Miyerkules, Hulyo 10, 2013

Panawagan sa MWSS: Full Refund at Pagbasura sa Concession Agreements

PRESS RELEASE
09 July 2013

Anthony Barnedo 0949-7518792
Gie Relova 0998-3454981

Mga militante sumugod sa MWSS
Hiniling ang Pagbabasura sa Concession Agreements at ang Full-Refund

Mahigit sandaang militanteng kasapi ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lungsod (KPML) na nagmula sa iba’t-ibang maralitang komunidad sa Metro Manila ang sumugod sa tanggapan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Lungsod Quezon kahapon. Iginiit ng grupo na kailangan nang utusan ng ahensya ang Manila Water at Maynilad na kagyat at ibalik ng buo sa mamamayan ang mga iligal na nitong nakolekta nang mga nagdaang taon. 

“Hindi lang ito simpleng usapin ng hustisya kundi isa itong buhay at kamatayang usapin para sa aming mga maralita dahil nabubuhay kami sa matinding kahirapan at ang refund ay isang economic relief sa amin,” sabi Anthony Barnedo, ang Secretary-General ng KPML-NCRR. 

Tinawag ng mga militante ang MWSS Regulatory Office na palpak dahil hindi nito nasubaybayan ang mga iligal na koleksyon ng dalawang korporasyon at hinayaang ang taumbayan, lalo na ang maralita na maging biktima ng sistematikong pagsasamantala, dagdag pa sa mga naunang mga atraso nito gaya ng palpak na serbisyo at mas mahal na tubig na siyang kabaliktaran ng pangako nito nung 1997. “Ang lahat naman ng kapalpakang ito ng MWSS Regulatory Office ay hindi solong kasalanan ng Administrador nito kundi isang natural na resulta ng isang pabigat at tadtad ng butas na concession agreement na pinirmahan sa ngalan ng taumbayan na sa huli ay isang araw-araw na parusa na pinasan din ng taumbayan,” paglilinaw ni Barnedo.

Samantala, para naman kay Gie Relova, Secretary-General ng militanteng Bukluran ng Manggagawang Pilipino-National Capital Region and Rizal (BMP-NCRR), “Ang pangako ng murang tubig at kalidad na serbisyong patubig ng pribatisasyon ng MWSS ay malinaw na nagdulot lamang ng karalitaan sa mga tao ay isang malinaw na kapalpakan ng mga patakaran ng gobyerno. Walang duda, kinakailangan na itong ibasura, huwag nang ipagpatuloy para naman mabigyan ng mga mas paborableng probisyon ang mga konsumer”. ###









Huwebes, Hunyo 27, 2013

Pahayag ng KPML hinggil sa P18T bawat pamilya sa estero

PRESS STATEMENT
Ka Pedring Fadrigon
National President, Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod
Hunyo 27, 2013

Nangangamba kami sa banta ng pamahalaang ubusin na ang mga maralita sa estero. Malupit. Ngunit sinasabi ng pamahalaan na ito ay para sa kabutihan ng mga maralita upang mabigyan sila ng mas maayos na paninirahan. Mabait (o nagbabait-baitan).

Bibigyan daw nila ng P18,000 ang bawat pamilyang iskwater upang gamiting pambayad sa pangungupahan sa loob ng isang taon habang itinatayo ang umano'y pabahay ng mga ito. (Inquirer, 062413, Gov’t offers P18K per estero family.)P18,000 divided by 12 buwan equals P1,500 kada buwang pambayad. Saan ka makakakita ng ganito kamura kung paupahanndi sa erya din ng iskwater? At tiyak na mas masikip pa ito kaysa dati nilang tirahanm napakaliit. Very cheap. Napakamura ng buhay, este, pansamantalang pabahay, ng maralita. Nais din ng pamahalaan ang programang balik-probinsya, gayong ito’y pag-iwas sa problema. Kaya nga umalis ang maralita sa probinsya at nakipagsapalaran sa lungsod ay dahil sa kahirapan, at ito ang muli nilang daratnan sa kanilang probinsyang pinanggalingan.

Kailan lamang ay nagkaroon na ng sisihan at turuan na ng mga ahensya ng gobyernong nangangasiwa sa paglilipat ng mga ISF (informal sector families) o urban poor. Sabi ng DPWH, iskwater ang sanhi ng baha. Pero hindi nila masisi ang SM at iba pang mall na nagpalubog sa maraming erya. Sabi ng MMDA, pag trapik, mga vendors ang dahilan, hindi ang dami ng sasakyan at nagkukumpulang gusaling puntahan ng mga tao. Ni hindi nila sabihing climate change ang dahilan kung bakit nagbabaha.

Hindi naman totoong kami lamang ang sanhi ng mga pagbaha sa Metro Manila. Naririyan ang mga subdibisyon at mga malls na nasa waterways, lalong hindi rin matigas ang ulo namin. Alam naming kami ay nasa panganib kaya hindi maaari ang patigasan ng ulo. Ang totoo, kami po ay nagkaisa na gumawa ng people's proposal at isinumite namin sa gobyerno. Magtatatlong taon na subalit hanggang ngayon ay wala pang malinaw na makataong plano. Ayaw namin ng karahasan, ayaw namin ng demolisyon.

Mahigit dalawang taon nang pinag-uusapan ang problema na ito, buhay pa si Sec. Robledo. Wala nang problema sa badyet dahil P10B kada taon ang badyet na inilaan ng Pangulong Aquino para sa pabahay. Sadyang napakabagal ng proseso dahil sa dami ng ahensya nito.

Ngayong nasusukol na ang mga ahensyang ito, lagi't laging sinisisi ang iskwater. Dahil sa walang kongkretong plano, itong P18,000 ang pain nila, este tulong nila, sa bawat pamilya para agarang lumikas. Ang ganitong desisyon at palpak na solusyon ang tinututulan ng KPML. Ano ang katiyakan ng lahat ng ito kung sakaling matatagalan ang pag-aayos ng permanenteng paglalagyan sa kanila? Paano matitiyak na hindi lang pabahay, kundi ang trabaho't serbisyo sa paglilipatan sa kanila? Hindi maaaring magkahiwalay na usapin ang pabahay, trabaho at serbisyo dahil mahigpit na magkaugnay ang mga ito sa usapin ng maralita. Hindi pwedeng ang pabahay ay maglalayo sa trabaho ng maralita. Isa pang tanong, sasapat ba itong P18,000 hanggang sa matapos ang alternatibong paglilipatan?

Dagdag pa rito ang bantang tahasang pagwasak sa mga organisasyon ng maralita, dahil kanyahan na ang nais ng pamahalaan. Sa ganitong sistema, pinaghihiwalay na ang mga pamilyang dati ay iisa sa komunidad. Kaya ang aming posisyon dito ay hindi P18,000 bawat pamilya, kundi kausapin bawat organisasyong maralita at maglagay ng pansamantalang lugar na malapit sa konstruksyon ng medium rise (kung ito ang plano) na malapit sa kanilang trabaho o pinagkukunan ng ikinabubuhay.

Miyerkules, Hunyo 12, 2013

tula ni Anthony Pesino Barnedo hinggil sa Kalayaan

araw ng kalayaan... araw nang ating paglaya?

saan ba tayo lumaya?

kailan ba tayo lumaya?

o binubulag lang tayo ng kasaysayang inukit ng BURGESYA!

dahil kung totoong umiiral ang kalayaan...

malaya sanang naninirahan ang mga maralita ng hindi nangangamba na mawalan ng tirahan..

malaya sanang nakakamit ng mga kabataan ang edukasyon, wala sanang kristel!

malaya sanang nakakapaglaro ang mga bata, wala sa basurahan, sa kalye, hindi sana nila tangan ang obligasyong maghanap ng pagkakakitain para mabuhay...

malaya sanang nakakamit ng mga manggagawa ang kanilang mga benipisyo, siguridad sa kanilang trabaho, maayos at matiwasay na buhay.

malaya sana ang nakakaraming PILIPINO na kamtin ang kasaganahan na naaayon sa kanyang pangangailangan para mabuhay!

kung malaya ka,..

hindi ka sana nahihirapan!



Lunes, Hunyo 3, 2013

Stop Child Labour! - by Aida Remoroza Gozum

STOP CHILD LABOUR!
Aida Remoroza Gozum
(from Pinoy Poets Circle)

Why do parents allow their children to suffer?
Why should they be the ones to pay?
Why should they be forced to labor everyday”
From sunrise to sunset they are beat I must say.
They are exhausted doing this everyday!.
STOP CHILD LABOUR!

The bosses don’t know what goes inside them
For their ages their bosses are callous it seems.
more pain… more hunger...more exhaustion than them
they should be sued for the heartless scenario is grim.
They are exploited doing this everyday!.
STOP CHILD LABOUR!

Most of them become sick doing this everyday
Others have bruises that do not heal
Doing hard labor day by day
The bosses can not empathize what they feel.
They are sick doing this everyday!
STOP CHILD LABOUR!

The bosses don’t heed what they have to say.
They get richer with the sweat they shed.
No love...no compassion… no bed…
Our HELP they need and give them some dignity.
They are tired doing this everyday!
STOP CHILD LABOUR!

At night when they should be sleeping
Their sunken eyes keep on crying
Little by little their hearts are dying
They are hurt doing this everyday!
STOP CHILD LABOUR!

Let us be the voice of their shattered voices
Let us help to stop the tyrant bosses
Let us help them change their fate
No more the ones to bring a full plate.
STOP CHILD LABOUR!

Martes, Marso 12, 2013

Polyeto laban sa demolisyon - KKD

MAGKAISA na para LABANAN ang DEMOLISYON!

Sa ika-15 ng Mayo ng taong ito, matapos manalo’t maproklama ang mga pulitikong tinulungan nating mailuklok sa pwesto ay magsisimula nang pagtulung-tulungan ng City Hall, mga ahensyang gaya ng DILG, PNP, MMDA, DPWH, NAPC at NHA ang gibaan sa mga tahanan ng mga maralitang nakatira sa waterways (tabing-ilog, ilalim ng tulay, at tabing-estero). Target nila sa unang buhos ng demolisyon ay ang apat na malalaking ilog at apat na estero, ito ay ang mga ilog ng San Juan, Pasig, Tullahan, Manggahan floodway at mga esterong Maricaban, Tripa de Galina, Maypajo at Sunog Apog. Humigit-kumulang 20,000 pamilyang nakakalat sa labing-isang lungsod sa Metro Manila at ang mga bayan ng Cainta at Taytay sa Rizal ang maapektuhan. Ito na ang pinakamalawak na proyektong demolisyon na tatangkain sa ilalim ng gobyernong Aquino na nagmalaking tayo ang “BOSS” nito. 

Noong nabubuhay pa si Sec. Jesse Robredo ng DILG, mahigpit niyang tinutukan ang pagpapaunlad ng mga komunidad ng maralita kung kaya’t walang naganap na demolisyon sa mga danger zone o sa mga lupaing pag-aari ng gobyerno. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, binuo nito at ng mga lider-maralita ang tinatawag na “peoples’ proposal” na kung saan ay kabahagi ang buong komunidad sa pagbubuo sa plano ng permanenteng tirahan ng mga maralita. Naging pleksible ang ahensya sa kagustuhan ng mga maralita at kadalasa’y paborable ito sa kanila. 

Sentral sa “peoples’ proposal” ay ang kahilingan ng mga pamilyang apektado na manatili o malapit sa dati nilang tinitirahan para hindi ito malayo sa lugar ng hanapbuhay at paaralan ng mga bata. Ang tawag dito ay ang in-city at on-site development na magkakahugis sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga medium-rise buildings o MRBs.

Ang lahat ng mga nasimulang maganda’t produktibong relasyon sa pagitan ng DILG at ng mga komunidad ng maralita ay gumuho at naglahong parang mga bula mula noong mapwesto sa DILG si Secretary Mar Roxas. Bigla na lamang itong nag-anunsyo noong Enero na hanggang sa ika-15 na lang ng Mayo maaring manirahan sa mga waterways ang mga maralita at ito ay kanila nang gigibain. 

Dahil sa biglaang anunsyong ito, halos walang makapaniwala na matutuloy nga ang demolisyon dahil halos kakaunti pa lamang sa mga “peoples’ proposal” ang umuusad habang ang napakalaking mayorya ng mahigit kumulang 20,000 pamilya ay walang kaalam-alam sa proyekto at mga napagkasunduan kay Sec. Robredo.

Sa loob na lamang nang natitirang dalawang buwan, iilan lamang sa atin ang mabibiyayaan ng naka-stand by na relokasyon na malapit sa ating kasalukuyang tinitirhan. Ang halos 90% sa atin ay itatambak ng gobyerno sa relocation sites nito sa mga bundok ng Tanay o Baras sa Rizal, habang ang iba naman ay dadalhin sa ‘mga bundok ng San Jose del Monte o Bocaue sa Bulacan at ang iba nama’y sa Trece Martires sa Cavite. 

Kung saan man lupalop tayo itapon ng gobyerno ay hindi naman nagkakalayo ang ating mga magiging kalagayan. Sa napakahabang panahon, milyon-milyon na sa ating mga kababayan ang sinalaula bago sa atin. Sapagkat dinala sila sa mga lugar na imbes na ilayo sa kapahamakan ay lalo pang naging impyerno ang mga buhay ng mga ito. Nariyan ang karanasan sa Montalban na rumaragasang putik ang tumama sa kanilang mga bahay, ang karanasan ng mga taga-Calauan, Laguna na wala silang tubig, kuryente, aspaltadong kalsado, poso negro, tinipid at minadali ang pagkakagawa ng kanilang mga bahay. Habang ang mga nalipat sa San Jose del Monte ay walang makuhang hanapbuhay dahil hindi naman maunlad ang lugar na pinagdalhan sa kanila. 

Dahil sa malawakang panlalansi at pagpapaasa ng gobyernong nagpapanggap na makamasa, hindi malayong isipin na ang totoong plano ng gobyerno ay hindi ang “peoples’ proposal” na kung saan tayo ang masusunod kundi ang off-site na pabahay ng NHA sa iba’t ibang danger zone, malayo sa ating pinagkukunan ng kabuhayan, malayo sa mga paaralan ng ating mga anak, malayo sa pampublikong serbisyo gaya ng mga klinik at ospital at iba pang batayang pangangailangan natin gaya ng kuryente, tubig at signal ng cellphone.

Ang tiyak din tayo ay kung mawawalan tayo ng kabuhayan, silang mga bwitreng korap sa mga ahensyang nabanggit naman ang kikita sa pamamagitan ng mga kontrata nila sa iba’t ibang developer ng low cost housing. 

Kahit kailan hindi natin hinangad ang gulo sa mga buhay natin mas lalo pa’t madadamay ang ating mga anak. Pero sa ginagawang panlalansi at pambubusabos ng gobyerno sa atin, dinamay na nila ang lahat ng malapit sa atin, hindi na nila tayo binigyan ng kahit na sapat na panahon man lang para paghandaan ang kanilang proyekto. 

Kailangan na nating magsama-sama para palakasin ang ating tinig para mayanig sila sa laki ng ating bilang, kailangan nating magkaisa at maging organisado kundi magpapatuloy lamang ang panlalansi sa atin. Wala nang mas pinaka-epektibong armas ang maralita sa panahon na ito kundi ang kanyang boto. Nararapat lang na ipagkait natin ang ating suporta sa mga kumakandidato mula Senador hanggang Konsehal na may madugong rekord ng pagpapalayas sa mga maralita, habang susuportahan naman natin ang mga nakakatulong sa usapin ng katiyakan sa paninirahan.

Kailangan natin lumaban para sa katiyakan sa paninirahan, para sa ligtas, disente at abot-kayang relokasyon, para sa serbisyong panlipunan, para sa ating pamilya. Kailangan natin silang singilin at usigin para hindi na nila ito tangkain sa iba pang pamilya’t komunidad. Walang magtatanggol sa ating sariling tahanan kundi tayo mismo.

WALANG DEMOLISYON HANGGA’T HINDI NAAAYON SA PEOPLES’ PROPOSAL!

ON-SITE, IN-CITY RELOCATION, IPAGLABAN!

Koalisyon Kontra Demolisyon (KKD)
KPML-NCRR, AGOM, Manila Urban Poor Alliance, 
SM-ZOTO, Alyansa ng Maralita-QC, Partido Lakas ng Masa (PLM)
SANLAKAS Party-list

Lunes, Pebrero 11, 2013

Position Paper - Koalisyon Kontra Demolisyon (KKD)


Position Paper Hinggil sa Napabalitaang Demolisyon ng mga Komunidad sa Tabing-Ilog, Estero at mga Naninirahan sa Ilalim ng mga Tulay

KOALISYON KONTRA DEMOLISYON (KKD)

Nababahala kaming mga maralita kaya nais naming sa maagang yugto pa lang ngayong Pebrero ay malaman na namin ang buong plano ng pamahalaan dahil tiyak na malaki ang epekto ng proyekto nilang ito sa kabuhayan at kinabukasan naming mga maralita. 

Kailangang ihayag at ilabas ng pamahalaan ang lahat ng dokumento at plano nila na tatama sa aming mga maralita. Maaaring sabihin ng DILG, sa Hunyo na lang ito pag-usapan at matagal pa naman. Ngunit ngayon pa lang, hindi na kami mapagkatulog dahil sa banta. Kaya dapat sa maagang yugto pa lang ngayong Pebrero ay malaman na namin ang buong plano upang amin itong mapaghandaan, masiguro ang aming partisipasyon sa buong proyekto nang hindi matatapakan ang aming karapatang-pantao.

Kaming mga maralita ng lungsod na nakatira sa ilalim ng tulay, estero't tabing ilog ang sinisisi ng pamahalaan sa mga nagdaang bagyong Ondoy, Pedring, Habagat, at iba pang kalamidad. Ngunit hindi masabi ng pamahalaan na ang dahilan nito'y ang pagbabago ng klima, o climate change. Tila ang dahilang ito'y kanilang iniiwasan. Mas kuntento na silang isisi ng isisi sa maralita ang bawat kalamidad na nagdaraan at tumatama sa bansa. Nakakita ng dahilan ang pamahalaan. Kaming mga maralita ang laging dahilan ng pagbaha, hindi ang nagtatayugang gusali ng mga mayayaman, hindi ang reclamation projects, tulad ng itinayong Mall of Asia. 

Kaming mga maralita raw ang nakababara sa mga daanan ng tubig, malinaw na halimbawa nito ay ang ekspansyon ng SM sa Marikina na nagpakitid sa Marikina river. Hindi kami papayag na kami ang sisisihin dahil sa mga naganap na pagbaha sa Kamaynilaan

Sa mga nakaraang demolisyon, kaming maralita'y laging agrabyado. Matapos magiba ang aming mga tahanan, itatapon kaming parang mga daga sa iba't ibang relocation site na malayo sa aming pinagkukunan ng ikabubuhay. 

Nakakasira daw kami sa paningin ng mga kapitalista't mayayaman. Kami raw ay mga hampaslupang walang karapatan sa lungsod. Tao kami. May karapatan. At ito'y aming ipaglalaban.

Kaya sa plano ng pamahalaan, ano ang garantiya naming mga maralitang nakatira sa tabing-ilog, ilalim ng tulay at estero na ang karapatan namin ay igagalang, na hindi kami basta tatanggalan na lang ng aming mga tahanan? Barung-barong man ang anyo ng aming tinitirhan sa ngayon, iyon ang aming tahanan. Sa barung-barong na iyon nakatira at nabubuhay ang aming mga pamilya. 

Ayaw naming basta na lamang kami idedemolis. Dahil handa kaming lumaban, at ipaglaban ang aming mga karapatan!

Kaya ang nais namin, huwag itago ng pamahalaan ang totoong plano, ang totoong proyekto. Tratuhin nila kaming tao at hindi mga dagang basta na lamang itataboy sa malayo. Ang kanilang bantang pagpapalayas sa 105,000 pamilya ay nakakatakot, dahil apektadong tiyak ang kinabukasan ng aming pamilya, lalo na ang aming mga anak.

Nais naming ilantad ng pamahalaan sa taumbayan ang totoong proyekto, dahil baka tulad sa mga nakaraan, walang kasiguruhan ang mga maralita, na basta na lamang itinatapon sa mga relocation sites na kabaligtaran ang mga inaasahan, pagkat walang kuryente, walang tubig, malayo sa aming trabaho, gutom ang inaabot ng mga pamilya, banta sa kalusugan, malayo sa serbisyong panlipunan at madalas mas malala pa kaysa sa aming pinagmulang komunidad.

Ngayong Pebrero na ito dapat pag-usapan. Huwag sa Hunyo kung saan mabibigla kami sa agarang demolisyon.

Ang Aming Mga Kahilingan:

1. Walang demolisyon hangga't walang abot-kaya, maayos, matibay, at ligtas na relokasyon, na pagkakasunduan ng pamahalaan at ng mga maralita.

2. Sumunod sa prosesong itinakda ng batas ayon sa kundisyong isinasaad ng Section 28 ng UDHA, marapat lang na maabisuhan at magkaroon ng negosasyon mula sa mga apektadong pamilya at hindi agarang magsasagawa ng demolisyon.

3. Tiyakin na hindi tutungo ang sa death zone ang mga komunidad na ide-demolish sa danger zone gaya naging kapalaran ng mga nasa Kasiglahan Village sa Montalban.

4. Tiyakin na kumpleto at may sapat na supply ng tubig at kuryente ang malapit sa mga panlipunang serbisyo ng gobyerno gaya ng paaralan, health center, ospital atbp.

5. Kinakailangang in-city ang relokasyon sa mga pamilyang ide-demolis para maiwasan na maperwisyo ang pag-aaral ng aming mga anak at ang aming kabuhayan.

6. Tiyakin ang maitatayo muna ang mga paglilipatang mga bahay bago simulan ang gibaan.

Pebrero 11, 2013

Huwebes, Disyembre 13, 2012

Noynoy, Dont be a Grinch! Hands off the Sin Tax Bill!


PRESS RELEASE
13 December 2012


Militants' Christmas message to the President
Noynoy, Dont be a Grinch! Hands off the Sin Tax Bill!

MORE than three thousand protestors belonging to the anti-Sin Tax alliance, the Peoples Coalition Against Regressive Taxation spent the whole day at the Mendiola bridge urging President Benigno "Noynoy" Aquino to veto the sin tax bill and prevent the catastrophic economic effects of his signing into law of the sin tax bill.

The militant group also criticized the recently approved provisions by the Bicameral Committee Meeting for its abandonment of the safety nets meant to cushion to the impacts of the sin tax bill which will critically affect the jobs and livelihoods of those relying on the sin products. 

In a statement, PCART insisted that the Aquino government is very much aware that a vicious institutional injustice is about to be committed against millions of Filipino workers, farmers, vendors and sari-sari store owners once the Sin Tax Bill is finally enacted but the President still pushed through with the IMF-dictated tax measure.

According to Gie Relova, Secretary-General of the militant Bukluran ng Manggagawang Pilipino-National Capital Region-Rizal chapter, "Aquino did not only intentionally hand out the death warrants of our jobs and livelihoods, but also sent the dreams and ambitions of our children to the gallows. He had every reason to veto the sin tax bill and make Christmas celebration of our children turn from glum to merry but more importantly, he has to veto it before the economy turns from ugly to uglier".

“Totally unacceptable!” this was the reaction of Anthony Barnedo, National Capital Region-Rizal Secretary-General of the urban poor federation Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lungsod (KPML-NCRR)

“If the Sin Tax Bill is Aquino’s idea of a perfect Christmas, then his Daang Matuwid is a complete sham. If a regime that legalizes contractual labor, privatizes public hospitals, abandons the right the right to education, demolishes communities without a habitable relocation sites and now suppresses the way we make a living then logic dictates that the unbearable government such as Aquino’s is just as abusive and exploitative as its laws,” Barnedo added.

The coalition vowed to continue the struggle against an unjust and anti-poor decree such as Aquino’s regressive Sin Tax Law even during the electoral period wherein they are to launch a national negative campaign against those who supported the Malacanang-masterminded massacre of jobs and livelihoods.

Martes, Disyembre 11, 2012

KPML-NCRR slams Bicam during Int'l Human Rights Day


PRESS STATEMENT
December 10, 2012

For Agreeing to a P35 Billion Revenue Target for 2013:
MILITANTS SLAM THE BICAM!

Five thousand workers, vendors, and informal settlers assembled at the grounds of Hotel Sofitel Grand at the CCP Complex carrying placards painted with "Tama na, Sobra na! Sistema ng Pagbubuwis, Palitan na!", P-Noy at Sin Tax, Pahirap sa Masa" and "Tax Revolt, Sagot sa Regressive Taxation!" slogans. The militants condemned the sin tax bicameral conference that agreed on the P35 billion target tax revenue of government for the year 2013 last Friday.

Gie Relova, Secretary-General of the militant Bukluran ng Manggagawang Pilipino - National Capital Region-Rizal (BMP-NCRR), says "We condemn the bicameral conference committee to the highest degree. Passing the sin tax bill has been the solons’ most appalling act of disservice and treachery to the Filipino people. The 1987 Constitution specifically instructs the legislators to develop a progressive system of taxation; instead, these lawmakers prefer to exacerbate the already miserable lives of our countrymen with regressive taxes".

In spite of the militants disgust for the bicameral committee Relova was quick to add that, "the millions of workers and farmers nationwide reserve the strongest denunciation for President Noynoy Aquino for his puppetry to the prodding of international financing institutions such as the International Monetary Fund and a transnational corporation. The imperialist forces shall profit in trillions of pesos at the expense of our local industry without generating any employment”. 

The corporation the labor leader was referring to is the London-based multinational company British-American Tobacco (BAT) which re-entered the Philippine market after pulling out in 2009. The return of the BAT which produces the Lucky Strike brand will only dump surplus tobacco leaves in the country and will clearly benefit from a sin tax law designed to break the stranglehold on the market of a local company thereby increasing BAT's market share in the Philippines .

For Anthony Barnedo, Secretary-General of Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lungsod - National Capital Region-Rizal (KPML-NCRR), a co-convener of the alliance Peoples Coalition Against Regressive Taxation (PCART), "the government claims to raise revenue from excise taxes but surely, they shall never be able to obtain their targets because of the high prices, no one will be able to afford sin products anymore, the industry is bound for doom". 

"Nor do we expect an enhanced public health program from the government even if they achieve their revenue targets. The Universal Healthcare Program of the regime shall remain a dream, ending in a nightmare once they commence privatizing the twenty-six public hospitals" the urban poor leader added. 

"As we commemorate the 64th anniversary of the Universal Declaration of Human Rights (UDHR), our "honorable" senators and congressmen chose to observe this day with intentional and brutal violations to our right to work and protection against unemployment. With the imminent massacre of jobs and livelihoods, the system of taxation being laid down by the Aquino regime is clearly courting a social revolution they shall soon regret.” the BMP leader concluded.

Bicam, Kinundena ng mga Militante


PRESS STATEMENT
Disyembre 10, 2012

Sa Pagsang-Ayon sa P35 Bilyong Target na Sin Tax sa Taong 2013
BICAM KINUNDENA NG MGA MILITANTE!

LIMANG libong manggagawa, manininda at maralitang taga-lungsod ang nagtipon sa labas ng Hotel Sofitel Grand sa CCP Complex dala ang mga placards na may nakapintang, "Tama na, Sobra na! Sistema ng Pagbubuwis, Palitan na!", "P-Noy at Sin Tax, Pahirap sa Masa" at "Tax Revolt, Sagot sa Regressive Taxation!" Bilang pagkondena sa naganap na sin tax bicameral conference na sumang-ayon sa P35 bilyong target na kita sa sin tax ng gobyerno para sa taong 2013. 

Ayon kay Gie Relova, Secretary-General ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino - National Capital Region-Rizal (BMP-NCRR), "Abot-langit naming kinukondena ang naging pasya ng bicameral conference committee. Sobrang nasusuklam ang mamamayang Pilipino sa katrayduran ng pagkakapasa ng sin tax bill. Taliwas ito sa 1987 Constitution na kung saan sinasaad nito na dapat ay paunlarin ang sistema sa pagbubuwis sa isang progresibong pamamaraan ngunit mas pinaboran ng mga mambabatas ang regresibong sistema na lalong magpapahirap sa mga miserable na ngang buhay ng taumbayan."

Bagamat matindi ang disgusto ng mga miltante sa Bicam, mabilis na dinagdag ni Relova na, "milyong manggagawa at magsasaka sa buong bansa ang kumukondena kay Pangulong Benigno Aquino III dahil sa pagpayag nitong maging sunud-sunuran sa mga utos ng mga pandaigdigang institusyong pampinansiya gaya ng International Monetary Fund at isang dambuhalang dayuhang korporasyon. Tutubo ng trilyong piso ang mga dayuhan nang walang lilikhaing hanap-buhay habang iniaalay sa altar ang ating lokal na industriya". 

Ang tinutukoy ni Relova ay dambuhalang kumpanyang naka-base sa London na British-American Tobacco (BAT) na muling pumasok sa Pilipinas makaraang umalis noong 2009. Ang pagbabalik ng BAT na gumagawa ng sigarilyong Lucky Strike ay magtatambak lamang ng sobra-sobrang tabako nito sa bansa. Ang kumpanyang BAT ang malinaw na makikinabang sa isang batas sa sin tax na siyang paraan naman nito para basagin ang monopolyo sa mekado ng isang lokal na kumpanya na mangangahulugan naman ng paglaki ng market share nito. 

Samantala, ayon naman kay Anthony Barnedo, Secretary-General ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lungsod - National Capital Region-Rizal (KPML-NCRR), isa sa nagtatag ng Peoples Coalition Against Regressive Taxation (PCART), "umaasa ang gobyerno na kikita sila sa pamamagitan ng sin tax pero sigurado, hinding-hindi hindi ito magaganap dahil sa taas ng presyo ng mga produktong tabako't alkohol, wala nang makakabili nito, tiyak na malulusaw ang industriya". 

"Hindi na rin natin dapat asahan na mapapaunlad nga ng gobyerno ang mga programang pangkalusugan sa bansa kahit pa sabihin nating maabot nito ang target na kita mula sa sin tax. Ang pinangangalandakan nilang Universal Healthcare Program ay mananatili na lang panaginip na mauuwi sa bangungot kapag sinimulan na nila ang pagsasapribado sa dalawampu't anim na pampublikong ospital," dagdag pa nito.

"Habang ipinagbubunyi natin ang ika-64 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR), mas pinili ng ating mga "kagalang-galang" na senador at kongresista ang labagin ang ating mga karapatan sa paggawa at proteksyon sa kawalan ng hanap-buhay. At dahil sa nakaambang masaker sa mga trabaho't kabuhayan at sa sistema ng pagbubuwis na inilalatag sa rehimeng Aquino, liniligawan nito ang isang panlipunang rebolusyon na tiyak nilang pagsisisihan," dagdag pa ng BMP lider.

Biyernes, Oktubre 12, 2012

ERC, Niralihan ng KPML-NCRR


PRESS RELEASE
12 OCTOBER 2012


INUPAKAN NG MARALITANG TAGALUNSOD ANG KONTRA-MAHIRAP NA IMPOSISYON NA SINANG-AYUNAN NG ENERGY REGULATORY COMMISION

Sumugod sa tanggapan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mahigit singkwentang militanteng kasapi ng pederasyon ng maralitang taga-lunsod, Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lunsod-National Capital Region at Rizal chapter (KPML-NCRR) para hinggin na ipahinto at tuluyang ibasura ang higit na pagtaas ng bill deposit charge. Pinikitan ng KPML-NCRR ang tanggapan ng ERC sa Ortigas Center sa Pasig para ipakita ang kanilang pagkakadismaya sa pagapruba ng ERC sa bill deposit charge na ipapatupad ng MERALCO ngayong buwan.

Ayon sa KPML-NCRR Vice-President, na si Glenn Mendina, "Di pa ba sapat sa kanila na ang Pilipinas ang may pinakamahal na kuryente sa buong Asya ngayon? Ngayon naman, gusto nilang patawan ng karagdagang pahirap ang masa". Sobrang nahihirapan na ang masang Pilipino dahil sa taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na hindi pa rin bumababa mula pa nung habagat noong Agosto.

Ang deposito'y wala ibang gamit kundi magsilbing pagseseguro ng MERALCO sa kanilang tubo mula sa mga taong hindi regular na nakapagbabayad ng kanilang kuryente. Malinaw na ito'y isang kontra-mahirap na imposisyon. Dahil ang deposito ay ipapatupad lamang sa mga residensyal na kustomer lamang ng MERALCO at hindi sa mga industriyal at komersyal na kliyente nito. 

"Ang deposito ay magsisilbing ring dagdag na puhunan parea sa MERALCO, ang may monopolyo sa distribusyon sa kuryente sa buong Metro Manila. Sa pagtatantya, may mahigit na apat na milyong kabahayan na kustomer ang MERALCO at kung ipagpapalagay natin na ang bawat kustomer nito ay kumokonsumo ng isang-libong piso halaga ng kuryente kada-buwan, mangangahulugan ito ng apat na bilyong piso na karagdagang kapital sa kartel ng kuryente sa Metro Manila", bilang pagtatapos ng lider-maralita.

Pinangako ng mga militante na puputaktehin nila ng mga protesta ang ERC sa susunod na mga araw hangga't pinapayagan nito ang bill deposit charge ng MERALCO. 


Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kay: Glenn Mendina- 0939-8149517

KPML-NCRR slams Anti-Poor Imposition okayed by ERC


PRESS RELEASE
12 OCTOBER 2012

URBAN POOR MILITANTS SLAM ANTI-POOR IMPOSITION 
OKAYED BY THE ENERGY REGULATORY COMMISION

Some fifty members of the militant urban poor federation, Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lunsod-National Capital Region and Rizal chapter (KPML-NCRR) marched to the Energy Regulatory Commission (ERC) to demand the scrapping of the bill deposit charge upgrade. They picketed the ERC office in the Ortigas Center in Pasig City to express their disgust for the ERC's approval of the bill deposit charge upgrade to be implemented by MERALCO this month.

The KPML-NCRR Vice-President, Glenn Mendina said, "Is it not enough for them that the Philippines has the most expensive electricity charges in Asia? Now, they want to impose an additional burden to all MERALCO household clients". The poor are already burdened with staggering price increases of the basic commodities and has not stabilized since the storm surge last August.

The deposit has no other use but to serve as a security deterrent against those who are not able to pay their electric bills on a regular basis, clearly, an anti-poor imposition. Because the deposit will only applied to residential consumers and not industrial and commercial clients.

"The deposit will also serve as a additional capital to the electric distribution monopoly in Metro Manila. If the MERALCO has approximately more than four million household consumers and if every household consumes a monthly average of a thousand pesos, it would equate to more than four billion pesos in additional capital to the electricity cartel" the urban poor leader concluded.

The militants vowed to continue their protest actions till the ERC disallows the bill deposit charge of the MERALCO.


For more details, please contact Glenn Mendina- 0939-8149517

Huwebes, Setyembre 6, 2012

Ang ating paninindigan laban sa patakaran ni Pnoy sa mga maralitang lungsod


Ang ating paninindigan laban sa patakaran ni Pnoy sa mga maralitang lungsod 

Pambungad: Nilalayon ng papel na makabuo ng posisyon laban sa pahayag ng gobyerno kaugnay ng deklarasyon nito na pag-demolis sa lahat ng mga kabahayan na nakatirik sa mga danger zones makaraan ang pananalasa ng bagyo at habagat. Nais ring buksan ng dokumento ang diskusyon sa anti-kapitalistang linya at pagsusuri sa puno’t dulo ng usapin ng maralitang lungsod. Ang isyu ng demolisyon, mapaminsalang kalamidad natural man o gawa ng tao, hanapbuhay, serbisyong panglipunan at ang mga polisiya ng gobyerno ay dapat makita sa balangkas ng mapagsamantalang kapitalistang sistema na kinakatawan ni Noynoy Aquino bilang Chairman of the Board at ng uring manggagawa na bumubuo sa hanay ng maralitang mamamayan. 

Sa proseso ng mga diskusyon ay inaasahang mapagyayaman pa ang nilalaman ng papel at makabuo ng higit pang talas sa pagdadala natin sa isyu ng maralita hindi bilang sektor kungdi bilang namumuong pwersa ng kilusang manggagawa sa yugto ng pagsusulong ng demokratikong pakikibakang hahawan sa landas patungong sosyalismo. 

Sa pananalasa ng mga kalamidad gaya ng mga nagdaan at paparating pang mga bagyo nakatagpo ang gobyerno ng kumbenyenteng palusot upang walisin lahat ang mga itinuturong dahilan ng pagbabara ng mga lagusan ng tubig na nagdulot ng mga matitinding pagbaha. At dahil dito, buong-yabang na idineklara ni Pnoy ang pwersahang pag-demolis sa mahigit sa 195,000 informal settlers o mga iskwater sa Metro Manila na tatangging aalis sa mga danger zone gaya ng tulay, estero, tabing-ilog at tabing-dagat na daluyan ng tubig. Ipapatupad din ang three (3) meter easement sa mga tabing ilog at creek na madadag-dag pa sa bilang ng mga mawawalan ng tirahan. 

Ang problema sa patuloy na pananalasa ng baha ay simplistikong tinitingnan ng gobyerno na dulot ng mga pasaway na mga maralitang naglulungga sa mga daluyan ng tubig. Tayo ang nakababara kaya dapat na tayo ang tanggalin. Ang nakikita ng gobyerno ay mga madudungis at mga baboy na mga iskwater na kung saan-saan nagtatapon ng kanilang mga basura habang pikit-mata ito sa mga naglalakihang gusaling nakahambalang mismo sa mga daanan ng tubig. Mga salaulang pabrika na nagtatapon ng mga mapaminsalang basura, walang-habas na pagmimina, pagka-kalbo ng kagubatan at iba pang mga kababuyan ng mga kapitalista sa paghahangad ng malaking tubo na lalo pang nagpapabilis sa pag-init ng daigdig o global warming. 

 Ang problema sa gobyerno, tayo lang ang kayang-kayang pagbuntunan ng lahat ng sisi sa mga pagbaha at hindi makita ang mga baradong programang pang-ekonomiya na hindi lumulutas sa patuloy na paglobo ng mga mahihirap na mamamayan na napipilitang manirahan sa kahit sa pinaka-mapanganib na lugar. Kung susuriin marami sa mga naninirahan sa mga danger zones ay mga maralitang galing na sa kung saan-saang relocation sites sa bansa. Marami ang nagsibalikang relocatees dahil sa kawalan ng hanap buhay sa mga pinagdalhan sa kanilang relocation areas. May mga napaalis din bunga ng bantang demolisyon at cancellation of rights dahil sa kawalan ng pera para sa mga bayarin sa mga relocation areas. 

Ang dapat makita at dapat aminin ng gobyerno ay ang palpak na ipinatutupad na polisiyang pang-ekonomiyang neo-liberal na patuloy na nakaasa sa dayuhang pamumuhunan habang binabale-wala ang kapakanan ng kanyang mamamayan. Ang dapat makita ng gobyerno ay ang nakatakdang paglobo pa ng bilang ng mga maralitang lungsod na titira sa kahit sa pinakamapanganib na lugar dahil sa kakulangan at kawalan ng hanapbuhay dahil ang programang pang-ekonomiya ay inilaan hindi sa mahihirap na mamamayan kungdi sa mga dayuhan at bilyonaryong iilan. 

Negosyo hindi serbisyo

Ang programang pabahay ay para pagkakitaan ng mayayaman hindi para sa serbisyong panglipunan. Walang libreng pabahay, walang libreng relokasyon. At dahil negosyo ang trato ang sinumang negosyante ay hindi aaktong pilantropo na ilalaan ang kanyang kapital sa negosyong walang hahamiging limpak-limpak na tubo. Ang dahilan kung ganun ng mga kabiguan ng programang pabahay ng kasalukuyan at ng mga nagdaang administrasyon ay ang patuloy na paghahangad ng mabilis na ganansyang iluluwal (tubo) buhat sa programa. Ang mga lupain na marapat na maging ligtas na lugar para sa tirahan ng mamamayan ay nakalaan lamang sa mga panginoong may kapital, ang tunay na Boss ni Aquino. 

Ilan sa mga halimbawa ng pagkasugapa ng gobyerno (ng kapitalista) sa tubo ay ang proyektong Quezon City Business District na sumasakop sa Old Capitol Site, Philcoa, Vasra (SRA), North Triangle, Veterans, NIA, Botanical, Forestry at kung saan-saang bahagi ng Lungsod na naging tahanan at matagal na pinagyaman ng mga mamamayan sa mahabang panahon. Itataboy ang mga residente kapalit ng pagtatayo ng mga shopping malls, matatayog na condominum, activity centers at iba pang mga gusaling magsisilbing show case ng isang ”maunlad na bansa” upang umakit pa ng mga dayuhang mamumuhunan. 

Itataboy tayo ng gobyerno dahil sa tingin nitong higit na ganansya sa negosyo ngunit sa mga pagtatapunang relokasyon ay hindi tayo ligtas sa matataas na bayaring obligado nating bayaran dahil pa rin sa cost recovery, cross subsidy at scalating scheme ng amortization ng negosyo pa rin na proyektong pabahay ng rehimeng Aquino. 

Ang karanasan sa Isla Puting Bato at Navotas

Hindi natin mababago sa kasalukuyan ang ngit-ngit ng kalikasan ganundin ang mga sakunang dulot ng mga aksidente at asahan pang maraming buhay pa ang kikitlin sa mga araw pang darating na pipinsala sa pinaka-bulnerableng seksyon ng lipunan. Ang masaklap, tayo na ang nasalanta tayo pa ang patuloy na pini-peste ng kawalang-puso ng gobyerno. Hindi kalabisang sabihing ipinagbubunyi pa yata ng gobyerno ang kapighatian ng maralitang nabiktima ng samut-saring kalamidad at sunog dahil nalibre ito sa pag-demolis sa mga tirahan.

Patunay dito ang karanasan ng mga maralita sa Isla Puting Bato sa Tundo na hindi na nakabalik sa lugar na kinatirikan dati ng kanilang kabahayan dahil itinaboy na sila ng PPA dahil sa modernisasyon at pagsasa-pribado sa nabanggit na lugar sa North Harbor. Ganito din ang istorya ng mga kasama natin sa mga nasalantang mga kapatid natin sa Navotas na matapos masunugan at bayuhin ng samut-saring bagyo at hanging habagat ay nananahan na lamang ngayon sa mga evacuation centers sa iba’t-ibang Barangay covered courts sa Lungsod at hindi na makabalik sa dati nilang tirahan. 

Ang mga karanasang nabanggit sa Navotas at Maynila ay ilan lang sa patunay na sa ”kamalasang” sinasapit ng mga residente ay klarong ”biyaya” sa mga kapitalistang titiba ng limpak-limpak na tubo sa mga binuksang oportunidad sa negosyo ng samut-saring mga kalamidad, gawa man ito ng tao o gawa ng kalikasan. Ang pagpapa-una sa interes ng negosyo bago ang serbisyo’t kalinga sa nagdarahop na mamamayan ay tatak ng isang gobyernong elitistang ang tingin sa mga maralita ay mga basurang dapat walisin. Anuman ang sapiting kalamidad, parang buwitreng nagmamatyag ang mga kapitalistang anumang oras na makakita ng oportunidad ay sasalakay at lalapa sa mga nakahandusay na biktima. Para sa gobyerno at kapitalista, anumang panahon lahat ay pagkakataon upang tumiba ng tubo. Business as usual. 

Hindi tayo magtataka kung may nananalangin na sana’y bumagyo pa nang sa ganun ay ma-itaboy ang mga nakahambalang at istorbo sa negosyong mga iskwater sa kahabaan ng R-10 sa Maynila hanggang sa mga kalsada at baybayin ng Navotas. 

Ang ating hamon sa gobyernong Aquino

May pondo daw na sampung bilyon ang administrasyon para sa relokasyon ng 195,000 na maralita na nasa danger zones. Pondo ito para sa relokasyon o yung proseso ng pagdi-demolis at paghakot mula sa mga demolition areas papuntang relocation sites. Ito ang ipinagyayabang ni Pnoy na solusyon sa problema ng mga maralita sa danger zones na syempre pa’y malabo pa sa tubig-baha na lulutas sa problemang binabanggit.

Subukan nilang gibain ang tirahan ng libo-libong maralitang lungsod na ayon sa gobyerno ay sanhi ng pagbaha at paglubog partikular sa Kalakhang Maynila. Saan tayo dadalhin ng hambog na administrasyong ito? Sa Kasiglahan Village na kumitil ng buhay ng mga residenteng inilipat duon ng pamahalaan makaraang sunugin at gibain ang kanilang kabahayan sa Lungsod ng Quezon? Ganito ba ang pinagmamalaki ng gobyernong relokasyon na nakatuntong pala sa mismong lagusan ng tubig ng San Mateo at ang mga ginawang pabahay ay yari sa mga mababang uri na materyales? Ang lakas ng loob ng gobyernong paratangan tayong mga matitigas ang ulong ayaw magsilikas o magsilayas sa ating mga barung-barong sa mga tinatawag nilang danger zones yun pala’y para lamang isadlak sa mga death zones. 

Nasa gobyerno ang lahat ng puwersa upang mapalayas tayo sa ating mga lungga. Ngunit wala ito sa katinuan na makita ang paulit-ulit nating sinasabi na kailanman ay hindi malulutas ang problema ng paninirahan ng mamamayan kung hindi nito matutugunan ang problema sa ating kabuhayan. Maari nilang dahasin ang mga maralita at sapilitang hakutin sa mga relocation sites ngunit hindi nila mapipigilan ang muling pagbalik ng mga tao dahil nga sa kawalan ng ikabubuhay at miserableng kalagayan sa mga nabanggit na lugar ng relokasyon. 

Ang problema sa gobyerno ay ang tingin nitong tayo ay mga basurang mga walang silbi. Ang hindi nito makita ay ang kolektibo at produktibong lakas ng mga mamamayang binubuo ng mga manggagawa bilang pangunahing puwersa para sa tunay na kaunlaran. Ang patakarang pribatisasyon, deregulasyon at iba pang mga patakaran sa ilalim ng neo liberal na polisiya ng pamahalaan ang salot na magluluwal pa ng henerasyon ng mga mamamayang mananahan kahit sa kasingit-singitan o pinakamapanganib na mga lugar sa lungsod.

Gayung ipinagyayabang nito ang diumano’y ranggo ng Pilipinas bilang pangalawa sa may pinakamataas na economic growth sa rehiyon ano’t hindi makita ng mga matatalinong taga-plano ng administrasyong Aquino na ang problema sa paninirahan ay problema sa kabuhayan. Walang titira sa lungga ng daga kung sasapat ang kanyang kinikita para bigyan ng matinong masisilungan ang kanyang pamilya. 

Ang mga kahilingang ating ipinaglalaban 

1. Paglalaan ng pondo para sa pagtatayo ng mga proyektong pabahay na may sapat na proteksyon at tibay laban sa kung anumang mga kalamidad.

2. Mga proyektong pabahay na hindi dapat malayo sa lugar ng hanapbuhay ng mga manggagawa, may sapat na pasilidad para sa mga kagyat na pangangailangan at iba pang serbisyong panglipunan.

3. Gawing abot-kaya ang halaga ng mga proyektong pabahay at itigil ang kanselasyon ng mga rights sa mga pook relokasyon na hindi nakakatugon sa mga bayaring ipinapataw. 

4. Ipagbawal ang pagsasa-pribado ng mga lupaing tinukoy bilang o kasalukuyan nang mga residential areas. 

5. Tiyakin ang malaking partisipasyon ng mamamayan sa pagpa-plano ng mga itatayong mga pabahay o anumang ipatutupad na programang pabahay. 

6. Ideklara ang limang (5) taong moratorium sa demolisyon kasabay ng puspusang pagpo-proseso ng komprehensibong programa sa pabahay sa bansa. 

7. Regular na trabaho para sa maralita’t manggagawa

8. Itigil ang kontraktuwalisasyon ng trabaho ng mga manggagawa. 

9. Ipatupad ang living wage. 

10. No to oil price hike! Ibasura ang Oil Deregulation Law 

11. Itigil ang neo liberal economic policy ng gobyernong Aquino.

BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO
NATIONAL CAPITAL REGION (BMP-NCRR)

KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MARALITANG LUNGSOD 
NATIONAL CAPITAL REGION – RIZAL (KPML-NCRR) 

September 2, 2012

Martes, Agosto 21, 2012

KPML-NCRR press statement - 082112


Press Statement
Agosto 21, 2012
KPML NCRR

PATAKARANG PABAHAY NG GUBYERNO NI PNOY, ANTI-MARALITA AT MAKA-KAPITALISTA

Pnoy pwersahang idedemolis ang mga maralita sa Danger Zone ng NCR

Pwersahang idedemolis ng gubyerno ang mahigit sa 120,000 informal settlers o mga iskwater sa Kalakhang Maynila na tatangging aalis sa mga danger zone gaya ng tulay, estero, tabing-ilog at tabing-dagat na daluyan ng tubig. Kamakailan lamang halos 90% ng Metro Manila at ilang probinsiya sa Luzon ang lumubog dahil sa baha dulot ng ulang ”Habagat”. Pangunahing sinisisi ng gubyerno sa pagbabahang ito ay ang mga iskwater na nakatira sa mga daluyan ng tubig ngunit hindi nakikita ng gubyernong ito ang kakulangan sa programa sa pabahay ng mahihirap, hindi dapat sila ang sisihin. Samantalang hindi nakikita ng gubyerno ang sanhi ng pagbaha sa kalunsuran ay ang dulot ng basura na galing sa mga malalaking pabrika sa gilid ng mga ilog. Mahinang klase ng drainage system at di sapat ang kapasidad ng mga daluyan ng tubig. Ang patuloy ang pagpuputol ng puno sa kabundukan na sanhi ng pagguho ng mga bato at pagtabon ng putik sa mga daluyan ng tubig. Kakulangan sa kaalaman sa pagtatapon ng basura o waste management. Ang pagtatayo ng mga gusali o mall na nagdudulot ng pagliit ng mga daluyan ng mga tubig. 

Tinalikuran na ni Pnoy ang pangakong in-city at on site development sa mga maralita. Hindi naman tayo tutol na maalis sa mga danger zone basta may ligtas, permanente, abot-kaya at may kumpletong serbisyo sa mga pook-relokasyon. Ngunit ang mga relokasyon na programa ng gubyerno ay malalayo, walang trabaho at kulang sa panlipunang serbisyo, kaya ang nangyayari sa mga linikas dito mula sa danger zone patungo sa mga death zone. Samantalang may P10 bilyong piso ang gubyerno taun-taon para sa relokasyon ng mga tao ngunit saan ito napupunta, may usapin pa ng mga cancellation ng lupa para sa di nakakabayad sa pook-relokasyon.

Sa kasalukuyan halos 700 pamilya ang nasa evacuation sa navotas at pagdami ng mga panibagong biktima ng kalamidad sa 11 evacuation center sa navotas ng hanggang ngayon ay wala pang relokasyon na inilaan sa kanila ng pamahalaang local ng Navotas. 

Halos ang mga lupa sa kalunsuran at inilalaan sa mga kapitalista upang pagtayuan ng shopping mall, condominium, sports complex, call center hub, town houses at parks. Sa halip na serbisyong pabahay na pangunahin para sa maralita. Lubusan na ang pribatisasyon sa serbisyong pabahay at mga patakaran sa interes ng tubo, polisiyang cost recovery, cross subsidy, escalating scheme ng amortization kasama na ang foreign exchange rate para sa pagtitiyak ng return on investment at limpak-limpak na tubo sa esensya ng negosyong real estate ang programa ni Pnoy sa pabahay. 

Kaya iginigiit ni Allan Dela Cruz, Tagapangulo ng KPML NCRR, sa gubyerno ni Pnoy “na magkaroon ng in-city at on site development o near city resettlement para sa proyektong pabahay, dapat ito ay may maayos, ligtas, permanente, abot-kayang halaga ng pagbabayad at may kumpletong panlipuang serbisyo. Atasan ni Pnoy ang mga local na pamahalaan sa NCR na maglaan ng pondo para sa mga aalising pamilya na nakatira sa danger zone na i-prayoridad ang programa para sa pabahay ng maralita”. 

Katulad ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Paranaque na naglaan ng pondo para sa mahigit 1,000 pamilya na aalisin sa tabing-ilog at ito ay sa pamamaraang in-city relocation at huwag dalhin ang mga tao sa death zone na relokasyon. 

Mga panawagan: 
• “Pabahay ay Serbisyo hindi Negosyo”
• “Itigil at walang demolisyon” at “No to Cancelation on Rights
• “Ligtas, permanente, maayos, abot-kayang halaga ng lupa’t pabahay at kumpletong pasilidad sa pook-relokasyon”
• “In City, On Site, Near City Resettlement”
• Regular na trabaho sa maralita

Miyerkules, Hulyo 4, 2012

Kasamang Rey, Magiting na Lider-Maralita




KASAMANG REY, MAGITING NA LIDER-MARALITA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod

(Inatake sa puso’t pumanaw si Kasamang Rey Baltazar, pangkalahatang kalihim ng KPML-NCRR, noong Hulyo 1, 2012. Siya rin ang ikalawang pangulo ng Samahang Walang Tahanan (SAWATA) sa lungsod ng Kalookan.)

si Ka Rey ay isa sa aming lider na magiting
sa rehiyon siya ang pangkalahatang kalihim
maralita'y kasamang nakibaka ng taimtim
sa kanyang pagpanaw, mga maralita'y nanimdim

dalawang dekadang higit din siya sa pagkilos
tumulong sa laban ng mga maralitang kapos
magaling na lider-maralita, di malalaos
pamilya'y di pinabayaan, minahal nang lubos

ilang taon na namin siyang kasama sa rali
bawat isyu'y sinusuri, di siya atubili
lalo't maralita'y apektado, di mapakali
karapatan ng masa'y lagi niyang sinasabi

mula sa lokal, siya'y naging lider sa rehiyon
lipunan ay inaral, sa sistema’y di umayon
ipinagtanggol ang dukha laban sa demolisyon
ipinagtanggol ang dignidad ng organisasyon

si Kasamang Rey ay isang dakilang sosyalista
sa laban, di siya nang-iwan ng mga kasama
kumilos upang baguhin ang bulok na sistema
adhika ay lipunang may pagkalinga sa masa

kasamang Rey, nagpupugay kaming taas-kamao
dakilang sosyalistang nais baguhin ang mundo
itutuloy namin ang mga naiwang laban mo
pumanaw ka man, tuloy ang laban sa pagbabago

* KPML-NCRR - Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod - National Capital Region-Rizal

Martes, Mayo 1, 2012

Polyeto sa Mayo Uno 2012


ANG MGA MARALITA'Y MANGGAGAWA RIN!
KAMALAYANG MAKAURI'Y PATALASIN!

Mga kapatid na maralita’t manggagawa sa komunidad, 

Ipinagdiriwang natin ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa tuwing Mayo Uno bawat taon. Kadalasan, hinihingi natin sa kapitalistang gobyerno ang pagkakaroon natin ng trabaho, pagbaba ng presyo ng pangunahing bilihin. Ngunit kadalasan din, hindi naman talaga pinagbibigyan ng pamahalaan ang kahilingan ng kanyang mamamayan. Ito'y dahil kapitalismo nga ang umiiral sa ating lipunan, at saklot nito ang buong bayan, kasama na ang pamahalaan ni PNoy. Kaya bakit hihingi tayo sa kapitalistang gobyerno, gayong kapitalismo nga ang kanilang pinaiiral, kapitalismong siyang dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang mga batayang karapatan tulad ng pabahay at kalusugan ay naging negosyo na! Patuloy na nananalasa ang salot na kontraktwalisasyon kaya walang katiyakan sa trabaho at di maging regular ang ating mga manggagawa. 

Marami sa ating mga maralita ang mga walang trabaho at isang-kahig, isang-tuka ang ating pamilya. Patuloy tayong nakikibaka sa araw-araw upang mabuhay. Bilang maralita, tayo'y manggagawa rin. Wala man tayo sa mga pabrika, nabubuhay rin tayo sa pagbebenta ng ating lakas-paggawa. Wala tayong pag-aaring kasangkapan sa produksyon. 

Totoo, nagtataasan ang presyo ng mga bilihin, at upang makaangkop tayo dito'y dapat taasan din ang ating sinasahod, pamahalin ang ating itinitinda, taasan ang pamasahe. Ngunit ang mas mahalaga, huwag nang itaas ang presyo ng mga bilihin. Subalit hindi ito gagawin ng gobyernong nakasuso sa mga kapitalista para mabuhay. 

Kailangang maibsan ang ating mga nararanasang kahirapan, kaya dinudulog natin sa pamahalaan ang ating mga suliranin dahil sila ang namumuno sa ating bayan. Ngunit hindi sapat na humingi lang tayo sa kapitalistang gobyerno ng ikaaalwan ng ating kabuhayan. Hindi tayo dapat mamalimos sa kanya na tulad ng pulubi, kundi dapat nga ay palitan natin ang gobyernong ito ng totoong naglilingkod sa sambayanan.

Ang dapat nating gawin ay putulin na ang ganitong tanikala ng pagkaalipin. Patuloy nating pag-aralan ang lipunan! Kailangang makilala natin ang ating sarili bilang isang uri, dahil ito ang unang larangan ng labanan, ang palayain ang kaisipan ng manggagawa mula sa bansot na kaisipang isinubo ng kapitalistang sistema sa buong bayan, sa buong daigdig. Sa madaling salita, hindi lamang dapat magkasya ang manggagawa sa isyu ng pagtaas ng sahod, pagwawagi ng living wage, at pagiging maayos ng kondisyon sa pabrika bilang mga sahurang alipin. Higit sa lahat, tayo'y dapat maging mulat-sa-uri na may layuning durugin ang katunggali nating uri, ang uring kapitalista, elitista, burgesya. 

Kaya ang sustansya ng lagi nating isinisigaw na "Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya" ay kung mulat na tayo sa ating uring kinabibilangan – ang uring manggagawa. Ang makauring kamalayan ang ating armas sa pagbabago. Ito ang larangan natin tungo sa paglaya ng ating uri laban sa bulok na sistema.

Bilang mga mulat-sa-uri, ang dapat paghandaan natin ay ang pagtatayo ng isang lipunang ating ipapalit sa bulok at inuuod na sistemang kapitalismo, ang pagtatagumpay ng diktadurya ng uring manggagawa, hanggang sa maitayo ang ating nakatakdang lipunan, ang lipunang walang pagsasamantala ng tao sa tao, ang lipunang SOSYALISMO. Doon titiyakin natin na may pabahay para sa lahat, ang karapatan sa kalusugan at edukasyon ay tinatamasa ng lahat, ang katiyakan sa trabaho ay tiyak para sa lahat, dahil sa sosyalismo, papawiin natin ang pribadong pag-aaring siyang ugat ng ating kasalukuyang paghihirap. 

Wakasan ang salot na kapitalismo! Bawat hakbang natin patungong sosyalismo! 

BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO (BMP-NCRR)
KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MGA MARALITA NG LUNGSOD (KPML-NCRR)
ZONE ONE TONDO ORGANIZATION (SM-ZOTO)
PIGLAS-KABATAAN (PK)
Mayo 1, 2012

Miyerkules, Abril 25, 2012

Pagkondena sa Demolisyon sa Silverio


Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod
National Capital Region-Rizal (KPML-NCRR)
Blk. 31, Lot 82-83, Maya-maya St., Brgy. NBBS, Navotas, MM Tel. 2859957

Press Statement
Ka Allan Dela Cruz
Pangulo, KPML-NCRR
Abril 24, 2012

KINOKONDENA NG KPML-NCRR ANG NANGYARING KARAHASAN AT PAGPASLANG SA NAGANAP NA DEMOLISYON SA SILVERIO!

Mahigpit naming kinokondena ang marahas na demolisyon sa aming mga kapatid na maralita sa Silverio Compound, sa Sucat, Parañaque na ikinamatay ng isang katao at ikinasugat ng humigit-kumulang apatnapung (40) katao. Sadyang kalunus-lunos ang nangyaring ito. Kaya kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML-NCRR) ay taas-kamaong nagpupugay sa ginawang depensa ng mga kapatid naming maralita sa kanilang pakikibaka para sa kanilang karapatan sa pabahay at kinabukasan. Kinokondena namin ang marahas at brutal na demolisyon na naging sanhi ng pagkamatay ng isang maralitang 21 taong gulang at pagkasugat ng marami para depensahan ang kanilang tahanan, kabuhayan, kinabukasan, dangal at pagkatao.

Ilan pa ang dapat mamatay para magkaroon ng kasiguraduhan sa pabahay? Ilan pang demolisyon ang magaganap upang igalang ang karapatan ng bawat tao sa paninirahan? Ilan pang bato ang pauulanin ng maralita upang depensahan ang kanilang mga karapatang mabuhay?

Mahalaga ang negosasyon, bagamat sa negosasyon ay dehado lagi ang maralita kumpara sa mga may perang kayang bilhin kahit ang husgado at gobyerno. At ang gobyernong ito ni Noynoy Aquino ang pangunahing kakampi ng mga kapitalista para sa kanilang public and private partnership, na pag-unlad ng mga negosyo habang pinalalayas na parang mga daga ang mga maralita't itinataboy sa malalayong lugar ang mga dukhang nakapupuwing sa mata ng negosyo't ni Aquino. Walang awa sa mga mahihirap ang mga kapitalista't gobyerno. Patunay ang maraming naganap na demolisyon kung saan nakikipagbatuhan ang mga maralita upang depensahan ang kanilang karapatan sa paninirahan, dangal, pagkatao, buhay at kinabukasan.

Sa maraming mga naganap na demolisyon, sa Laperal sa Makati, sa Mariana at sa North Triangle sa Quezon City, sa 9 de Pebrero sa Mandaluyong, sa Corazon de Jesus sa San Juan, R10 sa Navotas, at ngayon sa Silverio sa Parañaque, nakipagbatuhan at nakibaka ang mga maralita upang depensahan ang kanilang karapatan sa paninirahan. Sinuman ang tanggalan ng tirahan ay tiyak na lalaban. Tanggalan kaya ng maralita ng bahay si Pangulong Aquino? Idemolis kaya nating maralita ang bahay ng mga nagdedemolis? Tiyak na maghahalo ang balat sa tinalupan! Dahil mahalaga sa atin ang bahay, ang ating tinitirhan, ang pahingahan ng pagal nating katawan, ang tahanan ng ating mga anak! Kung bato ang ating pandepensa para ipagtanggol ang ating karapatan sa paninirahan, bakit hindi natin ito hahawakan at ibabato sa mga yumuyurak sa ating pagkatao!

Dapat magkaisa ang lahat ng maralita para labanan ang mga demolisyong patakaran ng kapitalista't gobyerno. Hindi mga hayop tayong mga maralita, tayo'y mga taong may dignidad. Taong may karapatang mabuhay, taong may karapatang magkaroon ng magandang kinabukasan, taong masisipag bagamat naghihirap, taong nagsisikap para sa kinabukasan ng ating mga anak. 

Dapat pag-aralan din ng maralita ang lipunang ating ginagalawan. Bakit nga ba kapitalismo ang sistema? At bakit sa ilalim ng kapitalismo, patuloy na naghihirap ang sambayanan? Simpleng kurapsyon lang ba ang problema na tulad ng elitistang pangulo? Bakit dapat mag-alsa ang mga maralita laban sa bulok na sistema ng lipunan? Bakit sa ilalim ng kapitalismo'y binabayaran ang bawat karapatan, tulad ng karapatan sa pabahay at karapatan sa kalusugan? May maaasahan ba tayong maralita sa mga tulad ng polisiya ni Aquino laban sa maralita, polisiyang kiling sa mga kapitalista kaysa mahihirap, patakarang para sa negosyo kaysa karapatang pantao?

Maralita, tapusin na natin ang panahon ng pananahimik at pagsasawalang-kibo. Panahon na upang magpasya tayo, di lang para sa ating sarili, kundi para sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

Mga kapatid na maralita, magkaisa laban sa karahasan sa ating hanay! Katarungan sa mga nasugatan at namatay sa demolisyon! Ipaglaban ang karapatan sa paninirahan!

Martes, Abril 3, 2012

Polyetong pinamahagi sa Kalbaryo ng Maralita

“PAMUMUNO NI PNOY,
KALBARYO SA MGA MARALITA
WAKASAN ANG PAGHAHARI NG MGA KAPITALISTA,
KUMILOS PARA SA TAGUMPAY AT PAGBABAGO”

Patuloy ang paglala ng kahirapan, ni katiting na ginhawa’y walang maaninag, nagpapatuloy ang baku-bakong pamumuhay lalo na sa mga maralita ng lunsod.

“Walang wang-wang” at “tuwid na daan” ay para lamang kina Henry Sy, Ayala-Zobel, Lucio Tan, Gokongwei mga kapitalistang ganid sa tubo at mga kasabwat ni PNoy sa Philippine Development Plan (PDP) at Private Public Partnership (PPP). Tuwid ang daan para sa kontraktualisasyon at pagdami ng walang hanapbuhay. Tuwid na daan para sa malawakan , marahas na demolisyon di makatao at ebiksyon at sapilitang paglipat sa mga malalayong relokasyon.

Tuwid ang tele-nobelang “impeachment court” ni Enrile, na nagpatigil na busisiin o bukasan ang “dollar account” ni Coronang Tinik bago tuluyang mabulilyaso ang itinatagong “dollar account” ng mga ito na ginagastusan ng milyon-milyong piso ang pagdinig araw-araw ng mga naghaharing-uri.

Tuwid o higit pa sa pasang krus ang dinaranas ng mga maralita – tuwid ang pagtaas ng presyo ng langis na siguradong bit-bit sa pagsirit sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo lalo na ang dagdag na singil sa pasahe at presyo ng LPG.

Malinaw at dapat sukatin natin si PNoy na katulad din siya ng iba pang namahala sa gobyerno ay mapang-api sa mahihirap at kailangang nang mawakasan ang paghahari nito. Hamunin natin si PNoy dahil wala siyang pakialam sa problema ng maralita at wala siyang magagawa sa pagtaas ng presyo ng langis at dagdag-sahod ng mga manggagawa. Puro na lamang impeachment ang inaatupag ng gobyernong ito at sa halip na pagtuunan ng pansin ang suliranin ng mga mahihirap.

Mga kasama at kapatid na mga manggagawa, tanging sa pakikibaka ng uri ang landas ng ating tagumpay at makakamit ang pagbabago. Mabuhay ang Maralita!

KPML * Piglas Kabataan (PK) * SM-ZOTO * PLM
April 03, 2012

Media Advisory - Kalbaryo ng Maralita

MEDIA ADVISORY
April 03, 2012

PAMUMUNO ni PNoy...KALBARYO NG MARALITA

WHAT: Kalbaryo ng Maralita
WHEN: Abril 03, 2012 (Martes) 9:00 am
WHERE: Harap ng UST, Espana, Manila - 9 am martsa patungo ng Mendiola

Magsasagawa ng “Kalbaryo ng Maralita” bilang paggunita sa “Semana Santa” ang mga lider at kasapi ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lunsod (KPML) sa ika-03 ng Abril, 2012 mula sa UST, Espana, Manila patungo ng makasaysayang Mendiola sa ganap na 9:00 ng umaga hanggang 11:00.

Magsasama-samang kikilos ang mga maralita dahil sa patuloy ang paglala ng kahirapan, ni katiting na ginhawa’y walang maaninag, nagpapatuloy ang baku-bakong pamumuhay lalo na sa mga maralita ng lunsod sa pamumuno ni PNoy. Ang “Walang wang-wang” at “tuwid na daan” ay para lamang kina Henry Sy, Ayala-Zobel, Lucio Tan, Gokongwei mga kapitalistang ganid sa tubo at mga kasabwat ni PNoy sa Philippine Development Plan (PDP) at Private Public Partnership (PPP).

Ang “Tuwid ang daan” para sa kontraktualisasyon at pagdami ng walang hanapbuhay. Tuwid na daan para sa malawakan, marahas at di makataong demolisyon at ebiksyon at sapilitang paglipat sa mga malalayong relokasyon.

Tuwid ang tele-nobelang “impeachment court” ni Enrile, na nagpatigil na busisiin o buksan ang “dollar account” ni Coronang Tinik bago tuluyang mabulilyaso ang itinatagong “dollar account” ng mga ito na ginagastusan ng milyon-milyong piso ang pagdinig araw-araw ng mga naghaharing-uri.
Tuwid o higit pa sa pasang krus ang dinaranas ng mga maralita – tuwid ang pagtaas ng presyo ng langis na siguradong bit-bit sa pagsirit sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo lalo na ang dagdag na singil sa pasahe at presyo ng LPG. Kaya ang panawagan natin na:

IBASURA ANG OIL DEREGULATION LAW!
IBABA ANG PRESYO AT TANGGALIN ANG VAT SA LANGIS!
PABAHAY, TRABAHO, SERBISYO, OBLIGASYON NG GOBYERNO!

PHOTO OPS: "Magsasagawa ng Paghahatol kay Kristo bilang Manggagawa at Pagpasan ng Krus na Pahirap sa mga Maralita sa Pagtaas ng mga Presyo ng Pangunahing Bilihin at mag-Noise Barrage".

Lunes, Marso 12, 2012

KUMILOS para ibaba ang presyo ng LPG!

KUMILOS para ibaba ang presyo ng LPG!

KAPAG tumaas ang presyo ng langis, kadalasang kumikilos agad ang sektor ng transport - ang mga tsuper at operator. Alam kasi nilang direkta ang kabawasan nito sa kanilang kita.

Pero ang hindi napapansin, ang numero unong biktima nito ay tayo – mga ordinaryong Pilipino. Hindi lang dahil tumataas ang presyo ng mga bilihin dahil nagmahal ang transportasyon ng mga produkto.

Mas pa, dahil, bunga nito, agad ding tumataas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG – isang ordinaryong kasangkapang gamit ng milyon-milyon sa pagluluto. Sa madaling salita, ang oil price increase ay umaabot sa kusina at tumatagos sa ating mga sikmura!

Dahil may nagpoprotesta, ang presyo ng diesel at gasolina ay sumasabay sa presyo ng langis sa world market. ‘Yun nga lang, kapag tumaas ang presyo sa buong mundo, mabilis na sumusunod ang lokal na presyo. Kapag bumaba naman sa ibang bansa ay napakabagal kung sumunod ang mga presyo sa Pilipinas.

Pero mas malala ang LPG! Hindi ito gaya ng gasolina’t diesel na naipapasa ng tsuper/operator bilang dagdag pasahe o dagdag na transportation fee. Ito ay direktang gastusin ng taumbayan!

Hindi lang ‘yon. Tulad ng gasolina’t diesel, tumataas ang presyo ng LPG kapag tumaas ang langis sa pandaigdigang merkado. Pero hindi gaya ng ibang produktong petrolyo, ang LPG ay hindi sumasabay kapag bumaba ang world oil prices. Kaya ngayon, ang 11 kg. LPG ay nagkakahalagang P900-P1000!

Hamunin natin si PNoy. Kung matapang siya laban kay Corona at mga Arroyo, ilabas niya din ang kanyang tapang laban sa mga dambuhalang kompanya ng langis! Kontrolin niya ang presyo ng langis, lalo na ng LPG! Ating ipaglaban ang mga sumusunod na kahilingan:

1) Para sa Department of Trade and Industry (DTI): Ikategorya ang LPG bilang “basic commodity” o pangunahing bilihin para makontrol ng ahensya ang presyo nito. Bantayan ang presyo nito gaya ng pagbabantay ng DTI sa presyo ng asukal, sardinas, tinapay, arina, atbp.

2) Para sa Malakanyang: Ibasura ang Oil Deregulation Law. Kontrolin ang presyo ng langis. Sapagkat ang pagtaas nito ay may matinding epekto sa buhay ng milyon-milyong katao. Alisin ang VAT sa langis! Kayo na mismo ang umamin – noong 2011 – na bawat $1 pagtaas sa presyo ng krudo sa world market ay nangangahulugan ng dagdag na koleksyong P1 Bilyon mula sa VAT! Buwagin ang Oil Cartel at LPG Cartel.

3) Para sa LPGMA o Liquefied Petroleum Gas Marketers Association: Ibaba ang presyo ng LPG! Huwag kayong umastang maliliit na negosyante dahil bilyon-bilyon ang inyong puhunan.

4) Tanggalin sa Batasan si Cong. Arnel Ty ng LPGMA partylist. Ang LPGMA ay binubuo ng mga kompanyang nagbebenta ng LPG pero hindi sila maliliit na negosyante kundi mga kapitalistang may bilyon-bilyong puhunan. Sila ay hindi marginalized o inaaping sektor kung di sila mismo ang isa sa mga nang-aapi sa taumbayan.

Mga kapatid na manggagawa at maralita! Halina’t kumilos para ibaba ang presyo ng LPG. Lumahok sa mga protesta. Sumama sa mga pagkilos. Hindi magkukusa ang mga kapitalista – lalo na ang kanilang mga kauri sa gobyerno – na ibaba ang mga presyo dahil sila ang nakikinabang sa ating kahirapan! Ang ating kinabukasan ay nasa sarili nating kamay.

KPML – SM ZOTO – PK – PLM
Marso 12, 2012