May 1, 2014 - Mayo 1, 2014 - Sumama sa libu-libong manggagawang nagmartsa mula sa Welcome Rotonda hanggang sa Mendiola ang grupong Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod - National Capital Region Rizal (KPML-NCRR) upang ipahayag at ipakita nila ang kanilang pagkadismaya sa gobyerno ni Noynoy Aquino. Mahigpit ding nakipagkaisa ang mga maralita sa mga manggagawa dahil sila'y iisa lamang ng uri, at patuloy na nangangarap at kumikilos laban sa kahirapan at itayo ang isang lipunang walang pagsasamantala ng tao sa tao. Ang KPML-NCRR ay pinangunahan nina Orly Gallano, pangulo, at Anthony Barnedo, secretary general.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento