PAHAYAG NG KPML SA PAGPASLANG NG ISANG PULIS SA MAG-INANG GREGORIO
Disyembre 21, 2020
HUSTISYA SA MAG-INANG SONYA AT FRANK GREGORIO!
HUSTISYA SA MGA PINASLANG NG PULIS NA TARANTADO!
Mahigpit na kino-kondena ng buong Kongreso ng Pagka-kaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ang pagpatay sa sibilyan at walang armas na mag-inang Sonya, 52, at Frank Gregorio, 25, nii Police Senior Master
Sargeant Jonel Nuezca sa Purok 2, Barangay Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac noong Disyembre 20, 2020.
Isang video mula sa mobile phone ang nag-viral na nagpakita kay Nuezca sa harap mismo ng kanyang anak na babae ang pagbaril niya sa pamilya Gregorio.
Ayon sa panayam ng DZBB kay Police Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa, "Pumunta doon para i-confront sila then naungkat na ang usapin sa right of way, hanggang napunta sa insidente na iyon. Parang na-trigger ang galit ng suspek nang magkasagutan iyong anak niya at ang biktimang matanda". Ang usapin ng right of way ay isa sa mga isyu ng KPML, lalo na sa usapin ng pakikibaka para sa karapatan sa pabahay.
Kaya sa pagpaslang sa mag-inang Gregorio, dapat tugunan din ng pamahalaan ang katiyakan sa right of way para sa mga naninirahan doon upang maging ganap na maayos at napapakinabangan ng masa.
Dalawa lamang ang mag-inang Gregorio sa libo-libong buhay na nawala dahil sa tokhang, dahil sa tindig at patakaran ng rehimeng Duterte mula nang ito’y umupo sa pwesto noong 2016. Dapat na tuligsain natin, kung hindi man mapigilan natin, ang walanghiya at walang katuturang kultura ng karahasang ipinamamana ng rehimeng Duterte sa sambayanan. Huwag nating hayaang makawala at makatakas sa pananagutang ito, hindi lang ang pulis na pumaslang, kundi ang nagpasimuno ng ganitong kutura ng karahasan.
* Unang nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang organisasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Disyembre 16-31, 2020, pahina 16.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento