PAHAYAG NG KPML HINGGIL SA USAPIN NG MGA KAPATID NA MARALITANG TAGA-SAN ROQUE
Hunyo 8, 2022
Isang taas-kamaong pagpupugay ang ipinaaabot ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa mga maralita ng San Roque dahil sa inilabas ng korte na
Matapos ang dalawang taong paglilitis, pinawalang-bisa ng hukuman sa Lungsod Quezon ang 21 residente ng isang komunidad ng maralitang lungsod sa Barangay San Roque ng kasong paglabag sa kwarantina. Ipinasiya ng hukuman na ang pagsusumamo para sa pagkain sa kasagsagan ng pandemic lockdown ay “kanilang mga karapatan.”
Ayon sa balita, sinabi ni QC Metropolitan Trial Court Branch 38 Judge John Boomsri Sy Rodolfo, "Ang mga akusado ay kumikilos ayon sa kanilang mga karapatan nang lumabas sila ng kani-kanilang mga tirahan upang humingi ng pagkain. Samakatuwid, ang mga opisyal ng pulisya, sa oras na kanilang hinarap ang mga akusado at sa ilalim ng mga pangyayari na itinatag sa kasong ito, ay hindi maaaring pilitin ang huli na sumunod sa kanilang direktiba upang umuwi.”
Isang tagumpay iyon ng mamamayan at ng karapatang pantao dahil kinilala ng hukuman ang Right to Food ng mamamayan sa panahong kinakailangan ng mamamayan ng pagkain. Hindi sila pinalalabas dahil pinagbawal lumabas bunsod ng patakarang kwarantina.
Inaresto ang mga maralitang residente noong Abril 2020 matapos ang marahas na dispersal sa kanilang protesta para sa food aid sa kasagsagan ng lockdown sa Metro Manila dahil sa COVID-19 pandemic. Inaresto sila, ikinulong ng limang araw, at kinasuhan ng paglabag sa quarantine dahil nasa labas ng kanilang mga tahanan.
Pinatunayan lamang ng mga maralita ng San Roque kung ano ang nagagawa ng sama-samang pagkilos upang marinig ang kanilang hinaing ay nagdudulot ng tagumpay sa bandang huli.
Mabuhay si Judge Rodolfo! Mabuhay ang mga residente ng San Roque. Ang karapatang pantao pa rin ang nanaig sa huli!
Pinaghalawan:
https://www.dailypedia.net/2020/04/karla-estrada-cries-foul-over-arrest-of-san-roque-protesters/
https://www.rappler.com/nation/quezon-city-court-clears-san-roque-residents-pleading-food-pandemic/
https://newsinfo.inquirer.net/1607764/qc-court-acquits-san-roque-residents-arrested-for-demanding-food-during-lockdown
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento