Pahayag ng Taliba ng Maralita hinggil sa Pinoy Weekly
Agosto 1, 2020
Nitong Hulyo 26, 2020, pinagkukuha ng mga pulis ang maraming kopya ng pahayagang Pinoy Weekly sa opisina ng Kadamay sa Pandi, Bulacan. Ito na marahil ang resulta ng karima-rimarim na Anti-Terror Law, na pati kalayaan sa pamamahayag ay sapilitang niyuyurakan sa ngalan daw ng paglaban sa terorismo. Na sa aming pagtingin ay instrumento ni Duterte laban sa kanyang mga kritiko. Kung ano ang gusto ng hari ay sinusunod ng mga desusi niyang mga alipin.
Marahil, maaari rin itong mangyari sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML). Subalit dapat maging handa ang patnugutan ng Taliba ng Maralita sakaling mangyari din sa kanila ang nangyari sa Pinoy Weekly. Huwag nating hayaang mayurakan ang ating pahayagang magpahayag.
* Nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang organisasyong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Agosto 1-15, 2020, pahina 8.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento