PAHAYAG NG KPML SA BUWAN NG PANITIKAN
Abril 2, 2020
Mahigpit na nakikisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), lalo na ang bumubuo ng pahayagang Taliba ng Maralita, sa pagdiriwang ng Abril bilang Buwan ng Panitikan.
Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 968, s. 2015, ang Abril ay pinagtibay bilang Buwan ng Panitikan. Marahil ay dahil tuwing Abril 2 ang kaarawan ng dakilang makatang Francisco Balagtas, na kinikilala sa kanyang walang kamatayang Florante at Laura.
Mahigpit na kinikilala ng KPML ang mahalagang papel ng panitikan sa paghubog ng kabataan ngayon at susunod pang henerasyon, bilang mabu-ting mamamayan, na may paggalang sa karapatang pantao’t dignidad, at pagbaka laban sa mapang-api’t mapagsamantala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento