PAHAYAG NG KPML SA WORLD BRAILLE DAY
Enero 4, 2020
Taospusong nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa lahat ng mga bulag o hindi nakakakita sa pagdiriwang ng World Braille Day tuwing ika-4 ng Enero.
Tinatantya ng World Health Organization na 36 milyong katao sa buong mundo ang nabubuhay nang may pagkabulag at 216 milyong tao ang may katamtaman hanggang sa malubhang kapansanang biswal. Ang mga taong may kapansanan sa paningin ay mas malamang matindi ang danas na kahirapan at di pantay na trato, na dapat matugunan.
Ang World Braille Day, na ipinagdiriwang mula noong 2019, ay idineklara upang madagdagan ang kamalayan ng tao sa kahalagahan ng Braille bilang paraan ng komunikasyon sa buong pagsasakatuparan ng mga karapatang pantao para sa mga bulag at mga taong may bahagyang nakikita. Ang Braille ay isang pandamang representasyon ng mga alpabeto at numero na simbolong ginagamit ang anim na tuldok upang kumatawan sa bawat titik at bilang, at maging mga simbolo ng musika, matematika at pang-agham. Ang Braille (pinangalanan sa imbentor nito noong ika-19 na siglo ng Pransya, si Louis Braille) ay ginagamit ng bulag at mga taong di gaanong nakakakita na basahin ang parehong mga libro at mga nakalimbag sa visual font. Mahalaga ang Braille sa konteksto ng edukasyon, kalayaan sa pagpapahayag at opinyon, pati na rin ang pakikisalamuha sa lipunan, tulad ng makikita sa Artikulo 2 ng Convention on the Rights of Persons with Disabilities.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento