Hunyo 4, 2019
Mula kay: Ka Pedring Fadrigon
Pambansang Pangulo, KPML
IGALANG ANG KARAPATAN NG MGA BATA!
KATARUNGAN SA MGA BATANG TINOKHANG!
Kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ay mahigpit na nakikiisa sa lahat ng mga inosenteng batang pinagmalupitan, binubugbog, at yaong mga napaslang dahil sa War on Drugs. Katarungan ang aming hinihingi para sa kanila. Katarungan dahil may kinabukasan pa sana silang kakaharapin subalit ang mga karanasan nila ng kalupitan ay malaki ang epekto sa kanila, at yaong mga pinaslang ay nawalan na ng pagkakataong kamtin ang kanilang magagandang panagarap pagkat wala na silang buhay.
Ang International Day of Innocent Children Victims of Aggression ng United Nations ay ginugunita tuwing Hunyo 4 bawat taon. Ang layunin ng araw na ito ay upang mabatid natin ang mga pasakit na nararanasan ng mga bata sa buong mundo na biktima ng pang-aabusong pisikal, mental at emosyonal. Pinatutunayan ng araw na ito ang pagtaya ng UN na protektahan ang mga karapatan ng mga bata.
Ayon sa kasaysayan, noong Agosto 19, 1982, sa espesyal na sesyon hinggil sa usaping Palestino, nagulat ang General Assembly ng UN sa malaking bilang ng mga inosenteng batang Palestino at Lebanes na biktima ng pagsalakay ng Israel. At sa pulong na iyon ay pinagpasyahang gunitain ang Hunyo 4 ng bawat taon bilang International Day of Innocent Children Victims of Aggression. Ayon sa UN, ang pang-aabuso sa mga bata ay kinabibilangan ng:
(a) Mahigit sa dalawang milyong bata ang napatay sa digmaan sa huling dalawang dekada.
(b) Mga 10 milyong mga batang refugee ang nasa pangangalaga ng UN Refugee Agency (UNHCR).
(c) Sa Latin America at sa rehiyon ng Caribbean halos 80 libong bata ang namamatay taun-taon mula sa karahasan sa loob ng pamilya.
Dito sa Pilipinas, maraming mga inosenteng bata ang napaslang dahil sa War on Drugs ng pamahalaan. Isa na rito si Kian Delos Santos na pinaslang sa Caloocan. Ang mga pumaslang sa kanya'y nakasuhan naman at nasentensyahan ng murder makalipas ng ilang taon. Nariyan ang mga pangalang Saniño Butucan, pitong taong gulang, Danica Mae Garcia, limang taong gulang, at Althea Barbon, apat na taong gulang. Sa edad ba nila'y makakapagbenta ba sila ng droga para paslangin na lamang?
Ayon sa ulat ng Inquirer, "hindi bababa sa 74 na menor de edad ang napatay sa mga operasyon ng pulisya at pag-atakeng vigilante mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2017, ayon sa isang grupong tagapagtaguyod na nagsasagawa ng bilang ng mga kabataang biktima ng War on Drugs ng administrasyong Duterte. Sa kabila ng kanilang edad, nakalinya sila bilang mga puntirya, hindi lamang "collateral damage," ayon sa Children's Legal Rights and Development Center (CLRDC)."
Isa ang KPML sa may programa para sa mga bata. Sa katunayan, naglabas ng Agenda ng mga Bata at Kabataang Manggagawa ang KPML noong 2009, at isa sa agendang ito ay: Karapatang Maproteksyunan. Nais din naming ipaalala sa pamahalaan, lalo na sa mga awtoridad ng batas, ang Convention on the Rights of the Child ng United Nations (UNCRC) bilang salalayan at gabay nila sa pagtrato sa mga bata.
Kaya sa pagkakataong ito, ipinahahayag namin ang aming pagkadismaya at galit sa mga nangyayaring pagpaslang sa mga inosenteng bata sa ngalan ng digmaan laban sa droga. Nawa'y magkaroon ng katarungan ang mga inosenteng batang ito na nawalan ng kinabukasan at buhay dahil lamang sa panggigigil ng estado sa kawalan ng tamang proseso ng batas at mapaslang ang kanilang mga puntirya ng walang due process.
Nananawagan kami sa ating mga kababayan na magsindi ng kandila sa Hunyo 4, 2019, saanman sila naroroon, bilang paggunita sa International Day of Innocent Children Victims of Aggression.
Mga pinagbatayan ng ilang datos:

(c) https://www.rappler.com/newsbreak/iq/179234-minors-college-students-victims-war-on-drugs-duterte
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento