PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL DAY FOR THE RIGHT TO THE TRUTH CONCERNING HUMAN RIGHTS VIOLATIONS AND FOR THE DIGNITY OF VICTIMS
Marso 24, 2020
Ginugunita tuwing Marso 24 taun-taon ang International Day for the Right to the Truth Concerning Gross Human Rights Violations and for the Dignity of Victims. Ang taunang paggunitang ito ay bilang pagbibigay-pugay sa alaala ni Monsignor Óscar Arnulfo Romero, na pinatay noong ika-24 ng Marso 1980. Aktibo si Monsignor Romero sa pagtuligsa sa mga paglabag sa karapatang pantao sa El Salvador.
Dito rin sa ating bansa ay maraming naging biktimang inosente ang War on Drugs ng pamahalaan. Ilan sa mga biktima nito ay sina Danica Mae Garcia, 5 taong gulang, Francisco Manosca, 5, at Althea Barbon, 4.
Kaya kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ay nananawagan: Nawa'y magkaroon ng katarungan ang mga inosenteng batang biktima ng walang awang tokhang at War on Drugs. Panagutin lahat ng ngingisi-ngising kriminal! Hustisya sa lahat ng inosenteng biktima!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento