Miyerkules, Abril 22, 2020

Pahayag ng KPML sa ika-50 anibersaryo ng Earth Day

PAHAYAG NG KPML SA IKA-50 ANIBERSARYO NG EARTH DAY
Abril 22, 2020

Pulos plastik na ang naglipana sa karagatan, tulad ng mga yosi, lighterm straw; mga upos na nagkalat sa lansangan; mga nagamit na face mask at guwantes na nasa basurahan.

Ayaw na ng marami sa atin ang plastik dahil tambak na ang plastik sa mga land fill, dagat, lansangan, at dahilan upang magbara sa mga kanal kung magbaha.

Subalit dahil sa COVID-19 at patakarang social distancing upang di magkahawaan, muling naglipana ang plastik sa mga tindahan, kainan, at iba pang lugar bilang panangga laban sa coronavirus.

Di rin dapat mainitan ang plastik, lalo na'y huwag itong gamiting pambalot sa pagkain, pagkat pag nainitan ang plastik, ang mga latak na kemikal nito'y sasama sa pagkain, na maaaring makasama sa kalusugan ng tao. Ang mga Annex I Countries ay kalampagin pa rin sa usapin ng climate justice. Tiyakin pa ring napaghihiwalay natin ang mga nabubulok na basura sa mga hindi nabubulok.

Kaya sa araw na ito ng ikalimampung anibersaryo ng Earth Day, nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa lahat ng nakikibara upang magkaroon tayo ng sariwang hangin at kumikilos para maalagaan ang ating kalikasan at kapaligiran.

Walang komento: