Miyerkules, Hunyo 8, 2022

Pahayag ng KPML sa World Oceans Day

PAHAYAG NG KPML SA WORLD OCEAN DAY
Hunyo 8, 2022

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa paggunita sa World Oceans Day tuwing Hunyo 8 taun-taon. Kasabay ng pagprotekta sa ating mga karagatan ay protektahan din natin ang ating mga mangingisda.

Batay sa pananaliksik, ang World Oceans Day ay isang pandaigdigang araw na ang konsepto ay orihinal na iminungkahi noong 1992 ng International Center for Ocean Development (ICOD) ng Canada at ng Ocean Institute of Canada (OIC) sa Earth Summit – UN Conference on Environment and Development (UNCED) sa Rio de Janeiro, Brazil. Ang World Oceans Day ay opisyal na kinilala ng United Nations noong 2008. Sinusuportahan ng pandaigdigang araw ang pagpapatupad ng mga pandaigdigang Sustainable Development Goals (SDGs) at pinalalakas ang interes ng publiko sa pagsanggalang o pagprotekta ng karagatan at ang sustenableng pamamahala ng mga makukuha rito.

Ayon sa pananaliksik, sinasakop ng karagatan ang higit sa 70% ng planeta. Pinagmumulan ito ng buhay, na sumusuporta sa kabuhayan ng sangkatauhan at ng bawat iba pang organismo sa lupa. Ang karagatan ay lumilikha ng hindi bababa sa 50% ng oxygen ng planeta, ito ang tahanan ng karamihan sa saribuhay (biodiversity) ng mundo, at pangunahing pinagmumulan ng protina para sa higit sa isang bilyong tao sa buong mundo. Hindi pa banggitin, ang karagatan ay susi sa ating ekonomiya na may tinatayang 40 milyong tao ang nagtatrabaho sa mga industriyang nakabatay sa karagatan pagsapit ng 2030. Gayunpaman, 90% ng malalaking populasyon ng isda ay nauubos, at 50% ng mga tangrib o coral reef ang nawasak.  Dahil dito, kailangan nating magtulungan upang lumikha ng isang bagong balanse sa karagatan na hindi na nauubos ang kagandahang-loob nito ngunit sa halip ay nagpapanumbalik ng sigla at nagdudulot dito ng bagong buhay.

Ito ang ating tungkulin sa ngayon, para sa karagatan at ekosistema ng ating panahon. Ito ang panawagan ng KPML. Huwag ding gawing basurahan ang ating karagatan, bagkus atin itong pangalagaan.

Pinaghalawan:
https://worldoceanday.org/
https://www.un.org/en/observances/oceans-day
https://en.wikipedia.org/wiki/World_Oceans_Day

Walang komento: