(Ang pahayag at ang litrato sa ibaba ay mula sa BMP page sa facebook.)
Bukluran ng Manggagawang Pilipino
December 18, 2020 at 11:18 AM
Pagpupugay at pagbati sa ika-34 anibersaryo ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML).
Ang sektor ng maralitang lungsod ay kapatid-sa-uri ng mga manggagawa.
Komon ang ating kalagayan sa panahon ng pandemya, resesyon at kalamidad. Binabatbat ng mga krisis sa kalusugan, kabuhayan, at klima. Parehong walang pag-aari kundi ang sipag at tiyaga, bisig at isip, talino at diskarte. Ipinagsasakripisyo ngayong panahon ng krisis kahit hindi nabiyayaan sa dating pagsigla ng ekonomiya. Ipinagkakait ang pinakabatayang mga karapatan ng napakareaksyonaryong rehimeng nagpapanggap na maka-mahirap at para sa pagbabago.
Iisa ang ating laban. Singilin ang bulok at palpak na gobyerno sa kabiguan nitong proteksyunan ang taumbayan mula sa mga krisis. Ibagsak ang kapitalismo at ipundar ang lipunang tunay na makatao at makamanggagawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento