Miyerkules, Mayo 6, 2020

Pahayag ng KPML sa pagsasara ng ABS-CBN

PAHAYAG NG KPML SA PAGSASARA NG ABS-CBN
Mayo 6, 2020

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa mahigit 11,000 manggagawa ng ABS-CBN na naapektuhan ng pagkawala ng kanilang trabaho, dulot ng pagsasara ng nasabing kumpanya. Naganap pa naman ito sa panahon ng pananalasa ng sakit na COVID-19, at kwarantina sa halos lahat ng panig ng bansa. 

Malaking kawalan sa impormasyon, at malaking kawalan sa kanilang pamilya, na sa panahong ito ay naganap ang pagkawala ng kanilang trabaho. Nawa’y mabigyang kalutasan agad ito upang hindi na madagdagan pa ang mga nawawalan ng trabaho. 

Sana’y maibalik agad ang prangkisa ng ABS-CBN, at patuloy na magkaisa ang kanilang manggagawa tungo sa isang lipunang makatao. 

Huwag silang pagipit sa pamahalaang nanggigipit.  Mabuhay ang mga manggagawa ng ABS-CBN! Mabuhay ang uring manggagawa!

Walang komento: