Pahayag ng KPML sa World AIDS Day
Disyembre 1, 2019
Taas-kamaong nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa kampanya upang malabanan ang pagkalat ng human immuno deficiency virus (HIV) na pag lumala ay magiging Acquired Immuno Deficiency Syndrome (AIDS)
Ilang taon na ang nakaraan nang may programa hinggil sa HIV/AIDS ang KPML. Sa ilalim ng programa laban sa HIV/AIDS, inihahanda ng KPML ang mga kabataan na makaiwas sa virus na ito sa pamamagitan ng edukasyon.
Marami sa mga kabataan ang salat ang kaalaman tungkol sa banta ng pagkalat at pagpigil ng HIV/AIDS. Lalo na't ang sakit na ito'y pumapaimbulog mula sa maraming L, tulad ng libangan, ligawan, lambingan, libog, lawit, na pag nadapuan ng sakit ay lihim na kinata-takutan. Kaya dapat ilinaw at ipaliwanag ito sa kabataan sa antas ng paaralan o eduka-syon. Noong Hunyo 2018, inulat ng Department of Health (DOH) AIDS Registry sa Pilipinas na may 56,275 kaso ng HIV/AIDS sa bansa mula pa noong 1984.
Ang paggunita sa Araw ng AIDS sa buong mundo, na ginaganap tuwing ika-1 ng Disyembre ay isang mahalagang oportunidad na kilalanin ang mahahalagang papel na ginampanan ng mga komunidad sa pagtugon sa AIDS sa pang-internasyonal, pambansa at lokal na antas. Ang mga komunidad ay nag-aambag sa tugon ng AIDS sa maraming iba't ibang paraan, tulad ng edukasyon.
Ayon sa United Nations, dapat nang magwakas ang epidemya ng AIDS sa taon 2030, dahil iyon ang punter-yang malutas ng Sustainable Develop-ment Goals. Nawa'y magpatuloy pa ang pagtataguyod ng kaalaman hinggil sa AIDS, hindi lamang tuwing Disyembre 1, upang maiwasan ito ng mga kabataan, bago pa mahuli ang lahat para sa kanila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento