Biyernes, Nobyembre 15, 2013

Maralitang Lungsod, Ginunita ang International Street Vendors Day

Press Statement
Nobyembre 14, 2013

Mula kay Anthony Barnedo, Pangkalahatang Kalihim, KPML-NCRR
09497518792

MARALITANG LUNSOD, GINUNITA ANG INTERNATIONAL STREET VENDORS DAY

Ginugunita ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod - National Capital Region chapter (KPML-NCRR) ang International Street Vendors Day (Pandaigdigang Araw ng Maliliit na Manininda) tuwing Nobyembre 14. 

Ito ang ikalawang taon ng paggunita sa araw na ito. Sinimulan noong Nobyembre 14, 2012 ng grupong StreetNet, isang pandaigdigang samahan ng mga manininda sa lansangan 

Karamihan o mayorya ng aming kasapian ay nabubuhay sa sariling sikap upang hindi magutom ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda kahit walang tulong sa pamahalaan. Dahil sa kahirapan, dumidiskarte sila sa pamamagitan ng pagbebenta ng kung anu-anong mapapakinabangang produkto at pagkain, tulad ng pagbebenta ng balut, sigarilyo, kakanin, at iba pa sa bangketa sa pag-asang sa pamamagitan nito ay makakain ang kanilang pamilya. Karamihan ng mga vendor ay isang kahig, isang tuka, na kung hindi sila didiskarte sa isang araw ay tiyak na gutom ang aabutin ng kanilang pamilya. Nariyang magbensta sila sa lansangan ng bola-bola, barbeque, adidas o paa ng manok, betamax o dugo, penoy, balut, pusit, taho, palamig, at iba pa. Sa Metro Manila pa lang, mahigit kalahati ng populasyon ang bumibili ng bangketa dahil mas mura, tingi, at madaling kainin. May mga nagbebenta rin ng kung anu-ano sa bangketa tulad ng sinturon, pantanggal ng tutuli, tawas, at meron ding nagtitinda ng tuyo, tinapa, saging na saba, lakatan at latundan, at mga prutas tulad ng lansones, mangga, mani, at iba pa. Karamihan sa kanila ay may sariling kariton o lagayan ng panindang may gulong. Ang iba naman ay wala at kailangan lang buhatin.

Ngunit ang mga vendor na ito ay hindi ligtas. Dumating pa nga ang panahong pinaghuhuli sila ng maykapangyarihan, partikular ang Metro Manila Development Authority (MMDA) noong panahon ng dating chairman nito na si Bayani Fernando, kung saan ang mga nakukumpiskang paninda ng mga vendor ay sinusunog upang hindi na raw ang mga ito makapagtindang muli sa bangketa.

Ngunit nang mawala si Fernando sa MMDA, patuloy pa rin ang kahirapan ng mga vendor, dahil na rin sa pangongotong sa kanila kapalit umano ng proteksyon. Nais ng mga vendor magtinda dahil ang trabahong ito'y marangal. Ito'y diskarte nila sa buhay dahil hindi naman sila makapasok sa mga kumpanya o opisina dahil kulang sa kwalipikasyon. At para hindi magutom ay gumagawa sila ng paraan upang mabuhay. Ang mga vendor ay nabubuhay sa pagbabakasakali, bakasakaling mabili sa mataong bangketa ang kanilang paninda upang may maipakain sila sa kanilang pamilya.

Karapatan ng mga vendor ang mabuhay, kahit sa pagtitinda lamang. Nakasulat ang mga karapatang ito sa Pandaigdigang Pahayag ng Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights - UDHR) at Pandaigdigang Kasunduan hinggil sa Pang-ekonomya, Panlipunan at Pangkultirang Karapatan (International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights - ICESCR).

At upang ganap na marespeto ang mga karapatang ito, kailangan ng maayos na implementasyon at kaukulang batas o ordinansa na poprotekta sa mga vendor sa kanilang marangal na paghahanapbuhay. Kailangang maprotektahan ang mga vendor mula sa mga mangongotong, at hangga't maaari ay mabigyan sila ng maayos na pwesto kung saan maraming tao ang nagdaraan upang kahit papaano'y hindi sila basta-basta mapapaalis lamang. Kailangang respetuhin ang mga vendor, tulad ng lahat ng maralita sa lungsod, dahil sila ay mga tao ring hindi dapat apihin at pagsamantalahan.

Mabuhay ang pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Manininda sa Lansangan (International Street Vendors Day)! Mabuhay ang mga maralitang vendor! Mabuhay ang mga maralita ng lungsod! 

Sabado, Oktubre 19, 2013

Ang usaping coal, klima at maralita


ANG USAPING COAL, KLIMA AT MARALITA
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Sa darating na Oktubre 22, 2013 ay National Day of Action Against Coal (Pambansang Araw ng Pagkilos Laban sa Pagsusunog ng Karbon). Labinlimang lugar sa buong bansa ang magpoprotesta sa araw na ito. Ito'y sa Metro Manila, na lunsaran ng pambansang protesta; at sa mga lugar na may coal plant at balak itayong coal plant, sa Subic, Zambales, Bataan, Semirara, Caluya, Leyte, Socsargen, Ozamis, Pagadian, Palawan, Cebu, Davao, Iloilo, at Negros.

Ang protestang ito'y pinangungunahan ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) at ng iba't ibang samahang anti-coal sa mga lugar na nabanggit.

Dito sa Metro Manila, kasama ang mga maralita sa magpoprotesta. Bakit? Ano ba ang kaugnayan ng coal sa usaping klima at maralita.

Unang-una, ang proseso ng pagsusunog ng karbon sa mga coal plant ay nagpaparaming lalo sa mga carbon emission sa ating kalawakan. Isa itong "dirty and harmful energy" o marumi at mapanganib na enerhiya, dahil matindi ang dumi at polusyong ikinakalat nito sa kapaligiran, nakakapag-ambag sa papatinding pagbabago ng klima. Ibig sabihin, hindi na natural ang ating klima dahil sa napakaraming maruruming usok na nakakalat na sa ating kalawakan, lalo na sa espasyo ng ating kalawakan sa Pilipinas.

Napakalaki ng ambag ng labis na pagsusunog ng karbon sa akumulasyon ng greenhouse gas sa atmospera ng ating daigdig at ito ang pinakamalaking pinagmumulan ng pandaigdigang emisyon ng greenhouse gas. 

Ayon sa International Energy Agency (IEA), nanggaling sa pagsusunog ng karbon ang apatnapu't limang bahagdan (45%) o 14.2 gigaton ng kabuuang 31.6 gigaton ng pandaigdigang emisyon ng carbon dioxide mula sa kombustyon ng fossil fuel noong 2011. Ang labis na konsentrasyon ng greenhouse gas sa armospera ang pinagmumulan ng pag-iinit ng mundo at nagbabagong klima.

Sa nakaraang limang taon, inaprubahan ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagtatayo ng 26 na bagong planta ng karbon na pawang karagdagan sa 29 plantang karbon na pinatatakbo sa kasalukuyan, at 22 pang iminungkahing planta. Inaprubahan din ang 21 permit para sa pagmimina ng karbon, at ang kabuuang bilang ng mga permit na ito sa kasalukuyan ay umabot na sa 60.

Bakit dapat tayong magprotesta at makiisa sa pandaigdigang protesta laban sa coal at ano ang kinalaman nating mga maralita? Dahil ang pagbabago ng klima ay walang pinipiling taong tatamaan, kundi tayong lahat.

Una, kung lahat ay tatamaan, bakit matindi ang diskriminasyon sa ating mga maralita pag may dumating na malaking pagbaha na dulot ng pagbabago ng klima, na kahit sa panahon ng tag-araw ay matindi ang mga pag-ulan? Katunayan, matapos ang Habagat noong Agosto 2012, agad sinisi ng Malakanyang kaya dapat palayasin ang mga maralita sa mga tabing-ilog, tulay at estero dahil ang mga maralita raw ang pangunahing nakakapagdumi ng mga lagusang tubig, estero at ilalim ng tulay dahil marami sa atin ang doon nakatira.

Ayaw banggitin ng gobyerno na climate change ang dahilan ng pagbaha. Na ang nagdulot ng pagbaha ay dahil nababago na ang klima, na dulot naman ng labis-labis na konsentrasyon ng greenhouse gas sa atmospera, na isa sa mga mayor na dahilan ay ang mga coal-fired power plant. Ayaw rin naman ng mga maralitang tumira sa tabing-ilog, ilalim ng tulay at estero, ngunit napipilitang doon magtayo ng bahay dahil sa kahirapan. Hindi sapat ang sariling diskarte ng maralitang isang kahig, isang tuka para umupa ng bahay. Bukod pa sa ang mayorya ng maralita'y biktima ng salot na kontraktwalisasyon, at kawalan ng katiyakan sa trabaho.

Hanggang ngayon, nakikibaka pa rin ang mga maralitang nakatira sa tabing-ilog, ilalim ng tulay at estero, para sa maayos na paninirahan at hustisyang panlipunan, kahit na mayroon na silang ginawang mga people's proposal kung paano sila makakaiwas sa panganib ng pagbaha, dahil ang mismong gobyerno'y nais talaga silang maitaboy sa malalayong lugar, dahil ang maralita'y masakit sa mata ng mga negosyante.

Ikalawa, laging sinisisi ang mga maralita sa pagbabago ng klima, gayong ang pangunahing pinagmumulan ng pagbabago ng klima ay ang konsentrasyon ng greenhouse gas sa atmospera na ang isa sa pangunahing nagdudulot ay ang mga coal-fired power plants. Nagbabago ang klima, at sa bawat pagbabago ay apektado ang mga maralitang nakatira sa mga tabing ilog, ilalim ng tulay, at estero. Pag nagbaha, hindi sisisihin ang pagkakatayo ng malalaking malls na nagpakipot sa ilog na patungo sana sa dagat, tulad ng pagkipot ng ilog sa pinagtayuan ng SM Marikina.

Sa ating mga maralita, dapat tayong magprotesta laban sa mga panibagong plano ng pamahalaan na magtayo pa ng mga bagong coal-fired power plants bilang pinagmumulan ng enerhiya dahil bukod sa ito'y marumi at mapanganib, ito'y hindi mura. Tigilan na ang pagsisi sa ating maralita, at panahon nang tingnan ng pamahalaan ang kanilang mga patakarang nagdudulot pa ng paglala ng climate change. Ang pagmimina ng karbon at proseso ng kombustyon ay may malala at nakalalasong epekto sa kalusugan ng tao at ng kapaligiran. Pinahihina nito ang katatagan at kakayahan ng tao at ng pamayanan na harapin ang mga epekto ng nagbabagong klima. Winawasak ng pagmimina ng karbon ang mga kagubatan, kabundukan at mga daluyang tubig - na ang kahihinatnan ay malubhang kalagayan kabilang na ang paglala ng kalamidad dahil sa klima.

Dapat magsagawa ang pamahalaan ng plano patungo sa mga renewable energies o yaong mga pagkukunan ng malinis na enerhiya, tulad ng solar energy. Dapat laanan ng pondo ng pamahalaan mula sa labis-labis na pork barrel ng mambabatas at ng pamahalaan para sa mga solar panel sa mga lugar ng maralita, tulad sa mga lugar ng relokasyon, upang malinis na pinagmumulan ng kuryente ang dumaloy sa kabahayan ng maralita, bukod pa sa ito'y kabawasan sa pagbabayad ng maralita sa kuryente.

Sa Oktubre 22, magkita-kita tayo sa Morayta sa ganap na ika-9 ng umaga. Kung kakayanin, magsuot tayo ng itim na t-shirt bilang simbolo ng maitim na usok na ibinubuga ng mga coal-fired power plants at bilang simbolo ng pagdumi ng mga ilog, dagat at kapaligiran sa mismong paligid ng mga coal-fired power plants. Magmamartsa tayo patungong Mendiola sa ganap na ika-10 ng umaga.

Dalhin natin ang ating mga flags at magdala na rin ng ating sariling plakards, na ang nakasulat: 
"Climate Change at Coal Plants, Dahilan ng Pagbaha sa Kalunsuran! Huwag magtayo ng panibagong Coal Plants!"
"No to new coal plants!"
"No to coal mining!"
"Shift to Renewable Energies!"
"Pondohan ng pamahalaan ang paggamit ng Solar Power sa mga Komunidad ng Maralita!"
"Solar Power sa mga Komunidad ng Maralita, Simulan Na!"
"Solar Power Na, Hindi Coal Plants!"

Linggo, Setyembre 15, 2013

Mensahe ng Pakikiisa ng KPML-nasyunal sa ika-20 anibersaryo ng BMP

Mula kay Ka Pedring Padrigon
Pambansang Tagapangulo, KPML-nasyunal
Setyembre 14, 2013

MENSAHE NG PAKIKIISA

Isang maalab na pagbati sa ika-20 anibersaryo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)!

Kami sa pambansang pamunuan ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML-nasyunal) ay lubusan at taos-pusong nakikiisa at mahigpit ninyong kaisa sa laban bilang kapareho naming sosyalistang organisasyon.

Magkaugnay ang buhay ng ninyong mga manggagawa at naming mga maralita, dahil ang mga manggagawa ay umuuwi sa mga komunidad ng maralita, at ang mga maralita naman ay nabubuhay sa pagbebenta ng lakas-paggawa. Napakaraming manggagawang kontraktwal sa ating mga komunidad. Dapat silang maorganisa hindi lamang ang mga manggagawang regular.

Kaisa kami sa tema ng inyong anibersaryo: "Muling pagtibayin ang Kritik sa Kapitalismo, ang Pamumuno ng Manggagawa sa laban ng bayan at ang Sosyalistang Alternatiba" sapagkat ito ay isang maalab at mapagpalayang misyon na dapat tanganan ng mga samahang nakikibaka para sa tunay na pagbabago. Ang tema ay isang paghamon sa atin upang tuluy-tuloy na magmulat ng manggagawa't maralita at malalim na maunawaan ang kaisipang sosyalista, na siya nating gabay sa ating mga pang-araw-araw na pagkilos.

Mula nang bumaklas tayo sa kilusang makabayan at maging magkasama tayo sa kilusang sosyalista, samutsaring karanasan at pakikibaka ang ating pinagsamahan. Mga karanasang nagbigay-aral at nagpatatag sa ating pagsasama sa loob ng dalawang dekada. Ang sosyalistang oryentasyon, prinsipyo, at adhikain ng ating organisasyong KPML at BMP ay magkabigkis na pangarap para sa kinabukasan ng ating mga anak at apo, at sa mga susunod pang henerasyon. Marami pa tayong dapat gawin. Marami pa tayong dapat pagsamahang mga laban.

Ayon nga sa isang awitin: "Hindi tayo titigil hangga't hindi nagwawagi. Ang ating mithiin ay magkapantay-pantay, walang pagsasamantala, walang mang-aapi." Hindi pa tapos ang laban! Ang dalawang dekada ng BMP ay karanasan, aral, at paghamon upang magpatuloy pa tayo sa pag-oorganisa at pagmumulat sa mga maralita at manggagawa tungo sa pagpapatibay nating muli sa kritik sa lipunang kapitalismo, pagkilala sa pamumuno ng uring manggagawa sa laban ng bayan, at ang pagsusulong at pagkakamit ng sosyalistang alternatiba.

Tuloy ang laban ng mga maralita! Organisahin ang mga manggagawang kontraktwal sa mga komunidad! Imulat ang mga maralita at manggagawa sa diwa, prinsipyo, at sosyalistang adhikain ng KPML at ng BMP!

Tuloy ang laban ng uring manggagawa! Mabuhay ang ika-20 anibersaryo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino! Isulong ang kaisipang sosyalismo!

Huwebes, Setyembre 12, 2013

PR - Progresibong grupo: Ikulong silang lahat!








Joint Press Release
11 Setyembre 2013

Progresibong grupo: Ikulong silang lahat!

NAKIISA sa libong-libong galit na Pilipino ang mga progresibong organisasyong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Sanlakas at ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa tuloy-tuloy na nalalantad na sampung bilyong pisong pork barrel scam na kung saan sangkot si Janet Lim-Napoles at ilang mga Senador at Kongresista. 

Hiniling ng mga progresibo na ipakulong ang lahat ng mga nasasangkot batay sa testimonya ng mga lumutang na whistleblower at ang special audit report ng Commission on Audit. Idinamay na rin nila ang lahat ng mga patuloy na nagtatanggol sa bulok ng sistemang pork barrel. 

Naniniwala ang BMP na bulok hanggang sa kaibuturan ang buong kasalukuyang sistemang pampulitika sa bansa. Ang lahat ng mga senador at kongresistang nakipagkuntsabahan sa mga opisyal sa sangay ng Ehekutibo para mapasakanila ang pondo ng mamamayan ay nagkasala ng sistematikong pandarambong at pagsasakatuparan ng sistemang TRAPO na nagbunga ng patronage politics, pampulitikang dinastiya at naglalako ng impluwensiya sa mga polisiya para sa pansariling interes. 

“Ang pulitikang TRAPO ang siyang dahilan para nagpatuloy at lumala pa ang pandarambong sa kaban ng bayan habang ang malawak na anakpawis ay pinanatiling baon sa kahirapan at kapighatian. Sobra na ang TRAPO, sobra na ang sistema nila! Kailangan nang palaganapin ang mga protesta tungo sa makabuluhang pagbabago ng sistema, sabi ni Leody de Guzman, ang Pambansang Tagapangulo ng BMP. 

“Ang pagkakadawit ng ilang opisyal ng mga Kagawaran ng Agrikulura at Budget at Management at mga ahensyang nagpapatupad ng mga proyektong nagmula sa Priority Development Assistance Fund gaya ng National Agribusiness Corporation sa ilalim ng Ehekutibo ay nagpapakita lamang na nangaanak ang sistemang ito ng isang gobyernong nagkaka-anyo ng isang “ligal” at organisadong sindikato na ang modus operandi ay pagnakawan ang mamamayan ng kanilang karapatan sa isang desenteng buhay. Kailangan mabulok silang lahat sa bilangguan,” dagdag ni De Guzman. 

Justice delayed is justice denied

“Ngayon na nakapiit si Napoles at naghihintay ng kanyang paglilitis sa mga kasong sibil at kriminal, sana’y bumilis ang gulong ng hustisya at mapahirapan siya ng husto sa bawat sentimong ninakaw niya,” sabi naman ni Anthony Barnedo, Pangkalahatang Kalihim ng KPML sa National Capital Region at Rizal. 

Dinagdag din agad ni Barnedo na, “Bagamat nalulungkot kami na eksaktong dalawang linggo na ang nagdaan mula nang sumuko si Napoles kay Pangulong Aquino ay walang kahit isang naisasampang kaso ang Department of Justice at Philippine National Police laban sa kanya na may kaugnayan sa mahigit sampung bilyong pisong pork barrel scam”. 

Nangako ang mga organisasyon na ipagpapatuloy nila na itaas ang antas ng mga protesta na siyang magpapalakas sa loob ng taumbayan na sumanib sa nabubuong kilusang masa hangga’t hindi nawawakasan ang sistemang pork barrel sa bansa at hindi napaparusahan ang mga mandarambong.###

PR - Progressive groups: Jail ‘em all!





Joint Press Release 
11 September 2013

Progressive groups: Jail ‘em all!

PROGRESSIVE organizations Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Sanlakas and the Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) today joined thousands of Filipinos angered by the unfolding 10 billion peso pork barrel scam involving Janet Lim-Napoles and several senators and congressmen.

The progressives demanded to imprison all those implicated in the testimonies of the whistleblowers and the special audit report of the Commission on Audit and those who continue to defend the graft-riddled pork barrel system. 

The BMP believes that the entire current political system is rotten to the very core. Every Senator and Congressman who connived with officials of the Executive branch to siphon peoples’ funds in order to fatten their bank accounts are guilty of systematic plunder and of perpetrating the TRAPO system that engenders patronage politics, political dynasties, and influence peddling in policy and legislation for partisan interests.

“It is TRAPO politics in turn that has allowed the continued and unmitigated plunder of the coffers of the Filipino people while the large majority of the toiling masses have been kept in poverty and misery. Enough with TRAPO politics! We must carry forward the momentum of the people’s protests and actions towards a system overhaul,” said BMP Chairperson Leody de Guzman.

“The implication of certain officials in the Departments of Agriculture, Budget and Management and other implementing agencies such as the National Agribusiness Corporation under the Executive branch shows that this system has bred an organized mafia that conspired to rob hardworking Filipinos of a decent life. They must all languish in prison,” de Guzman added.

Justice delayed is justice denied

“Now, that Janet Lim-Napoles is detained and awaiting trial for her various civil and criminal cases, may the wheels of justice turn swiftly but grind exceedingly fine for every centavo siphoned to her bank accounts,” said Anthony Barnedo, regional Secretary-General of KPML National Capital Region and Rizal chapter. 

Barnedo was also quick to add that, “Though it is also lamentable that exactly two weeks today since her supposed surrender to President Aquino, the Department of Justice and the Philippine National Police has not filed a single case out of the more than 10 billion peso pork barrel scam”. 

The progressive organizations vowed to continue to escalate protest actions that will embolden the masses to join together with the emerging mass movement until the entire pork barrel system is abolished and all the plunderers are in prison.###

Miyerkules, Agosto 14, 2013

Planong Relokasyon ng Gobyerno, Tinutulan ng Maralita sa Estero

PRESS RELEASE

PLANONG RELOKASYON NG GOBYERNO, TINUTULAN NG MARALITA SA ESTERO

Suspindihin muna hanggat walang Garantiya ng Trabaho, Kabuhayan at Panlipunang Serbisyo 

“Ang programang pabahay ng gobyernong Aquino sa kanyang Philippine Development Plan (2011-2016) ay nakaukit ang katagang, “Gaganda ang buhay kung may bahay at hanap-buhay,” maniwala kayo o hindi pero sumasang-ayon ang mga maralita sa kanilang tema pero mukhang tinalikuran na ito ng tuluyan ng mga opisyal ng gobyerno na nakapaloob sa Oplan Likas,” pahayag ni Jhun Manlulu, Pangulo ng Pinatag Neighborhood Association (PNA), isang organisasyon ng mga residente sa tabi ng ilog San Juan sa Tatalon sa Lungsod Quezon. 

Manlulu, isang dating OFW na ngayo’y bumabyahe ng kanyang tricycle ay umalma nang mabalitaan na ang naunang grupo inilipat sa Muzon, San Jose City sa Bulacan ay naobliga na lamang na tiyagain ang kapos na supply ng tubig at kuryente. “Kung tutuusin, ang kawalan ng tubig at kuryente ay ang bungad pa lang ng kanilang miserableng kalagayan, dahil mas matindi ang kawalan ng opurtunidad sa hanapbuhay at kabuhayan sa pinaglipatan sa kanila. Paniguradong may nag-a-abang na kapighatian sa lahat ng residenteng gustong ilipat ng gobyerno sa relocation sites nito,” babala ni Manlulu. 

Dagdag pa ni Manlulu, “Walang debate, ang mga tabing-ilog ay mga danger zone at walang matinong tao ang pipiliin ang lugar na yun para sa kanyang pamilya ngunit walang namang ibang programa ang gobyerno liban sa paglilipat sa amin mula sa mapanganib na lugar patungo sa isang pang mas mapanganib na lugar, kung tutuusin, nakamamatay ito sa aming kabuhayan at pamilya”. 

Naniniwala ang mga residente ng Tatalon na kailangan munang suspendihin ng gobyerno ang programang ebiksyon at relokasyon dahil wala naman itong binibigay na garantiya ng trabaho, kabuhayan at kahit ang mga batayang panlipunang serbisyo at imprastraktura ay kulang na kulang para masabing desente at maka-tao ang mga relocation sites. Naniwala rin ang mga residente na iko-konsidera lamang nila ang relokasyon kapag kinumpleto na ng Department Department of Interior and Local Government, ng National Housing Authority at iba pang ahensya ang mga batayang rekisitos para sa disente at makataong pamumuhay. 

“Isang lumalagapak na kapalpakan ang naghihintay sa buong programang pabahay ng gobyerno hindi dahil sa minadali nila ang pagpapatupad ng Oplan Likas kundi dahil hindi nila binigyan halaga ang pinakaimportanteng bahagi para kami’y mabuhay, ang hanapbuhay dahil kailangan naming mabuhay.. Kahit ang mismong Gobernador ng Bulacan ay nag-isyu ng moratorium sa pagpasok ng mga maralitang pamilya dahil alam nitong walang kapasidad ang lokal na pamahalaan para tumanggap ng napakaraming tao ng walang pumapasok na negosyo para lumikha ng hanapbuhay at opurtunidad para sa kabuhayan. Huwag kayong magulat kung may mga report na nagsisibalikan na sa Maynila ang mga inilipat para maghanap ng trabaho dito,” paliwanag ni Manlulu.

Pinuna rin ni Manlulu ang agarang implementasyon ng Oplan Likas sa San Juan nung isang linggo. “Ang gimik papogi nina Kalihim Roxas, Soliman, Singson at mga lokal na opisyal ng San Juan isa pa lang gimik pa-panget. Panay-panay ang ngiti nila sa harap ng mga kamera na para bagang maganda ang kanilang nagawa pero ang tanging nagawa nila ay pwersahin ang mga residente na lumipat sa isang pang mas mapanganib na lugar para tirhan”. 

Nanawagan si Manlulu sa mga kapwa niya lider-maralita sa iba’t-ibang samahan sa mga ilog at estero na huwag matakot sa sinasabi ng mga opisyal ng gobyerno at magsanib pwersa para lumakas ang kanilang tinig laban sa bangkaroteng programang relokasyon. Suportado ng iba pang samahang maralita, nangako si Manlulu at iba pang residente ng Tatalon na sasama sila sa mga protesta kung hindi susupindihin ng gobyerno ang kanilang programa. ###

Martes, Hulyo 23, 2013

"Gutom na Pilipino, Lumobo sa Gobyerno ni Aquino" - KPML-NCRR

"Gutom na Pilipino, Lumobo sa Gobyerno ni Aquino" - KPML-NCRR
Ulat at mga litratong kuha ni Greg Bituin Jr.

Iyan ang pahayag ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod - National Capital Region-Rizal (KPML-NCRR) chapter hinggil sa ikaapat na SONA (State of the Nation Address) ni Pangulong Noynoy Aquino. Sumama ang KPML-NCRR, kasama ang iba't ibang organisasyon, sa pagprotesta sa lansangan dahil para sa mga maralita, hindi nila nararamdaman ang sinasabing inclusive growth na ipinagmamayabang ng pangulo. Ang GNP (Gross National Product) na sinasabing tumaas ay hanggang papel lamang, dahil ang tumaas na GNP ay ang Gutom Na Pilipino.

Sa mga plakard ay makikita ang mga sumusunod na panawagan:
(1) Seguridad sa Paninirahan, Ipaglaban!
(2) Seguridad sa Kalusugan, Ipaglaban!
(3) Nasaan ang Pag-unlad sa Edukasyon!
(4) NHA - National Hao Xiao Authority - KKD

Ang KKD ay Koalisyon Kontra Demolisyon, kung saan isa ang KPML sa nagtayo nito.

Narito ang ilang mga larawan ng kanilang pagkilos sa Commonwealth Avenue sa Lungsod Quezon, patungong Batasan Complex. Gayunman, hindi sila nakarating sa Batasan dahil hinarangan na sila ng mga pulis.

Militante: Aquino, Sinungaling at Mang-aagaw ng Kredito

22 July 2013

Press Release
Contact Person/s: 
Anthony Barnedo
Secretary-General, KPML-NCRR
0949-7518792

Militante: Aquino, Sinungaling at Mang-aagaw ng Kredito 
Pinuna ang NHA at Palace

Dahil sa walang inaasahang ganansya para sa mga mahihirap kundi ang paulit-ulit na pangakong pinapako at mapanlinlang na estatistika, kabilang si Anthony Barnedo sa mga lider-maralita mula sa Baseco compound sa Maynila na sumama sa mga kapwa niya maralita mula sa iba’t-ibang komunidad sa kahabaan ng mga ilog at estero ng Kamaynilaan na sumama sa protesta sa SONA ngayong taon.

Bago tumungo sa Commonwealth Avenue na lunsaran ng rali, nagtagpo si Barnedo at ang kanyang grupo, ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lungsod-National Capital Region at Rizal Chapter (KPML-NCRR) sa harapan ng National Housing Authority (NHA) sa Elliptical Road para maglunsad ng programa at irehistro ang kanilang posisyon sa plano ng gobyerno na gibain ang mga kabahayan sa kahabaan ng mga ilog at estero. 

Palpak na Housing Program

Kinundena ng mga militante ang NHA at binansagan itong National HÇŽo-Xiào Authority dahil sa patuloy na panloloko nito sa mga maralitang lungsod na lumipat sa mga malalayong relocation sites nito. Ang HÇŽo-Xiào ay ang salitang Intsik para ridikuloso. Ang NHA ay ang pangunahing ahensya ng gobyerno para ilipat ang mahigit animnapung libong maralita sa mga relocation sites. 

“Hindi maaring tirhan ang mga relocation sites, ang karamihan sa mga ito ay minadaling itayo. Walang nakasasapat na supply ng tubig at kuryente at wala rin itong cellphone coverage, walang ring mga drainage at ang pinakamalapit na paaralan, pagamutan, palengke at simbahan ay kilo-kilometro pa ang layo. Ngunit ang pinakaimportante dito ay wala namang hanapbuhay sa mga ito. Kahit Philippine Development Plan (2011-2016) na pinaka-master plan ng gobyernong Aquino ay aminado na ang kabuhayan ay ang kalahati ng programang relokasyon pero wala naman itong nababanggit kung papaano magkakatrabaho ang mga residenteng bagong lipat. Kaya naman pala, ang mga naunang linipat dito’y nagsialisan din at bumalik sa Kamaynilaan. Paano nila aasahan ang mga benipisyaryo ng mga kabahayang ito na bayaran ang gobyerno kung wala namang trabahong naghihintay sa amin dun, imposible kahit sa isangdaang tao,” paglilinaw ni Barnedo.

“Walang debate, ang mga tabing-ilog at mga estero ay mga danger zone at walang tao ang magsasabing desente ang pamumuhay dito pero sa tipo ng mga pang-ekonomikong patakaran at programa ni Aquino, wala kaming magagawa kundi manirahan sa mga tabing-ilog,” sabi ni Barnedo.

Ang tinutukoy ni Barnedo ay ang mga patakaran ng mababang pasahod, kontraktuwalisasyon at mga iskemang pribatisasyon ng mga panlipunang serbisyo, ang lahat ng ito’y pinalalala pa ng mga iligal na panghu-huthot ng mga kumpanya ng tubig, kuryente at langis. “Paano kami magkakaroon ng kakayahang umupa ng bunggalo kung ang mga sahod nami’y ay napakaliit na siyang nagtulak sa libong pamilyang Pilipino sa matinding kahirapan. Walang duda, kung may mapagpipilian lang kami, hindi ko ititira sa tabing-ilog ang aking pamilya basta stable ang aming kabuhayan,” dagdag nito.

Eksklusibong Pag-unlad?

Naniniwala ang KPML na palpak ang mga panlipunan at pang-ekonomikong programa ng gobyerno na ibsan ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga mahihirap habang ang mga dambuhalang korporasyong ay nakapagtala naman ng malalaking tubo. Dahil dito, lalong lumalaki ang agwat ng mayayaman at mahihirap sa bansa.

“Anong ganansya, ang mismong mga estatikta ng mga ahensya ng gobyerno ang nagsasabi na mahigit 2.89 milyong Pilipino ang walang hanapbuhay at patuloy na dumarami, ang underemployment ay kasalukuyang pinakamataas sa kasaysayan natin sa 7.93 milyong manggagawa, at pinakamatindi nito’y, hindi nag-iiba ang poverty incidence mula pa noong 2006. Ang lahat ng ito’y nangangahulugan na ang pang-ekonomikong pag-unlad ay tinatamasa lamang ng mga gaya niyang elitista at mapagsamantala,” pagpapatuloy ni Barnedo.

“Kahit ang 7.8% na itinaas ng Gross Domestic Product na paulit-ulit na pinagmamalaki at inaangkin ni Aquino na naganap sa ilalim ng kanyang pamamahala ngunit ito’y simpleng pang-a-agaw ng kredito sa mga tunay na lumikha ng paglago ng ekonomiya, ang apatnapung milyong lakas-manggagawa na sama-samang pinagpaguran ito. Ang lahat ng matatayog na gusali at proyektong imprastraktura ay gawa naming maralita at manggagawang kontraktwal,” akusa ni Barnedo.

““Kung gusto niyang pagusapan ang kanyang mga nakamit na pag-unlad ng ekonomiya, ang mga programa para sa panlipunang seguridad at pag-angat sa kahirapan, hinahamon ko siyang ulitin ang kanyang talumpati sa multi-purpose hall sa aming komunidad sa Baseco sa martes. Tignan lang natin kung may maririnig siyang palakpak mula sa mga “benepisyaryo” ng kanyang mga programa’t proyekto. Maaring hindi maarok ng maralitang taga-lungsod ang kanyang ingles pero lubos naming nauunawaan ang kanyang mga pang-ekonomikong programa dahil kami ang mga biktima nito,” hamon ni Barnedo.

Ang KPML-NCRR ay bahagi ng Koalisyon Kontra Demolisyon (KKD), isang alyansa ng mahigit na dalawang daang samahang maralita sa Kamaynilaan na naghahangad ng desente, abot-kaya at ligtas na programang pabahay mula sa gobyerno.###


Sabado, Hulyo 20, 2013

Militante naglunsad ng State of the Workers Address (SOWA)

19 July 2013

PRESS RELEASE
Contact Person/s:
Gie Relova 0915-2862555
Anthony Barnedo 0949-7518792


Kaysa hintayin pa ang mga kasinungalinan ng SONA ni PNoy
Militante naglunsad ng State of the Workers Address (SOWA)

Tatlong araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Noynoy Aquino, naglunsad ang mga militante grupo ng mga manggagawa sa ilaim ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino at Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod ng kanilang SOWA sa Welcome Rotonda Biernes ng gabi. Intensyon ng mga grupo na ilahad ang tunay na kalagayan ng manggagawang Pilipino bago ito magbuga ng kasinungalingan at inimbentong statistika na nagsasabing bumuti na ang buhay at kabuhayan nila mula ng ito’y maluklok sa pwesto nung 2010.

Ayon kay Gie Relova, Secretary-General ng BMP-National Capital Region at Rizal Chapter, isinalarawan niya ang administrasyong Aqunio na, “Puro bula, walang beer. Ang unang kalahati ng termino ni Aquino ay sapat-sapat na para husgahan ng manggagawa ang kanyang boladas na tuwid na daan, ang kanyang etikang laki-sa-layaw sa trabaho at ang palpak na kontinwasyon ng mga patakarang pang-ekonomiya ni Gloria Macapagal-Arroyo. Sa lahat ng ito, walang napala ang manggagawa’t maralitang Pilipino dito habang matatamis na ngiti at papuri naman ang inani niya mula sa mga malalaking negosyante. Siya mismo ang naglinaw sa maraming okasyon sa nagdaang isang taon na hindi niya babaguhin ang kalakaran ng malawakang pagsasamantala sa mga manggagawa at papaypayan niya pa ito ng pagpapatuloy sa palpak na pang-ekonomikong landas na tinahak ng naunang pangulo sa kanya,” ang tinutukoy ni Relova ay ang patakaran ng murang paggawa sa pamamagitan ng mababang pasahod at kontraktuwalisasyon bilang pangunahing instrumento para makahikayat ng imbestor at mapanatili ang suporta ng malalaking negosyante hanggang sa matapos ang kanyang termino.

“Anong ganansya, ang mismong mga statikta ng mga ahensya ng gobyerno ang nagsasabi na mahigit 2.89 milyong Pilipino ang walang hanapbuhay at patuloy na dumarami, ang underemployment ay kasalukuyang pinakamataas sa kasaysayan natin sa 7.93 milyong manggagawa, at pinakamatindi nito’y, hindi nag-iiba ang poverty incidence mula pa noong 2006. Ang lahat ng ito’y nangangahulugan na ang pang-ekonomikong pag-unlad ay tinatamasa lamang ng mga gaya niyang elitista at mapagsamantala,” pagpapatuloy ni Relova.

Hinulaan na rin ni Relova na, “Sa SONA sa lunes, wala kaming aasahan liban sa mga lumang pangako ng isang milyong trabaho na uli, kinopya ulit sa mga nagdaang SONA ni GMA. Inaasahan din naming na aagawin nanaman niya ang kredito sa yamang bayan na sama-sama linikha at pinag-paguran ng apatnapung milyong lakas-manggagawa”.

Samantalang para kay Anthony Barnedo, Secretary-General ng KPML-National Capital Region at Rizal Chapter tinuligsa nito ang inaasahang paggamit ni Aquino ng mga estatisktika at pang-ekonomikong indikador na gagamitin sa talumpati ni Aquino sa kanyang SONA. 

“Maaring bulagin tayo ni Aquino ng kislap ng kanyang mga numero, grap at estatistika pero ang lahat ng ito’y balewala kung hindi siya marunong ng aritmetika,” ang tinutukoy ni Barnedo ay ang labing-walong libong pisong iipinang-gogoyo the gobyerno sa mga naninirahan sa tabing-ilog ng Kamaynilaan. “Kung pang-renta lang ng kwarto ang kanilang ibinibigay, hindi ito sasapat dahil sa mga panahong ngayon, halaga ng pang-tatlong buwan ang kailangan para makapag-upa ka ng maliit na kwarto. Ngunit ang mas mahalaga pa dito ay ang labing-walong libong piso patibong nila ay pang-upa lamang at hindi nito sakop ang buong pang-ekonomiko at panlipunang danyos na linikha ng kanilang programang dislokasyon at pagkaligalig sa aming mga maralita. Kailiangan nila itong isama at idagdag sa labing-walong libong piso,” paliwanag ni Barnedo.

Hinggil sa talumpati ng Pangulo, galit na hinamon ni Barnedo si Aquino, “Kung gusto niyang pagusapan ang kanyang mga nakamit, ang “pag-unlad” ng ekonomiya, ang mga programa niya para sa panlipunang seguridad, pag-angat sa kahirapan, hinahamon ko siyang ulitin ang kanyang talumpati sa multi-purpose hall sa aming komunidad sa Baseco sa Port Area sa martes. Tignan lang natin kung may maririnig siyang palakpak mula sa mga “benepisyaryo” ng kanyang mga programa’t proyekto. Maaring hindi maarok ng maralitang taga-lungsod ang kanyang ingles pero lubos naming nauunawaan ang kanyang pang-ekonomikong programa dahil kami ang mga biktima nito”.

Parehong plano ng dalawang grupo na makapagpalahok ng libo-libo nilang kasapi, sapat para sagasaan ang barikada ng pulis hanggang sa makarating sa Batasan Pambansa para sa SONA sa lunes. ###








Miyerkules, Hulyo 17, 2013

Rali ng PMCJ at KPML sa Makati, Isinagawa

PMCJ AT KPML, NANAWAGAN SA UNANG PULONG NG MGA EKSPERTO SA CLIMATE FINANCE

Nagsagawa ng pagkilos nitong Hulyo 17, 2013, ang mga kasapi ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), kasama ang mga maralita mula sa Tondo at Caloocan na pawang kasapi ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), sa harap ng Dusit Thani Hotel sa Pasay Road, nr. Edsa. Ito ang ikalawang araw ng pagkilos ng PMCJ kaugnay sa unang Meeting of Experts on Climate Finance sa ilalim ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) na ginanap sa Dusit Thani Hotel. 

Mas malaki ang unang araw ng pagkilos, Hulyo 16, 2013, kung saan nagsama-sama ang tatlong malalaking organisasyon - ang PMCJ, ang Aksyon Klima at ang Freedom from Debt Coalition (FDC). Bumaba rin sa araw na ito ang ilang delegado sa unang Meeting of Experts on Climate Finance.

Ayon sa pahayag ng PMCJ, nagpapatuloy ang kanilang panawagan sa mga mayayamang bansa na simulan na nilang magbayad ng kanilang utang hinggil sa nagaganap na pagbabago ng klima at dapat nang bawasan ng mga ito ang kanilang GHG emissions. Ang mga greenhouse gas (GHG) emissions ang mga usok sa pabrika't mga langis na lalong nagpapainit sa ating daigdig. Nanggagaling ang mga GHG emissions sa pagsusunog ng mga fossil fuels para sa kuryente, industriya, agrikultura, at transportasyon. Nagreresulta ang matinding GHG emissions sa pagbabago-bago ng klima, kaya naganap ang maraming kalamidad sa Pilipinas, tulad ng bagyong Ondoy, Pedring, Pablo, Sendong, at iba pa.

Ang mga komunidad ng maralita sa KPML, lalo na sa National Capital Region-Rizal, ay nakaranas ng matinding bagyo't pagbaha na nagresulta sa pagkawala ng kanilang mga tahanan. Kaya nakiisa ang KPML sa panawagan upang magbayad ang mga mayayamang bansa sa kanilang mga kagagawan na nagpapahirap sa mga bansang tulad ng Pilipinas.

- ulat ni Greg Bituin Jr., Hulyo 17, 2013








Miyerkules, Hulyo 10, 2013

PR - Militants to MWSS: Junk Concession Agreements

Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lunsod - NCRR

PRESS RELEASE
09 July 2013

Anthony Barnedo 0949-7518792
Gie Relova 0998-3454981

Militants to MWSS: Junk Concession Agreements, 
Demand immediate and full refund

More than a hundred members of the militant urban poor group Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lungsod (KPML) from various communities in the metropolis marched to Head Office of the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). The group urged the regulatory agency to issue an order to its two private concessionaires, the Manila Water and Maynilad to refund the illegal charges collected by the two companies.

“An immediate refund is not only just, but is also a matter of life and death for us because we have been living in abject poverty for the longest time and the refund shall serve as an economic relief,” said Anthony Barnedo, Secretary-General of KPML-NCRR. 

The militants charged that the MWSS Regulatory Office failed to keep a close watch on its two franchisees for allowing the people, especially the urban poor to be systematically exploited by the firms, on top of the fact that their services are inadequate and rates far from those promised in 1997. “All these blunders by the MWSS Regulatory Office is not solely on the shoulders of administrator but is second nature to the onerous and highly-flawed concession agreements it signed in behalf of the people, which ultimately punished the people,” Barnedo clarified.

In the meantime, Gie Relova, the Secretary-General of the militant labor group Bukluran ng Manggagawang Pilipino-National Capital Region and Rizal (BMP-NCRR) said that, “The promise of cheaper rates and quality water services by the privatization of MWSS has clearly brought about only misery to the people and is a downright failure. No doubt, it must be discontinued in order to allow more favorable provisions for the consumers”. ###

Panawagan sa MWSS: Full Refund at Pagbasura sa Concession Agreements

PRESS RELEASE
09 July 2013

Anthony Barnedo 0949-7518792
Gie Relova 0998-3454981

Mga militante sumugod sa MWSS
Hiniling ang Pagbabasura sa Concession Agreements at ang Full-Refund

Mahigit sandaang militanteng kasapi ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lungsod (KPML) na nagmula sa iba’t-ibang maralitang komunidad sa Metro Manila ang sumugod sa tanggapan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Lungsod Quezon kahapon. Iginiit ng grupo na kailangan nang utusan ng ahensya ang Manila Water at Maynilad na kagyat at ibalik ng buo sa mamamayan ang mga iligal na nitong nakolekta nang mga nagdaang taon. 

“Hindi lang ito simpleng usapin ng hustisya kundi isa itong buhay at kamatayang usapin para sa aming mga maralita dahil nabubuhay kami sa matinding kahirapan at ang refund ay isang economic relief sa amin,” sabi Anthony Barnedo, ang Secretary-General ng KPML-NCRR. 

Tinawag ng mga militante ang MWSS Regulatory Office na palpak dahil hindi nito nasubaybayan ang mga iligal na koleksyon ng dalawang korporasyon at hinayaang ang taumbayan, lalo na ang maralita na maging biktima ng sistematikong pagsasamantala, dagdag pa sa mga naunang mga atraso nito gaya ng palpak na serbisyo at mas mahal na tubig na siyang kabaliktaran ng pangako nito nung 1997. “Ang lahat naman ng kapalpakang ito ng MWSS Regulatory Office ay hindi solong kasalanan ng Administrador nito kundi isang natural na resulta ng isang pabigat at tadtad ng butas na concession agreement na pinirmahan sa ngalan ng taumbayan na sa huli ay isang araw-araw na parusa na pinasan din ng taumbayan,” paglilinaw ni Barnedo.

Samantala, para naman kay Gie Relova, Secretary-General ng militanteng Bukluran ng Manggagawang Pilipino-National Capital Region and Rizal (BMP-NCRR), “Ang pangako ng murang tubig at kalidad na serbisyong patubig ng pribatisasyon ng MWSS ay malinaw na nagdulot lamang ng karalitaan sa mga tao ay isang malinaw na kapalpakan ng mga patakaran ng gobyerno. Walang duda, kinakailangan na itong ibasura, huwag nang ipagpatuloy para naman mabigyan ng mga mas paborableng probisyon ang mga konsumer”. ###









Huwebes, Hunyo 27, 2013

Pahayag ng KPML hinggil sa P18T bawat pamilya sa estero

PRESS STATEMENT
Ka Pedring Fadrigon
National President, Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod
Hunyo 27, 2013

Nangangamba kami sa banta ng pamahalaang ubusin na ang mga maralita sa estero. Malupit. Ngunit sinasabi ng pamahalaan na ito ay para sa kabutihan ng mga maralita upang mabigyan sila ng mas maayos na paninirahan. Mabait (o nagbabait-baitan).

Bibigyan daw nila ng P18,000 ang bawat pamilyang iskwater upang gamiting pambayad sa pangungupahan sa loob ng isang taon habang itinatayo ang umano'y pabahay ng mga ito. (Inquirer, 062413, Gov’t offers P18K per estero family.)P18,000 divided by 12 buwan equals P1,500 kada buwang pambayad. Saan ka makakakita ng ganito kamura kung paupahanndi sa erya din ng iskwater? At tiyak na mas masikip pa ito kaysa dati nilang tirahanm napakaliit. Very cheap. Napakamura ng buhay, este, pansamantalang pabahay, ng maralita. Nais din ng pamahalaan ang programang balik-probinsya, gayong ito’y pag-iwas sa problema. Kaya nga umalis ang maralita sa probinsya at nakipagsapalaran sa lungsod ay dahil sa kahirapan, at ito ang muli nilang daratnan sa kanilang probinsyang pinanggalingan.

Kailan lamang ay nagkaroon na ng sisihan at turuan na ng mga ahensya ng gobyernong nangangasiwa sa paglilipat ng mga ISF (informal sector families) o urban poor. Sabi ng DPWH, iskwater ang sanhi ng baha. Pero hindi nila masisi ang SM at iba pang mall na nagpalubog sa maraming erya. Sabi ng MMDA, pag trapik, mga vendors ang dahilan, hindi ang dami ng sasakyan at nagkukumpulang gusaling puntahan ng mga tao. Ni hindi nila sabihing climate change ang dahilan kung bakit nagbabaha.

Hindi naman totoong kami lamang ang sanhi ng mga pagbaha sa Metro Manila. Naririyan ang mga subdibisyon at mga malls na nasa waterways, lalong hindi rin matigas ang ulo namin. Alam naming kami ay nasa panganib kaya hindi maaari ang patigasan ng ulo. Ang totoo, kami po ay nagkaisa na gumawa ng people's proposal at isinumite namin sa gobyerno. Magtatatlong taon na subalit hanggang ngayon ay wala pang malinaw na makataong plano. Ayaw namin ng karahasan, ayaw namin ng demolisyon.

Mahigit dalawang taon nang pinag-uusapan ang problema na ito, buhay pa si Sec. Robledo. Wala nang problema sa badyet dahil P10B kada taon ang badyet na inilaan ng Pangulong Aquino para sa pabahay. Sadyang napakabagal ng proseso dahil sa dami ng ahensya nito.

Ngayong nasusukol na ang mga ahensyang ito, lagi't laging sinisisi ang iskwater. Dahil sa walang kongkretong plano, itong P18,000 ang pain nila, este tulong nila, sa bawat pamilya para agarang lumikas. Ang ganitong desisyon at palpak na solusyon ang tinututulan ng KPML. Ano ang katiyakan ng lahat ng ito kung sakaling matatagalan ang pag-aayos ng permanenteng paglalagyan sa kanila? Paano matitiyak na hindi lang pabahay, kundi ang trabaho't serbisyo sa paglilipatan sa kanila? Hindi maaaring magkahiwalay na usapin ang pabahay, trabaho at serbisyo dahil mahigpit na magkaugnay ang mga ito sa usapin ng maralita. Hindi pwedeng ang pabahay ay maglalayo sa trabaho ng maralita. Isa pang tanong, sasapat ba itong P18,000 hanggang sa matapos ang alternatibong paglilipatan?

Dagdag pa rito ang bantang tahasang pagwasak sa mga organisasyon ng maralita, dahil kanyahan na ang nais ng pamahalaan. Sa ganitong sistema, pinaghihiwalay na ang mga pamilyang dati ay iisa sa komunidad. Kaya ang aming posisyon dito ay hindi P18,000 bawat pamilya, kundi kausapin bawat organisasyong maralita at maglagay ng pansamantalang lugar na malapit sa konstruksyon ng medium rise (kung ito ang plano) na malapit sa kanilang trabaho o pinagkukunan ng ikinabubuhay.

Miyerkules, Hunyo 12, 2013

tula ni Anthony Pesino Barnedo hinggil sa Kalayaan

araw ng kalayaan... araw nang ating paglaya?

saan ba tayo lumaya?

kailan ba tayo lumaya?

o binubulag lang tayo ng kasaysayang inukit ng BURGESYA!

dahil kung totoong umiiral ang kalayaan...

malaya sanang naninirahan ang mga maralita ng hindi nangangamba na mawalan ng tirahan..

malaya sanang nakakamit ng mga kabataan ang edukasyon, wala sanang kristel!

malaya sanang nakakapaglaro ang mga bata, wala sa basurahan, sa kalye, hindi sana nila tangan ang obligasyong maghanap ng pagkakakitain para mabuhay...

malaya sanang nakakamit ng mga manggagawa ang kanilang mga benipisyo, siguridad sa kanilang trabaho, maayos at matiwasay na buhay.

malaya sana ang nakakaraming PILIPINO na kamtin ang kasaganahan na naaayon sa kanyang pangangailangan para mabuhay!

kung malaya ka,..

hindi ka sana nahihirapan!



Lunes, Hunyo 3, 2013

Stop Child Labour! - by Aida Remoroza Gozum

STOP CHILD LABOUR!
Aida Remoroza Gozum
(from Pinoy Poets Circle)

Why do parents allow their children to suffer?
Why should they be the ones to pay?
Why should they be forced to labor everyday”
From sunrise to sunset they are beat I must say.
They are exhausted doing this everyday!.
STOP CHILD LABOUR!

The bosses don’t know what goes inside them
For their ages their bosses are callous it seems.
more pain… more hunger...more exhaustion than them
they should be sued for the heartless scenario is grim.
They are exploited doing this everyday!.
STOP CHILD LABOUR!

Most of them become sick doing this everyday
Others have bruises that do not heal
Doing hard labor day by day
The bosses can not empathize what they feel.
They are sick doing this everyday!
STOP CHILD LABOUR!

The bosses don’t heed what they have to say.
They get richer with the sweat they shed.
No love...no compassion… no bed…
Our HELP they need and give them some dignity.
They are tired doing this everyday!
STOP CHILD LABOUR!

At night when they should be sleeping
Their sunken eyes keep on crying
Little by little their hearts are dying
They are hurt doing this everyday!
STOP CHILD LABOUR!

Let us be the voice of their shattered voices
Let us help to stop the tyrant bosses
Let us help them change their fate
No more the ones to bring a full plate.
STOP CHILD LABOUR!

Martes, Marso 12, 2013

Polyeto laban sa demolisyon - KKD

MAGKAISA na para LABANAN ang DEMOLISYON!

Sa ika-15 ng Mayo ng taong ito, matapos manalo’t maproklama ang mga pulitikong tinulungan nating mailuklok sa pwesto ay magsisimula nang pagtulung-tulungan ng City Hall, mga ahensyang gaya ng DILG, PNP, MMDA, DPWH, NAPC at NHA ang gibaan sa mga tahanan ng mga maralitang nakatira sa waterways (tabing-ilog, ilalim ng tulay, at tabing-estero). Target nila sa unang buhos ng demolisyon ay ang apat na malalaking ilog at apat na estero, ito ay ang mga ilog ng San Juan, Pasig, Tullahan, Manggahan floodway at mga esterong Maricaban, Tripa de Galina, Maypajo at Sunog Apog. Humigit-kumulang 20,000 pamilyang nakakalat sa labing-isang lungsod sa Metro Manila at ang mga bayan ng Cainta at Taytay sa Rizal ang maapektuhan. Ito na ang pinakamalawak na proyektong demolisyon na tatangkain sa ilalim ng gobyernong Aquino na nagmalaking tayo ang “BOSS” nito. 

Noong nabubuhay pa si Sec. Jesse Robredo ng DILG, mahigpit niyang tinutukan ang pagpapaunlad ng mga komunidad ng maralita kung kaya’t walang naganap na demolisyon sa mga danger zone o sa mga lupaing pag-aari ng gobyerno. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, binuo nito at ng mga lider-maralita ang tinatawag na “peoples’ proposal” na kung saan ay kabahagi ang buong komunidad sa pagbubuo sa plano ng permanenteng tirahan ng mga maralita. Naging pleksible ang ahensya sa kagustuhan ng mga maralita at kadalasa’y paborable ito sa kanila. 

Sentral sa “peoples’ proposal” ay ang kahilingan ng mga pamilyang apektado na manatili o malapit sa dati nilang tinitirahan para hindi ito malayo sa lugar ng hanapbuhay at paaralan ng mga bata. Ang tawag dito ay ang in-city at on-site development na magkakahugis sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga medium-rise buildings o MRBs.

Ang lahat ng mga nasimulang maganda’t produktibong relasyon sa pagitan ng DILG at ng mga komunidad ng maralita ay gumuho at naglahong parang mga bula mula noong mapwesto sa DILG si Secretary Mar Roxas. Bigla na lamang itong nag-anunsyo noong Enero na hanggang sa ika-15 na lang ng Mayo maaring manirahan sa mga waterways ang mga maralita at ito ay kanila nang gigibain. 

Dahil sa biglaang anunsyong ito, halos walang makapaniwala na matutuloy nga ang demolisyon dahil halos kakaunti pa lamang sa mga “peoples’ proposal” ang umuusad habang ang napakalaking mayorya ng mahigit kumulang 20,000 pamilya ay walang kaalam-alam sa proyekto at mga napagkasunduan kay Sec. Robredo.

Sa loob na lamang nang natitirang dalawang buwan, iilan lamang sa atin ang mabibiyayaan ng naka-stand by na relokasyon na malapit sa ating kasalukuyang tinitirhan. Ang halos 90% sa atin ay itatambak ng gobyerno sa relocation sites nito sa mga bundok ng Tanay o Baras sa Rizal, habang ang iba naman ay dadalhin sa ‘mga bundok ng San Jose del Monte o Bocaue sa Bulacan at ang iba nama’y sa Trece Martires sa Cavite. 

Kung saan man lupalop tayo itapon ng gobyerno ay hindi naman nagkakalayo ang ating mga magiging kalagayan. Sa napakahabang panahon, milyon-milyon na sa ating mga kababayan ang sinalaula bago sa atin. Sapagkat dinala sila sa mga lugar na imbes na ilayo sa kapahamakan ay lalo pang naging impyerno ang mga buhay ng mga ito. Nariyan ang karanasan sa Montalban na rumaragasang putik ang tumama sa kanilang mga bahay, ang karanasan ng mga taga-Calauan, Laguna na wala silang tubig, kuryente, aspaltadong kalsado, poso negro, tinipid at minadali ang pagkakagawa ng kanilang mga bahay. Habang ang mga nalipat sa San Jose del Monte ay walang makuhang hanapbuhay dahil hindi naman maunlad ang lugar na pinagdalhan sa kanila. 

Dahil sa malawakang panlalansi at pagpapaasa ng gobyernong nagpapanggap na makamasa, hindi malayong isipin na ang totoong plano ng gobyerno ay hindi ang “peoples’ proposal” na kung saan tayo ang masusunod kundi ang off-site na pabahay ng NHA sa iba’t ibang danger zone, malayo sa ating pinagkukunan ng kabuhayan, malayo sa mga paaralan ng ating mga anak, malayo sa pampublikong serbisyo gaya ng mga klinik at ospital at iba pang batayang pangangailangan natin gaya ng kuryente, tubig at signal ng cellphone.

Ang tiyak din tayo ay kung mawawalan tayo ng kabuhayan, silang mga bwitreng korap sa mga ahensyang nabanggit naman ang kikita sa pamamagitan ng mga kontrata nila sa iba’t ibang developer ng low cost housing. 

Kahit kailan hindi natin hinangad ang gulo sa mga buhay natin mas lalo pa’t madadamay ang ating mga anak. Pero sa ginagawang panlalansi at pambubusabos ng gobyerno sa atin, dinamay na nila ang lahat ng malapit sa atin, hindi na nila tayo binigyan ng kahit na sapat na panahon man lang para paghandaan ang kanilang proyekto. 

Kailangan na nating magsama-sama para palakasin ang ating tinig para mayanig sila sa laki ng ating bilang, kailangan nating magkaisa at maging organisado kundi magpapatuloy lamang ang panlalansi sa atin. Wala nang mas pinaka-epektibong armas ang maralita sa panahon na ito kundi ang kanyang boto. Nararapat lang na ipagkait natin ang ating suporta sa mga kumakandidato mula Senador hanggang Konsehal na may madugong rekord ng pagpapalayas sa mga maralita, habang susuportahan naman natin ang mga nakakatulong sa usapin ng katiyakan sa paninirahan.

Kailangan natin lumaban para sa katiyakan sa paninirahan, para sa ligtas, disente at abot-kayang relokasyon, para sa serbisyong panlipunan, para sa ating pamilya. Kailangan natin silang singilin at usigin para hindi na nila ito tangkain sa iba pang pamilya’t komunidad. Walang magtatanggol sa ating sariling tahanan kundi tayo mismo.

WALANG DEMOLISYON HANGGA’T HINDI NAAAYON SA PEOPLES’ PROPOSAL!

ON-SITE, IN-CITY RELOCATION, IPAGLABAN!

Koalisyon Kontra Demolisyon (KKD)
KPML-NCRR, AGOM, Manila Urban Poor Alliance, 
SM-ZOTO, Alyansa ng Maralita-QC, Partido Lakas ng Masa (PLM)
SANLAKAS Party-list

Lunes, Pebrero 11, 2013

Position Paper - Koalisyon Kontra Demolisyon (KKD)


Position Paper Hinggil sa Napabalitaang Demolisyon ng mga Komunidad sa Tabing-Ilog, Estero at mga Naninirahan sa Ilalim ng mga Tulay

KOALISYON KONTRA DEMOLISYON (KKD)

Nababahala kaming mga maralita kaya nais naming sa maagang yugto pa lang ngayong Pebrero ay malaman na namin ang buong plano ng pamahalaan dahil tiyak na malaki ang epekto ng proyekto nilang ito sa kabuhayan at kinabukasan naming mga maralita. 

Kailangang ihayag at ilabas ng pamahalaan ang lahat ng dokumento at plano nila na tatama sa aming mga maralita. Maaaring sabihin ng DILG, sa Hunyo na lang ito pag-usapan at matagal pa naman. Ngunit ngayon pa lang, hindi na kami mapagkatulog dahil sa banta. Kaya dapat sa maagang yugto pa lang ngayong Pebrero ay malaman na namin ang buong plano upang amin itong mapaghandaan, masiguro ang aming partisipasyon sa buong proyekto nang hindi matatapakan ang aming karapatang-pantao.

Kaming mga maralita ng lungsod na nakatira sa ilalim ng tulay, estero't tabing ilog ang sinisisi ng pamahalaan sa mga nagdaang bagyong Ondoy, Pedring, Habagat, at iba pang kalamidad. Ngunit hindi masabi ng pamahalaan na ang dahilan nito'y ang pagbabago ng klima, o climate change. Tila ang dahilang ito'y kanilang iniiwasan. Mas kuntento na silang isisi ng isisi sa maralita ang bawat kalamidad na nagdaraan at tumatama sa bansa. Nakakita ng dahilan ang pamahalaan. Kaming mga maralita ang laging dahilan ng pagbaha, hindi ang nagtatayugang gusali ng mga mayayaman, hindi ang reclamation projects, tulad ng itinayong Mall of Asia. 

Kaming mga maralita raw ang nakababara sa mga daanan ng tubig, malinaw na halimbawa nito ay ang ekspansyon ng SM sa Marikina na nagpakitid sa Marikina river. Hindi kami papayag na kami ang sisisihin dahil sa mga naganap na pagbaha sa Kamaynilaan

Sa mga nakaraang demolisyon, kaming maralita'y laging agrabyado. Matapos magiba ang aming mga tahanan, itatapon kaming parang mga daga sa iba't ibang relocation site na malayo sa aming pinagkukunan ng ikabubuhay. 

Nakakasira daw kami sa paningin ng mga kapitalista't mayayaman. Kami raw ay mga hampaslupang walang karapatan sa lungsod. Tao kami. May karapatan. At ito'y aming ipaglalaban.

Kaya sa plano ng pamahalaan, ano ang garantiya naming mga maralitang nakatira sa tabing-ilog, ilalim ng tulay at estero na ang karapatan namin ay igagalang, na hindi kami basta tatanggalan na lang ng aming mga tahanan? Barung-barong man ang anyo ng aming tinitirhan sa ngayon, iyon ang aming tahanan. Sa barung-barong na iyon nakatira at nabubuhay ang aming mga pamilya. 

Ayaw naming basta na lamang kami idedemolis. Dahil handa kaming lumaban, at ipaglaban ang aming mga karapatan!

Kaya ang nais namin, huwag itago ng pamahalaan ang totoong plano, ang totoong proyekto. Tratuhin nila kaming tao at hindi mga dagang basta na lamang itataboy sa malayo. Ang kanilang bantang pagpapalayas sa 105,000 pamilya ay nakakatakot, dahil apektadong tiyak ang kinabukasan ng aming pamilya, lalo na ang aming mga anak.

Nais naming ilantad ng pamahalaan sa taumbayan ang totoong proyekto, dahil baka tulad sa mga nakaraan, walang kasiguruhan ang mga maralita, na basta na lamang itinatapon sa mga relocation sites na kabaligtaran ang mga inaasahan, pagkat walang kuryente, walang tubig, malayo sa aming trabaho, gutom ang inaabot ng mga pamilya, banta sa kalusugan, malayo sa serbisyong panlipunan at madalas mas malala pa kaysa sa aming pinagmulang komunidad.

Ngayong Pebrero na ito dapat pag-usapan. Huwag sa Hunyo kung saan mabibigla kami sa agarang demolisyon.

Ang Aming Mga Kahilingan:

1. Walang demolisyon hangga't walang abot-kaya, maayos, matibay, at ligtas na relokasyon, na pagkakasunduan ng pamahalaan at ng mga maralita.

2. Sumunod sa prosesong itinakda ng batas ayon sa kundisyong isinasaad ng Section 28 ng UDHA, marapat lang na maabisuhan at magkaroon ng negosasyon mula sa mga apektadong pamilya at hindi agarang magsasagawa ng demolisyon.

3. Tiyakin na hindi tutungo ang sa death zone ang mga komunidad na ide-demolish sa danger zone gaya naging kapalaran ng mga nasa Kasiglahan Village sa Montalban.

4. Tiyakin na kumpleto at may sapat na supply ng tubig at kuryente ang malapit sa mga panlipunang serbisyo ng gobyerno gaya ng paaralan, health center, ospital atbp.

5. Kinakailangang in-city ang relokasyon sa mga pamilyang ide-demolis para maiwasan na maperwisyo ang pag-aaral ng aming mga anak at ang aming kabuhayan.

6. Tiyakin ang maitatayo muna ang mga paglilipatang mga bahay bago simulan ang gibaan.

Pebrero 11, 2013