PAHAYAG NG KPML SA WORLD FOOD DAY (Pandaigdigang Araw ng Pagkain)
Oktubre 16, 2019
Pandaigdigang Araw ng Pagkain. Bakit may ganitong pagdiriwang at ano ang layunin nito? Para ba ito makatulong sa mga maralitang isang kahig, isang tuka? Para ba ito sa mga bata at mamamayang Aprika-nong nagugutom, namamayat, dahil walang makain?
Ayon sa pananaliksik, ang Pandaigdigang Araw ng Pagkain ay isang pang-internasyonal na araw na ipinagdiriwang kada taon sa buong mundo tuwing Oktubre 16, bilang pagpupugay at pag-alala sa petsa ng pagkaka-tatag ng Food and Agriculture Organization ng United Nations noong 1945. Ang World Food Day (WFD) ay itinatag ng mga kasaping bansa ng FAO sa Ika-20ng Pangkalahatang Kumpe-rensya ng Samahan noong Nobyembre 1979.
Kaya hindi pa talaga ito para sa pagkain ng dukha, kundi para lang mas alalahanin pa ang pagkatatag ng FAO. Subalit mas dapat pahala-gahan ng mas maraming tao ang araw na ito na ang mismong karapatan ng mamamayan sa pagkain ay natatamasa.
Sa ating bansa, dahil sa Rice Tarrification Law, hindi na natutulungan ang mga magsasaka ng bansa, dahil maaari na tayong makabili ng mas murang bigas mula sa ibang bansa.
Ang mga vendor sa kalsada na nagtitinda ng gulay, isda at iba pang pagkain ay itinataboy ng pamahalaan upang bigyan ng pagkakataon ang mga negosyo sa mga mall. Mga maling pata-karang nagdudulot ng kagutu-man sa ating mga kababayang marangal na naghahanapbuhay.
Nawa’y totoong para sa mga nagugutom at nawawalan ng marangal na trabahong nagha-napbuhay ang Pandaigdigang Araw na ito, at hindi para sa mga tuso’t ganid na negosyanteng tuwang-tuwa’t ngingisi-ngisi lang habang nililipol ng pamahalaan ang mga maralita.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento