PAHAYAG NG KPML SA ARAW NG KAGITINGAN
Abril 9, 2020
Kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ay taospusong nakikiisa sa pagdiriwan ng Araw ng Kagitingan.
Ayon sa kasaysayan, noong madaling araw ng ABril 9, 1942, nang bumagsak ang lalawigan ng Bataan sa kamay ng mananakop na Hapones, kung saan 67,000 Pilipino 1,000 Tsinoy, at 11,796 Amerikano ang dinakip, at pinaglakad sa 140 kilometrong Bataan Death March patungo sa Capas, Tarlac. Nakikiisa rin kami sa lahat ng kasapi ng Hukbong Bayan Laban sa Hapon (Hukbalahap) na natayo ilang araw lang nang bumagsak ang Bataan.
Ang Araw ng Kagitingan, na sa orihinal ay Araw ng Bataan, ay naisabatas muna ng Kongreso noong 1961 bilang Batas Republika 3022. Noong 1987, sa pamamagitan ng Executive Order 203, ang Abril 9 ay naging Araw ng Kagitingan (Bataan and Corregidor Day). Noong 2007, ipinasa ng Kongreso ang Batas Republika Blg. 9492. Noong 2010, sa pamamagitan ng Presidential Proclamation Blg. 84, ang Abril 9, na isa nang holiday, ay naging "Araw ng Kagitingan".
Sa araw na ito'y pinagpupugayan namin lahat ng magigitng na Pilipi-nong nakibaka para sa kalayaan. At nagpupugay rin kami sa lahat ng mga frontliner laban sa COVID-19 dahil sa kanilang kagitingang magpatuloy sa pagtatrabaho, tulad ng mga doktor at nars upang magamot ang mga maysakit, at maging maayos din ang mga komunidad sa kabila ng lockdown, tulad ng mga basurero, at nasa barangay. Mabuhay kayo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento