Sabado, Abril 12, 2014

Maralita, sumama sa rali para sa mga nasalanta ng Yolanda

MARALITA, SUMAMA SA RALI PARA SA MGA NASALANTA NG YOLANDA

Abril 11, 2014 - Sumama sa pagkilos ang KPML-NCRR, sa pangunguna ni Anthony Barnedo, sa FDC, PMCJ, Bulig Visayas, FCAID, PM, SANLAKAS, at iba pang grupo upang iprotesta ang umano'y pagpapabaya at hindi tuluy-tuloy na pagtulong ng pamahalaan sa mga komunidad na apektado ng Yolanda. Ayon pa sa pahayag na inilabas ng nasabing mga grupo, ang Rehabilitation Assistance on Yolanda (RAY) ng pamahalaang PNoy sa katunayan ay Rejection and Abandonment of Yolanda (RAY)-Affected Communities. Sinabi pa nilang imbes na makamamamayang solusyon, ipinabahala na ng pamahalaan ang "pagtulong" sa mga malalaking negosyante. Kaya nanawagan ang mga grupong iyon na dapat ay isang planong pangunahing nakatutok sa taumbayan at sa karapatan ng mga ito kaysa sa plano ng mga negosyanteng unahin ang negosyo sa mga nasalantang komunidad (Pursue a people-centered and a rights-based rehabilitation plan now). (Ulat at litrato ni Greg Bituin Jr.)


 





Walang komento: