Linggo, Hunyo 5, 2022

Pahayag ng KPML sa World Environment Day

PAHAYAG NG KPML SA WORLD ENVIRONMENT DAY
Hunyo 5, 2022

Taas-kamaong pagpupugay ang aming ipinaaabot mula sa Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa lahat ng nakikiisa sa pagdiriwang ng World Environment Day o Pandaigdigang Araw ng Kapaligiran tuwing Hunyo 5 taun-taon.

Ang World Environment Day (WED) ang isa sa pangunahing daluyan ng iba’t ibang bansa sa mundo hinggil sa kamalayan at pagkilos para sa pangangalaga ng kapaligiran. Una itong ginanap noong 1973, ito ay naging isang plataporma para sa pagpapataas ng kamalayan sa mga isyu sa kapaligiran tulad ng marine pollution, overpopulation, global warming, sustainable development at wildlife crime. Ang World Environment Day ay isang pandaigdigang plataporma para sa publiko, na may partisipasyon mula sa mahigit 143 bansa taun-taon. Bawat taon, ang programa ay nagbibigay ng tema at forum para sa mga negosyo, non-government organizations, komunidad, gobyerno at celebrity para itaguyod ang mga layuning pangkalikasan.

Sa ating bansa, maraming batas na hinggil sa kapaligiran ang naisabatas, tulad ng Environmental Impact Assessment Law (PD 1586), Toxic Substances And Hazardous Waste Management Act (RA 6969), Clean Air Act Of 1999 (RA 8749), Ecological Solid Waste Management Act (RA 9003), Clean Water Act (RA 9275), Environmental Awareness And Education Act Of 2009 (RA 9512). Nawa ang mga ito ay mabasa ng ating mamamayan, guro at estudyante, at maipatupad din ng pamahalaan.

Kami sa KPML ay patuloy sa aming edukasyon sa aming mga kasapi hinggil sa usaping kalikasan, kahit na ang simpleng pagbubukod ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok, paggawa ng ekobrik hinggil sa basurang plastik, paggawa ng yosibrik upang anong dapat gawin sa mga nagkalat na upos, paglahok sa mga pagkilos hinggil sa usaping klima, na dapat ang pag-iinit ng mundo ay masawata at hindi na umabot pa sa 1.5 degri Celsius pa nap ag-iinit. Hanggang ngayon, patuloy ang KPML sa pagtalakay sa usaping kapaligiran para sa kinabukasan ng ating mga anak, apo, at sa mga susunod pang henerasyon.

Pinaghalawan:
https://www.un.org/en/observances/environment-day
https://en.wikipedia.org/wiki/World_Environment_Dayhttps://dilg.gov.ph/events/Philippine-Environment-Month/576

Walang komento: