Martes, Abril 21, 2020

Pahayag ng KPML sa World Creativity and Innovation Day

PAHAYAG NG KPML SA WORLD CREATIVITY AND INNOVATION DAY
Abril 21, 2020

Taas-kamaong nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pagdiriwang ngayon ng Pandaigdigang Araw ng Pagkamalikhain at Inobasyon (World Creativity and Innovation Day). Lalo sa panahon ngayon ng pananalasa ng COVID-19 sa iba't ibang panig ng mundo, nasa bahay lang tayo, at di na maglimayon, makapunta sa pulong, o pumunta sa iba't ibang lugar.

Napapansin ang mga bagay sa bahay na di pinapansin. Ang mga walang lamang bote at garapa ay ipunin at linisin, at matapos ang lockdown ay maaaring ibenta. Ang mga walang lamang lata ay ating pagtaniman ng mga halaman. Mag-urban gardening upang sa kalaunan ay may mapitas na makakain, tulad ng gulay na alugbati, okra, kamatis, talbos ng kamote.

Magkutingting ng mga sirang gamit, baka sakaling mapaandar muli. Sa araw na ito'y maging malikhain upang di laging balisa sa panahon ng lockdown.

Walang komento: