Biyernes, Mayo 1, 2020

Pahayag ng KPML sa Araw ng Paggawa

PAHAYAG NG KPML SA ARAW NG PAGGAWA
Mayo 1, 2020

FREE MASS TESTING NOW! AYUDA PARA SA MARALITA AT MANGGAGAWA, NGAYON NA!

Kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ay taas-kamaong nakikiisa sa lahat ng manggagawa sa buong daigdig sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa.

Saanmang sulok ng mundo, saanmang sulok ng Pilipinas, binabati ng KPML ang lahat ng manggagawa sa kanilang natatanging araw. Mabuhay ang uring manggagawa!

Sa ngayong hindi tayo makakapunta sa Mendiola upang sama-samang kumilos ngayong dakilang araw ng uring manggagawa dahil sa lockdown o community quarantine, hindi tayo mapipigilang magdiwang at kumilos sa atin mang mga tahanan o komunidad upang gunitain ang mga sakripisyo ng mga naunang manggagawang nagpanalo ng otso oras na paggawa, tulad ng naganap na masaker sa Haymarket Square sa Chicago noong Mayo ng 1886. Ang pangyayaring ito ang nagbunsod ng pagdeklara ng Mayo Uno bilang Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Mabuhay ang uring manggagawa!

Walang komento: