Biyernes, Mayo 22, 2020

Pahayag ng KPML sa International Day for Biological Diversity

PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL DAY FOR BIOLOGICAL DIVERSITY (PANDAIGDIGANG ARAW NG SARIBUHAY)
Mayo 22, 2020

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Saribuhay o International Day for Biological Diversity. Ang paksa ngayong 2020 ay “Ang ating solusyon ay nasa kalikasan (Our solutions are in nature).”

Dahil nahaharap tayo sa matagal na kwarantina dulot ng COVID-19, nakikita nating nasa kalikasan nga ang ating solusyon o kalutasan sa marami nating kinakaharap na problema. Hindi na uubra na lagi na lang tayong aasa sa merkado para sa ating pagkain. Kailangan nating bumalik sa kalikasan. Maaari tayong magtanim kahit nasa kalunsuran. Urban gardening, ika nga. Pangalagaan ang kalikasan. Huwag nating hayaang ang himpapawid ay lumala sa polusyon dahil sa coal, pati mga kagubatan at karagatan ay palilibutan at tambakan ng mga plastik at upos ng sigarilyo. Nanaisin ba nating ang kinakain nating mga isdang kumain ng mga plastik at upos ang siya ring kakainin ng ating mga anak?

Panahon nang bumalik sa kalikasan, bilang pagharap sa sinasabing “new normal”. Nasa kalikasan at nasa ating kamay ang kinabukasan.

Walang komento: