumite ng paabiso sa pamamagitan ng liham na ipaaabot sa kinauukulang responsableng pinuno, kaninuman sa opisyales ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 118. Sa kaso na ang pangulo ang nasasangkot o nirereklamo o alinman sa mga Pambansang Lider, matapos mapatunayang balido ang reklamo ay kagyatang magsasagawa ang Konseho ng mga Lider sa kaukulang antas ng organisasyon ng kagyatang paglalapat ng preventive suspension sa nirereklamo, at kagyatang magsagawa ng pagsisiyasat sa reklamo.

Seksyon 119. Karapatan ng sinumang nahahabla, pinuno man o kasapi na mabigyan ng kopya ng reklamo at sagutin sa loob ng itinakdang panahon.

Seksyon 120. Ang Lupong Tagapagpaganap, ayon sa antas ng organisasyon, ay hihiran ng Komite sa Pribilehiyo na siyang magsusuri sa mga paglabag at irerekomenda ang resulta ng kanilang pagsusuri sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 121. Ang anumang aksyong pandisiplina na igagawad sa sinumang pinuno at kasaping organisasyon ay pagpapasyahan ng Konseho ng mga Lider sa kaukulang antas ng organisasyon.

Seksyon 122. Ang sinumang pinuno o kasapi na sinampahan ng kaso o reklamo ay kailangang magpaabot ng nakasulat na paliwanag ng kanyang panig at ipaabot sa Lupong Tagapagpaganap sa loob ng isang linggo pagkatapos matanggap ang pabatid na reklamo.

Seksyon 123. Ang sinumang kasapi ng KPML ay maaaring itiwalag dahil sa rekomendasyon ng mayorya ng Komite sa Pribilehiyo at aprubado ang rekomendasyon ng simpleng mayorya ng mga kagawad ng Konseho ng mga Lider na dumalo sa pulong para sa ganitong layunin.

KORUM

Seksyon 124. Ang gagamiting pamantayan para maging balido ang mga pulong at desisyon ng organisasyon ay mahigit kalahati ng kailangang dumalo sa pulong at mahigit kalahati ng bumoto sa desisyon o simpleng mayorya (50% + 1).

PATAKARANG PARLAMENTARYO

Seksyon 125. Patakarang parlamentaryo ang gagamiting paraan ng talakayan sa lahat ng pulong na gagamitin ng KPML para maiwasan ang salimbayan ng usapin at upang mapairal sa loob ng organisasyon ang propesyonalismo sa pangangasiwa ng mga pulong. Sa ganitong layunin ay magtatalaga ng kaukulang Komite sa Pribilehiyo, Etika, at Patakaran.

Seksyon 126. Ang sinumang kagawad ng pamunuan sa iba't ibang antas ng kapulungan na magpabaya sa tungkuling iniatas sa isang partikular na pulong ay pupunahin.

Seksyon 127. Ang sinumang kagawad ng pamunuan na lumiban sa pulong ng walang liham o balidong kadahilanan ay papaabutan ng puna, matinding puna sa susunod na paglabag at suspensyon sa ikatlong huling paglabag.

Seksyon 128. Walang kasapi na maaaring bigyan ng permiso na magsalita ng higit sa tatlong beses na hindi lalagpas sa tatlong minuto at isang beses lamang magsasalita sa iisang katanungan.

Seksyon 129. Walang sinuman, maliban sa kasapi, ang maaaring magsalita para sa organisasyon maliban kung ang isang tao na hindi kasapi ay binigyan lamang ng karapatan kung may kapahintulutan ng organisasyon upang magsalita, maglahad sa layunin na makakatulong sa paglilinaw at paglutas ng mga usapin.

Seksyon 130. Lahat ng mungkahing resolusyon ay nararapat na pormal na nakasulat at ipiprisinta na may lagda ang kinauukulang nagmumungkahi ng resolusyon, maging ito ay mula sa lokal na organisasyon, tsapter, pederasyon, at rehiyon sa pambansang pamunuan ng KPML upang pag-aralan, suriin at pagpasyahan.

SUSOG

Seksyon 131. Ang Alituntuning ito ay maaaring susugan sa alinmang regular na pulong ng simpleng mayorya ng Pambansang Konseho ng mga Lider sa paabiso ng mungkahing susog ay naibigay sa bawat isa sa nakaraang pulong at ito'y sinang-ayunan.

PAGPAPATIBAY

Seksyon 132. Ang Alituntuning ito ay magkakabisa matapos susugan at pagtibayin ng Ikatlong Pambansang Kongreso ng KPML na isinagawa sa Brgy. Hall ng Barangay Damayang Lagi, Lunsod ng Quezon, Hulyo 29, 2007.

Huwebes, Disyembre 18, 2008

Saligang Batas ng KPML

SALIGANG BATAS NG KPML

PREAMBULO

Kami, ang mga maralita ng lunsod, may antas ng kamalayang pampulitika at kamulatan sa uri, batid ang aping kalagayan ng kawalan ng disente, maayos at tiyak na paninirahan, dumaranas ng matinding kahirapan ng pamumuhay at karahasan dulot ng maling sistemang umiiral na itinataguyod ng naghaharing uri pangunahin na ang globalisasyon; dulot nito’y malaganap na kaapihan, kawalan ng katarungang panlipunan, at panlipunan at pang-ekonomyang kapangyarihan; mababang pagtingin sa mga kababaihan; mithiin ang pagbabago ng lipunan; nagnanais ng isang sosyalistang kaayusan ng lipunan na may katarungan, pagkakapantay-pantay at may kaunlaran, na may dignidad na pamumuhay para sa lahat; may pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran; nananalig at may tiwala sa masa at sa kapangyarihan ng mayoryang bilang ng mamamayan, ay nagbibigkis sa ganitong mga adhikain at mga simulain, na nagtatadhana at nagpapahayag ng Saligang Batas at mga Alituntunin.

ARTIKULO I
PANGALAN, TANGGAPAN AT PAGKAKAKILANLAN

Seksyon 1. Ang organisasyong ito ay tinatawag na KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MARALITANG LUNSOD o KPML.

Seksyon 2. Ang sentrong tanggapan ng KPML ay itatayo sa loob ng Kalakhang Maynila, o sa lugar na pinagpasyahan ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 3. Ang KPML ay makikilala sa mga sumusunod:
a. Bandilang kulay pula na dalawang yarda ang haba at isang yarda ang lapad.
b. Nakasulat sa gitna ng bandila ang mga titik na KPML sa kulay dilaw na may sukat na apat na talampakan ang haba at dalawang talampakan ang taas.

Seksyon 4. Ang opisyal na selyo ng KPML ay bilog na bakal na may diyametrong apat na sentimetro (4 cm.) kung saan nakaukit paikot ang mga katagang KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MGA MARALITA NG LUNSOD, at sa gitna ay nakasulat ang KPML at Disyembre 18, 1986.

ARTIKULO II
PAHAYAG NG MGA PRINSIPYO

Seksyon 1. Ang KPML ay naniniwala na ang lahat ng kapangyarihang pang-organisasyon ay nagmumula sa kasapian.

Seksyon 2. Naniniwala ang KPML sa lakas at kapangyarihan sa iba’t ibang kakayahan at kaalaman ng sambayanan na paunlarin at baguhin ang lipunan.

Seksyon 3. Ang pakikipaglaban sa mga problema’t kahilingan at mga demokratikong karapatan ay pangunahing tungkulin ng mga organisasyon at mga kasapian ng KPML. Ang kasapian ay maaaring atasan ng organisasyon sa pamamagitan ng kanyang Saligang Batas at mga alituntunin na magkaloob ng personal na serbisyo at suporta sa mga nakatakdang gawain at mga pangangailangan.

Seksyon 4. Bilang sosyalistang organisasyon, itinatakwil ng KPML ang pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon, dahil ito ang pinag-uugatan ng malaganap na kaapihan, kahirapan at pagsasamantala ng tao sa kapwa tao.

Seksyon 5. Kinikilala ng KPML ang malaki at napakahalagang tungkulin ng kabataan at ng mga kababaihan sa pagbubuo ng mga organisasyon sa mga komunidad na magtataguyod ng kanilang kabutihang kaisipan, tungo sa pagbabago ng kasalukuyang bulok na sistema ng lipunan.

Seksyon 6. Naniniwala ang KPML na ang mga kababaihan ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagbabago at pag-unlad ng buong lipunan at dapat na magtamasa ng pantay na mga karapatan at dapat kilalanin ng lipunan.

Seksyon 7. Kinikilala rin ng KPML ang kahalagahan at pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran dahil walang saysay anuman ang mga pagsisikap sa kaunlaran kung patuloy na winawasak ng tao at ng sistema ang likas na yaman at kalikasan.

Seksyon 8. Naniniwala ang KPML na maaaring baguhin at lumaya ang mamamayan sa kahirapan at kawalang katarungan kung ganap na maitatayo ang isang sosyalistang lipunan at paglikha ng yaman na aariin ng lahat sa halip na iilan lamang at magkaroon ng tunay na kasaganaan para sa lahat ng mamamayan.

Seksyon 9. Naniniwala ang KPML na ang isang sosyalistang kaayusan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng mahigpit na pagkakaisa, sama-sama at tuloy-tuloy na pagkilos ng mga maralita ng lunsod, ng mga manggagawa, at ng buong sambayanan.

Seksyon 10. Naniniwala ang KPML na ang globalisasyon ang bagong anyo ng pananakop at pang-aalipin ng mga mayayaman at maunlad na bansa sa mga bansang mahihirap at magdudulot ng patuloy at higit pang kahirapan ng mga maralita ng lunsod, ng manggagawa, at ng buong sambayanan.

ARTIKULO III
KATANGIAN NG ORGANISASYON

Seksyon 1. Ang KPML ay isang kumpederasyon na binubuo ng iba’t ibang mga samahan sa komunidad na nagbibigkis sa pormasyon ng mga lokal na samahan, balangay, pederasyon, asosasyon at alyansa na matatagpuan sa iba’t ibang pamayanan at erya ng Pambansang Punong Rehiyon-Rizal, Cavite, Bulacan, Panay-Guimaras, Negros, Cebu, at ng mga indibidwal sa mga sentrong pamayanan at kalunsuran ng iba pang rehiyon na maitatayo ang KPML.

Seksyon 2. Ang KPML ang tumatayong sentrong pampulitika at sosyalistang organisasyon ng mga maralita na may pangunahing tungkuling isulong at ipaglaban ang mga lehitimong karapatan at mga kahilingan ng mga maralita ng lunsod.

Seksyon 3. Sa panahon ng halalan, ang KPML ay tatayong makinarya sa eleksyon bilang pagkilala sa gawaing parlyamentaryo, malayang magpasya sa susuportahang partido, mga kandidato sa lokal at nasyunal sa pamamagitan ng mga patakarang gagabay at kaukulang makinaryang itatayo.

ARTIKULO IV
KASAPIAN

Seksyon 1. Ang regular na kasapi ng KPML ay ang mga maralita ng lunsod na natitipon sa iisang organisasyon sa mga komunidad ng Pambansang Punong Rehiyon-Rizal, Cavite, Bulacan, Panay-Guimaras, Negros, Cebu, at sa mga sentrong pamayanan at kalunsuran ng iba pang rehiyon ng bansa.

Seksyon 2. Ang mga rekisitos sa pagsapi ay ang mga sumusunod:
a. Organisasyonal at direktang pagsapi sa KPML na ang indibidwal na kasapian ay hindi bababa sa dalawampung katao at higit pa.
b. Aktibong kumikilos para isulong ang mga usapin ng komunidad at mga karapatan ng mga mamamayan.
c. May resolusyon sa pagsapi, kasama ang organizational at community profiles.
d. Mga indibidwal na nakikiisa sa mga layunin, simulain, gawain, prinsipyo, at mga programa ng pagkilos ng KPML.
e. Handang sumunod sa Saligang Batas, Alituntunin, Pangkalahatang Programa, Pagkilos, mga Pinagtibay na Patakaran, Resolusyon, mga Atas (memorandum), at mga Panawagan ng KPML.
f. Ang mga indibidwal at mga pandangal ay maaaring sumapi sa KPML kung inirekomenda ng tatlong tao na kasapi ng KPML na lubos na nakakakilala sa indibidwal o pandangal na sasapi. Handa itong magbigay ng panahon sa KPML, suportang material, pinansya, handang umako ng gawain at tungkulin, at magbahagi ng kaalaman at talino sa organisasyon.
g. Sa panahon ng halalan ng KPML, ang mga indibidwal ay maaaring lumahok at kumatawan sa 20 indibidwal na kasapi, na dumaan sa proseso bilang grupo at inihalal.

Seksyon 3. Ang lahat ng sasaping organisasyon at mga kasapian nito, mga pandangal na kasapi, at mga indibidwal na kasapi, ay dapat na tapos at naunawaan ang Oryentasyon ng KPML, Saligang Batas, Alituntunin, Bisyon, Misyon, at Hangarin ng KPML.

ARTIKULO V
KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA KASAPI

Seksyon 1. Ang mga karapatan ng mga kasapi ng KPML ay ang mga sumusunod:
a. Organisasyonal na kasapi: Maghalal at mahalal sa alinmang posisyon alindunod sa mga patakaran hinggil sa pagboto at kwalipikasyon ng mga kandidato; pumaloob sa anumang komite sa sentro, balangay, pederasyon at lokal na organisasyon.
b. Organisasyonal, indibidwal, at mga pandangal na kasapi; malayang makipagtalakayan sa mga kapulungan ukol sa anumang usapin.
c. Magpaabot ng anumang mungkahi, puna, reklamo, o rekomendasyon sa mga kinauukulang komite.
d. Mapaabutan ng anumang kopya ng mga ulat, kalatas, pahayagang Taliba ng Maralita, pahayag at iba pang mga lathalain ng organisasyon.
e. Makatarungang paglilitis kung nahahabla sa anumang kaso ng paglabag sa disiplina, Saligang Batas, Alituntunin at Patakaran ng organisasyon.
f. Magbitiw bilang kasapi ng KPML sa pamamagitan ng pormal na pagsusumite ng liham at pakikipag-usap sa kinauukulang opisyal, komite o tauhan ng KPML.
g. Magtamasa ng iba pang mga pribilehiyo na maaaring ipagkaloob ng KPML.

Seksyon 2. Ang mga tungkulin ng mga kasapi ng KPML ay ang mga sumusunod:
a. Tumalima sa Saligang Batas, Alituntunin, Pinagtibay na mga Patakaran, at mga panawagan ng sentrong organisasyon.
b. Buong sigasig na tumupad sa mga atas na gawain at desisyon ng organisasyon na humihingi ng kagyat at mahigpit na pagkakaisa.
c. Aktibong dumalo sa lahat ng pulong at masiglang lumahok sa mga talakayan, pag-aaral at mga pagsasanay, o sa anumang panawagan at pagkilos ng organisasyon.
d. Tumulong sa pagpapalawak at pagpapatatag ng organisasyon at masigasig na nagpapalaganap ng layunin, simulain, bisyon, misyon at hangarin ng KPML.
e. Magbayad ng buwanang butaw, bayad sa pagsapi, at kontribusyon na hinihingi ng organisasyon na pana-panahon na gagamitin sa mga aktibidad ng KPML.
f. Maagap na mag-ulat sa organisasyon hinggil sa kalagayan ng lokal na organisasyon, kalagayan ng komunidad, at mga gawain na iniatas.
g. Pangalagaan ang integridad at moralidad ng organisasyon, mga lider at mga kasapian.
h. Mag-ambag ng mga kaalaman hinggil sa iba’t ibang larangan ng gawain para sa ikalalakas ng pamumuno ng KPML, sa pagsusulong ng kagalingan ng maralita.

ARTIKULO VI
PAMBANSANG KONGRESO

Seksyon 1. Ang Pambansang Kongreso ang pinakamataas na kapulungan ng KPML. Binubuo ito ng mga delegado mula sa rehiyon (balangay, pederasyon), Pambansang Konseho ng mga Lider, at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 2. Idaraos ang Pambansang Kongreso isang beses tuwing ikatlong taon, at ang ispesyal na Kongreso ay maaaring ipatawag sa kahilingan ng simpleng mayorya (50%+1) ng Pambansang Konseho ng mga Lider.

Seksyon 3. Ang kapangyarihan ng Pambansang Kongreso ay ang mga sumusunod:
a. Magpatibay ng Saligang Batas, Alituntunin, mga Resolusyon at Programa ng Pagkilos.
b. Maghalal ng Pambansang Pamunuan.
c. Magpawalang-bisa ng mga programa ng pagkilos, o anumang kapasyahan ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

ARTIKULO VII
PAMBANSANG KONSEHO NG MGA LIDER

Seksyon 1. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider ang ikalawang pinakamataas na kapulungan habang hindi nagaganap ang Pambansang Kongreso.

Seksyon 2. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider ay binubuo ng mga kagawad ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap, mga kinatawan mula sa iba’t ibang rehiyon, probinsya, lunsod o munisipalidad at pinuno ng pambansang komite sa pag-oorganisa, kampanya, propaganda, edukasyon at pinansya, at kinatawan mula sa kabataan. Ang bilang ng konseho ay maaaring madagdagan sa panahon na maitayo ang mga balangay sa iba’t ibang rehiyon at komite sa antas-pambansa.

Seksyon 3. Ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang rehiyon, probinsya, lunsod o munisipalidad ay itinakda o inihalal ng kanilang mga tsapter sa eryang pinanggalingan.

Seksyon 4. Ang mga kapangyarihan at tungkulin ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay ang mga sumusunod:
a. Magbuo o kaya’y magpawalang-bisa ng mga pangkalahatang patakaran, resolusyon, programa ng pagkilos, ayon sa isinasaad ng Saligang Batas.
b. Magbalangkas ng mga gabay na makakatulong sa pagpapatupad ng mga plano at gawain, magpasya sa mga samutsaring usapin na may kinalaman sa organisasyon at kapakanan ng buong kasapian.
c. Punuan ang bakanteng posisyon ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap at Pambansang Konseho ng mga Lider.
d. Magtakda ng bilang ng mga delegado, petsa at aktwal na Pambansang Kongreso.
e. Ang mga kagawad ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay manunungkulan ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang hahalili sa kanila.

ARTIKULO VIII
PAMBANSANG LUPONG TAGAPAGPAGANAP

Seksyon 1. Ang Pambansang Lupong Tagapagpaganap ay binubuo ng Pambansang Tagapangulo, Ikalawang Tagapangulo Panloob, Ikalawang Tagapangulo Panlabas, Pangkalahatang Kalihim, Ikalawang Pangkalahatang Kalihim, Ingat-Yaman, Tagasuri, Pinunong Tagapag-ugnay at Pinunong Tagapamayapa.

Seksyon 2. Ang kapangyarihan at tungkulin ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap ay ang mga sumusunod:
a. Tiyakin na naipatutupad ang kabuuang programa ng pagkilos at iba pang patakaran ng Pambansang Konseho ng mga Lider.
b. Pangasiwaan at subaybayan ang lahat ng mga pagkilos, plano’t mga gawain at mga proyekto ng organisasyon.
c. Mag-atas at magbuo ng mga kinakailangang komite at istraktura na makakatulong sa pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng gawain.
d. Gabayan at mahigpit na subaybayan ang mga pagkilos ng mga rehiyon.
e. Magbalangkas ng mga patakaran sa editoryal na pahayagan ng organisasyon at pagtitiyak ng regular na paglalabas nito.
f. Regular na mag-ulat sa pulong ng Pambansang Konseho ng mga Lider.
g. Gumampan ng iba pang gawain na iniatas ng Pambansang Kongreso at ng Pambansang Konseho ng mga Lider
h. Ang mga kagawad ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap ay manunungkulan ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang hahalili sa kanila.

ARTIKULO IX
PANGREHIYONG KONSEHO NG MGA LIDER

Seksyon 1. Ang Pangrehiyong Konseho ng mga Lider ay binubuo ng Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap at mga kinatawan mula sa iba't ibang lalawigan, lunsod at munisipalidad at mga pinuno ng mga pangrehiyong komite sa pag-oorganisa, kampanya, edukasyon at pinansya.

Seksyon 2. Ang mga kinatawan ng iba't ibang rehiyon, lalawigan, lunsod at munisipalidad ay itinakda o inihalal ng mga balangay sa kanilang mga eryang pinanggalingan.

Seksyon 3. Ang mga kapangyarihan at tungkulin ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider ay ang mga sumusunod:
a. Maghain ng mga pangrehiyong resolusyon, programa ng pagkilos sa Pambansang Konseho ng mga Lider, batay sa isinasaad sa Artikulo VII, Seksyon 4-a ng Saligang Batas na ito.
b. Magbalangkas ng mga gabay na makakatulong sa pagpapatupad ng mga plano at gawain, magpasya sa mga samu't saring usapin na may kinalaman sa pangrehiyongorganisasyon at kapakanan ng buong kasapian.
c. Punuan ang bakanteng posisyon ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider at Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap
d. Magtakda ng bilang ng mga delegado, petsa at aktwal na Pangrehiyong Kongreso.
e. Ang mga kagawad ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider ay manunungkulan ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang hahalili sa kanila.

ARTIKULO X
PANGREHIYONG LUPONG TAGAPAGPAGANAP

Seksyon 1. Ang Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap ay binubuo ng Pambansang Tagapangulo, Ikalawang Tagapangulo Panloob, Ikalawang Tagapangulo Panlabas, Pangkalahatang Kalihim, Ikalawang Pangkalahatang Kalihim, Ingat-Yaman, Tagasuri, Pinunong Tagapag-ugnay at Pinunong Tagapamayapa.

Seksyon 2. Ang kapangyarihan at tungkulin ng Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap ay ang mga sumusunod:
a. Tiyakin na naipatutupad ang kabuuang programa ng pagkilos at iba pang patakaran ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider.
b. Pangasiwaan at subaybayan ang lahat ng mga pagkilos, plano't mga gawain at mga proyekto ng organisasyon.
c. Mag-atas at magbuo ng mga kinakailangang komite at istraktura na makakatulong sa pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng mga gawain.
d. Gabayan at mahigpit na subaybayan ang mga pagkilos ng mga rehiyon.
e. Magbalangkas ng mga patakaran sa editoryal na pahayagan ng organisasyon at pagtitiyak ng regular na paglalabas nito.
f. Regular na mag-ulat sa pulong ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider.
g. Gumampan ng iba pang gawain na iniatas ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider.
h. Ang mga kagawad ng Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap ay manunungkulan ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang mga hahalili sa kanila.

ARTIKULO XI
PULONG

Seksyon 1. Pambansang Konseho ng mga Lider
a. Magpupulong ang Pambansang Konseho ng mga Lider tuwing ikalawang Sabado ng ikatlong buwan. Maaaring ipatawag ang ispesyal na pulong ayon sa pangangailangan.

Seksyon 2. Pambansang Lupong Tagapagpaganap
a. Magpupulong ang Pambansang Lupong Tagapagpaganap tuwing huling Lunes ng bawat buwan. Maaaring ipatawag ang ispesyal na pulong ayon sa pangangailangan.

Seksyon 3. Mga Pangrehiyong Konseho ng mga Lider
a. Magpupulong ang mga Pangrehiyong Konseho ng mga Lider tuwing ikalawang Sabado ng ikatlong buwan. Maaaring ipatawag ang ispesyal na pulong ayon sa pangangailangan.

Seksyon 4. Mga Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap
a. Magpupulong ang mga Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap tuwing huling Lunes ng bawat buwan. Maaaring ipatawag ang ispesyal na pulong ayon sa pangangailangan.

ARTIKULO XII
SUSOG

Seksyon 1. Ang Saligang Batas at Alituntunin ay maaaring susugan sa kapasyahan ng simpleng mayorya (50% + 1) ng Pambansang Konseho ng mga Lider.

Seksyon 2. Ang mga panukalang susog ay dapat ipaabot sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap o sa Preparatory Committee nito tatlumpung (30) araw bago dumating ang aktwal na Kongreso.

Seksyon 3. Ang sinumang kagawad ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganao na binubuo ng tatlong (3) tao, kasama ang program administrator ng KPML, ay maaaring humirang ng mga indibidwal na magiging kagawad ng NCL at NEC ayon sa kalagayan, gaya ng mga sumusunod:
a. Umaabot na sa 1/3 ng mga kagawad ng isang kapulungan ang lumiban, nagbitiw sa katungkulan o hindi na makatupad ng gawain;
b. Umiiral ang gipit na kalagayan at hindi na makapagdaos ng pulong, halalan o hindi makairal ang mga regular na gawain ayon sa isinasaad ng Saligang Batas at Alituntunin.

ARTIKULO XIII
PAGPAPATIBAY

Seksyon 1. Magkakabisa ang Saligang Batas at Alituntuning kaakibat nito matapos susugan at pagtibayin ng lahat ng mga delegado ng Ikatlong Pambansang Kongreso ng KPML, na isinagawa sa Brgy. Hall ng Brgy. Damayang Lagi, Lungsod ng Quezon, ngayong ika-29 ng Hulyo, 2007.