Sabado, Abril 30, 2011

TFDP Solidarity Message sa 6th KPML-NCRR Congress

MENSAHE NG PAGPUPUGAY MULA SA TFDP
SA IKA-6 na KONGRESO ng KPML NCRR

Nakilala natin ang KPML sa paggigiit para sa proteksiyon at kasiguruhan ng karapatan ng mamamayan lalo na ng maralita para sa sapat, maayos at may dignidad na pamumuhay bilang obligasyon ng pamahalaan. Sa mahabang kasaysayan ng pakikibakang ito, isa ang KPML sa mga nangunang organisasyon ng mamamayan na nagtanggol sa karapatan at dignidad ng mga maralita.

Ang pagtatanggol at paggigiit para sa karapatang mamuhay ng may dignidad na kinabibilangan ng karapatan sa maayos na tirahan, sapat na pagkain, serbisyong pampubliko, pangkalusugan, hanapbuhay at tamang pasahod ay nasa dugo at pawis na ng magigiting na organisador, kasapi at mga lider ng KPML.

Nagpupugay po ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa patuloy, walang humpay at buong tapang na pagsuong ng KPML sa anumang labang hinaharap at haharapin pa ng mamamayang maralita. Nagpupugay po ang TFDP sa masikhay na pagkilos ng KPML bilang samahan ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao lalo na ng sektor ng maralita.

Lalagi po tayong magkakasama sa adhikaing ito. Sa inyong ika-anim na Kongreso Mabuhay ang mga Tagapagtanggol ng Karapatang Pantao! Mabuhay ang KPML!

TASK FORCE DETAINEES OF THE PHILIPPINES (TFDP)
April 29, 2011

Walang komento: