PAHAYAG NG KPML HINGGIL SA MGA HINULI’T IKINULONG NA VENDORS (ELLIPTICAL 5)
Pebrero 20, 2020
Hindi krimen ang maghanapbuhay!
Palayain ang Elliptical 5, ngayon na!
Kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ay taas-kamaong nananawagang pa-layain na ang ating mga kapatid na vendor na hinuli ng mga pulis-Quezon City. Ngayong Pebrero 20 ay World Day of Social Justice o Pandaigdigang Araw ng Panlipunang Hustisya.
Hindi makatarungan ang ginawang paghuli sa mga vendor pagkat hindi nila kasalanang maghanapbuhay upang pakainin ang kanilang pamilya. Hindi makataru-ngang dakpin sila dahil hindi krimen ang maghanapbuhay. Bakit itinuring na sagabal sa daan o obstruksyon ang mga vendor? Bakit ba tiningnan sila bilang mga nakahamba-lang sa bangketa? Di na ba makatao ang mga tagapag-patupad ng batas?
Ang mga vendor ay mara- rangal na taong naghaha-napbuhay? Sila’y kapwa tao natin! Di sila mga basura o dagang basta na lang itaboy! Subalit dahil sa inilabas na memo ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang lahat ng mga obstruksyon sa kalsada ay tanggalin, aba’y pati kapwa tao nila ay sapilitang dinakip dahil sagabal sa kalsada!
Illegal vending ang kaso, krimen na ba ang paghahanapbuhay ng marangal? Krimen na ba ang magtinda upang hindi magutom ang kanilang pamilya?
Ngayong Pebrero 20, na pinagdiriwang ang World Day of Social Justice, hinihiling namin sa kinauukulan, palayain na ang Elliptical 5, ngayon na!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento