PAHAYAG NG KPML SA WORLD DAY AGAINST CHILD LABOR
Hunyo 12, 2021
PALAYAIN ANG MGA BATA
MULA SA PASAKIT NA CHILD LABOR!
Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa paggunita sa World Day Against Child Labor tuwing Hunyo 12, kasabay ng sinasabi nilang Araw daw ng Kalayaan sa bansa, at kasabay din ng International Year for the Elimination of Child Labor ngayong 2021.
Ayon sa International Labor Organization, "Sa huling 20 taon halos 100 milyong mga bata ang tinanggal mula sa talaan ng child labor, na bumaba sa 246 milyon noong 2000 hanggang 152 milyon noong 2016. Gayunpaman, ang pag-unlad sa mga rehiyon ay hindi pantay. Halos kalahati ng child labor ang nangyayari sa Africa (72 milyong bata), sinundan ng Asya Pasipiko (62 milyon). 70 porsyento ng mga bata sa gawaing child labor ang nasa agrikultura, mas nasa pangkabuhayan at komersyal na pagsasaka at pagpapastol ng hayop. Halos kalahati ng lahat ng mga batang ito ay nagtatrabaho sa mga sitwasyong itinuturing na mapanganib para sa kanilang kalusugan at buhay."
Noong bandang 2005-2010 ay nagkaroon ng programa ang KPML hinggil sa usaping Child Labor, kung saan nakapanayam nila ang maraming batang manggagawa sa Navotas, Malabon, Maynila, at iba pang lugar. Nakapanayam nila ang mga batang nangangalakal, may batang nasabugan ng dinamita at naputulan ng braso dahil sa pangingisda, may mga kabataang babaeng sa murang nagtatrabaho sa mga night club, at marami pang iba. Ipinakita ng KPML ang kaibahan ng child labor sa child work, kung saan sa child work, tulad ng mga batang artista, dapat silang kumuha ng lisensya sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang makapagtrabaho ng apat na oras sa bawat araw, habang may panahon sa pag-aaral. Subalit sa child labor, di na nakakapag-aral ang bata dahil subsob na sa trabaho. Maagang tumanda ang mga nagtatrabahong bata.
Dahil dito, may commitment ang KPML na ipanawagang itigil na ang child labor. Ang mga batayang pinanghahawakan ng KPML ay Children’s rights, mula sa Artikulo 32 UN Convention on the Rights of the Child, na nagsasabng "Children have the right to be protected from economic exploitation and from work that could be harmful for them. Next to that children that are working are often not going to school, which violates their right to education. (May karapatan ang mga batang maprotektahan mula sa pang-ekonomyang pagsasamantala at mula sa trabahong maaaring makasasama sa kanila. Sunod dito'y ang mga batang manggagawa ay madalas na hindi nakakapasok sa paaralan, na lumalabag sa kanilang karapatan sa edukasyon.)" Isa pa ang ikawalong Sustainable Development Goal o SDG 8, na nagsasabing "The goal on Decent work and economic growth (SDG 8) also provides for the abolishment of all child labor. (Ang layunin sa disenteng pagtatrabaho at paglago ng ekonomiya (SDG 8) ay nagbibigay din para sa pagwawaksi ng lahat ng paggawa sa bata.)"
Karapatan ng bawat batang mabigyang proteksyon, may tahanan at pamilya, walang diskriminasyon, magpahayag ng sariling pananaw o opinyon, sapat na pagkain, magkaroon ng edukasyon. Subalit dahil sa child labor, kaybilis tumanda, murang katawan ay nabatak ng husto't kawawa, ama'y walang trabaho, bata'y naging manggagawa, ika nga, bata, bata, paano ka ba ginawa. Di mabayarang tama ang trabaho nila't pagod. Di makaangal ang bata sa mababang pasahod. Ddinadaya na ang bata, gobyerno'y nakatanghod? Habang sa child labor, kapitalista'y nalulugod!
End Child Labor, Now!
Wakasan na ang Child Labor, Ngayon Na!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento