Lunes, Hulyo 14, 2014

DBM at Mendiola, niralihan ng manggagawa't maralita

DBM at Mendiola, niralihan ng manggagawa't maralita

Hulyo 14, 2014 - Niralihan ng manggagawa't maralita mula sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML) ang tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) upang ipanawagan ang pagpapatalsik kina DBM Secretary Butch Abad at Pangulong Noynoy Aquino. Ito'y kaugnay ng kanilang pananagutan sa programang Disbursement Acceleration Program (DAP) na kamakailan ay idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Ang ilan sa mga raliyista ay may hawak na palakol na ang nakasulat: "Aquino at Abad, DAPat Patalsikin! Elitistang Rehimen, Itakwil!"

Mula sa DBM ay nagmartsa sila patungong Mendiola at doon tinapos ang programa.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Walang komento: