PAHAYAG NG KPML SA WORLD BICYCLE DAY SA PANAHON NG COVID-19
Hunyo 3, 2020
Malaking problema ng manggagawa ang transportasyon ngayong unti-unting tanggalin ang community quarantine. Subalit nang payagan nang makapagtrabaho ang mga manggagawa, dagdag-problema naman nila ang kawalan ng transportasyon patungo sa trabaho, at yaong may motorsiklo’y bawal naman ang angkas. Kaya ang iba’y natuto nang magbisikleta. Tulad din sa ibang bansa na bisikleta ang sasakyan papunta sa trabaho, dapat maglaan ng kaukulang pondo ang pamahalaan at mga kumpanya, na magbigay ng libreng bisikleta sa ating manggagawa. Gayunpaman, dapat isaalang-alang din ang layo ng panggagalingan dahil nakakapagod din sa manggagawa ang magbisikleta papuntang trabaho, lalo’t pisikal din ang kanyang ginagawa sa pabrika.
Kaya ngayong World Bicycle Day (na batay sa UN General Assembly Resolution (A/RES/72/272), nananawagan ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pamahalaan at mga pinagtatra-bahuhan ng mga manggagawa na maglaan ng pondo para sa bisikleta bilang batayang sasakyan ng kanilang manggagawa patungong trabaho.
* Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Hunyo 1-15, 2020, pahina 5
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento