Martes, Hunyo 14, 2022

Pahayag ng KPML sa World Blood Donor Day

PAHAYAG NG KPML SA WORLD BLOOD DONOR DAY
Hunyo 14, 2022

ANG PAGBIBIGAY NG DUGO AY PAKIKIPAGKAISA
NA SA NANGANGAILANGAN NG DUGO’Y MAHALAGA!
MAGBIGAY NG DUGO AT ILIGTAS ANG BUHAY NG ATING KAPWA!

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa World Blood Donor Day (World Health Assembly Resolution 58.13).

Ang World Blood Donor Day ay ipinagdiriwang sa buong mundo tuwing ika-14 ng Hunyo upang itaas ang kamalayan tungkol sa pangangailangan ng ligtas na dugo at mga produkto ng dugo upang magligtas ng buhay. Ang araw ay isa ring pagkakataon upang pasalamatan ang mga kusang-loob, hindi nababayarang mga donor ng dugo para sa kanilang nagliligtas-buhay na inalay na dugo.

Sa ating bansa, ang National Blood Services (NBS) ng Philippine Red Cross ang isa sa mga pangunahing tagapagbigay ng dugo at mga produkto ng dugo sa bansa. Ito’y patuloy na naghahatid ng sapat, ligtas, at de-kalidad na suplay ng dugo sa mga pinaka-bulnerableng sektor. Ngayong taon, nakakolekta na ang PRC ng 159,686 blood units at nakapagbigay ng 169,799 blood units sa 96,567 na pasyente. Ang dugo at mga produkto ng dugo ay mahahalagang mapagkukunan para sa epektibong pamamahala ng kababaihang dumaranas ng pagdurugo na nauugnay sa pagbubuntis at panganganak; mga batang dumaranas ng matinding anemia dahil sa malaria at malnutrisyon; mga pasyente na may sakit sa dugo at utak ng buto, minanang karamdaman ng hemoglobin at kondisyon ng immune deficiency; biktima ng trauma, emerhensiya, sakuna at aksidente; pati na rin pasyenteng sumasailalim sa advanced na medikal at surgical procedure.

Ang pangangailangan para sa dugo ay pangkalahatan, ngunit ang pag-akses sa ligtas na dugo at ligtas na mga produkto ng dugo para sa lahat ng nangangailangan nito ay hindi ganoon kadali.

Pinaghalawan:
https://www.who.int/westernpacific/news-room/events/detail/2022/06/14/western-pacific-events/world-blood-donor-day-2022
https://redcross.org.ph/2022/06/15/world-blood-donor-day-2022-ph-red-cross-still-one-of-the-countrys-major-blood-suppliers/
https://caro.doh.gov.ph/today-is-world-blood-donor-day/

Walang komento: