PRICE CONTROL SA BAWANG, BIGAS, ATBP., HILING NG MARALITA
Hunyo 27, 2014 - Mula sa Quinta Market sa Quiapo sa Maynila, nagmartsa ang mga maralita patungong Mendiola upang kondenahin ang kawalang-aksyon ng pamahalaan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing mga bilihin, partikular ang bawang. Ang isang kilong bawang ay pumalo na sa halagang P400 kada kilo, habang sa ibang palengke ay nasa P300 kada kilo. Noong Mayo 2014, ito'y nasa halagang P60-P70 lamang ang bawat kilong bawang, kaya higit apat na beses ang itinaas ng presyo ng bawang.
"Dapat kontrolin ng pamahalaan ang presyo ng mga pangunahing bilihin, tulad ng bawang, bigas, luya, atbp., ngunit walang magawa si PNoy, gayong kaya namang gawin ng pamahalaan na pigilan ang pagtataas ng presyong ito. Dahil sa pagyakap ng gobyerno sa sistemang liberalisasyon, pinabayaan na nila sa mga negosyante ang pagtatakda ng presyo ng mga bilihin. At dahil sa kagustuhan nilang tumubo, nagmahal ang bawang, luya, bigas, atbp., habang nahihirapan naman ang mga maralita," ayon kay Anthony Barnedo, secretary general ng KPML-NCRR (Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod - National Capital Region chapter).
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.