Sabado, Hunyo 4, 2022

Pahayag ng KPML sa International Day of Innocent Children Victims of Aggression

PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL DAY OF INNOCENT CHILDREN VICTIMS OF AGGRESSION
Hunyo 4, 2022

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa paggunita sa International Day of Innocent Children Victims of Aggression tuwing ika-4 ng Hunyo taun-taon.

Noong ika-19 ng Agosto 1982, pinagtibay ng United Nations General Assembly(UNGA) ang resolusyon na A/RES/ES-7/8 sa panahon ng emerhensiyang espesyal na sesyon nito sa usapin ng Palestine at ipinahayag ang ika-4 ng Hunyo ng bawat taon bilang ang International Day of Innocent Children Victims of Aggression. Pinagtuunan ng pansin ng araw na ito ang mga biktima ng Digmaan sa Lebanon noong 1982 at pag-alala sa mga batang Palestino at Lebanes na biktima ng agresyon o pananalakay ng Israel.

Ang layunin ng araw ay kilalanin ang sakit na dinaranas ng mga bata sa buong mundo na biktima ng pisikal, mental at emosyonal na pang-aabuso. Ang araw na ito ay nagpapatibay sa pangako ng UN na protektahan ang mga karapatan ng mga bata. Ang gawain nito ay ginagabayan ng Convention on the Rights of the Child, ang pinakamabilis at malawak na pinagtibay na internasyonal na kasunduan sa karapatang pantao sa kasaysayan.

Kaya kami sa KPML ay nagpapatuloy sa aming tungkulin na protektahan ang mga bata at ma-enjoy nila ang pagiging bata, na naglalaro, nag-aaral, at lumalaki sa maayos na kapaligiran. Gabay namin ang Convention on the Rights of the Child na lumabas noong 1989.

Pinaghalawan:
https://www.un.org/en/observances/child-victim-day
https://affairscloud.com/international-day-of-innocent-children-victims-of-aggression-2022-june-4
https://www.ohchr.org/en/instruments-mechanisms/instruments/convention-rights-child

Walang komento: