Linggo, Hunyo 5, 2022

Pahayag ng KPML sa International Day for the Fight against IUU Fishing

PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL DAY FOR THE FIGHT AGAINST ILLEGAL, UNREPORTED AND UNREGULATED FISHING 
Hunyo 5, 2022

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa International Day for the Fight against Illegal, Unreported and Unregulated Fishing (A/RES/72/72).

Ayon sa UN Food and Agriculture Organization (FAO) ang mga IUU (Illegal, Unreported and Unregulated) na pangingisda ang dahilan ng pagkawala ng 11–26 milyong tonelada ng isda bawat taon, na tinatayang may pang-ekonomiyang halaga na US$10–23 bilyon. Upang mabawasan ang epektong ito, ang Target 4 ng Layunin 14 ng Sustainable Development Agenda na pinagtibay noong 2015 ng UN General Assembly, ay partikular na hinihimok ang internasyonal na komunidad na "epektibong ayusin ang pag-aani at wakasan ang labis na pangingisda, ilegal, hindi naiulat at hindi kinokontrol na pangingisda at mapanirang mga kasanayan sa pangingisda" hanggang taon 2020.

Ayon sa pananaliksik, sa Pilipinas, ang marine biodiversity loss at fisheries ay may malaking epekto dahil ang isda ay nagbibigay ng higit sa 50 porsiyento ng dietary protein at nagsisilbing mahalagang pinagkukunan ng nutrients. Tinatayang 1.7 milyon na maliliit o munisipal na mangingisda ang pinakamahihirap sa mundo — apat sa sampung mangingisdang Pilipino ang nabubuhay sa ilalim ng antas ng kahirapan, na kumikita lang ng humigit-kumulang $4/araw (PHP195/araw).

Kaya ang panawagan ng KPML, lalo na sa kapwa maralita, i-report natin ang mga alam nating ilegal na gawain, upang masawata ang ganyang operasyon, at makinabang naman ang kapwa natin maralita.

Pinaghalawan:
https://www.un.org/en/observances/end-illegal-fishing-day
https://biodiversitylinks.org/projects/mission-projects/illegal-unreported-and-unregulated-iuu

Walang komento: