PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL YEAR OF PLANT HEALTH (IYPH)
Disyembre 12, 2020
Kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ay taospusong nakikiisa sa pagdiriwang ng International Year of Plant Health) ngayong 2020. Isang malaking bagay na mayroon nang ganitong pagdiriwang lalo na ngayong nananalasa ang pandemya at kailangan ng mga mamamayang nawalan ng trabaho ang magtanim na ng kanilang mga kakainin upang makaligtas sa nakaambang gutom dulot ng pandemya.
Noong Disyembre 2018, pinagtibay ng Pangkalahatang Asembliya ng United Nations ang Resolusyong nagdeklara ng 2020 bilang International Year of Plant Health. Ang layunin ng IYPH ay upang taasan ang pandaigdigang kamalayan sa kung paano ang pagprotekta sa kalusugan ng halaman ay makakatulong na wakasan ang gutom, mabawasan ang kahirapan, maprotektahan ang kapaligiran, at mapalakas pag-unlad ng ekonomiya.
At dahil idineklara ng United Nations ang 2020 bilang International Year of Plant Health (IYPH), ito’y isang beses lang sa buong buhay na binigyang pagkakataon upang itaas ang pandaigdigang kamalayan sa kung paano makakatulong sa pagprotekta sa kalusugan ang mga halaman na wakasan ang gutom, bawasan ang kahirapan, protektahan ang kapaligiran, at palakasin ang pag-unlad ng ekonomiya.
* Unang nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang organisasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Disyembre 1-15, 2020, pahina 8.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento