PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL DAY OF FAMILY REMITTANCES
Hunyo 16, 2022
Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa International Day of Family Remittances tuwing Hunyo 16 taun-taon. Sinasabing binubuhay ng remittances mula sa mga OFW (overseas Filipino workers) ang ekonomya ng bansa, kaya binansagang makabagong bayani ang mga OFW, kahit sila'y nagpapaalipin sa ibang bansa para lang magkaroon ng ginhawa ang kanilang pamilya sa Pilipinas.
Ang International Day of Family Remittances (IDFR) ay pinagtibay ng United Nations General Assembly at inaalala tuwing ika-16 ng Hunyo. Kinikilala ng IDFR ang higit sa 200 milyong migranteng manggagawa, kababaihan at kalalakihan, na nagpapadala ng pera pauwi sa mahigit 800 milyong miyembro ng pamilya. Higit na itinatampok ng araw na ito ang mahusay na katatagan ng mga migranteng manggagawa sa harap ng mga kawalan ng katiyakan sa ekonomiya, mga kalamidad na nauugnay sa kalikasan at klima at isang pandaigdigang pandemya. Ang IDFR ay kinikilala na ngayon sa buong mundo at isa itong pangunahing inisyatiba sa Global Compact para sa Ligtas, Maayos at Regular na Migration (Layunin 20), na humihimok ng pagbawas sa mga gastos sa paglilipat at higit na pagsasama sa pananalapi sa pamamagitan ng mga remittance.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang nasa 1.77 milyon ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) o manggagawang Pilipino na nagtrabaho sa ibang bansa noong Abril hanggang Setyembre 2020. Ang mga Overseas Contract Workers (OCWs) o may mga kasalukuyang kontrata sa trabaho ay binubuo ng 96.4 porsyento o katumbas ng 1.71 milyon ng kabuuang OFW sa parehong panahon. Ang ibang OFW na nagtrabaho sa ibang bansa nang walang working visa o work permit tulad ng turista, bisita, estudyante, medikal, at iba pang uri ng non-immigrant visa ngunit kasalukuyang nagtatrabaho at nagtatrabaho ng full time sa ibang bansa ay may 3.6 porsiyentong bahagi.
Mahalaga ang ipinadadalang pera mula sa ibang bansa o remittance para sa pamilyang Pilipino. Para sa KPML, ang mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa ay nagsasakripisyo, di lang para sa pamilya, kundi buhayin ang ekonomya ng ating bansa. Nagpapaalipin sa hindi nila kalahi kapalit ng dolyar o dinar. Pinatutunayan nila, na hindi kapitalista, kundi manggagawa ang talagang bumubuhay ng ekonomya ng bansa.
Pinaghalawan:
https://www.un.org/en/observances/remittances-day
https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/survey-overseas-filipinos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento