PAHAYAG NG KPML SA SEXUAL AND REPRODUCTIVE HEALTH AWARENESS DAY
Pebrero 12, 2020
KALUSUGAN NG KABABAIHAN, PANGALAGAAN!
Tuwing Pebrero 12 ng bawat taon ay may araw para sa kalusugang sekswal ng mga kababaihan. Ito ang Sexual and Reproductive Health Awareness Day na idineklara naman ng Canadian Federation for Sexual Health.
Dahil dito, kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ay taos pusong nakikiisa sa lahat ng kabababaihan sa paggunita at pagdiriwang ng araw ng kalusugan ng kababaihan. Ang Sexual and Reproductive Health Awareness Day (Araw ng Sekswal at Reproduktibong Pangkalusugan) ay inorganisa upang pataasin ang kamalayan ng mamamayan tungkol sa sekswal at reproduktibong kalusugan (SRH). Ang SRH ay sumasaklaw sa pisikal, emosyonal, mental at panlipunang kagalingan na may kaugnayan sa sekswalidad; hindi lamang ito kawalan ng sakit, o pagkamasasakitin (World Health Organization).
Upang mapanatili ang sekswal at reproduktibong kalusugan, kailangan ng mga tao ng tumpak na impormasyon at ang ligtas, epektibo, abot-kayang at katanggap-tanggap na kontraseptibong kanilang napili. Dapat silang bigyang kaalaman at kapangyarihan upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga impeksyong dulot ng sexually transmitted infection (STI), HIV / AIDS, di sadyang pagbubuntis at hindi ligtas na pagpapalaglag. At ang mga kababaihan ay dapat magkaroon ng akses sa mga serbisyo kapag nagpasya silang magkaroon ng mga anak at makakatulong sa kanila na magkaroon ng isang malusog na pagbubuntis, ligtas na panganganak at malusog na sanggol.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento