Biyernes, Hunyo 3, 2022

Pahayag ng KPML sa World Bicycle Day

PAHAYAG NG KPML SA WORLD BICYCLE DAY
Hunyo 3, 2022

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa paggunita sa World Bicycle Day tuwing ikatlo ng Hunyo taun-taon.

Noong Abril 2018, idineklara ng United Nations General Assembly ang Hunyo 3 bilang World Bicycle Day. Ang resolusyon para sa World Bicycle Day ay kinikilala ang "natatangi, mahabang buhay at kakayahang gamitin ang bisikleta, na ginagamit na sa loob ng dalawang siglo, at ito ay isang simple, abot-kaya, maaasahan, malinis at angkop sa kapaligiran na napapanatiling paraan ng transportasyon."

Sa ating bansa naman, idineklara naman ang ikaapat na Linggo ng Nobyembre ng bawat taon bilang "Pambansang Araw ng Bisikleta" upang isulong ang mga benepisyo sa kapaligiran ng mga bisikleta batay sa pinakahuling proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa Proclamation No. 1052 na nilagdaan niya noong Nobyembre 18, idineklara ni Duterte ang taunang okasyon upang matiyak ang ekolohikal na integridad at malinis at malusog na kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan ng publiko sa mga teknolohiya, sistema, at kasanayan sa kapaligiran.

Para sa KPML, ang paggamit ng bisikleta ay ekonomikal, pampalakas ng katawan, at kinakailangan ng mga maralita at manggagawang patungo sa kanilang trabaho upang makaiwas sa trapiko at makapasok ng tamas a oras. Ayon pa sa pananaliksik, ang benepisyo ng paggamit ng bisikleta ay: nagsusunog ng calories, nagpapataas ng balanse at flexibility, pinagaganda ang cardiovascular fitness, nagpapaganda ng hugis ng katawan, at nagpapabuti ng joint mobility.

Pinaghalawan:
https://www.un.org/en/observances/bicycle-day
https://en.wikipedia.org/wiki/World_Bicycle_Day
https://www.pna.gov.ph/articles/1122381
https://www.umt.edu/transportation/bike/about/benefits/

Walang komento: