PAHAYAG NG KPML SA IKA-123 ANIBERSARYO NG KAMATAYAN NG DAKILANG MANGGAGAWANG SI GAT ANDRES BONIFACIO
Mayo 10, 2020
Inaalala at ipinagdiriwang natin taun-taon tuwing Nobyembre 30 ang kaara-wan ng ating dakilang bayaning si Gat Andres Bonifacio. Di gaya ni Rizal, na inaalala sa araw ng kanyang kamatayan, Disyembre 30, hindi natin ganap na ginugunita ang kamatayan ni Bonifacio, sapagkat siya’y pinaslang, hindi ng mga kaaway ng bayan, kundi ng kanyang mga dapat ay kapanalig sa pagpapalaya ng ating bayan mula sa kamay ng mga mapagsamantala’t mananakop.
Kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ay patuloy na nakikibaka para sa kaginhawahan ng bayang tinubuan, batay din sa adhikain ng Supremo ng Katipunan na patuloy nating ipaglaban ang kapakanan ng bayan, tungo sa pagtatayo ng inaasam nating lipu-nang makataong walang mang-aapi, walang pribadong pag-aaring ugat ng kahirapan, at walang pagsasamantala ng tao sa tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento