Linggo, Hunyo 12, 2022

Pahayag ng KPML sa World Day Against Child Labor

PAHAYAG NG KPML SA WORLD DAY AGAINST CHILD LABOR
Hunyo 12, 2022

Taaskamao, muli at mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa World Day Against Child Labor. 

Ayon sa International Labor Organization (ILO), ang tema ngayong 2022 ay "Universal Social Protection to End Child Labour" o  Pangkalahatang Proteksyon sa Panlipunan upang Wakasan ang Maagang Pagtatrabaho ng mga Bata. Sa araw na ito, ang ILO, kasama ang mga nasasakupan at mga kasosyo nito, ay nananawagan para sa mas mataas na pamumuhunan sa mga sistema ng panlipunang proteksyon at mga iskema upang magtatag ng matatag na mga hakbang na proteksyong panlipunan at protektahan ang mga bata mula sa child labor. 

Ang panlipunang proteksyon ay parehong karapatang pantao at isang mabisang tool sa patakaran upang pigilan ang mga pamilya sa paggamit ng child labor sa oras ng krisis. Gayunpaman, noong 2020 at bago humawak ang krisis sa COVID-19, 46.9 porsyento lamang ng pandaigdigang populasyon ang epektibong nasakop ng hindi bababa sa isang benepisyo sa proteksyong panlipunan. Ang saklaw para sa mga bata ay mas mababa pa. Halos tatlong quarter ng mga bata, 1.5 bilyon, ay walang panlipunang proteksyon.

Isa ang KPML sa may programa para sa mga bata. Sa katunayan, naglabas ng Agenda ng mga Bata at Kabataang Manggagawa ang KPML noong 2009. Nais din naming ipaalala sa pamahalaan, lalo na sa mga awtoridad ng batas, ang Convention on the Rights of the Child ng United Nations (UNCRC) bilang salalayan at gabay nila sa pagtrato sa mga bata. Narito ang Agendang inilabas ng KPML noong 2009. Dito’y inilahad ang mga adyenda hinggil sa: Karapatang Mabuhay at Umunlad, Karapatang Makilahok, Karapatang Maproteksyunan, at Anong Pinakamabuti para sa mga Bata. Sa ngayon, patuloy pa rin ang KPML sa pagtataguyod ng karapatan ng mga bata at kabataan upang maiwasan na ang kanilang maagang pagtatrabaho sa murang edad, at mabigyan ng trabaho ang kanilang mga magulang na magtataguyod ng kanilang kinabukasan.

Pinaghalawan:
https://www.ilo.org/global/topics/child-labour/campaignandadvocacy/wdacl/lang--en/index.htm
https://www.facebook.com/pahayagngkilusan/photos/pahayag-ng-kpml-sa-world-day-against-child-laborhunyo-12-2019mula-kay-ka-pedring/1544248999042798/

Walang komento: