PAHAYAG NG KPML SA WORLD HEALTH DAY
Abril 7, 2020
FREE MASS TESTING NOW!
Kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ay taospusong nagpupugay sa lahat ng mga frontliners na ibinubuwis ang kanilang buhay, ayaw man nila o gusto, na biglaang nasadlak sa kalagayang di pa nakikita sa kasaysayan - ang pananalasa ng salot na COVID-19. Marami nang namatay na doktor sa ating bansa, dulot ng COVID-19. Estremelenggoles, ika nga ng makatang Rio Alma sa isa niyang tula tungkol sa salot noon na pumaslang ng maraming tao. Subalit nang magbigti ang hari, agad nawala ang peste, ayon sa tula.
Mariin din naming tinutuligsa ang sinabi ni Pangulong DUterte na maswerte ang mga namatay pagkat namatay silang bayani. Sa aming pagtingin, naging pambala sila sa kanyon sa panahon ng digmaan laban sa COVID-19, dahil na rin sa kakulangan ng paghahanda ng pamahalaan at kakapusan ng mga materyales sa mga ospital.
Nananawagan din kami ng agarang FREE MASS TESTING sa lahat ng lugar, upang maibsan ang sakit at pag-aalala, at malayang makakilos ang mga taong nais magtrabaho at maghanap ng maipapakain sa pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento