Lunes, Disyembre 19, 2011

Pahayag ng grupong Maso at Panitik sa ika-25 anibersaryo ng KPML

Pahayag ng grupong Maso at Panitik sa ika-25 anibersaryo ng KPML
Disyembre 18, 2011

mula sa http://masoatpanitik.blogspot.com/2011/12/pahayag-sa-ika-25-anibersaryo-ng-kpml.html

Nagpupugay ang sosyalistang grupong pampanitikang Maso at Panitik sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML) ngayong Disyembre 18. Isa itong okasyon ng pagdiriwang at pagninilay sa pakikibaka, tagumpay, kabiguan at pagpapatuloy ng KPML, bilang sosyalistang sentro ng maralita, sa nakaraang dalawampu't limang taon. Isang kasaysayan ng pagpapatuloy sa hanay ng maralitang nakikibaka laban sa lupit ng demolisyon, laban sa kahirapan, laban sa bulok na sistema. Isang kasaysayang dapat magsilbing inspirasyon bagamat patuloy na naghihirap ang maralita, patuloy ang mga demolisyon ng kabahayan sa kalunsuran, patuloy ang pagpapatapon sa maralita sa mga relokasyong malayo sa kanilang trabaho.

Mula nang isilang ang KPML noong Disyembre 18, 1986, patuloy itong nakibaka para makamit ng mga maralita ang kanilang karapatan sa pabahay, hanapbuhay at serbisyong panlipunan. Marami nang lider-maralita ang nagbuwis ng buhay para sa kapakanan ng maralita. Nariyan si Ka Eddie Guazon, ang unang pangulo ng KPML, na namatay habang nakikipagdebate sa loob ng Senado para ipagtanggol ang kapakanan ng maralita laban sa demolisyon. Nariyan ang ipanalo ng KPML ang iba't ibang isyu laban sa demolisyon, tulad ng tagumpay ng mga maralita sa Sitio Mendez.

Nariyan ang pakikibaka laban sa paglaganap ng HIV at AIDS, kampanya laban sa child labor at kontraktwalisasyon, kampanya para sa pabahay at karapatang pantao. Nariyan ang patuloy na pagkilos sa parlyamento ng lansangan upang ipaglaban ang karapatan ng maralita sa paninirahan at iba pang isyung pulitikal, at ipakita ang pakikiisa at pagdamay sa laban ng iba’t ibang aping sektor ng lipunan, tulad ng manggagawa, magsasaka, kabataan at kababaihan. Nariyan ang mga lider-maralita at kasapian nitong nananatiling matatag at hindi tumitigil sa kanilang pakikibaka upang ipalaganap ang sosyalistang adhikain ng organisasyon, buhay man ang ialay. Marami mang sakripisyo ang pinagdaanan ng KPML, nananatili itong matatag sa anumang unos na dumatal sa organisasyon.

Ang KPML bilang sosyalistang organisasyon ng maralita ay dapat magpatuloy at huwag panghinaan, sa gitna man tayo ng delubyo ng globalisasyon, sa ilalim man tayo ng bulok na sistemang kapitalismo, dapat magpatuloy ang mga maralita at higpitan ang pagkakaisa tungo sa pagkakamit ng kanilang bisyon, misyon at layuning nakaukit sa kanilang programa, plataporma at saligang batas hanggang sa tagumpay.

Patuloy tayong makibaka. Patuloy nating hawanin ang landas tungo sa adhikain nating lipunan. Kaya sa okasyong ito, isang pagpupugay para sa mga lider at kasapi ng KPML. Tuloy ang laban tungo sa pagkakamit ng sosyalismo, tungo sa lipunang walang pagsasamantala ng tao sa tao, tungo sa lipunang walang pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon na siyang ugat ng kahirapan.

Mabuhay ang KPML! Mabuhay ang sosyalistang sentro ng maralita!

Linggo, Nobyembre 6, 2011

Kabaliwan ng Sistemang Demolisyon at Kabalintunaan ng Relokasyon

KABALIWAN NG SISTEMANG DEMOLISYON AT KABALINTUNAAN NG RELOKASYON
ni Greg Bituin Jr.

Ilang beses na nating napanood sa telebisyon ang pakikipagbatuhan ng mga maralita sa mga demolition team. Sa Mariana at North Triangle sa QC, sa Laperal Compound sa Makati, sa R10 sa Navotas, at sa marami pang lugar sa kalunsuran. Nagkakabatuhan. Bato na ang naging sandata ng maralita upang ipagtanggol ang kanilang tahanan, upang depensahan ang kanilang karapatan sa paninirahan. Bato, imbes na M16, AK-47 o kalibre 45. Batong pananggalang nila sa kanilang karapatan. Batong pandepensa sa niyuyurakan nilang pagkatao at dignidad. Batong pamukpok sa ulo ng gobyerno para magising ito sa tungkulin nitong bigyan ng maayos na tahanan ang bawat mamamayan, kasama ang maralita.

Mararahas daw ang mga maralita. Dahas daw ang pambabato ng mga ito sa mga nagdedemomolis. Ulol talaga ang mga nagkokomentong iyon. Sila kaya ang tanggalan ng tahanan ng mga maralita kung hindi rin nila ipagtanggol ang kanilang tahanan. Alangan namang di lumaban ang maralita, at sabihan nila ang mga nagdedemolis ng "Sige po, wasakin nyo na po ang bahay namin, sirain nyo na po ang kinabukasan ng aming mga anak, at titira na lang po kami sa kalsada."

Di kasalanan ng maralita kung mambato sila. Sagad na nga sila sa sakripisyo at paghihikahos, tatanggalan pa sila ng bahay. Kahit sino ang tanggalan mo ng tahanan, tiyak na lalaban, tulad ng mga maralitang nakikipagbatuhan. Depensa nila ang mga bato, ekspresyon nila ng galit ang pakikipagbatuhan sa demolition team. Dahil karahasan din ang ginagawa sa kanila - ang karahasang idemolis ang kanilang bahay at kinabukasan.

Bakit kailangang umabot pa sa batuhan?

Una, dahil sa kabaliwan ng sistemang demolisyon. Wala itong pagsasaalang-alang sa buhay at dignidad ng maralita. Ang alam lang ng nagdedemolis ay mapalayas ang maralita at bahala na ang mga ito sa buhay nila, tutal masakit sila sa mata ng mga mayayaman.

Ikalawa, dahil di nagsusuri ang mga matatalino sa gobyerno. Basta nakitang barungbarong ang tahanan ng maralita, ang problema agad nila ay bahay, kaya ang solusyon ay palayasin o kaya naman ay bibigyan ng bahay na malayo sa hanapbuhay ng maralita. Kung magsusuri lang sana ang gobyerno, matatanto nilang nagtitirik ng bahay ang maralita kung saan malapit sa pinagkukunan nila ng ikinabubuhay, malapit sa trabaho, malapit sa pagkukunan ng ilalaman sa tiyan ng pamilya. Umalis sila ng probinsya dahil walang trabaho roon at dito sa lungsod nakahanap ng ikinabubuhay nila.

Ikatlo, dahil hindi kinakausap nang maayos ang mga maralita nang may pagsasaalang-alang sa kanilang buhay at kinabukasan. Ni hindi man lamang inunawa na ang kanilang kailangan ay hindi lang bahay, kundi trabaho at serbisyong panlipunan. Dapat unawain na hindi lang bahay ang problema ng maralita kundi ang kahirapan. Kaya sa bawat usapin ng maralita, dapat tandaang magkasama lagi ang kanilang tatlong mahahalagang usapin - ang pabahay, hanapbuhay at serbisyong panlipunan. Dahil isa lang diyan ang mawala ay problema na sa maralita.

Kabalintunaan din ang relokasyon sa malalayong lugar.

Una, ineengganyo ang mga maralita na magpa-relocate na dahil mas maganda raw ang buhay ng maralita pagdating sa relokasyon. Ngunit kabaligtaran ang nangyayari, mas naghihirap ang maralita sa relokasyon. Patunay dito ang naganap sa relokasyon sa Pandakaqui, Pampanga at sa Calauan, Laguna, na ayon sa ilang saksi ay nagaganap, halimbawa, ang bentahan ng puri kapalit ng kilong bigas.

Ikalawa, bibigyan ng bahay ngunit inilayo sa trabaho. Dahil di nila makain ang bahay, ang tendensiya, marami sa maralita ang nagbebenta ng ibinigay na bahay na malayo sa kanilang trabaho, upang magtirik muli ng bahay at muling maging iskwater sa lugar na malapit sa kanilang trabaho o pinagkukunan ng ikinabubuhay. Dapat maunawaan ninuman, lalo na ng mga taong gobyerno, na kaya nagtayo ng bahay ang maralita sa kinatitirikan nila ngayon ay dahil malapit ito sa kanilang trabaho. Ang ilayo sila sa kanilang trabaho upang i-relocate sa malayo ay talagang nakakagalit at hindi katanggap-tanggap.

Ikatlo, ang ibinigay na bahay ay pababayaran ng mahal sa maralitang katiting na nga lang ang kinikita, ang bahay pa'y batay sa market value at escalating scheme (itinakdang pagtaas ng presyo sa takdang panahon), at hindi batay sa kakayahan ng maralita.

Ikaapat, ang totoong kahulugan ng relokasyon ay dislokasyon. Giniba na ang bahay, pinalayas pa, inilayo pa sa trabaho o pinagkukunan ng ikinabubuhay, kaya tiyak na lalong gutom at kahirapan ang inaabot ng mga maralitang pamilya.

Kaya makatarungan ang panawagan ng maralita na in-city housing dahil malapit sa kanilang trabaho, at onsite development dahil dapat kasama ang maralita sa pag-unlad, hindi lang pag-unlad ng kalsada at mga negosyo. Panawagan ng maralita na imbes na sa market value nakabatay ang halaga ng pabahay, dapat ibatay ito sa kakayahan ng maralitang magbayad. Mungkahi nga'y sampung bahagdan (10%) lamang ng kita isang buwan ng maralita ang dapat ilaan sa pabahay, at hindi batay sa presyong nais ng kapitalista, o market value, dahil nga walang kakayahang magbayad ang maralita, kulang pa sa pagkain ang kanilang kinikita'y pagbabayarin pa sa pabahay. Halimbawa, dalawang libong piso (P2,000.00) ang buwanang kita ng isang mahirap na pamilya, P200 lang ang dapat ibayad nila sa bahay, at hindi dapat maipambayad ang salaping nakalaan na sa edukasyon, pagkain, kuryente, tubig at iba pang bayarin. Hindi dapat batay sa market value ang bahay, dahil karapatan ang pabahay at hindi negosyo.

Kinikilala pa ba ng kasalukuyang lipunan na ang mga maralita’y mga tao ring tulad nila? Kung laging etsapwera ang maralita, nararapat lamang magkaisa sila’t lumaban at tuluyan nang baguhin ang mapang-aping lipunang ito. Dapat magkaisa ang lahat ng maralita bilang iisang uri at lusawin na ang konseptong demolisyon at relokasyon!

Hangga't nagaganap ang batuhan sa demolisyon, hangga't inilalayo ang maralita sa pinagkukunan nila ng ikinabubuhay, masasabi nga nating sadyang baliw ang sistemang demolisyon at sadyang balintuna ang iskemang relokasyon, dahil wala na ito sa katwiran at walang paggalang sa karapatang pantao at dignidad ng maralita. Hangga't may marahas na demolisyon at sapilitang relokasyon, magkakaroon muli ng batuhan bilang depensa ng maralita sa kanilang karapatan sa paninirahan. At marahil hindi lang mga demolition team at mga kalalakihan ang magkakasakitan, masasaktan din ang mga kababaihan at kabataang sapilitang inaagawan ng karapatang mabuhay ng may dignidad.

Sabado, Oktubre 22, 2011

polyeto - Occupy Wall Street, Occupy Ayala - Oktubre 21, 2011

Nilalaman ng polyetong ipinamahagi sa isinagawang pagkilos sa Ayala, Makati, Oktubre 21, 2011.

PAGKAGANID SA TUBO: PAHIRAP SA MASANG PINOY

Nakikiisa kami sa pandaigdigang panawagan laban sa pagkaganid sa tubo at emperyo ng kapitalismo. Itinuturing namin ang "Occupy Wall Street" bilang inspirasyon sa mundong pinaagas ng mga pandaigdigang monopolyong korporasyon.

Doon sa puso ng kaaway - sa pinakamalaking kapitalistang ekonomya ng mundo - sumisigaw, kumikilos ang mga manggagawang Amerikano sa iba't ibang syudad laban sa pinakamalaking agwat ng mayaman at mahirap sa mahabang kasaysayan ng sistemang kapitalismo sa daigdig.

Ang "Occupy Wall Street" ay naghawan ng bagong daan na nagpadaluyong ng protesta sa buong mundo laban sa bulok na sistemang kapitalismo na ugat ng kahirapan ng sangkatauhan. Sa maraming bansa, inokupa ng mga nagpoprotesta ang mga plaza upang ipakita ang kanilang matinding galit sa pagkaganid ng mga korporasyong kapitalista.

Tayong mamamayang Pilipino ay matagal na ring biktima ng pagkaganid sa tubo ng mga kapitalista, kaya nagpoprotesta kami dito sa Philippine stock Exchange na simbolo ng walang hanggang pagkauhaw sa tubo.

Ngunit higit na mahalaga ang nilalaman kaysa porma, lumalahok kami sa pandaigdigang panawagang "Mamamayan muna bago tubo." Kaya, dapat unahin ng gubyerno ang kapakanan ng mamamayan kaysa pagkamal ng tubo ng iilang mayaman na.

Nananawagan kami sa Gubyernong Aquino - sa ngalan ng katarungang panlipunan - na baliktarin ang sumusunod na tunguhin, na pawang salaminan kung paanong ang pagkaganid sa tubo ay nagpapahirap sa mamamayang Pilipino:

1. No to Outsourcing and Contractualization! Humingi ng paumanhin sa publiko ang Pangulo sa pagbabanta niyang kasuhan ang PALEA ng “economic sabotage.” Magdeklara ng polisiya na protektahan ang karapatan sa regular at tiyak na trabaho laban sa abusadong paggamit sa “management prerogative” gaya ng outsourcing at downsizing.

2. No to Oil Deregulation! Repasuhin ang mga polisiya kung paano ibabalik ang pagkontrol sa presyuhan ng langis. Sapat na ang labintatlong taong ebidensya para patunayang kung walang kontrol ang gubyerno, walang depensa ang mamamayan sa napakatakaw na pagkamal ng tubo ng mga kapitalista sa langis.

3. In-city Development! Makatao at sustenableng kondisyon (hindi mataas na presyo para sa mga kapitalista sa real estate) ang dapat na pagsimulan ng anumang usapan at resolusyon sa problema ng maralitang lungsod.

4. No to Privatization! Ang pagbebenta ng gubyerno sa pribado (lokal at dayuhang kapitalista) ng mga batayang serbisyong panlipunan gaya ng kuryente, tubig at kalsada ay nagbunga ng sobrang taas na presyo. Di dapat talikuran ng gubyerno ang tungkulin nito sa mamamayan na maglaan ng sapat na pondo, maalam na tauhan, at episyenteng pangangasiwa para sa serbisyong panlipunan. Itigil ang pribatisasyon; huwag pagkaitan ang mamamayan ng serbisyong panlipunan.

5. No to Liberalization! Di dapat iasa ang ekonomikong pag-unlad sa dayuhang puhunan gaya ng dayuhang monopolyo kapital at produkto ng mga dayuhan. Paunlarin ang ekonomya sa pamamagitan ng industriyalisasyon at modernisasyon ng agrikultura.

6. Climate Justice Now! Ang pagkaganid sa tubo ng kapitalismo ay di lamang nagkakait ng trabaho at sapat na kita sa mamamayan kundi banta o panganib rin ito sa ating kinabukasan. Ang mundo ay para sa lahat. Itaguyod ang sustenable at planadong paggamit ng likas-yaman.

SANLAKAS
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT)
Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)
Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura (AMA)
Partido Lakas ng Masa (PLM)
Kalayaan!
Makabayan Pilipinas
SM-ZOTO

Unified Press Statement - Occupy Ayala mob

UNIFIED PRESS STATEMENT
October 21, 2011

SANLAKAS
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT)
Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)
Samahan ng mga Mamamayan-Zone One Tondo Organization (SM-ZOTO)
Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura (AMA)
Partido Lakas ng Masa (PLM)
KALAYAAN
Makabayan-Pilipinas

Corporate Greed: Wrecking havoc on the Filipino People

Our organizations join the worldwide call against “corporate greed” and the empire of capitalism. We look up to “Occupy Wall Street” (OWS) as a beacon to a world bled dry by global monopoly corporations.

Right at the very heart of the enemy – at the biggest capitalist economy – American workers have spontaneously begun to speak out against the widest rich-poor divide in the history of capitalism; not with their voices but with their feet by occupying selected choke points in several key cities in the US.

OWS is a trailblazer that set a wave of anti-capitalist protests around the world. In various countries, protesters have occupied public spaces to express their sentiment against corporate greed.

Because we are inspired by the resurgence in America, we are staging a protest here at the Philippine Stock Exchange - right before the institution which symbolizes capital’s naked and insatiable drive for profit.

But more important than the form is the substance, we are joining the global call for “People before Profit”. Indeed, government must heed the primacy of people’s welfare over the right to profit by the elite few.

We are calling on the Aquino administration – in the name of social justice – to reverse the following trends, which are all manifestations of how corporate greed is wrecking havoc on the Filipino people:

a) No to Outsourcing! The President must issue a public apology for threatening to sue PALEA with “economic sabotage”. Declare a policy of protecting the right to regular and secure jobs against abusive practices of management prerogative such as outsourcing and downsizing.

b) No to Oil Deregulation! Review policies on how to revert back to a regulated oil market. Thirteen years of deregulation is enough evidence to prove that without state intervention, the public would be defenseless against shameless profiteering by the oil oligarchs.

c) In-city Development! Humane and sustainable conditions (not higher land values for real estate moguls) should be the starting point of any resolution to the urban poor question.

d) No to Privatization! The sale of basic public social services (i.e., electricity, water, roads) to the private sector (local and foreign) has resulted in exorbitant prices. Government should not turn its back on its role to provide its people social goods and services. End privatization schemes; do not deny the people of social services.

e) No to Liberalization! Economic development should not be dependent on foreign investment (i.e., foreign monopoly capital) much less foreign products. Develop the national economy through industrialization and modernization of agriculture.

f) Climate Justice Now! Capitalism’s greed does not only deny jobs and income to the people but also threatens our future. The world is for everyone. Uphold sustainable and planned utilization of natural resources.

Martes, Setyembre 20, 2011

polyeto - Ibasura ang VAT at Oil Deregulation Law

LABANAN ANG KAHIRAPAN!
IBASURA ANG VAT AT OIL DEREGULATION LAW!

Hindi lamang mga tsuper ng mga pampasaherong dyip, taksi at bus ang apektado ng pagtaas ng presyo ng langis. Higit na tinatamaan dito ang mga consumer o ang taumbayan. Sa bawat pagtaas ng presyo ng langis, tataas tiyak ang presyo ng mga pangunahing bilihin, tulad ng bigas, isda, karne, gulay, at iba pa. Alam ito ng mga maralita. Dagdag na naman itong pahirap sa dati nang kalunos-lunos na kalagayan ng mga maralita't manggagawa.

Monopolyado na ng malalaking kumpanya ng langis sa bansa ang pamilihan. Sa bawat pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, itinataas din ng lokal na mga kumpanya ng langis ang presyo. Ngunit pag bumaba naman sa world market ang presyo ng langis, alam nyo bang napakakaunti lang ang ibababa, kung ibababa, ng mga lokal na higanteng kumpanya ng langis ang presyo. Maliwanag ang mga pagsasamantala ng mga kumpanya ng langis upang lalong magkamal ng limpak-limpak na tubo habang isinasakripisyo ang buhay ng karaniwang mamamayan.

Ngunit ang sabi ng pamahalaan, wala raw silang magagawa. Pagkat itinali na raw ang kamay nila ng oil deregulation law. Aba'y huwag silang magpatali doon. May magagawa sila kung talagang nais nilang maglingkod sa samabayanan. May magagawa sila kung totoo ngang ang sambayanan ang Boss ni P-Noy. May magagawa sila kung talagang walang corrupt upang walang maghirap. May magagawa sila kung talagang ang nilalandas nila'y tuwid na daan. Sabi nga, pag gusto, maraming paraan, pag ayaw, maraming dahilan.

Ang dapat nilang gawin, ibasura ang oil deregulation law upang maibalik sa pamahalaan ang pagdikta ng presyo ng langis, at hindi ang merkado ang bahala sa pagtaas at pagbaba ng presyo nito.

Dapat patunayan ng pamahalaang ito na tunay nga silang naglilingkod sa sambayanang Pilipino, at hindi sa mga dambuhalang kumpanya ng langis na patuloy na nagsasamantala sa ating mga kababayan.

Dapat patunayan ng pamahalaan ni P-Noy na may magagawa sila dahil ang tumatahak nga tayo sa tuwid na landas, o marahil kaya ayaw nilang gawin dahil ang nilalandas natin ay tuwid na daan patungong impyerno.

Mamamayan, magkaisa. Labanan ang kahirapan. Labanan ang mga nagpapahirap sa sambayanan. Sama-sama tayong kumilos upang igiit:

1. Panagutin ang mga manlolokong kuimpanya ng langis sa bansa.
2. Agarang i-rolbak ang presyo ng mga produktong petrolyo higit pa sa P9.00 kundi sa makatarungang presyo nito.
3. Ibasura ang Oil Deregulation Law.
4. Alisin ang Value-Added Tax sa Langis at iba pang kalakal na mahalaga sa buhay ng manggagawa at masang Pilipino.

KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MGA MARALITA NG LUNGSOD (KPML)
PAGKAKAISA NG MANGGAGAWA SA TRANSPORTASYON (PMT)
Setyembre 20, 2011

Lunes, Setyembre 12, 2011

Primitibo Komunal sa Lansangan... Nakikita mo ba sila?

PRIMITIBO KOMUNAL SA LANSANGAN…
Nakikita mo ba sila?
Ni: Kokoy Gan

Pagala-gala, sama-samang nanginginain, pangangaso, walang pag-aari at mangmang. Iyan ang depinisyon ng unang tao noon - uncivilized people. Lagi nilang iniisip ang kapakanan ng kanilang tribu at kalikasan. Lahat ng pag-aari ay pag-aari ng lahat at lahat ng produksyon ay pantay pantay na pinaghahatian.

Madalas akong napapadaan sa lugar ng Escolta, sa kahabaan ng Rizal Avenue at Lawton, lagi kong napapansin ang mga taong nakatira sa lansangan o pulubi sa katawagan ng mga mayayaman. Sa tuwing sila ay aking nakikita, sila ay aking pinagmamasdan at pinagtagni-tagni ko ang kanilang mga ginagawa hanggang sa humulma at nabuo sa isip ko: ito ba ang mukha ng lipunang kapitalista? Alam ko na mayroon pang ibang ganito sa ibang lugar sa Pilipinas na kaparehas din nila. Bakit naging baliktad yata ang nangyayari? Kung sino pa ang mga dayuhan at iilang mga mayayaman ay sila pa ang may kontrol at kumakamal ng yaman ng ating bansa. Sila ang nagmamay-ari ng mga empresa, mga malaking lupain at mga pabrika. Kaya nilang mag-impluwensya sa pamamagitan ng kanilang yaman o pera. Kaya rin nilang pondohan at magpanalo ng kandidato kahit maging presidente para hawakan at papaboran ang kanilang gusto at para mapanatili ang kanilang yaman at para maproteksyonan ang kanilang mga interes. Ganito sila kagarapal. Oo, tao sa kapwa tao ang naglalaban. Bakit may iba silang oryentasyon? Ang magpayaman sa kabila ng maraming naghihirap.

Primitibo nga silang tingnan pero may kaibahan sila sa unang mga tao noon. Ang kaibahan noon ay may malalaking mga puno na naging proteksyon sa kalikasan, kanlungan ng mga hayop o pinipitasan ng mga bunga na kanilang makakain. Iyan ay wala na ngayon kasi tinayuan na ng mga malalaking gusali, wala ng lupang masasaka para tugunan ang kanilang pagkain, dahil pag-aari na ng iilan gaya ng mga panginoong may lupa o haciendero. Ang kanilang bahay ay kariton. Dito nila inilalagay ang kanilang mga gamit. Sama-sama silang nanginginain sa paghahalukay sa mga basurahan ng itinapong pagkain ng mga malalaking restaurant, nakatira sa mga condominium at mga sikat na subdivision. Gabi na, kailangan nilang i-safety ang kanilang mga katawan lalo na ang mga bata na kasama nila, tulak tulak ang kanilang kariton, sarado na ang mga establesimyento. Maghahanap sila ng malaking espasyo na kahit umulan man ay hindi sila mababasa. Ilalatag na nila ang mga dalang karton. Habang sila’y natutulog, kailangan may isang gising na magbabantay sa mga kasamahan nila. Baka nakawin ng sindikato ang kanilang mga sanggol na kasama nila ng mga sindikato para ibenta sa mga mayayaman na hindi nagkakaanak. Magliliwanag na, kailangan nilang lisanin ang lugar kase pagagalitan sila ng may-aring negosyante pag sila naabutan sa ginamit nilang lugar. Nabalitaan nila na may tagas ang isang tubo ng NAWASA, sama-sama nilang pupuntahan para labahan ang kanilang mga damit at isasabay ang paligo.

Nakakagigil... bakit may ganito dito sa ating bansa, sila ba ang biktima ng bulok na sistema?! ang sistemang kapital? Kung aking iisipin, iba-iba ang kanilang karanasan, tiyak ang karamihan sa kanila ay nademolis ang mga bahay, natanggal sa trabaho at biktima ng mga malulupit na patakaran na kontra maralita.

Baguhin natin ang sistemang ito! Sosyalismo! Walang mahirap at walang mayaman, walang mapang-aping uri, may pagkalinga ang gobyerno sa kanyang mamamayan, pantay na hatian, pantay na karapatan at libre ang mga serbisyong panlipunan, may sapat na kita at kaaya-aya at libreng pabahay. Kung ito ang sistema natin, tiyak wala tayong makikitang mga nakatira sa lansangan at naghihirap.

Biyernes, Setyembre 2, 2011

Pahayag Laban sa Demolisyon at PPP-PDP ni P-Noy


PRESS STATEMENT
Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod - National Capital Region-Rizal (KPML-NCRR)
Setyembre 2, 2011


LABANAN ANG DEMOLISYON! 
TUTULAN / LABANAN ANG PPP / PDP NI P-NOY!

Sa gitna ng sala-salabat na krisis ng kahirapan, mararahas na demolisyon ang naganap sa 254 Old Balara, Quezon City at sa Tikling, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal. Ito'y sa kabila ng malakas na buhos na ulan at tahasang paglabag sa Republic Act 7279 (UDHA). Kasabwat ang mga pulis sa mga berdugong bayarang demolition team ng Quezon City at Kapitolyo ng Rizal.

Ang mga huling pangyayari ay patunay na si P-Noy ay walang pinag-iba kay Gloria at sa iba pang mga naging pangulo ng Pilipinas na pahirap at kaaway ng maralita.

Pebrero, Marso, Abril, kunwari ay walang demolisyon at ebiksyon ang pahayag ni P-Noy pero higit pa sa demolisyon ang sunud-sunod na panununog sa mga komunidad na tirahan ng mga iskwater sa sariling bayan.

Mayo, pinulbos at patuloy na dudurugin ang mga maralita sa tinaguriang danger zone, na pwersahang itatapon sa mga death zone na relokasyon.

Dalawang buwan (Agosto 27, 2011 hanggang Oktubre 27, 2011) ang taning sa mahigit 3 libong maralitang pamilya sa Sitio San Roque, North Triangle, EDSA, Brgy. Pag-asa, para lubusin ang proyektong QC-CBD na pinagsaluhan ng Ayala at Henry Sy.

Ang nagaganap ay simula ng kabuuang senaryo ng plano ni P-Noy – ang pagpapalayas sa mahigit na 560,000 maralita sa Metro Manila, at iluluwal nito ang pag-aaklas ng maralita laban sa PPP / PDP ni P-Noy.

Tuwid – diretso sa impyerno ang programang PPP (public-private partnership) at PDP (Philippine Development Program) ni P-Noy, pambubusabos sa maralita ang tunay na kahulugan ng "Kayo ang Boss ko! Kayo UBOS ko!"

Kita ito sa mga pahayag ni P-Noy sa mga naganap na pakikipag-usap sa mga maralita mismo sa Malakanyang (Mayo 8, 2011). Sa harapan ng pag-uusap, sabi ni P-Noy na isang "stupid idea" ang moratorium sa demolisyon. Kita ito sa kanyang mga panukalang priority bill sa Kongreso at Senado, ang nakasalang na panukalang DHUD (Department of Housing and Urban Development) at ang pag-amyenda sa UDHA.

Ang una ay para sa pagsasapribado ng serbisyo sa pabahay. Ang kasunod ay ang pagwawakas sa anumang pag-asa ng mga maralita sa pabahay.

Maralita, Magkaisa! Tutulan, Labanan ang PPP / PDP ni P-Noy!

Demolisyon sa Tikling, Kinondena

PRESS RELEASE
Setyembre 1, 2011

DEMOLISYON SA TIKLING, KINONDENA

Tikling, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal - Nabigla ang mga residente sa Tikling sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal sa biglaang demolisyon sa kanilang lugar noong Agosto 31, 2011. Mahigpit na kinondena ng mga residente ang biglaan at marahas na demolisyon na pinangunahan ng DPWH na pawang tauhan ni Engr. Edgardo Peralta, district engineer ng Rizal, kasama ang mga tauhan ng kapitolyo, munisipyo, barangay, SWAT at PNP. Natanggal na ang mga bubong at pader ng mga kabahayan sa lugar na iyon. Walang demolisyon ng sumunod na araw dahil maulan, ngunit nangangamba ang mga residenteng ito'y muling matuloy sa Setyembre 2.

Ayon sa mga residente na kabilang sa bagong tayong Samahang Nagkakaisa ng Tikling (SNT), ilegal ang isinagawang demolisyon dahil: Una, walang aprubadong resolusyon mula sa Local Inter-Agency Committee (LIAC); Ikalawa, walang certificate of compliance (COC); Ikatlo, walang court order; Ikaapat, lokal na ahensya ng gobyerno (DPWH) ang nangunguna sa paggiba ng isang pribadong lugar, na pag-aari ng isang Cecilio Sta. Ana.

Dagdag pa ng mga residente, dapat matigil ang demolisyon hangga't di malinaw ang mga sumusunod: Una, naniniwala silang ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay ay pribadong lupa ayon sa technical description ng titulong nakuha nila na pag-aari ng isang Cecilio Sta. Ana; Ikalawa, wala pang tugon ang Rizal Provincial Government sa kahilingan ng Punong Bayan ng Taytay na magbigay ng certificate of allocation ang kapitolyo para sa allocation sa relocation site; Ikatlo, hindi malinaw at hindi matalakay sa loob ng LIAC ang pagtulong sa mga apektadong pamilya at ang lawak ng lugar na idedemolis; at Ikaapat, walang makatao at disenteng relokasyon na nakalaan para sa mga apektadong pamilya.

Ang lupang kinatitirikan ng kanilang kabahayan ay kasalukuyang pribadong pagmamay-ari ng isang Cecilio Sta. Ana na may Land Registration Authority (LRA) No. Lot 5455-A-Lot 30810, Cad. 688, Cainta-Taytay Cadastre na may kabuuang sukat na five thousand forty six square meters (5,046 sq.m.). Ayon sa Seksyon 28 ng RA 7279 (Urban Development and Housing Act): “Ang ebiksyon at demolisyon na nakagawiang gawin ay hindi na pahihintulutan. Gayunpaman, maaaring pahintulutan ang ebiksyon at demolisyon sa ilalim ng mga sumusunod na sitwasyon: (c) Kapag may utos mula sa korte para sa ebiksyon at demolisyon.” Maliwanag sa batas na hindi dapat paalisin ang mga residente kung walang court order pagkat pribado at hindi pampublikong lupa ang kinatitirikan ng kanilang kabahayan. Tanong nga ng mga residente: Bakit nagkukumahog ang isang Engr. Peralta na isagawa ang demolisyon kahit ito'y labag sa batas? Sadya ngang terorismo ang demolisyon!

Sa 75 pamilyang apektado ng demolisyon, 24 na sa kanila ang natatanggal at ngayon ay nasa basketball court. Ang ilan umano'y dinala na sa Pinugay, sa tulong ng trak ng gobernador at ng mayor ng Taytay. Di pa maliwanag kung ang proyekto ay roadwidening, pag-aayos ng creek, paglilipat ng mga vendor na nakatira doon sa bagong itatayong palengke, atbp. Nagtuturuan umano na iyon ay proyekto ng gobernador, proyekto ng mayor o proyekto ng DPWH, di malinaw sa mga tao. At pinipili lang umano ang bibigyan ng relokasyon. Yung may stall o tindahan ay walang relokasyon. Yung may residente, meron. Ngunit yung mga residente na may tindahan ay wala ring relokasyon.

Payag naman ang mga tao na mapunta sa relokasyon, basta't may maayos na paglilipatan at walang marahas na demolisyon. Karamihan ng mga residente'y mahigit nang tatlumpung taon nang nakatira sa lugar na iyon.

Nagpunta ang ilang residente sa tanggapan ng PCUP (Presidential Commission for the Urban Poor) nitong Setyembre 1, at gumawa ng liham ang PCUP para kay Taytay Mayor Gacula na matigil ang demolisyon hangga't walang kalinawan hinggil dito, at binigyan din ng kopya ang CHR, DPWH, DILG, at iba pang ahensya ng pamahalaang may kinalaman sa isyu ng demolisyon sa Tikling.

Nananawagan ang mga residente sa mga samahang maralita sa iba’t ibang lugar na suportahan ang kanilang laban at sama-samang tutulan ang demolisyon sa kanilang lugar. (KPML News Online)

Biyernes, Agosto 26, 2011

Karapatan sa Edukasyon

KARAPATAN SA EDUKASYON
Inilathala ng programang SPN (Social Protection, Now!)
ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML)

Pambungad

Ang edukasyon ang isa sa mga batayang karapatan ng bawat tao. Kailangan ng edukasyon upang matuto ang tao na bumasa at sumulat, malaman ang kanyang kapaligiran, mapag-aralan ang lipunan, at makipagtalastasan sa iba.

Mahalaga ang edukasyon tulad ng kahalagahan ng pagkain at tahanan, na mga pangunahing sangkap sa buhay. Kung ang pagkain ang kailangan para sa kalusugan at tahanan para sa katawan, ang edukasyon ay kinakailangan para sa isipan. Pinauunlad ng edukasyon ang kaalaman, at ayon nga sa isang kasabihan: ang kaalaman ay kapangyarihan (knowledge is power). Gayunpaman, ang kapangyarihang taglay ng isang tao'y nakasalalay kung paano niya ito ginagamit. Ang edukasyon ang isa sa mahalagang patakaran ng isang estado o pamahalaan na dapat isulong, dahil ang edukasyon ang tanging paraan upang maunawaan ng mamamayan ang kanyang kasaysayan, kalinangan o kultura. Pinag-iisa ng edukasyon ang isang bansa.

BAKIT NATIN KAILANGAN NG EDUKASYON?

Ang katanungang "Bakit kailangan pa ng edukasyon, pwede bang magtrabaho na lang?" ay karaniwang tanong ng mga estudyante. Ngunit para sa mga magulang, pinag-aaral nila at iginagapang sa pag-aaral ang kanilang mga anak dahil nauuwaan nila ang kahalagahan ng edukasyon sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Kaya minsan ay nasasabi ng magulang, lalo na kung mahihirap, sa kanilang mga anak, “Mahirap lang tayo, mga anak. Wala kaming maipapamana sa inyo kundi ang edukasyon, kaya mag-aral kayong mabuti.”

Kaya kinakailangang maunawaan ng bawat isa ang kahalagahan ng edukasyon upang mapukaw ang interes ng mga estudyante sa pag-aaral. Kailangan ang edukasyon para sa pag-unlad ng bawat tao, na mahalaga sa lipunan. Para sa indibidwal at sa bansa, ang edukasyon ang susi sa pagkamalikhain, pagsasagawa at pagpapakalat ng kaalaman, na siyang magreresulta sa pag-unlad ng isang lipunan, bansa o sistema.

Bata pa lang tayo'y pinangangaralan na tayo ng ating mga magulang na pagbutihin ang ating pag-aaral. Mapalad tayo dahil pinapag-aral tayo ng ating mga magulang, ngunit ang ibang kabataan ay hindi mapag-aral dahil sa kakapusan ng salapi kaya pinagtatrabaho sa murang edad upang makatulong sa pamilya.

Kailangang mag-aral mabuti dahil ang isang mahusay na edukasyon ay maaaring humantong sa isang magandang trabaho, at ang isang magandang trabaho ay nag-aalok ng isang mataas na pamantayan ng pamumuhay sa isang tao at sa kanyang pamilya.

Kahit mayaman ka pa, o anak ng isang sikat na pulitiko o artista, kailangan mo pa rin ng edukasyon para magkaroon ka ng kapasidad na magtrabaho nang di nakaasa sa iyong mana o kasikatan.

Masarap man ang tumambay o maglakwatsa na lamang, ngunit nasa huli ang pagsisisi kung kaya naman silang pag-aralin ay di sila nag-aral noon pa.

Pinalalawak ng edukasyon ang ating pananaw sa buhay at nagbibigay ito sa atin ng mahusay na pag-unawa sa iyong kapaligiran at sa mundong ating ginagalawan, at kung paano ba gumagana ang mga bagay-bagay.

Pinaliliit ng edukasyon ang panlipunan at pang-ekonomyang pagkakaiba ng mga tao. At malaki ang nagagawa ng edukasyon sa pagsulong o pag-abante sa bawat larangan, tulad ng agham at teknolohiya na di susulong kung hindi dahil sa edukasyon. Dagdag pa rito, at isa sa mga importante, tumataas ang pagpapahalaga sa sarili ng mga taong nakapag-aral.

May TATLONG OBLIGASYON ang bawat gobyerno hinggil sa karapatan para sa sapat na Edukasyon:
1. To respect - PAGGALANG - dapat respetuhin o igalang ng sinumang estado, gobyerno, o pamahalaan na ang bawat mamamayan ay may karapatan sa edukasyon
2. To protect - PAGPROTEKTA - dapat protektahan ng sinumang estado, gobyerno, o pamahalaan ang karapatan ng bawat isa sa isang malaya at di-mapanupil na edukasyon;
3. To fulfill - PAGGAMPAN - dapat magsagawa ang sinumang estado, gobyerno o pamahalaan ng mga mekanismo upang matiyak na ang karapatan sa edukasyon ay matamasa ng lahat ng mamamayan; pagkat ang illiteracy o kakulangan sa edukasyon ay paglabag sa karapatan ng mamamayan sa edukasyon

ANU-ANO ANG MGA BATAYAN NG ATING KARAPATAN SA EDUKASYON?

Artikulo 26 ng Pangkalahatang Pahayag sa Karapatang Pantao
Article 26 of the Universal Declaration of Human Rights (UDHR)

1. Ang bawat tao'y may karapatan sa edukasyon. Ang edukasyon ay walang bayad o libre, doon man lamang sa elementarya at sa batayang antas. Ang edukasyong pang-elementarya ay obligado o sapilitan. Ang edukasyong teknikal at propesyunal ay dapat gawing kayang maabot ng sinuman at ang mataas na edukasyon ay pantay na maabot ng lahat batay sa merito.
2. Ang edukasyon ay dapat tumungo sa ganap na pag-unlad ng pagkatao at sa pagpapatatag ng paggalang sa karapatang pantao at sa batayang mga karapatan. Itataguyod nito ang pang-unawa, pagpapaubaya at pagkakaibigan sa pagitan ng mga bansa, lahi o relihiyon, at dapat palawakin ang mga gawain ng mga Bansang Nagkakaisa para sa pagpapanatili ng kapayapaan.
3. Ang mga magulang ang may pangunahing karapatang pumili ng klase ng edukasyong ipagkakaloob sa kanilang mga anak.

Artikulo 13 at 14 ng the International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights (ICESCR) o Pandaigdigang Kasunduan sa Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan.

Artikulo 13
1. Kinikilala ng mga Partido ng Estado sa kasalukuyang Kasunduan ang karapatan ng bawat tao sa edukasyon. Sinasang-ayunan nila na ang edukasyon ay dapat patungo sa ganap na pagpapaunlad ng pagpapakatao at ang kahulugan ng kanyang dangal, at ang pagpapatatag ng paggalang sa karapatang pantao at batayang kalayaan. Dagdag pa'y sinasang-ayunan nila na sa pamamagitan ng edukasyon ay inahihimok ang lahat ng tao na epektibong makalok sa malayang lipunan, itaguyod ang pag-uunawaan, pagpapaubaya at pagkakaibigan sa lahat ng bansa at lahat ng lahi, etniko at relihiyosong grupo, at palawakin ang mga gawain ng mga Bansang Nagkakaisa para sa pagpapanatili ng kapayapaan.

2. Kinikilala ng mga Partido ng Estado sa kasalukuyang Kasunduan, nang may pananaw na maisakatuparan ang mga karapatang ito:
(a) Ang edukasyong primarya ay dapat obligado at libre para sa lahat;
(b) Nasa iba’t ibang anyo ang sekundaryong edukasyon, kasama na ang teknikal at bukasyunal na sekundaryong edukasyon, na dapat kayang tamasahin at abutin ng lahat, sa pamamagitan ng mga angkop na pamamaraan, at sa partikular, sa pamamagitan ng progesibong introduksyon sa libreng edukasyon;
(c) Ang mataas na edukasyon ay dapat pantay na maabot ng lahat, sa batayan ng kakayanan, a pamamagitan ng mga angkop na pamamaraan, at sa partikular, sa pamamagitan ng progesibong introduksyon sa libreng edukasyon;
(d) Ang batayang edukasyon ay dapat ihikayat at patindihan hangga’t kakayanin para sa mga taong hindi nakatanggap o hindi nakakumpleto ng buong panahon ng kanilang edukasyong primarya;
(e) Ang pa-unlad ng isang sistema sa mga paaralan sa lahat ng antas na aktibong itaguyod, isang sapat na sistema ng pagsasamahan ay dapat na itatag, na kondisyon ng mga kawani ng pagtuturo ay patuloy na pinauunlad.

3. Isinasagawa ng mga Partido ng Estado sa kasalukuyang Kasunduan upang magkaroon ng respeto sa kalayaan ng magulang, at, kung aplikable, ang mga legal na tagagabay para pumili ng eskwelahan para sa kanilang mga anak, maliban doon sa mga naitatag na ng mga pampublikong awtoridad, na sumasang-ayon sa tulad na minimum na pamantayang edukasyunal na maibababa o maaaprubahan ng Estado at matiyak ang relihiyoso at moral na edukasyon ng kanilang mga anak ayon sa kanilang sariling pagpapasiya.

4. Walang bahagi ng artikulong ito ang bibigyang kahulugan na makakagambala sa kalayaan ng mga indibidwal o lupon na magtatatag ng at magdidirekta sa mga institusyong edukasyunal, na laging tumatalima sa pag-obserba sa mga prinsipyong nakalatag sa talata 1 ng artikulong ito at sa mga rekisitos na ibinibigay ng edukasyon sa nasabing institusyon na umaayon sa nasabing minimum na pamantayan na maaaring ilatag ng Estado.

Artikulo 14
Ang bawat Partido ng Estado sa kasalukuyang Kasunduan na kung saan, sa oras ng pagiging isang Partido, ay hindi tiyak sa kanyang taal na teritoryo (metropolitan territory) o sa iba pang mga teritoryong nasa ilalim ng hurisdiksyon nito ang kompulsaryong batayang edukasyon, nang walang bayad, na gagawin sa loob ng dalawang taon, upang gumana ang at magpatibay ng isang detalyadong plano ng pagkilos para sa isang progresibong pagpapatupad ng maayos na plano, sa loob ng isang makatwirang bilang ng mga taon, ng prinsipyo ng kompulsaryong libreng edukasyon para sa lahat.

Bilang bahagi ng United Nations Literacy Decade (2003-2012), hinikayat ng Commission on Human Rights ang mga kasaping estado:
"(a) Upang ganap na mabigyang bisa sa karapatang sa edukasyon at matiyak na ang karapatang ito ay kinikilala at nagagampanan ng walang anumang klase ng diskriminasyon;
(b) Magsagawa ng naaangkop na pamamaraan upang mapawi ang mga balakid na naglilimita upang epektibong makakuha ng edukasyon, lalo na ng mga kababaihan, kasama na ang mga buntos, mga batang naninirahan sa mga kanayunan, mga batang mula sa grupong minorya, mga batang lumad o katutubo, mga anak ng migrante, mga anak ng refugee, mga batang napalayo sa sariling tahanan, mga batang apektado ng digmaan, mga batang may kapansanan, mga batang may human immunodeficiency virus/acquired immunodeficiency syndrome (HIV/AIDS) at mga batang tinggagalan ng karapatan." (Resolution 2002/23)

Ang edukasyon hinggil sa karapatang pantao ay kaugnay ng karapatan sa edukasyon. Ipinagdiinan sa mga pandaigdigan at pangrehiyong karapatang pantaong nakatala sa iba’t ibang dokumento (deklarasyon, resolusyon, at mga kumbensyon) na ang kaalaman sa karapatang pantao ay dapat inuuna o prayoridad sa mga patakaran sa edukasyon.

Ilan pang mga dokumentong gumagarantiya sa karapatan sa edukasyon:

Article 28, The Convention on the Rights of the Child

1. States Parties recognize the right of the child to education, and with a view to achieving this right progressively and on the basis of equal opportunity, they shall, in particular:
(a) Make primary education compulsory and available free to all;
(b) Encourage the development of different forms of secondary education, including general and vocational education, make them available and accessible to every child, and take appropriate measures such as the introduction of free education and offering financial assistance in case of need;
(c) Make higher education accessible to all on the basis of capacity by every appropriate means;
(d) Make educational and vocational information and guidance available and accessible to all children;
(e) Take measures to encourage regular attendance at schools and the reduction of drop-out rates.
2. States Parties shall take all appropriate measures to ensure that school discipline is administered in a manner consistent with the child's human dignity and in conformity with the present Convention.
3. States Parties shall promote and encourage international cooperation in matters relating to education, in particular with a view to contributing to the elimination of ignorance and illiteracy throughout the world and facilitating access to scientific and technical knowledge and modern teaching methods. In this regard, particular account shall be taken of the needs of developing countries.

Article 29, The Convention on the Rights of the Child

1. States Parties agree that the education of the child shall be directed to:
(a) The development of the child's personality, talents and mental and physical abilities to their fullest potential;
(b) The development of respect for human rights and fundamental freedoms, and for the principles enshrined in the Charter of the United Nations;
(c) The development of respect for the child's parents, his or her own cultural identity, language and values, for the national values of the country in which the child is living, the country from which he or she may originate, and for civilizations different from his or her own;
(d) The preparation of the child for responsible life in a free society, in the spirit of understanding, peace, tolerance, equality of sexes, and friendship among all peoples, ethnic, national and religious groups and persons of indigenous origin;
(e) The development of respect for the natural environment.
2. No part of the present article or article 28 shall be construed so as to interfere with the liberty of individuals and bodies to establish and direct educational institutions, subject always to the observance of the principle set forth in paragraph 1 of the present article and to the requirements that the education given in such institutions shall conform to such minimum standards as may be laid down by the State.

Article 45, The International Convention on the Protection of the Rights of All Migrant Workers and Members of Their Families

1. Members of the families of migrant workers shall, in the State of employment, enjoy equality of treatment with nationals of that State in relation to:
(a) Access to educational institutions and services, subject to the admission requirements and other regulations of the institutions and services concerned;
(b) Access to vocational guidance and training institutions and services, provided that requirements for participation are met;
(c) Access to social and health services, provided that requirements for participation in the respective schemes are met;
(d) Access to and participation in cultural life.
2. States of employment shall pursue a policy, where appropriate in collaboration with the States of origin, aimed at facilitating the integration of children of migrant workers in the local school system, particularly in respect of teaching them the local language.
3. States of employment shall endeavour to facilitate for the children of migrant workers the teaching of their mother tongue and culture and, in this regard, States of origin shall collaborate whenever appropriate.
4. States of employment may provide special schemes of education in the mother tongue of children of migrant workers, if necessary in collaboration with the States of origin.

Article 10, Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women

States Parties shall take all appropriate measures to eliminate discrimination against women in order to ensure to them equal rights with men in the field of education and in particular to ensure, on a basis of equality of men and women:
(a) The same conditions for career and vocational guidance, for access to studies and for the achievement of diplomas in educational establishments of all categories in rural as well as in urban areas; this equality shall be ensured in pre-school, general, technical, professional and higher technical education, as well as in all types of vocational training;
(b) Access to the same curricula, the same examinations, teaching staff with qualifications of the same standard and school premises and equipment of the same quality;
(c) The elimination of any stereotyped concept of the roles of men and women at all levels and in all forms of education by encouraging coeducation and other types of education which will help to achieve this aim and, in particular, by the revision of textbooks and school programmes and the adaptation of teaching methods;
(d) The same opportunities to benefit from scholarships and other study grants;
(e) The same opportunities for access to programmes of continuing education, including adult and functional literacy programmes, particulary those aimed at reducing, at the earliest possible time, any gap in education existing between men and women;
(f) The reduction of female student drop- out rates and the organization of programmes for girls and women who have left school prematurely;
(g) The same Opportunities to participate actively in sports and physical education;
(h) Access to specific educational information to help to ensure the health and well- being of families, including information and advice on family planning.

Article 24, The Convention on the Rights of Persons with Disabilities

1. States Parties recognize the right of persons with disabilities to education. With a view to realizing this right without discrimination and on the basis of equal opportunity, States Parties shall ensure an inclusive education system at all levels and life long learning directed to:
(a) The full development of human potential and sense of dignity and self-worth, and the strengthening of respect for human rights, fundamental freedoms and human diversity;
(b) The development by persons with disabilities of their personality, talents and creativity, as well as their mental and physical abilities, to their fullest potential;
(c) Enabling persons with disabilities to participate effectively in a free society.
2. In realizing this right, States Parties shall ensure that:
(a) Persons with disabilities are not excluded from the general education system on the basis of disability, and that children with disabilities are not excluded from free and compulsory primary education, or from secondary education, on the basis of disability;
(b) Persons with disabilities can access an inclusive, quality and free primary education and secondary education on an equal basis with others in the communities in which they live;
(c) Reasonable accommodation of the individual's requirements is provided;
(d) Persons with disabilities receive the support required, within the general education system, to facilitate their effective education;
(e) Effective individualized support measures are provided in environments that maximize academic and social development, consistent with the goal of full inclusion.
3. States Parties shall enable persons with disabilities to learn life and social development skills to facilitate their full and equal participation in education and as members of the community. To this end, States Parties shall take appropriate measures, including:
(a) Facilitating the learning of Braille, alternative script, augmentative and alternative modes, means and formats of communication and orientation and mobility skills, and facilitating peer support and mentoring;
(b) Facilitating the learning of sign language and the promotion of the linguistic identity of the deaf community;
(c) Ensuring that the education of persons, and in particular children, who are blind, deaf or deafblind, is delivered in the most appropriate languages and modes and means of communication for the individual, and in environments which maximize academic and social development.
4. In order to help ensure the realization of this right, States Parties shall take appropriate measures to employ teachers, including teachers with disabilities, who are qualified in sign language and/or Braille, and to train professionals and staff who work at all levels of education. Such training shall incorporate disability awareness and the use of appropriate augmentative and alternative modes, means and formats of communication, educational techniques and materials to support persons with disabilities.
5. States Parties shall ensure that persons with disabilities are able to access general tertiary education, vocational training, adult education and lifelong learning without discrimination and on an equal basis with others. To this end, States Parties shall ensure that reasonable accommodation is provided to persons with disabilities.

Assessment of fulfilment: The 4As Framework

The fulfilment of the right to education can be assessed using the 4 As framework, which asserts that for education to be a meaningful right it must be available, accessible, acceptable and adaptable. The 4 As framework was developed by the former UN Special Rapporteur on the Right to Education, Katarina Tomasevski, but is not necessarily the standard used in every international human rights instrument and hence not a generic guide to how the right to education is treated under national law.

The 4 As framework proposes that governments, as the prime duty-bearer, has to respect, protect and fulfil the right to education by making education available, accessible, acceptable and adaptable. The framework also places duties on other stakeholders in the education process: the child, which as the privileged subject of the right to education has the duty to comply with compulsory education requirements, the parents as the ‘first educators’, and professional educators, namely teachers.

The 4 As have been further elaborated as follows:

Availability (PAGKAMAYROON) – funded by governments, education is universal, free and compulsory. There should be proper infrastructure and facilities in place with adequate books and materials for students. Buildings should meet both safety and sanitation standards, such as having clean drinking water. Active recruitment, proper training and appropriate retention methods should ensure that enough qualified staff is available at each school.

Accessibility (ABOTKAYA) – all children should have equal access to school services regardless of gender, race, religion, ethnicity or socio-economic status. Efforts should be made to ensure the inclusion of marginalized groups including children of refugees, the homeless or those with disabilities. There should be no forms of segregation or denial of access to any students. This includes ensuring that proper laws are in place against any child labour or exploitation to prevent children from obtaining primary or secondary education. Schools must be within a reasonable distance for children within the community, otherwise transportation should be provided to students, particularly those that might live in rural areas, to ensure ways to school are safe and convenient. Education should be affordable to all, with textbooks, supplies and uniforms provided to students at no additional costs.

Acceptability (PAGTANGGAP) – the quality of education provided should be free of discrimination, relevant and culturally appropriate for all students. Students should not be expected to conform to any specific religious or ideological views. Methods of teaching should be objective and unbiased and material available should reflect a wide array of ideas and beliefs. Health and safety should be emphasized within schools including the elimination of any forms of corporal punishment. Professionalism of staff and teachers should be maintained.

Adaptability (PAG-ANGKOP) – educational programs should be flexible and able to adjust according to societal changes and the needs of the community. Observance of religious or cultural holidays should be respected by schools in order to accommodate students, along with providing adequate care to those students with disabilities.

A number of international NGOs and charities work to realise the right to education using a rights-based approach to development.

Miyerkules, Agosto 17, 2011

Ang DHUD at ang Pag-amyenda sa UDHA

ANG DHUD AT ANG PAG-AMYENDA SA UDHA

Nakasalang ngayon sa Kongreso ang iba't ibang panukalang batas hinggil sa pagtatayo ng Department of Housing and Urban Development o DHUD, habang isa sa prayoridad na panukalang batas ni Pangulong Aquino ang pag-amyenda sa RA 7279 (Urban Development and Housing Act).

Ayon sa talaan ng Committee Information on Housing and Urban Development, na may 55 myembrong kongresista, may 14 na House Bill (HB) at 11 House Resolution (HR) hinggil sa usaping pabahay. Ang ilan dito'y tungkol sa pagtatayo ng DHUD, programang green parks at insentibo sa mga subdibisyon, at iba pa. Sa ating mga maralita, napakahalagang suriin ang mga panukalang batas na ito.

Sa paglikha ng DHUD, nariyan ang HB 384 ni Rep. Gloria Arroyo (Pampanga, D2), ang HB 1157 ni Rep. Rodolfo Biazon (Muntinlupa City, Lone District), at ang HB 2216 ni Rep. Rodolfo Valencia (Oriental Mindoro (D1). Nariyan din ang HB 1231 (Omnibus Housing and Urban Development Act) ni Rep. Winston Castelo (QC, D2); ang HB 4565 (An Act creating a Local Housing Board in every city and first to third class municipality) ni Rep. Edwin Olivares (Parañaque, D1); ang HB 4578 (An act prescribing the mechanisms to facilitate the disposition of government-owned lands for socialized housing) ni Rep. Joseph Gilbert Violago (Nueva Ecija, D2); at ang HB 4656 (An Act instituting reforms in the government's drive against professional squatters and squatting syndicates) ni Rep. Amado Bagatsing (Manila, D5). Sa resolusyon naman ng Kongreso, nariyan ang HR 57 (A Resolution in Aid of Legislation to resolve the issue regarding alleged Smokey Mountain Project Scam), at marami pang iba.

Noong Pebrero, sa ulat ng Pangulo sa LEDAC (Legislative-Executive Development Advisory Council), nangunguna sa talaan ng 23 priority bills ang paglikha sa DHUD. Sa ulat ng pangulo ngayong Agosto sa LEDAC, isa sa 13 priority bills ang panukalang Twenty Percent Balanced Housing Law o ang pag-amyenda sa Lina Law o sa Urban Development Housing Act of 1992 (amendments to the Urban Housing and Development Act of 1992 mandating socialized housing equivalent to at least 20% of the total condominium/subdivision area or project cost - BusinessWorld, Aug. 15, 2011).

Nagpoprotesta naman ang mga kawani ng National Housing Authority (NHA) laban sa paglikha ng DHUD, dahil tiyak na mawawalan sila ng trabaho. Para sa kanila, ito'y paraan ng streamlining upang makatipid ang gobyerno. Apektado ang mga kawani ng gobyerno, ngunit paano ang maralita? Kaya sila nagpoprotesta ay dahil sa mawawalan sila ng trabaho, at hindi pa dahil "mahal" talaga nila ang maralita, at hindi na nila "matutulungan" ang mga maralita sa problema ng mga ito sa pabahay.

Kaya nahaharap sa dalawang panukalang batas ang maralita. Ang nakasalang na paglikha ng DHUD, at ang panukalang pag-amyenda sa UDHA. Kung hindi kikilos ang maralita, baka makalusot ang mga panukalang batas na ito at maging ganap na batas na ginawa ng mga mayayamang kongresista nang walang partisipasyon ang mismong mga maralita.

Tayo sa Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML) ay dapat ganap na sumubaybay sa panukalang batas na ito at igiit nating maging bahagi tayo ng deliberasyon nito sa Kongreso. Upang kung may makita tayong probisyon sa panukalang batas na ikatatagilid ng maralita, ay agad nating maipoprotesta ito.

Gayunpaman, di tayo dapat umasa na ang mga panukalang batas na ito ay maging pabor sa maralita, pagkat ang komposisyon ng mga mambabatas sa Kongreso ay pawang mayayaman, may negosyong real estate developer, at marahil ay mas pumapabor sa pagsasapribado ng pabahay, imbes na ito'y pangmasa. Tulad na lang ng nangyaring batas na RA 9507, o Socialized and Low-Cost Housing Loan Condonation and Restructuring Program Act of 2008.

Dapat nating pakasuriin at araling maigi ang mga panukalang batas na ito, bigyan ng kritik na ipapasa natin sa mga kongresista, at kung kinakailangan ay aktibo tayong lumahok sa deliberasyon nito sa Kongreso.

Dapat tayong magkaisang manindigan sa mga panukalang batas na tiyak na makakaapekto sa karapatan sa pabahay at kinabukasan ng maralita sa hinaharap.

Linggo, Hulyo 31, 2011

Saligang Batas ng KPML - 2011

SALIGANG BATAS NG KPML

PREAMBULO

Kami, ang mga maralita ng lunsod, may antas ng kamalayang pampulitika at kamulatan sa uri, batid ang aping kalagayan ng kawalan ng disente, maayos, ligtas at tiyak na paninirahan, dumaranas ng matinding kahirapan ng pamumuhay at karahasan dulot ng maling sistemang umiiral na itinataguyod ng naghaharing uri pangunahin na ang globalisasyon; dulot nito’y malaganap na kaapihan, kawalan ng katarungang panlipunan, pampulitika at pang-ekonomyang kapangyarihan; mababang pagtingin sa mga kababaihan; mithiin ang pagbabago ng lipunan; nagnanais ng isang sosyalistang kaayusan na may katarungan, pagkakapantay-pantay, may kaunlaran, at may dignidad na pamumuhay para sa lahat; may pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran; nananalig at may tiwala sa masa at sa kapangyarihan ng mayoryang bilang ng mamamayan, ay nagbibigkis sa ganitong mga adhikain at mga simulain, na nagtatadhana at nagpapahayag ng Saligang Batas at Alituntunin.

ARTIKULO I
PANGALAN, TANGGAPAN AT PAGKAKAKILANLAN

Seksyon 1. Ang organisasyong ito ay KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MARALITANG LUNGSOD o KPML.

Seksyon 2. Ang sentrong tanggapan ng KPML ay itatayo sa loob ng Kalakhang Maynila, o sa lugar na pinagpasyahan ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 3. Ang KPML ay makikilala sa mga sumusunod:
a. Bandilang kulay pula na dalawang yarda ang haba at isang yarda ang lapad.
b. Nakalarawan sa bandila ang dalawang mukha at nakasulat sa ibaba nito ang mga titik na KPML sa kulay dilaw na may sukat na apat na talampakan ang haba at dalawang talampakan ang taas.

Seksyon 4. Ang opisyal na selyo ng KPML ay bilog na bakal na may diyametrong apat na sentimetro (4 cm.) kung saan nakaukit paikot ang mga katagang KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MGA MARALITA NG LUNSOD, at sa gitna ay nakasulat ang KPML at Disyembre 18, 1986.

ARTIKULO II
PAHAYAG NG MGA PRINSIPYO

Seksyon 1. Ang KPML ay naniniwala na ang lahat ng kapangyarihang pang-organisasyon ay nagmumula sa kasapian.

Seksyon 2. Naniniwala ang KPML sa lakas at kapangyarihan sa iba’t ibang kakayahan at kaalaman ng sambayanan na paunlarin at baguhin ang lipunan.

Seksyon 3. Ang pakikipaglaban sa mga problema’t kahilingan at mga demokratikong karapatan ay pangunahing tungkulin ng mga organisasyon at mga kasapian ng KPML. Ang kasapian ay maaaring atasan ng organisasyon sa pamamagitan ng kanyang Saligang Batas at mga alituntunin na magkaloob ng personal na serbisyo at suporta sa mga nakatakdang gawain at mga pangangailangan.

Seksyon 4. Bilang sosyalistang organisasyon, itinatakwil ng KPML ang pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon, dahil ito ang pinag-uugatan ng malaganap na kaapihan, kahirapan at pagsasamantala ng tao sa kapwa tao.

Seksyon 5. Kinikilala ng KPML ang malaki at napakahalagang tungkulin ng kabataan at ng mga kababaihan sa pagbubuo ng mga organisasyon sa mga komunidad na magtataguyod ng kanilang kabutihang kaisipan, tungo sa pagbabago ng kasalukuyang bulok na sistema ng lipunan.

Seksyon 6. Naniniwala ang KPML na ang mga kababaihan ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagbabago at pag-unlad ng buong lipunan at dapat na magtamasa ng pantay na mga karapatan at dapat kilalanin ng lipunan.

Seksyon 7. Kinikilala rin ng KPML ang kahalagahan at pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran dahil walang saysay anuman ang mga pagsisikap sa kaunlaran kung patuloy na winawasak ng tao at ng sistema ang likas na yaman at kalikasan.

Seksyon 8. Naniniwala ang KPML na maaaring baguhin at lumaya ang mamamayan sa kahirapan at kawalang katarungan kung ganap na maitatayo ang isang sosyalistang lipunan at paglikha ng yaman na aariin ng lahat sa halip na iilan lamang at magkaroon ng tunay na kasaganaan para sa lahat ng mamamayan.

Seksyon 9. Naniniwala ang KPML na ang isang sosyalistang kaayusan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng mahigpit na pagkakaisa, sama-sama at tuloy-tuloy na pagkilos ng mga maralita ng lunsod, ng mga manggagawa, at ng buong sambayanan.

Seksyon 10. Naniniwala ang KPML na ang globalisasyon ang bagong anyo ng pananakop at pang-aalipin ng mga mayayaman at maunlad na bansa sa mga bansang mahihirap at magdudulot ng patuloy at higit pang kahirapan ng mga maralita ng lunsod, ng manggagawa, at ng buong sambayanan.

ARTIKULO III
KATANGIAN NG ORGANISASYON

Seksyon 1. Ang KPML ay isang kumpederasyon na binubuo ng iba’t ibang mga samahan sa komunidad na nagbibigkis sa pormasyon ng mga lokal na samahan, balangay, pederasyon, asosasyon at alyansa na matatagpuan sa iba’t ibang pamayanan at erya ng Pambansang Punong Rehiyon-Rizal, Timog Katagalugan, Bulacan, Panay-Guimaras, Negros, Cebu, at ng mga indibidwal sa mga sentrong pamayanan at kalunsuran ng iba pang rehiyon na maitatayo ang KPML.

Seksyon 2. Ang KPML ang sentrong pampulitika at pang-ekonomyang organisasyon ng mga maralita na may pangunahing tungkuling isulong at ipaglaban ang mga demokratiko't lehitimong karapatan at mga kahilingan ng mga maralita ng lunsod.

Seksyon 3. Sa panahon ng halalan, ang KPML ay lalahok at tatayong makinarya sa eleksyon bilang pagkilala sa gawaing parlyamentaryo, malayang magpasya sa susuportahang partido, mga kandidato sa lokal at nasyunal sa pamamagitan ng mga patakarang gagabay at kaukulang makinaryang itatayo.

ARTIKULO IV
KASAPIAN

Seksyon 1. Ang regular na kasapi ng KPML ay ang mga maralita ng lunsod na natitipon sa iisang organisasyon sa mga komunidad ng Pambansang Punong Rehiyon-Rizal, Timog-Katagalugan, Bulacan, Panay-Guimaras, Negros, Cebu, at sa mga sentrong pamayanan at kalunsuran ng iba pang rehiyon ng bansa.

Seksyon 2. Ang mga rekisitos sa pagsapi ay ang mga sumusunod:
a. Organisasyonal at direktang pagsapi sa KPML na ang indibidwal na kasapian ay hindi bababa sa dalawampung katao at higit pa.
b. Aktibong kumikilos para isulong ang mga usapin ng komunidad at mga karapatan ng mga mamamayan.
c. May resolusyon sa pagsapi, kasama ang organizational at community profiles.
d. Mga indibidwal na nakikiisa sa mga layunin, simulain, gawain, prinsipyo, at mga programa ng pagkilos ng KPML.
e. Handang sumunod sa Saligang Batas, Alituntunin, Pangkalahatang Programa, Pagkilos, mga Pinagtibay na Patakaran, Resolusyon, mga Atas (memorandum), at mga Panawagan ng KPML.
f. Ang mga indibidwal at mga pandangal ay maaaring sumapi sa KPML kung inirekomenda ng tatlong tao na kasapi ng KPML na lubos na nakakakilala sa indibidwal o pandangal na sasapi. Handa itong magbigay ng panahon sa KPML, suportang material, pinansya, handang umako ng gawain at tungkulin, at magbahagi ng kaalaman at talino sa organisasyon.
g. Sa panahon ng halalan ng KPML, ang mga indibidwal ay maaaring lumahok at kumatawan sa 20 indibidwal na kasapi, na dumaan sa proseso bilang grupo at inihalal.

Seksyon 3. Ang lahat ng sasaping organisasyon at mga kasapian nito, mga pandangal na kasapi, at mga indibidwal na kasapi, ay dapat na tapos at naunawaan ang Oryentasyon ng KPML, Saligang Batas, Alituntunin, Bisyon, Misyon, at Hangarin ng KPML.

ARTIKULO V
KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA KASAPI

Seksyon 1. Ang mga karapatan ng mga kasapi ng KPML ay ang mga sumusunod:
a. Organisasyonal na kasapi: Maghalal at mahalal sa alinmang posisyon alindunod sa mga patakaran hinggil sa pagboto at kwalipikasyon ng mga kandidato; pumaloob sa anumang komite sa sentro, balangay, pederasyon at lokal na organisasyon.
b. Organisasyonal, indibidwal, at mga pandangal na kasapi; malayang makipagtalakayan sa mga kapulungan ukol sa anumang usapin.
c. Magpaabot ng anumang mungkahi, puna, reklamo, o rekomendasyon sa mga kinauukulang komite.
d. Mapaabutan ng anumang kopya ng mga ulat, kalatas, pahayagang Taliba ng Maralita, pahayag at iba pang mga lathalain ng organisasyon.
e. Makatarungang paglilitis kung nahahabla sa anumang kaso ng paglabag sa disiplina, Saligang Batas, Alituntunin at Patakaran ng organisasyon.
f. Magbitiw bilang kasapi ng KPML sa pamamagitan ng pormal na pagsusumite ng liham at pakikipag-usap sa kinauukulang opisyal, komite o tauhan ng KPML.
g. Magtamasa ng iba pang mga pribilehiyo na maaaring ipagkaloob ng KPML.

Seksyon 2. Ang mga tungkulin ng mga kasapi ng KPML ay ang mga sumusunod:
a. Tumalima sa Saligang Batas, Alituntunin, Pinagtibay na mga Patakaran, at mga panawagan ng sentrong organisasyon.
b. Buong sigasig na tumupad sa mga atas na gawain at desisyon ng organisasyon na humihingi ng kagyat at mahigpit na pagkakaisa.
c. Aktibong dumalo sa lahat ng pulong at masiglang lumahok sa mga talakayan, pag-aaral at mga pagsasanay, o sa anumang panawagan at pagkilos ng organisasyon.
d. Tumulong sa pagpapalawak at pagpapatatag ng organisasyon at masigasig na nagpapalaganap ng layunin, simulain, bisyon, misyon at hangarin ng KPML.
e. Magbayad ng buwanang butaw, bayad sa pagsapi, at kontribusyon na hinihingi ng organisasyon na pana-panahon na gagamitin sa mga aktibidad ng KPML.
f. Maagap na mag-ulat hinggil sa kalagayan ng lokal na organisasyon, kalagayan ng komunidad, at mga gawain na iniatas ng sentrong organisasyon.
g. Pangalagaan ang integridad at moralidad ng organisasyon, mga lider at mga kasapian.
h. Mag-ambag ng mga kaalaman hinggil sa iba’t ibang larangan ng gawain para sa ikalalakas ng pamumuno ng KPML, sa pagsusulong ng kagalingan ng maralita.

ARTIKULO VI
PAMBANSANG KONGRESO

Seksyon 1. Ang Pambansang Kongreso ang pinakamataas na kapulungan ng KPML. Binubuo ito ng mga delegado mula sa rehiyon (balangay, pederasyon), Pambansang Konseho ng mga Lider, at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 2. Idaraos ang Pambansang Kongreso isang beses tuwing ikatlong taon, at ang ispesyal na Kongreso ay maaaring ipatawag sa kahilingan ng simpleng mayorya (50%+1) ng Pambansang Konseho ng mga Lider.

Seksyon 3. Ang kapangyarihan ng Pambansang Kongreso ay ang mga sumusunod:
a. Magpatibay ng Saligang Batas, Alituntunin, mga Resolusyon at Programa ng Pagkilos.
b. Maghalal ng Pambansang Pamunuan.
c. Magpawalang-bisa ng mga programa ng pagkilos, o anumang kapasyahan ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

ARTIKULO VII
PAMBANSANG KONSEHO NG MGA LIDER

Seksyon 1. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider ang ikalawang pinakamataas na kapulungan habang hindi nagaganap ang Pambansang Kongreso.

Seksyon 2. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider ay binubuo ng mga kagawad ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap, mga kinatawan mula sa iba’t ibang rehiyon, probinsya, lunsod o munisipalidad at pinuno ng pambansang komite sa pag-oorganisa, kampanya, propaganda, edukasyon at pinansya, at kinatawan mula sa kabataan. Ang bilang ng konseho ay maaaring madagdagan sa panahon na maitayo ang mga balangay sa iba’t ibang rehiyon at komite sa antas-pambansa.

Seksyon 3. Ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang rehiyon, probinsya, lunsod o munisipalidad ay itinakda o inihalal ng kanilang mga tsapter sa eryang pinanggalingan.

Seksyon 4. Ang mga kapangyarihan at tungkulin ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay ang mga sumusunod:
a. Magbuo o kaya’y magpawalang-bisa ng mga pangkalahatang patakaran, resolusyon, programa ng pagkilos, ayon sa isinasaad ng Saligang Batas.
b. Magbalangkas ng mga gabay na makakatulong sa pagpapatupad ng mga plano at gawain, magpasya sa mga samutsaring usapin na may kinalaman sa organisasyon at kapakanan ng buong kasapian.
c. Punuan ang bakanteng posisyon ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap at Pambansang Konseho ng mga Lider.
d. Magtakda ng bilang ng mga delegado, petsa at aktwal na Pambansang Kongreso.
e. Ang mga kagawad ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay manunungkulan ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang hahalili sa kanila.

ARTIKULO VIII
PAMBANSANG LUPONG TAGAPAGPAGANAP

Seksyon 1. Ang Pambansang Lupong Tagapagpaganap ay binubuo ng Pambansang Tagapangulo, Ikalawang Tagapangulo Panloob, Ikalawang Tagapangulo Panlabas, Pangkalahatang Kalihim, Ikalawang Pangkalahatang Kalihim, Ingat-Yaman, at Tagasuri.

Seksyon 2. Ang kapangyarihan at tungkulin ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap ay ang mga sumusunod:
a. Tiyakin na naipatutupad ang kabuuang programa ng pagkilos at iba pang patakaran ng Pambansang Konseho ng mga Lider.
b. Pangasiwaan at subaybayan ang lahat ng mga pagkilos, plano’t mga gawain at mga proyekto ng organisasyon.
c. Mag-atas at magbuo ng mga kinakailangang komite at istraktura na makakatulong sa pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng gawain.
d. Gabayan at mahigpit na subaybayan ang mga pagkilos ng mga rehiyon.
e. Magbalangkas ng mga patakaran sa editoryal na pahayagan ng organisasyon at pagtitiyak ng regular na paglalabas nito.
f. Regular na mag-ulat sa pulong ng Pambansang Konseho ng mga Lider.
g. Gumampan ng iba pang gawain na iniatas ng Pambansang Kongreso at ng Pambansang Konseho ng mga Lider
h. Ang mga kagawad ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap ay manunungkulan ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang hahalili sa kanila.

ARTIKULO IX
PANGREHIYONG KONSEHO NG MGA LIDER

Seksyon 1. Ang Pangrehiyong Konseho ng mga Lider ay binubuo ng Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap at mga kinatawan mula sa iba't ibang lalawigan, lunsod at munisipalidad at mga pinuno ng mga pangrehiyong komite sa pag-oorganisa, kampanya, edukasyon at pinansya.

Seksyon 2. Ang mga kinatawan ng iba't ibang rehiyon, lalawigan, lunsod at munisipalidad ay itinakda o inihalal ng mga balangay sa kanilang mga eryang pinanggalingan.

Seksyon 3. Ang mga kapangyarihan at tungkulin ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider ay ang mga sumusunod:
a. Maghain ng mga pangrehiyong resolusyon, programa ng pagkilos sa Pambansang Konseho ng mga Lider, batay sa isinasaad sa Artikulo VII, Seksyon 4-a ng Saligang Batas na ito.
b. Magbalangkas ng mga gabay na makakatulong sa pagpapatupad ng mga plano at gawain, magpasya sa mga samu't saring usapin na may kinalaman sa pangrehiyongorganisasyon at kapakanan ng buong kasapian.
c. Punuan ang bakanteng posisyon ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider at Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap
d. Magtakda ng bilang ng mga delegado, petsa at aktwal na Pangrehiyong Kongreso.
e. Ang mga kagawad ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider ay manunungkulan ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang hahalili sa kanila.

ARTIKULO X
PANGREHIYONG LUPONG TAGAPAGPAGANAP

Seksyon 1. Ang Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap ay binubuo ng Pangrehiyong Tagapangulo, Ikalawang Tagapangulo Panloob, Ikalawang Tagapangulo Panlabas, Pangkalahatang Kalihim, Ikalawang Pangkalahatang Kalihim, Ingat-Yaman, Tagasuri, Pinunong Tagapag-ugnay at Pinunong Tagapamayapa.

Seksyon 2. Ang kapangyarihan at tungkulin ng Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap ay ang mga sumusunod:
a. Tiyakin na naipatutupad ang kabuuang programa ng pagkilos at iba pang patakaran ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider.
b. Pangasiwaan at subaybayan ang lahat ng mga pagkilos, plano't mga gawain at mga proyekto ng organisasyon.
c. Mag-atas at magbuo ng mga kinakailangang komite at istraktura na makakatulong sa pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng mga gawain.
d. Gabayan at mahigpit na subaybayan ang mga pagkilos ng mga rehiyon.
e. Magbalangkas ng mga patakaran sa editoryal na pahayagan ng organisasyon at pagtitiyak ng regular na paglalabas nito.
f. Regular na mag-ulat sa pulong ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider.
g. Gumampan ng iba pang gawain na iniatas ng Pangrehiyong Konseho ng mga Lider.
h. Ang mga kagawad ng Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap ay manunungkulan ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang mga hahalili sa kanila.

ARTIKULO XI
PULONG

Seksyon 1. Pambansang Konseho ng mga Lider
a. Magpupulong ang Pambansang Konseho ng mga Lider tuwing ikalawang Sabado ng ikatlong buwan. Maaaring ipatawag ang ispesyal na pulong ayon sa pangangailangan.

Seksyon 2. Pambansang Lupong Tagapagpaganap
a. Magpupulong ang Pambansang Lupong Tagapagpaganap tuwing huling Lunes ng bawat buwan. Maaaring ipatawag ang ispesyal na pulong ayon sa pangangailangan.

Seksyon 3. Mga Pangrehiyong Konseho ng mga Lider
a. Magpupulong ang mga Pangrehiyong Konseho ng mga Lider tuwing ikalawang Sabado ng ikatlong buwan. Maaaring ipatawag ang ispesyal na pulong ayon sa pangangailangan.

Seksyon 4. Mga Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap
a. Magpupulong ang mga Pangrehiyong Lupong Tagapagpaganap tuwing huling Lunes ng bawat buwan. Maaaring ipatawag ang ispesyal na pulong ayon sa pangangailangan.

ARTIKULO XII
SUSOG

Seksyon 1. Ang Saligang Batas at Alituntunin ay maaaring susugan sa kapasyahan ng simpleng mayorya (50% + 1) ng Pambansang Konseho ng mga Lider.

Seksyon 2. Ang mga panukalang susog ay dapat ipaabot sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap o sa Preparatory Committee nito tatlumpung (30) araw bago dumating ang aktwal na Kongreso.

Seksyon 3. Ang sinumang kagawad ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganao na binubuo ng tatlong (3) tao, kasama ang program administrator ng KPML, ay maaaring humirang ng mga indibidwal na magiging kagawad ng NCL at NEC ayon sa kalagayan, gaya ng mga sumusunod:
a. Umaabot na sa 1/3 ng mga kagawad ng isang kapulungan ang lumiban, nagbitiw sa katungkulan o hindi na makatupad ng gawain;
b. Umiiral ang gipit na kalagayan at hindi na makapagdaos ng pulong, halalan o hindi makairal ang mga regular na gawain ayon sa isinasaad ng Saligang Batas at Alituntunin.

ARTIKULO XIII
PAGPAPATIBAY

Seksyon 1. Ang Saligang Batas na ito kaakibat ang Alituntunin nito ay sinusugan at pinagtibay ng mahigit 2/3 ng mga delegadong dumalo sa Ikaapat na Pambansang Kongreso ng KPML, na isinagawa sa KKFI Covered Court, P. Paredes St., Sampaloc, Manila, ngayong ika-16 ng Hulyo, 2011.

Sabado, Hulyo 30, 2011

Alituntunin ng KPML - 2011

ALITUNTUNIN NG KPML
(KPML BY-LAWS)

PAGKAKASAPI

Seksyon 1. Ang regular na kasaping organisasyon ay ang mga lokal na samahang maralita, mga indibidwal at mga pandangal.

Seksyon 2. Ang Pambansang Lupong Tagapagpaganap at mga lupong tagapagpaganap ng mga balangay sa iba't ibang syudad, probinsya, o rehiyon ay hihirang ng komite sa pagsapi na hindi bababa sa tatlong katao na siyang magsusuri at magpapasya sa mga bagong kasapi.
a. Ang mga lokal na samahang sasapi ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsapi.
b. Ang mga bagong kasaping LOs, indibidwal o pandangal ay kailangang umabot sa opisyal na kaalaman at pambansang pagsang-ayon ng pambansang pamunuan.

Seksyon 3. Ang mga pandangal na kasapi ng organisasyon ay mga indibidwal na may ispesyal na kasanayan, tulad ng doktor, inhinyero, abogado, guro, mga kinatawan ng simbahan, at iba pang propesyunal na handang mag-ambag ng kanilang talento at panahon, at handang maglingkod sa mga maralita ng lunsod.

Seksyon 4. Mga indibidwal na nakikiisa sa mga layunin, simulain, prinsipyo, mga gawain at mga programa ng pagkilos ng KPML.

Seksyon 5. Ang mga indibidwal at pandangal na mga kasapi ay tatanggapin kung ang mga ito'y may sulat rekomendasyon ng tatlong kasapi ng KPML na lubos na nakakakilala sa sasapi at magsumite ng liham-mungkahi sa komite ng pagsapi na naglilinaw ng dahilan ng rekomendasyon.

Seksyon 6. Ang mga indibidwal at pandangal na kasapi ay maaaring lumahok sa mga deliberasyon ng mga usapin, magbigay ng opinyon o mungkahi, subalit hindi maaaring bumoto o mahalal sa anumang posisyon sa pamunuan, maliban kung ang mga ito ay magsasama-sama o magtitipon bilang grupo ng mga indibidwal na di bababa sa 20 katao o higit pa at magtatalaga ng kanilang mga kinatawan.

Seksyon 7. Ang mga balangay ay binubuo ng mga lokal na organisasyon na may kasaping 20 katao pataas at mga indibidwal na kasapi.

Seksyon 8. Ang mga balangay na may kasaping tatlong organisasyon pataas ay maaaring itayo sa erya o pamayanan na may malaking konsentrasyon ng mga maralita sa mga syudad, munisipalidad ng mga probinsya sa iba't ibang rehiyon.

Seksyon 9. Ang mga balangay ay itatayo sa pamamagitan ng pagbubuo ng organizing committee na binubuo ng mga indibidwal mula sa iba't ibang samahan sa erya, pamayanan, mga purok, at sityo na siyang paggaganapan at magtitiyak ng mahusay na koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na organisasyon, hanggang sa ganap na maitayo ang balangay.

Seksyon 10. Pangangasiwaan at pamumunuan ng mga balangay ang mga partikular na isyu't pakikibakang pangkomunidad sa partikular na saklaw ng balangay, at mamahala sa mga usaping may kinalaman at natatangi sa lugar na saklaw.

Seksyon 11. Ang mga maitatayong balangay ay kailangang agarang maipaabot sa kaalaman ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap, kalakip ang kabuuang impormasyon para sa opisyal na akreditasyon ng balangay.

Seksyon 12. Ang mga balangay ay malayang magpatikularisa ng mga gawain na nakabatay sa pangkalahatang plano't programa ng pagkilos mula sa sentrong pambansang organisasyon upang mapalakas at mapaunlad ang inisyatiba at dinamismo ng mga balangay, pederasyon, lokal na samahan at mga kasaping indibidwal para makaangkop sa pamamaraan sa pagtupad ng mga balak at mga gawain ng KPML.

Seksyon 13. Tinitiyak ng mga balangay sa lahat ng kasapi nitong samahan, pederasyon o mga alyansa na napapatupad ang mga plano ng gawain, pagkilos, mga panawagan, at kapasyahan ng buong organisasyon at tumalima sa mga atas ng mga namumunong kapulungan ng KPML, at tinitiyak din na napapanatiling aktibo ang mga kasaping organisasyon.

Seksyon 14. Tatlong taong singkad ang termino ng pamumuno ng mga pinuno ng mga balangay simula sa araw ng kanilang pagkahalal hangga't wala silang kahalili, na hangga't maaari'y di lalagpas ng tatlong buwan.

Seksyon 15. Ang mga sasaping organisasyon ay magbabayad ng organizational membership fee na halagang isandaang piso (P100.00) minsan lamang at tatlong piso (P3.00) isang buwan bawat indibidwal na kasapi bilang butaw na lilikumin ng regular ng responsableng lupon.

BUTAW

Seksyon 16. Ang organization membership fee ay isesentro sa Pambansang Tanggapan ng KPML.

Seksyon 17. Ang buwanang butaw na tatlong piso (P3.00) ay babahagiin sa tatlong bahagdan - piso (P1.00) sa balangay, piso (P1.00) sa rehiyon, at piso (P1.00) sa nasyunal.

Seksyon 18. Mahigpit na ipinatutupad ang bayarin ng organizational membership fee at buwanang butaw na itinakda. Ang di pagtupad nito ay itinuturing na isang paglabag sa mga alituntunin at patakaran. Alinmang kasaping organisasyon o mga indibidwal na di tumutupad ay lalapatan ng karampatang disiplina.

Seksyon 19. Ang mga ispesyal na halaga ay maaaring isagawa anumang oras ng 2/3 na boto ng mga dumalo sa pulong ng Pambansang Konseho ng mga Lider o ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 20. Ang mga kapanalig at pandangal na kasapi ay di kasama sa pagbabayad ng buwanang butaw, ngunit tatamasahin lahat ng pribilehiyo bilang kasapi maliban sa pagboto at paghawak ng posisyon sa organisasyon hanggang kasapi lamang.

ELEKSYON

Seksyon 21. Ang eleksyon ay gaganapin tuwing ikatlong (ika-3) taon, na mag-uumpisa mula nang maitatag ang mga kapulungan ng KPML (nasyunal, rehiyonal, syudad, munisipalidad at erya).

Seksyon 22. Maaaring lamang ipagpaliban ang eleksyon sa iba't ibang antas ng organisasyon kung may sasapat at balidong kadahilanan at may resolusyon ng kapasyahan ng nakatayong Konseho ng mga Lider sa pambansa, rehiyon at lokal na konseho.

Seksyon 23. Ang sistema ng halalan ng KPML sa aktwal na kongreso ay sa pamamagitan ng sekretong balota kung saan sabay na ihahalal ang lahat ng mga kagawad ng pamunuan mula Pambansang Tagapangulo, Ikalawang Pambansang Tagapangulo Panloob, Ikalawang Pambansang Tagapangulo Panlabas, Pangkalahatang Kalihim, Ikalawang Pangkalahatang Kalihim, Pambansang Ingat-Yaman, at Pambansang Tagasuri.

Seksyon 24. Ang magiging batayan ng isang kandidadto para manalo sa alinmang posisyon sa aktwal na halalan ay ang pinakamaraming botong nakamit.

Seksyon 25. Ang mga kandidato ay magmumula sa iba't ibang erya, rehiyon, syudad, munisipalidad, na kinikilusan ng KPML na dumaan sa nominasyon sa mga idinaos na Pre-Congress.

Seksyon 26. Hihirangin ng Lupong Tagapagpaganap sa iba't ibang antas ng kapulungan ng KPML ang mga kasapi sa Komite sa Eleksyon na magmumula sa labas ng KPML na kanyang mga kapanalig na organisasyon.

Seksyon 27. Ipinahihintulot lamang ang mga 'proxy' o kahalili sa pagboto sa isang kondisyon na ang voting delegate ay may nakasulat na kapahintulutan sa 'proxy' para bumoto.

Seksyon 28. Hindi pinahihintulutan na mahalal sa aktwal na eleksyon ang mga kandidatong nakaliban sa aktwal na Kongreso, maliban kung may sapat at balidong kadahilanan.

Seksyon 29. Sa aktwal na eleksyon na idinaos ng Kongreso ng KPML, ang desisyon ng Komite sa Eleksyon ang siyang masusunod.

Seksyon 30. Ang sinumang mga kandidato ay may karapatang maghain ng nakasulat na reklamo sa Komite sa Eleksyon sa loob ng pitong araw pagkalipas ng aktwal na eleksyon. Hindi na tatanggapin ng Komite sa Eleksyon ang mga reklamong isinampa na lampas sa itinakdang araw ng pagpoprotesta.

PAMBANSANG KONSEHO NG MGA LIDER

Seksyon 31. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider na mula sa iba't ibang antas ng pormasyon ng pagkakaorganisa (pambansa, rehiyonal, syudad, munisipalidad, at mga erya) ang ikalawang pinakamataas na mapagpasyang kapulungan ng KPML.

Seksyon 32. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider ay itatalaga ng mga balangay mula sa iba't ibang rehiyon, syudad, munisipalidad at mga erya.

Seksyon 33. Ang Pambansang Konseho ng mga Lider ay binubuo ng mga sumusunod: Pitong kagawad ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap; isa mula sa Pambansang Punong Rehiyon (NCR), isamula sa ZOTO, tig-isa mula sa Rizal, Iloilo, Negros, Bulacan, at Timog Katagalugan, at mula sa kabataan. Ang bilang ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay maaaring madagdagan sa panahong ang mga balangay ng KPML ay maitayo sa iba pang rehiyon, probinsya, syudad at munisipalidad.

Seksyon 34. Lahat ng kagawad ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay inihalal o opisyal na naitalaga mula sa mga rehiyon, probinsya, syudad at munisipalidad na kinikilusan ng KPML.

Seksyon 35. Ang mga kagawad ng Pambansang Konseho ng mga Lider ay manunungkulan sa loob ng tatlong taon o higit pa habang hindi pa nahahalal ang mga hahalili sa kanila.

Seksyon 36. Sa iba't ibang antas ng organisasyon, ang Konseho ng mga Lider ang siyang pangalawang pinakamataas na kapulungang mapagpasya.

MGA OPISYALES NG PAMBANSANG LUPONG TAGAPAGPAGANAP

Seksyon 37. Ang mga opisyales ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap ng KPML ay binubuo ng mga sumusunod: Pambansang Tagapangulo, Ikalawang Pambansang Tagapangulo Panloob, Ikalawang Pambansang Tagapangulo Panlabas, Pangkalahatang Kalihim, Ikalawang Pangkalahatang Kalihim, Pambansang Ingat-Yaman, at Pambansang Tagasuri.

PAMBANSANG TAGAPANGULO

Seksyon 38. Ang Pambansang Tagapangulo ang siyang mamumuno sa pulong ng Pambansang Konseho ng mga Lider, Pambansang Lupong Tagapagpaganap, at Pambansang Kongreso.

Seksyon 39. Ang Pambansang Tagapangulo ang pangunahing kakatawan sa KPML sa mga opisyal na pakikipag-ugnayan sa ibang organisasyon sa loob at labas ng bansa, at tatayong opisyal na tagapagsalita ng mga posisyon at desisyon ng KPML.

Seksyon 40. Ang Pambansang Tagapangulo ang lalagda sa lahat ng opisyal na liham, transaksyon at gastusin ng KPML.

Seksyon 41. Ang Pambansang Tagapangulo ay pana-panahong nagpapatawag ng mga pulong ng mga lider ng lokal na organisasyon para sa paglilinaw ng mga desisyon hinggil sa mga mayor na usapin na may kaugnayan sa KPML, mga pagkilos, mga panawagan, at mga kapasyahan.

Seksyon 42. Ang Pambansang Tagapangulo ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PANGALAWANG PAMBANSANG TAGAPANGULO - PANLOOB

Seksyon 43. Ang Pangalawang Pambansang Tagapangulo - Panloob ang katuwang ng Pambansang Tagapangulo sa mga gawain ng panguluhan at sa pagpapatupad at paggampan sa mga gawain at tungkulin hinggil sa pang-organisasyonal na responsibilidad, at hahalili sa Pambansang Tagapangulo sa panahon na ito'y nasa labas ng bansa, may pagliban o pagkakasakit, pagbibitiw, o iba pang pangyayaring hindi maiiwasan.

Seksyon 44. Ang Pangalawang Pambansang Tagapangulo - Panloob ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PANGALAWANG PAMBANSANG TAGAPANGULO - PANLABAS

Seksyon 45.Ang Pangalawang Pambansang Tagapangulo - Panlabas ang magiging katuwang ng Pambansang Tagapangulo sa pagpapatupad at paggampan sa mga gawain at tungkulin hinggil sa gawaing adbokasya, pakikipag-alyansa, networking, at siyang hahalili sa Pangalawang Pambansang Tagapangulo sa panahong ito'y lumiban at iba pang pangyayaring di maiiwasan.

Seksyon 46. Ang Pangalawang Pambansang Tagapangulo - Panlabas ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG PANGKALAHATANG KALIHIM

Seksyon 47. Ang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang mangangasiwa sa kalihiman ng sentrong organisasyon at mga komite.

Seksyon 48. Ang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang magtitiyak sa koordinasyon at komunikasyon sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 49. Ang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang mangangasiwa at magsusumite ng regular na ulat sa pulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 50. Ang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PANGALAWANG PAMBANSANG PANGKALAHATANG KALIHIM

Seksyon 51. Ang Pangalawang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang siyang katuwang at kaagapay ng Pambansang Pangkalahahatang Kalihim.

Seksyon 52. Ang Pangalawang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ang mangangalaga ng mga ispesyal na ulat at katitikan ng pulon ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 53. Ang Pangalawang Pambansang Pangkalahatang Kalihim ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG INGAT-YAMAN

Seksyon 54. Ang Pambansang Ingat-Yaman ang siyang magtitiyak ng mahusay na pangangasiwa sa pondo't kabang-yaman at pangkalahatang badyet ng organisasyon.

Seksyon 55. Ang Pambansang Ingat-Yaman ang mangunguna sa pag-aaral at pagpaplano ng mga proyekto sa pangangalap ng pondo sa mga programa ng organisasyon.

Seksyon 56. Tungkulin ng Pambansang Ingat-Yaman na magsagawa at magsumite ng regular na ulat ng pinansya sa pulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 57. Ang Pambansang Ingat-Yaman ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG TAGASURI

Seksyon 58. Ang Pambansang Tagasuri ang mangunguna sa pagsusuri't pag-aaral sa mga ulat-pampinansya at tutulong sa Pambansang Ingat-Yaman sa pangangasiwa ng mga gawaing pampinansya sa mga programa ng KPML.

Seksyon 59. Ang Pambansang Tagasuri ay gagampan ng iba pang gawain at tungkuling iaatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

PAMBANSANG KALIHIMAN

Seksyon 60. Ang Pambansang Kalihiman ang magiging katuwang ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap sa implementasyon ng mga pinagkaisahang plano at mga gawain ng KPML, mga pagkilos at mga panawagan ng organisasyon, pagpapatagos ng mga desisyon sa iba't ibang komite sa ilalim ng kalihiman, subaybayan ang implementasyon ng mga plano at gawain, regular na mag-ulat, maghain ng rekomendasyon sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap at magtitiyak na naipatutupad ang mga desisyon at patakaran, at mangangasiwa sa araw-araw na gawain ng organisasyon.

Seksyon 61. Ang Pambansang Kalihiman ay binubuo ng iba't ibang komite pangunahin ang pag-oorganisa, edukasyon, kampanya, propaganda, pinansya at mga ispesyal na komite para sa partikular na plano at gawain. Ito'y direktang pamumunuan ng Pambansang Pangkalahatang Kalihim.

Seksyon 62. Regular na napupulong ng Pambansang Kalihiman ang mga pinuno ng komite sa sinasaad sa alituntuning ito at regular na mag-uulat sa pulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 63. Ang Pambansang Kalihiman ang magtataktisa ng iba't ibang usapin na may kaugnayan sa pagsasakatuparan ng pangkalahatang plano ng pagkilos ng organisasyon.

ADMINISTRATIBO, PINANSYA AT TAUHAN

Seksyon 64. Ang Administratibo, Pinansya at Tauhan ay binubuo ng Administrador ng Programa, Pambansang Ingat-Yaman at isang kagawad ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap. Tinitiyak nito ang pangangasiwa ng sentrong tanggapan, pondo ng organisasyon, mga ari-arian at tauhang fulltime o part-time at mga boluntaryong istap ng KPML.

Seksyon 65. Tungkulin ng Administratibo, Pinansya at Tauhan ang mga sumusunod:

a. Tatayong tagapamahala ng tanggapan, ari-arian, at mga tauhan ng organisasyon:
b. Magbalangkas ng mga patakaran at sistema sa pangangasiwa ng pananalapi, ari-arian at mga tauhan ng organisasyon;
c. Mangangasiwa at magtitiyak sa maayos na komunikasyon at koordinasyon sa iba pang NGOs, POs, GOs at mga institusyon sa loob at labas ng bansa;
d. Mamumuno sa pagpoproseso at magrerekomenda ng pagtanggap at pagtanggal ng mga istap;
e. Magsagawa ng ebalwasyon sa mga tauhan ng programa;
f. Regular na magsumite ng ulat sa pulong ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

MGA KOMITE

Seksyon 66. Ang KPML ay magpapatupad ng mga layunin at balak nito sa pamamagitan ng mga komite at programa. Ang mga komite, sa tulong ng mga istap ng programa, ay may kapangyarihang magbalangkas ng mga plano na aayon sa Prinsipyo, Layunin at Pangkalahatang Programa ng Pagkilos, at ibabatay sa mga kagyat at aktwal na pangangailangan ng mga balangay at ng buong organisasyon.

Seksyon 67. Ang mga komite ay maaaring regular o ispesyal. Ang mga regular na komite ay iiral batay sa isinasaad ng Saligang Batas at Alituntunin. Ang mga ispesyal na komite ay bubuuin ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap batay sa aktwal na pangangailangan ng organisasyon.

Seksyon 68. Ang bawat komite ay magkakaroon ng pinunong hihirangin ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap. Ang bawat komite ay may istap at kinatawan mula sa bawat balangay. Ito ay magpupulong ayon sa kanilang mapapagkasunduan o batay sa pangangailangan.

Seksyon 69. Ang bawat komite ay may tungkuling magsumite ng regular na ulat sa Pangkalahatang Kalihim o sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 70. Ang mga komite ng organisasyon at ang kanilang mga tungkulin ay ang mga sumusunod:

KOMITE SA EDUKASYON AT PAGSASANAY

Seksyon 71. Magbalangkas ng pangkalahatang kurikulum para sa organisasyon at kasapian na siyang magiging gabay at batayan sa mga pag-aaral at pagsasanay na idinaos.

Seksyon 72. Magsagawa ng mga modyul, visual aids, powerpoint presentation, ng mga pag-aaral at kursong napapaloob sa pangkalahatang kurikulum.

Seksyon 73. Magbigay ng mga pag-aaral at oryentasyon sa mga komiteng binuo ng mga balangay, pederasyon, at mga lokal na organisasyon, kasama na ang pampulitikang pag-aaral upang maitaas ang pampulitikang kamulatan ng mga kasapi.

Seksyon 74. Magbalangkas ng gabay ng pagtalakay sa mga isyu na nakaaapekto sa mga maralita ng lunsod.

Seksyon 75. Maglunsad, mangasiwa, at magtiyak na napapatupad ang mga programa at iskedyul ng mga pag-aaral at pagsasanay.

Seksyon 76. Mapaunlad ng mga trainors / edukador mula sa hanay ng kasapian at pamunuan sa mga kasaping organisasyon.

Seksyon 77. Tiyakin na may plano sa edukasyon ang mga balangay at tumatagos ito sa mga kasaping organisasyon.

KOMITE SA PAG-OORGANISA

Seksyon 78. Tiyakin ang pagpapalawak ng kasapian ng organisasyon at magrekomenda ng pagtatatag ng mga pederasyon, balangay at lokal na organisasyong masa at pag-oorganisa ng iba pang sektor na nakabase sa mga komunidad.

Seksyon 79. Tiyakin ang aktibong paglahok ng mga kasapian sa lahat ng gawain ng organisasyon, pagbibigay ng mga pag-aaral at kasanayan hinggil sa gawaing pag-oorganisa at pagpapakilos.

KOMITE SA PANANALIKSIK, DOKUMENTASYON, PROPAGANDA AT PAMPUBLIKONG IMPORMASYON

Seksyon 80. Magsagawa ng masinop na pananaliksik, dokumentasyon at pag-databank ng mga isyu, batas, patakaran, pangyayari, balita, at mga usaping may kaugnayan o nakakaapekto sa mga maralita ng lunsod, kasama na ang mga isinagawang pagkilos ng mga maralita at ng organisasyon.

Seksyon 81. Tiyaking napapalaganap ang mga posisyon ng organisasyon hinggil sa iba't ibang isyu sa publiko at sa mga kasapian sa pamamagitan ng media, paglalabas ng mga pahayag (media advisory, press statement, press releases), pahayagan (Taliba ng Maralita) at napapanahong polyeto, praymer, atbp.

Seksyon 82. Pangasiwaan ang opisyal na pahayagan ng organisasyon at mga buwanang buletin, at tiyakin ang pamamahagi nito sa mga komunidad na kinikilusan.

Seksyon 83. Magsagawa ng feedback mechanism upang malaman ang mga reaksyon ng mga kasapian at publiko hinggil sa inilabas na mga pahayag ng organisasyon.

Seksyon 84. Pagsasaayos ng blog ng KPML (http://kpml-org.blogspot.com), at pagtiyak na ito'y laging updated.

Seksyon 85. Paggawa ng modyul hinggil sa propaganda at pagbibigay ng pag-aaral hinggil sa gawaing pagsusulat at propaganda sa mga kasapian ng mga balangay ng organisasyon.

KOMITE SA KAMPANYA AT GAWAING ADBOKASYA

Seksyon 86. Pangunahan ang mga pag-aaral kung paano patatampukin ang mga isyu ng mga maralita ng lunsod sa pormang kampanya. Magsasagawa ng malinaw na plano't pag-aanalisa hinggil sa mga problema't isyu ng komunidad.

Seksyon 87. Magsagawa ng mga patakaran at programa para sa pagpapakilos ng organisasyon.

Seksyon 88. Alamin ang mga pambansa at sektoral na pagkilos o kampanya na maaaring lahukan o suportahan ng organisasyon. Magtitiyak na ang mga isyung dinadala sa mga pagkilos at kampanyang ilulunsad at dadaluhan ng organisasyon, ay alinsunod at makapagpapanday sa mga prinsipyo at alituntunin ng organisasyon, kasama na ang pagbubuo ng mga network ng mga kaibigan, alyansa at suporta ng mga maralita ng lunsod.

Seksyon 89. Tiyakin ang pagtatasa ng lahat ng mga kampanya sa bawat antas ng organisasyon.

Seksyon 90. Pagtitiyak na nakapagpapadalo ng mga maralita sa rali hinggil sa iba't ibang isyung nakakaapekto sa maralita at sa mamamayan sa kabuuan.

KOMITE SA PINANSYA

Seksyon 91. Magbalangkas ng pangkalahatang plano at programa kaugnay sa usaping pampinansya ng organisasyon.

Seksyon 92. Gumabay, magtiyak at gumawa ng pagtatasa sa mga proyekto at programa ng komite sa pinansya ng organisasyon.

Seksyon 93. Mangulekta ng butaw at kontribusyon, at manguna sa paggawa ng mga patakaran, sistema sa pinansya, at paraan ng mas mahusay na pangangasiwa ng pondo ng organisasyon.

KOMITE SA KAGALINGAN AT SERBISYO

Seksyon 94. Tumulong sa paglulunsad at pangangasiwa sa mga proyektong pang-serbisyo sa mga balangay, pederasyon at sa mga kasaping lokal na organisasyon, katulad ng pangkalusugan, pangkabuhayan, ligal, teknikal, relief, at iba pa.

Seksyon 95. Gumawa ng gabay sa pagdaraos ng mga pagsasanay sa pangangasiwa ng mga proyektong pangkabuhayan o serbisyo sa komunidad na nakabatay sa pangangailangan ng balangay, pederasyon at lokal na organisasyon.

Seksyon 96. Makipag-ugnayan sa iba't ibang institusyon na nakapagbibigay ng tulong o serbisyo sa KPML at mga kasapi nito.

Seksyon 97. Pangunahan ang pag-aaral hinggil sa mga proyektong ilulunsad na angkop sa mga balangay, pederasyon, lokal na organisasyon at mga komunidad na kinikilusan.

KOMITE SA INTERNASYUNAL NA PAKIKIPAG-UGNAYAN

Seksyon 98. PangAunahan ang pag-aaral kung paano patatampukin ang mga isyu ng mga maralita ng lunsod sa labas ng bansa.

Seksyon 99. Pangasiwaan ang pagbubuo ng programa at mga patakaran sa exposure para sa dayuhang bisita ng KPML.

Seksyon 100. Tiyaking regular na nauugnayan ang mga nabuong kontak mula sa loob at labas ng bansa.

KOMITE SA KABABAIHAN AT GAWAING PANGKABUHAYAN

Seksyon 101. Pangunahan at tiyakin na integral sa lahat ng aspeto ng gawain at pagkilos ng organisasyon ang usapin ng kababaihan at aktibo nilang paglahok.

Seksyon 102. Makipag-ugnayan sa iba't ibang NGOs, POs, at GOs na ang tutok ng kanilang gawain ay sa usapin ng kababaihan at pangkabuhayan.

Seksyon 103. Tumulong sa pag-oorganisa at pagmumulat sa mga kababaihan sa mga komunidad.

PONDO AT BAYARIN

Seksyon 104. Ang batayang pondo ng pananalapi ng KPML ay magmumula sa bayad sa pagsapi at buwanang butaw ng mga indibidwal na kasapi, mga proyektong pampinansya at mga kontribusyon.

Seksyon 105. Ang mga sasaping organisasyon, matapos tanggapin bilang kasapi ay magbabayad sa pagsapi ng halagang isandaang piso (P100.00) minsanan lamang. At magbabayad ang mga indibidwal na kasapi ng buwanang butaw na halagang tatlong piso (P3.00) lamang.

Seksyon 106. Ang pamunuan ng KPML ay maaaring magpataw ng mga natatanging buwis sa mga indibidwal na kasapi, ayon sa mapapagkasunduan.

Seksyon 107. Ang KPML ay mangangalap din ng pondo, lohistika at suporta mula sa mga kaalyado sa loob at labas ng bansa at ang pondong makakalap ay ipantutustos sa mga pangangailangan ng buong organisasyon.

Seksyon 108. Ang talaan ng pampinansya ay bukas sa pagsusuri ng lahat ng mga kasapi ng KPML sa oras lamang ng opisina.

Seksyon 109. Ang lahat ng pondo na malilikom ng KPML ay dapat ideposito ng Pambansang Ingat-Yaman sa isang marangal na bangko sa pangalan ng organisasyon at walang bayarin ang maaaring gawin maliban na lamang kung ang pagkakautang ay sinang-ayunan ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap at nilagdaan ng Pambansang Tagapangulo.

PAGBIBITIW

Seksyon 110. Ang sinumang indibidwal na kasapi ng KPML ay maaaring magbitiw anumang oras ngunit kailangang may nakasulat na paliwanag ng pagbibitiw at makipag-usap sa pamunuan ng organisasyon o sa kinauukulang organo ng KPML sa iba't ibang antas ng pagkakaorganisa.

PAGTITIWALAG

Seksyon 111. Alinman sa mga probisyon nitong alituntunin at patakarang nasasaad dito ay maaaring maging dahilan ng paglalapat ng aksyong pandisiplina sa sinumang kasapi o pinuno ng KPML na napatunayang lumabag, gaya ng mga sumusunod:

a. Paglabag sa Saligang Batas, Alituntunin at Permanenteng Patakaran.
b. Hindi pagtupad sa mga tungkulin at gawaing iniatas ng Pambansang Konseho ng mga Lider at ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.
c. Pagsabotahe sa mga plano ng pagkilos at panawagan, layunin, at prinsipyo ng organisasyon.
d. Tatlong sunud-sunod na di pagdalo sa pulong ng walang paliwanag at walang nakasulat na dahilan.
e. Pag-abuso sa katungkulan at paggamit sa kanyang posisyon upang mapagtakpan ang kapabayaan sa tungkulin at gawain.
f. Paggamit at paglustay ng pinansya at / o rekurso ng organisasyon nang walang kapahintulutan ang Pambansang Lupong Tagapagpaganap.
g. Pang-aabusong sekswal sa kababaihan, tulad ng mga sumusunod:
(1) Rape
(2) Panghihipo sa maseselang bahagi ng katawan ng babae o ng lalaki
(3) Malalaswang salita
(4) Mga imoral na relasyon, pakikiapid, pambababae, panlalalaki
h. Paninira / pang-aalipusta sa organisasyon, pamunuan, at mga kasapian.
i. Pagmumura, panlalait, paninira, at pang-iintriga sa organisasyon
j. Pisikal na pananakit

Seksyon 112. Ang anumang reklamo laban sa sinumang pinuno o kasapi ng KPML sa iba't ibang antas ng organisasyon ay kinakailangang magsumite ng paabiso sa pamamagitan ng liham na ipaaabot sa kinauukulang responsableng pinuno, kaninuman sa opisyales ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 113. Sa kaso na ang pangulo ang nasasangkot o nirereklamo o alinman sa mga Pambansang Lider, matapos mapatunayang balido ang reklamo ay kagyatang magsasagawa ang Konseho ng mga Lider sa kaukulang antas ng organisasyon ng kagyatang paglalapat ng preventive suspension sa nirereklamo, at kagyatang magsagawa ng pagsisiyasat sa reklamo.

Seksyon 114. Karapatan ng sinumang nahahabla, pinuno man o kasapi na mabigyan ng kopya ng reklamo at sagutin sa loob ng itinakdang panahon.

Seksyon 115. Ang Lupong Tagapagpaganap, ayon sa antas ng organisasyon, ay hihiran ng Komite sa Pribilehiyo na siyang magsusuri sa mga paglabag at irerekomenda ang resulta ng kanilang pagsusuri sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap.

Seksyon 116. Ang anumang aksyong pandisiplina na igagawad sa sinumang pinuno at kasaping organisasyon ay pagpapasyahan ng Konseho ng mga Lider sa kaukulang antas ng organisasyon.

Seksyon 117. Ang sinumang pinuno o kasapi na sinampahan ng kaso o reklamo ay kailangang magpaabot ng nakasulat na paliwanag ng kanyang panig at ipaabot sa Lupong Tagapagpaganap sa loob ng isang linggo pagkatapos matanggap ang pabatid na reklamo.

Seksyon 118. Ang sinumang kasapi ng KPML ay maaaring itiwalag dahil sa rekomendasyon ng mayorya ng Komite sa Pribilehiyo at aprubado ang rekomendasyon ng simpleng mayorya ng mga kagawad ng Konseho ng mga Lider na dumalo sa pulong para sa ganitong layunin. 
KORUM

Seksyon 119. Ang gagamiting pamantayan para maging balido ang mga pulong at desisyon ng organisasyon ay mahigit kalahati ng kailangang dumalo sa pulong at mahigit kalahati ng bumoto sa desisyon o simpleng mayorya (50% + 1).

PATAKARANG PARLAMENTARYO

Seksyon 120. Patakarang parlamentaryo ang gagamiting paraan ng talakayan sa lahat ng pulong na gagamitin ng KPML para maiwasan ang salimbayan ng usapin at upang mapairal sa loob ng organisasyon ang propesyonalismo sa pangangasiwa ng mga pulong. Sa ganitong layunin ay magtatalaga ng kaukulang Komite sa Pribilehiyo, Etika, at Patakaran.

Seksyon 121. Ang sinumang kagawad ng pamunuan sa iba't ibang antas ng kapulungan na magpabaya sa tungkuling iniatas sa isang partikular na pulong ay pupunahin.

Seksyon 122. Ang sinumang kagawad ng pamunuan na lumiban sa pulong ng walang liham o balidong kadahilanan ay papaabutan ng puna, matinding puna sa susunod na paglabag at suspensyon sa ikatlong huling paglabag.

Seksyon 123. Walang kasapi na maaaring bigyan ng permiso na magsalita ng higit sa tatlong beses na hindi lalagpas sa tatlong minuto at isang beses lamang magsasalita sa iisang katanungan.

Seksyon 124. Walang sinuman, maliban sa kasapi, ang maaaring magsalita para sa organisasyon maliban kung ang isang tao na hindi kasapi ay binigyan lamang ng karapatan kung may kapahintulutan ng organisasyon upang magsalita, maglahad sa layunin na makakatulong sa paglilinaw at paglutas ng mga usapin.

Seksyon 125. Lahat ng mungkahing resolusyon ay nararapat na pormal na nakasulat at ipiprisinta na may lagda ang kinauukulang nagmumungkahi ng resolusyon, maging ito ay mula sa lokal na organisasyon, tsapter, pederasyon, at rehiyon sa pambansang pamunuan ng KPML upang pag-aralan, suriin at pagpasyahan.

SUSOG

Seksyon 126. Ang Alituntuning ito ay maaaring susugan sa alinmang regular na pulong ng simpleng mayorya ng Pambansang Konseho ng mga Lider sa paabiso ng mungkahing susog ay naibigay sa bawat isa sa nakaraang pulong at ito'y sinang-ayunan.

PAGPAPATIBAY

Seksyon 127. Ang Alituntuning ito ay sinusugan at pinagtibay ng mahigit 2/3 ng mga delegadong dumalo sa Ikaapat na Pambansang Kongreso ng KPML na isinagawa sa KKFI Covered Court, P. Paredes St., Sampaloc, Manila, ngayong ika-16 ng Hulyo, 2011.