PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL DAY FOR THE PRESERVATION OF THE OZONE LAYER
Setyembre 16, 2019
Kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ay taos-pusong nakikiisa sa lahat ng mamamayan ng daigdig sa pagprotekta sa ating mundo, pangangalaga sa ating kalikasan, at paggunita sa Inter-national Day for the Preser-vation of the Ozone Layer tuwing Setyembre 16 ng bawat taon.
Apat na araw bago ang nakatakdang Global Climate Strike sa Setyembre 20, 2019, inaalala natin ang pagprotekta sa ozone layer bilang ating kontribusyon upang mabatid ng higit na nakararami na dapat malutas o masolusyunan ang anumang mga problemang nagbabanta sa ating ozone layer.
Noong 1994, pinagtibay ng UN General Assembly na ang Setyembre 16 ang Pandaigdigang Araw para sa Pagpreserba ng Ozone Layer, bilang paggunita sa petsa ng paglagda noong 1987 ng Montreal Protocol on Substances that Deplete the Ozone Layer.
Ang pagsasara ng butas sa ozone layer ay naobserbahan 30 taon pagkatapos na nilagdaan ang protocol. Dahil sa likas na katangi-an ng mga gas na responsable sa pag-ubos ng ozone ang kanilang mga kemikal na epekto ay inaasahan na magpapatuloy sa pagitan ng 50 at 100 taon. Ang ozone layer ay nasa atmospera ng daigdig at siyang tumatabing upang di natin masyadong maramdaman ang tindi ng init ng araw.
Noong 2018, tinataya ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC), na binubuo ng 2,000 aghamanon (scientists), na kung di kikilos ang mga gobyerno ng daigdig, lulubog ang maraming bansa sa 2030 dulot ng climate change, na isa sa sanhi’y ang pagkabutas ng ozone layer dulot ng pagsusunog ng fossil fuels.
Kaya makiisa tayo sa panawagang protektahan ang ozone layer, at wakasan na ang paggamit ng fossil fuels at coal plants, at tayo’y mag-renewable energy na.
Climate Justice, Now!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento