PAHAYAG NG KPML HINGGIL SA IKATLONG U.N. DECADE FOR THE ERADICATION OF POVERTY (2018-2027)
Pebrero 10, 2020
Kami sa Kongreso ng Pagkaka-isa ng Maralitang Lungsod (KPML) ay mahigpit na nakikiisa sa pagdeklara ng United Nations ng Ikatlong Dekada upang Mapawi ang Kahirapan o Third United Nations Decade for the Eradication of Poverty (2018-2027).
Ayon sa kasaysayan, ang Unang Decade for the Eradication of Poverty ay noong 1997-2006, ang Ikalawang Decade for the Eradication of Poverty ay noong 2008-2017), at sa dekadang ito nagaganap ang ikatlo. Nakatatlong deklarasyon na ang United Nations, ibig sabihin ay tatlum-pung taon na silang nananawa-gang dapat mapawi ang kahirapan. Subalit tila pulos deklarasyon lang ito at walang kongkretong aksyon ng pagpawi ng kahirapan.
Ayon sa taya ng UN, upang mapawi ang kahirapan sa taon 2030, na kung pagbabatayan ang ratio ng paglaki ng populasyon, kinakailangan mabawasan ng halos 110 milyon bawat taon ang bilang ng mga taong nabubuhay nang mas mababa sa $190 sa isang araw. May mahalagang papel ang United Nations upang matugunan ang pandaigdigang hamong ito. Subalit pagtingin natin sa KPML, hangga't hindi pantay ang hatian ng yaman sa lipunan, hangga't patuloy ang kapitalismo, hangga't isang pribilehiyo ang pribadong pagmamay-ari, hindi mawawakasan ang kahirapan. Dapat nating pagsikapang palitan ang ganitong bulok na sistema ng lipunan kung nais nating mapawi ang kahirapan, at iluklok ang uring manggagawa sa tuktok ng lipunan.
Ngunit hindi ito gusto ng mga kapitalistang bansa, ang tanggalan sila ng pribadong pag-aari upang maging pag-aari ng buong lipunan, nang sa gayon ay wala nang mahirap at mayaman, ay hindi nila magagawang tanggapin. Tanging sa rebolusyon ng mga uring api makakamit ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento