PAHAYAG NG KPML SA BANTANG PAGSASARA NG ABS-CBN, APEKTADO ANG NASA 11,000 MANGGAGAWA
Pebrero 21, 2020
PROTEKSYUNAN ANG MGA MANGGAGAWA NG ABS-CBN!
KARAPATAN SA TRABAHO AT MAGPAHAYAG, IPAGLABAN!
Kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ay taas kamaong nakikiisa sa laban ng mga manggagawa ng malaking network na ABS-CBN, lalo na’t nagbabantang mawalan ng trabaho ang nasa labing-isang libong manggagawa nito.
Ginigipit ng "pangulo" ng bansa ang ABS-CBN, at nais niyang hindi na maaprubahan ng bagong prangkisa ang nasabing network, dahil hindi niya ito kakampi, at patuloy siyang tinutuligsa nito dahil sa kanyang mga polisiyang tokhang at kawalan ng paggalang sa karapatang pantao at wastong proseso. Ginigipit niya ang nasabing network upang hindi na nito maipagpatuloy ang gawaing magpahayag. Ginigipit niya ang ABS-CBN dahil may balak siyang ipalit na network dito na agad niyang mapapasunod at aayon sa kanya sa anumang polisiyang kanyang gawin.
Sa mga manggagawa ng ABS-CBN, patuloy tayong makibaka at ipaglaban ang ating karapatan bilang manggagawa, at isulong natin ang tunay na pagbabago. Sama-sama nating palitan ang bulok na sistemang elitista sa bansa. Halina’t magkapitbisig tungo sa isang lipunang tunay na malaya mula sa pang-aapi, pandarahas, at pagsasamantala!
Mabuhay kayo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento