Linggo, Mayo 3, 2020

Pahayag ng KPML sa World Press Freedom Day

PAHAYAG NG KPML SA WORLD PRESS FREEDOM DAY
Mayo 3, 2020

Taas-kamaong nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa lahat ng nakikibaka upang ipaglaban ang kalayaan sa pamamahayag. Karapatan ng bawat isa, kahit mayaman o mahirap, ang makapagpahayag, mula pa nang tayo’y isilang.

Matatandaang idineklara ng United Nations General Assembly na World Press Freedom Day tuwing Mayo 3 ng bawat taon. ito'y upang magunita natin at madagdagan ang kamalayan ng bawat isa ng kalayaan sa pamamahayag, at paalalahanan ang mga gobyerno ng kanilang tungkuling igalang at protektahan ang kalayaan sa pamamahayag. Ito'y batay din sa Artikulo 19 ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao (1948) at pagmamarka ng anibersaryo ng Windhoek Declaration, isang pahayag ng malayang prinsipyo ng pamamahayag ng mga dyarista ng Africa sa Windhoek noong 1991.

Walang komento: