PAHAYAG NG KPML
HINGGIL SA PANDAIGDIGDIGANG ARAW NG KABATAAN (INTERNATIONAL YOUTH DAY) Agosto 12, 2019
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ayon sa ating pambansang bayaning si Gat Jose Rizal. At ngayong taon, ipinadiriwang natin ang Pandaigdigang Araw ng Kabataan (International Youth Day). Kaiba ito sa alam nating World Youth Day na dinadaluhan ng Papa sa Roma.
Ang International Youth Day (IYD) ay araw ng pagtataguyod ng kapakanan at kagalingan ng mga kabataan, tuwing Agosto 12 bawat taon, na itinalaga ng United Nations batay sa Resolusyon 54/120 noong 1999. Ang unang pagdiriwang ng IYD ay naganap noong Agosto 12, 2000. Layunin ng araw na ito na itaguyod ng mga pamahalaan at iba pa na bigyang pansin ang mga isyu ng kabataan sa buong mundo. Ang tema ng International Youth Day para sa 2014 ay "Youth and Mental Health (Kabataan at Kalusugang Pangkaisipan). Para sa 2015, ito ay Youth and Civic Engagement (kabataan at Pakikitungong Pangsibiko).
Ang tema naman ng 2016 ay "The Road to 2030: Eradicating Poverty and Achieving Sustainable Consumption and Pro-duction. (Ang Daan tungong 2030: Ang Pagpuksa sa Kahirapan at Pagtatamo ng Sustenableng Konsumpsyon at Produksyon)" Para sa 2017, ang tema ng IYD ay "Youth Building Peace (Mga Kabataang Nagtataguyod ng Kapayapaan)". Ang tema para sa IYD 2018 ay "Safe Spaces for Youth (Ligtas na Espasyon para sa Kabataan)". At ngayong 2019, ang tema ng IYD ay "Transforming Education (Nagbabagong Edukasyon)" upang gawing inklusibo at abotkaya ng mga kabataan ang edukasyon.
Dahil dito, mahigpit na nakikiisa ang KPML, lalo na ang mga anak na kabataan ng mga lider nito, sa pagdiriwang ng International Youth Day. Maraming kabataang anak ng mga lider at kasapian ng KPML na dapat mapangalagaan at itaguyod ang kagalingan dahil balang araw, sila rin ay magiging lider, di man sa bansa, kundi sa kani-kanilang komunidad, o samahan.
Panahon na upang alagaan at tulungan ang mga kabataan upang magkaroon sila ng direksyon upang maipaglaban ang kanilang karapatan sa lipunang dapat walang naghihi-rap, walang diskriminasyon, at walang pagsasamantala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento